His Pussycat Dolls

2795 Words
Chapter Four His Pussycat Dolls     (Lexine’s POV)                    “Oo, siya nga raw ‘yon. Lagot talaga siya kapag nagkataon.               Nyah! Anong ako? Anong ginawa ko? Bakit, charged guilty na bang maging maganda at kaakit-akit ngayon? What did I do? Crap. Baka they are planning to assasinate me na. Ih. What did i do? >.asuk.]                    “Eh bakit mo nga ginawa?”                    “Nabu-bwisit nga ako sa letsugas na ‘yon! Ikaw ba naman ang pagpustahan para lang sa isang—waaaaaaaaah!”               Anak ng kalbong bakla! Nilagyan nila ng ipis ang drawer ko! O_______O;                    “Alisin n’yo ‘to! Uwaaaaaaaa! I swear I’m gonna make them pay!”               Tawa ng tawa ang mga nasa loob ng campus catch while yung isa eh inilalabas ang mga ipis sa drawer ko. Pakinshet! Di na talaga ako natutuwa. Even at campus catch hindi pa rin ako safe?   xxxOxxx   (Bryce’s POV)                      “Honey, what do you want me to do with her?”               Napahinga ako ng malalim. Tatlong subjects na ang napapalipas ko pero wala pa rin akong ganang pumasok. Nakakailang round na kami ng magandang dilag na katabi ko ngayon sa kama pero wala pa ring gana. I swear hindi ko alam kung anong problema ng katawan ko. Ayaw mag-process.               Jelo calling…                    “Jc.” Sinagot ko ang tawag.                    “Hindi ka ba papasok? May practice tayo mamaya baka nakakalimutan mo.”               Napabuntong hininga ako. Masyado nang mabigat ang dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit.                    “Baka pumasok ako. Hindi ko pa alam.”                    “May ginagapang ka, noh?”               Tss. Alam na alam. -_____-   xxxOxxx   (Lexine’s POV)                 Sinong mag-aakalang ako si Lexine Gonzales ng ganitong ayos? Anak ng pinurgang pagong! Una, yung flour. Pangalawa ipis. Pangatlo yung putik na parang gusto akong gawing baboy ramo. Pang-apat yung linta. Tapos ngayon charcoal naman? Ay bongga, ano na ba itsura ko ngayon?                    “Waaaaaaaaaaaaah! Multo! Bakit may gusgusing multo sa salamin?”                    “Gaga!” binatukan ako ni Sheena pagkatapos ay iniharap muli sa salamin.                    “Nyah? Bakit katabi mo na ang multo, Sheena?”                    “Ano ka ba, Ate! Ikaw ‘yan syonga!” sabay batok ulit.               Wow grabe. Ako ‘yan? Parang isa lang akong marsh mallow na sinawsaw sa maraming dip at hindi maintindihan kung anong itsura. Takte. Kailangan ko nang maligo. Kaso kapag naligo naman ako at lumabas ulit, mas lalo lang malala kasi bubuhusan na naman nila ako ng kung anu-ano.                    “Ano ba naman kasi ‘yang gulong pinasok mo, Ate, eh. Hindi mo pa ba kilala hanggang ngayon ‘yang si Kuya Bryce at feeling mo safe ka pa din eh balwarte niya ‘tong tinutuntungan mo.”                    “Wala akong pakialam kung balwarte niya. Hindi niya ako pwedeng kantiin, noh. Kung ang iba pumapayag, nako ibahin niya ako. Hindi ako papayag na ganun-ganunin lang niya. Hadhad niya!”                    “Oh sige bahala kang tumakbo d’yan mag-isa mo.” Sabay layas.               Buset iniwan ako? o____O               Kumuha ako ng maraming-maraming tissue at ipinunas iyon sa mukha ko at sa mga parteng dapat punasan. Pati ang jeans ko eh mantsado ng putik. Aisht! Ang hirap labahan nito.               Lumabas na ako ng banyo. Naghanap ako ng pwedeng pagtaguan. Saktong nakasalubong ko si Bryce na napapaligiran ng mga babae niya. Buti na lang may hallway doon kaya nakapagtago ako. Naririnig ko pa silang nagtatawanan. Bumuntong hininga ako. Kumukulo talaga ang dugo ko sa kanya.     ♫♪Yes, I’m a princess Little did they know I need a life to grow I don’t care is what they can say Judging me is an ABC So I must let it be Be a heartless princess, a heartless princess ♫♪                 Letsugas na cell phone ‘to oh. Ngayon pa umepal, eh.  -____-               Heartless princess. Kahit pa napapangiti ako kapag naririnig ko ang kantang ‘yan, hindi pa rin nawawala ang kamalasan ko ngayong araw, noh. Napahinto pa nga ang pussycat dolls ni Bryce at pati na rin ang mokong. Napatay ko naman kaagad ang phone pero feeling ko mas mukhang kahina-hinala yung ginawa ko, eh.                    “Sino ba ‘yon?”                    “Baka fan lang ng Danger.”                    “Iskandalosa ang phone.”               