Hatchu!
Chapter One
Hatchu!
(Bryce’s POV)
“Gusto mo bang bangasin ko ang mukha ng nagsulat n’yan?”
Tinignan ako ni Ana ng mabuti. Wala siyang reaksyon. Naku lagot. Sana h’wag siyang pumayag. Ayokong magasgas ang gwapo kong mukha. T^T
Tapos bigla akong hinampas ng dyaryo.
“Ang syonga mo, noh? Ni hindi nga natin kilala kung sino ‘yang nagkakalat ng mga issue na ‘yan tapos mambubugbog ka pa. Gusto mong ma-issue din? Gusto mo yata, eh. O sige na puntahan mo na sa campus catch.” Sabay tulak sa akin patayo.
Ang sadista talaga. =_____=a
Napapaisip ako. Sino nga kaya ang posibleng makakuha ng mga ganyang impormasyon? Itong huli, sobrang laki ng pinasabog nila. I-reveal ba namang battered girlfriend ni Xanderone si Ana dati, eh. Which is true pero paano nila nakuha ‘yon? Iilan lang naman ang nakakaalam nu’n, eh. Mapuntahan nga mamaya at nang malaman.
xxxOxxx
(Lexine’s POV)
“Haaaaaaaaaatchu!”
“Bless you, Lex.” Sabay na sabi nila Boss B1 at Boss B2 sa akin habang parehong nakaharap sa computer.
Bigla akong kinabahan. What’s up with that sneezing eh ang init-init ng panahon? Weh? Hindi naman kaya pinag-uusapan ako ng kung sino? Iba na talaga kapag maganda. (~~,)
“Oy, Lex, boyfriend mo oh.”
Napatingin ako sa may pintuan. Siya na naman. -_____-
“Hep! D’yan ka lang! Isinumpa ang kwartong ‘to ngayon at ang sinumang pumasok na hindi taga-dito ay mamalasin ng bonggang-bongga at maghihirap hanggang kamatayan. Hindi ka rin magkaka-girlfriend ng forty five years at magkaka-ketong ka! Tutubuan ka rin ng kawayan sa tutut and for consolation, may cactus du’n sa harap. ”
Iwness. =_____=”
“Pwede ba, bumenta na sa akin ‘yang mga ganyan mo. Magbayad ka ng utang.”
Uwaaaaaaaa! Bakit ba ang hirap-hirap lumusot sa kanya? Ang yaman-yaman niya tapos kung makapaningil siya akala mo may utang siya sa isang loan shark. Bwisit na buhay ‘to oh.
“Vince, please spare me.” T^T “Wala pa akong pera, eh. Promise magbabayad ako bukas. Promise ‘yan. Please.” *teary puppy eyes*
Dire-diretso siyang lumapit sa table ko at naghalungkat. Hala, hala. Uwaaaaaaa! Ayan na naman siya! Bumbay ba ‘to at ganito kung makapaningil? Hindi naman siya mukhang bumbay. Aisht! -____-
“O-Oy! H’wag ‘yan!”
Kinuha lang naman niya ang laptop ko. (,--)
Inagaw ko sa kanya ‘yon. Hinihila niya. Potek ‘yan. Tao ba ‘to? Bakit ang lakas niya?
“Viiiiince! Bitaw na!” ToT
“Ayoko! Bitawan mo ‘yan! Malaki rin ‘to kapag ibinenta!”
“Mukha kang pera! Magbabayad naman ako, eh! Look there! May ibon! Ay! Si Superman ata ‘yon!”
Hinatak niya sa akin. Sa sobrang lakas muntik akong sumubsob sa kanya pero hawak ko pa rin ang kabilang side ng laptop.
“Anong si Superman? Hindi na sabi bebenta sa akin ‘yan, eh. Bitawan mo na! Masisira pa ‘to, eh!”
“Ikaw ang bumitaw. Please naman, Vince, h’wag ang laptop ko. Sakloloooo! T^T Magbabayad ako, magbabayad ako! Bitaw na!”
Para na kaming tanga na naghihilahan. Ni hindi ko na nga alam kung may nakakapanood ba sa ginagawa namin. Hobby na yata niya ang kunin lahat ng gamit ko tuwing hindi ako nakakabayad ng utang sa kanya. Jusmiyo naman. Ano bang kasalanan ko sa mundo at nangyayari ang ganito?
“May naghahanap sa’yo, oh!” sigaw ko para makuha ang atensyon niya. Ni hindi man lang humina ang grip sa lappy ko.
“Sinabi nang walang talab sa akin ‘yan, eh!”
“Look! There’s a…there’s a…” ano pa ba? o.O??
“There’s a star!”
Ooops! Di ako ‘yon, ah. Kaso wala na akong pagkakataong tignan dahil sa pakikipaghilahan ko sa asal bumbay na ‘to. Anak ng magulang niya! Kailan ba matatapos ‘to?
“Akin na ‘to!” sigaw pa rin niyang hinahatak ang laptop palayo sa akin.
“Anong iyo? Akin ‘to! Magbabayad ako h’wag mo lang kunin ‘to!”
“Hoy! Ano ba itigil n’yo na ‘yan! Hindi na kayo nahiya sa bisita natin.”
Tadyakan ko kaya si bakla. Kita nang nanganganib ang laptop ko iintindihin ko pa ba naman ang kung sinong ponsyo pilatong pumasok sa campus catch? -____-++
“Sa’yo na nga.” Sabay bitaw.
Pagka-effort ko pa namang humila tapos bibitawan lang. Buti na lang lumanding ako sa swivel chair. Ay kaloka. =____=
“Idol mo oh.”
Eh? O_____O
“Asan asan?”
Tumuro si Vince sa pintuan. Nakatayo lang siya doon at sa akin—SA AKIN siya nakatingin. Lahat ng nasa campus catch nang mga oras na iyon ay nagtinginan sa akin. Pakiramdam ko pinatay ko si Jose Rizal. Pakiramdam ko ako ang kumatay kay Magellan nang mga oras na iyon.
What have I done?
xxxOxxx
“Akala ko ba idol mo ‘yon? Ba’t mo tinakbuhan?” usisa ni Sheena sa’kin habang naglalakad kami sa hallway.
Tinungga ko ang ibinigay ni Fu na mineral water. Grabe ang hingal ko kanina. Medyo humupa na lang ngayon kasi naglalakad na kami.
“Sheena, sinabi ko na ‘yan sa’yo, di ba? Idol ko siya kapag nasa stage. Idol ko silang lahat. I love Danger, ya’ know that.”
“Alam ko. Kaya ka nga nangutang kay Vince at kumukupit kay Mudra kasi ibinibili mo ng CD at tickets sa concerts nila. Oh eh bakit mo nga siya tinakbuhan? Don’t tell me inatake ka ng rare sickness mong pagka-shy kasi usually thick ka. Alam mo yown? Hanggang langit ang thickness mo, eh.”
Buset. Kapatid ko ba talaga ‘to? -____-
“Bastusan ‘to bastusan? Eh sa hindi nga kasi gano’n. Kinatatakutan ko na siya kapag individual na siya. Di na laglag ang panty ko kapag wala siya sa stage. Wala. Boring na siya.”
“Ay saveeeeeh?” tili ni Fu. “Ang bongga mo, teh! Bryce Soriano boring para sa’yo? Gusto mong kuyugin ka ng mga babae no’n?”
“Talagang kukuyugin ako kapag nagpatuloy ka pa sa kasisigaw mo d’yan!” -____-++
Tinakpan niya ang bibig niya at nagtuloy ulit sa paglalakad. Luckily wala namang nakarinig sa amin kaya payapa kaming nakaalpas hanggang sa locker hall.
“Hindi naman kaya may past kang galit do’n sa Bryce na ‘yon? Eh di ba galing kang America, girl? Kailan ka lang nag-transfer, ah.”
Bengga. Galing ni bakla.
“Uh-uh. Wala akong past sa kanya. Asaness. Di ako napatol sa walking one night stand.”
“Sinabi bang may past ka SA KANYA? Ang sabi ni Fu past na galit. Bingi o assuming?”
Papatayin ko na talaga ‘tong kapatid ko. Nakakailan na, eh. -____-++
“Edi wala. Ang dali-dali ng sagot, eh.” baklasin ko ngipin mo, eh.
Nag-shrug silang dalawa saka kami naghiwalay dahil malayo ang locker nila sa locker ko. Ito na naman kami ng locker kong kay galing magpadagdag ng bad trip. Kailangan ko na namang pukpukin ng pukpukin para lang mabuksan. Kaso gaya ng madalas na mangyari, sinisipa ko na pero ayaw pa rin.
“Hindi ganyan. Parang tao lang din ‘yan, dapat nilalambing para sumunod.”
O______O
(_ _)
Bigla na lang bumukas ang letsugas kong locker nang siya ang humila. Anak ng nakaimbento ng milagro, galing talaga ng kamay nitong hayup na ‘to. Pati matigas na ulong locker nabubuksan.
“No thank you?”
Nagpatulong ba ako? (,--)
“Teka oy!”
Nahila niya ang hood ng suot kong jacket nang magtangka akong tumakbo. Ang galeng. -____-
“Isa! Bumitaw ka!”
“Kanina ka pa tumatakbo, eh! Ano bang problema mo?”
“Ayokong mahawa ng STD sa’yo!”
“Wala akong STD!”
“De aids!”
Nahawakan niya ang balikat ko kahit naglilikot ako. Mahirap talagang pandak. Argh! Yao Ming pengeng height! T^T Sapilitan niya akong hinila paharap. Nakikita ko na ngayon ang mga mata niyang parang pininturahan lang ng dagat. Waaaaaaah! Nang-se-seduce siya oh!
“Lex! Ay pogi!”
Wengyang bakla ‘yan kung umeksena naman oh. -____-
“Psssst! Oy ano ‘yan, tsansing? Bitawan mo Ate ko.” sabay palis ni Sheena ng kamay ni Bryce. “Sa akin ka na lang tsumansing hindi pa bawal.”
Enk! =_____=