Mga buset na mga ‘to. Ang ganda-ganda ng ringtone, eh. Gusto n’yo yata ng gyera, eh. Anyway tumuloy na sila sa paglalakad. Pero nakita kong luminga-linga pa si Bryce bago siya hatakin ng mga babae niya.               Nakalabas ako. Sinagot ko ang tawag. Si Vince lang naman pala.                    “Ano ba ‘yon?” -_____-++                    “Maniningil. Nasa’n ka ba? Bakit wala ka sa ASUCC?”                    “Kakabilang mo ng pera mo nahuhuli ka na sa balita. Di mo ba alam? Most wanted ako ng Ashton ngayon.”                    “Alam ko ‘yon.” Alam pala, eh. -____- “Pero hindi naman ‘yon ang tanong ko, eh.” *tut tut tut tut*               Binabaan ako? O.O                    “Hoy!”                    “Ay atsarang cheez whiz!” O____O               Tingin sa likuran. Luwa eyeballs. Iwas tingin. Tingin ulit. Hagod pababa hanggang paitaas. Tuktok sa ulo. Buset. Si Vince lang pala. -_____-++                    “Bakit ka ba nanggugulat?”             Tumawa siya.                    “Anong lasa ng atsarang cheez whiz? Teka. Halika.”               Walang paalam na hinila niya ako. Umakyat kami sa pagkahabang hagdanan.  Alam kong ang labas namin ay roof top na kaya hindi na lang ako pumalag. Isa pa kailangan ko rin namang magpahinga, noh. Kanina pa ako kinukuyog ng mga fans ni Bryce, eh.               Walang tao sa roof top. Malay ko kung bakit laging walang tao doon eh sa tingin ko naman ang daming nagagawi do’n kapag napapadaan ako lagi sa hagdanan.                    “Bakit mo ba kasi ginawa ‘yon?” sabay abot ng panyo.                    “H’wag na. Baka may bayad ‘yan.”                    “Hindi, sige. Mura lang naman ‘yan. Yung mga tagte-ten pesos sa tyangge.”               Letsugas. -_____-               Kinuha ko na. Mukha naman siyang sincere, eh. Pinunasan ko ang mukha ko. Pati buhok ko inayos ko na rin ang pagkakatali. Grabe. Kinain na yata ng lupa si Lexine. Ano bang nangyayari sa akin?                    “So bakit mo nga ginawa?” tanong na naman niya ulit. “Hindi mo ba alam kung gaano kamahal ang Lambhorgini na ‘yon? Isa pa sinong matinong babae ang gagawa no’n? Umayos ka nga.”                    “Uwaaaaaaaa!” T^T                    “Tsk! Di ko sinabing ngumawa ka!”               Si Vince? Gwapo siya. Gwapo period. Kumbaga siya yung perfect example ng tall, dark and handsome. Hindi po handsama. -_____- Di katulad ni Bryce na akala mo pinaglihi sa kano kaya nagkaganon ang itsura. Bwahaha. Di kaya naghihinala sina Tita Pie at baka ampon ‘yon?                    “Pinapayagan kitang gawin ang lahat ng gusto mo pero hindi kita pinayagang babuyin ang sarili mo ng ganito. Why are you letting this happen, Lex?”                    “Eh kasi mas feel kong normal ako kapag ganito.”               Nyahaha. Ashton University: Ang pugad ng mga babaeng hindi normal. ^O^                    “So really, nakakailang tanong na ako. Bakit mo ginawa?”                    “Kumukulo ang dugo ko sa kanya, eh. Alam mo ba pinagpustuhan nila ako nung bano niyang ka-team mate. Kainis. Para lang ba sa isang lambhorgini ang beauty ko? Cheap, ah!”                    “Anong balak mo? Paano ka lulusot d’yan?”                    “Di ko pa alam, eh. Patayin ko na lang kaya si Bryce? Tama. Ipapapatay ko siya kay Bogard.” >:3               Si Bogard nga pala? Uh…next time ko na lang ipakilala. v^O^v                    “That’s a crime. Gusto mo bang makabangga ang buong Rayven Clan kapag ginalaw mo ang mga sakop ng pamunuan nila?”               Wow. Queen Seon Deok itetch? Pamunuan daw?                    “Di ka naman mabiro oh. Bakit ko naman gagawin ‘yon? Ayokong madungisan ng berdeng dugo ni Bryce ang mga precious kong hands, noh. Masyadong cheap.”                    “Puro ka cheap. Magbayad ka ng utang mo.”               Enk! =_____=   xxxOxxx     (Bryce’s POV)                 Kanina ko pa hinahanap si Lexine. Magso-sorry na sana ako.  Kaya lang nawawala naman sa classroom. Sinilip ko sa ASSUC pero wala din doon. Ayoko namang itanong at baka intrigahin pa ako.                    “Annual ang celebration ng Music Club para sa music week. Kailangan okay tayo do’n.”                    “De okay tayo. H’wag na lang nating abalahin sina Jc kasi semi finals na, di ba? Si Ana naman anytime ‘yon, eh.”                    “Bryce, okay lang?” narinig ko si Finn.                    “H-Huh?” ??___??                    “Ano bang iniisip mo d’yan at hindi ka nakikinig sa amin?” nakataas ang kilay na pagtataray ni Mada.                    “Wala, wala. Ano ngang sinasabi n’yo?” tanong ko. Hindi ko kasi talaga sila naintindihan kanina.                    “Sabi ko yung annual celebration ng music club para sa music week. Kung magpa-participate tayo o hindi. Palagay ko kasi walang hahatak do’n, eh.”               Si Mada? Member siya ng music club. Next week na rin nga pala ang annual music week nila kaya inaasikaso nila ni Finn ang mga budget para sa magiging celebration sa school. Di ko nga alam kung ano na naman bang pakulo nila, eh. Basta lagi silang kumukuha ng magpe-perform sa auditorium. Madalas mag-volunteer doon ang Danger. Dati ang 3END. Kaya lang wala na yata yung leader nila kaya hindi na sila active.                    “Edi tayo. Subukan n’yo rin ang 3END.”                    “Pre, wala nang 3END. Graduated na ang leader no’n last month, eh.” sabi ni Jc. “Baka tayo na nga lang talaga ang magpe-perform.”                    “Okay lang.” was my answer.               Nagkibit sila ng balikat at tumango-tango. Tumayo na ako para hanapin ulit si Lex. Kung bakit ko nga ba naman kasi pinag-aaksayahan ng panahon ang babaeng ‘yon, eh. -____-               Nakita ko siya sa may garden. Natigilan ako sa nakita ko.   xxxOxxx   (Lexine’s POV)                 Tama ba namang ilampaso ang mukha ko sa kalsada? Argh! Kaya lang bago ko sila maupakan eh to the rescue ‘tong si Bryce na halos ipagbalibagan ang mga babaeng nakaharang sa dadaanan niya.                    “Ano ba! Ba’t n’yo siya sinasaktan?” sigaw niya habang bumabangon ako sa pagkakasaplak ng mukha ko sa sahig.                    “K-Kasi…di ba, Bryce, sinira niya ang kotse mo?”                    “Oo nga.” Panegunda ng isa. “May atraso siya sa’yo.”                    “And she even said stuffs to you!”                    “Normal ‘yon.” Seryosong sabi ni Bryce. “Only those who are dear to me can ever do that. H’wag kayong makialam dahil wala naman kayong alam sa nangyayari.”               Wow. Kinalaban niya ang mga pussycat dolls niya? Pero kahit na. The damage has been done. T^T               Pagkaalis nila umalis na rin ako. Di napansin ni Bryce kasi nga…let’s face it, pandak ako. =_____= Kaya madali lang akong mag-disappearing act. Peste kasi. Bakit hindi ako matangkad?               Nadaan ako sa auditorium. May panget kasing tunog akong naririnig. Peace sa nagpapatugtog no’n pero panget talaga. Hindi ko makuha ang tono. Sino bang nakanta at parang sumesegwey yung blending? O___O                    “Excuse me. Ano bang meron?” tanong ko sa mga nakaupo sa front seat.                    “Audition ‘to. Para sa new leader ng 3END. You wanna join?”               Aba’y bongga. Akala ko dati ang auditon sa members lang. Nagpapa-audition din pala sa leader?               Ngumiti lang ako tapos umiling. Naupo ako sa tabi nung tatlong babae. Palagay ko sila ang nagpapa-audition. Ih teka. Ano ba yung 3END? Grupo ng ano ‘yon? Mixed? Pure girls, pure boys? Sing and dance? Classical? Hiphop? Daming tanong, noh? -_____-               Kyaaaaaaaaaah! Kinanta nung isang contestant yung Super Bass kaso hindi niya nakayang mag-rap. Bastos. Iniwan lang. Ako na nga lang ang mag-rap. Bwahaha.     “This one is for the boys in the polos entrepreneur niggas in the moguls He could ball with the crew he could solo  But I think I like him better when he dolo And I think I like him better with the fitted cap on  He ain’t even gotta try to put the mac on He just gotta give me that look, when he give me that look Then the panties commin’ off off uh Excuse me you’re a hell of a guy  You know I really got a thing for American guys I mean sigh Sickenin’ eyes I can tell that you’re in touch with your feminine side Yes I did, yes I did, somebody please tell him who the eff I is I am Lexine and I mack them dudes up, back coupes up and chuck the deuce up Boy you—”                    “Sandali, stop the music!”               Bastos. Feel na feel ko pa man din, eh. Tamang ipatigil? =_____=                    “H-Hi, ako nga pala si Glam, sila naman sina Tryx and Dea.” Nag-abot siya ng kamay na kinuha ko naman.                    “Lex.” Matipid kong pagpapakilala.               Mahirap na, noh? >.<                    “Uhm…ano kasi…we’re just thinking…”                    “Ang bagal, Glam. Lex, we’re thinking if interested kang sumali sa grupo namin? You’ll be the new leader. At kasi…”                    “Mabagal ka rin, eh. Feel namin ang talent mo, girl. If sana…”               Nakakaloka sila. -____-++
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD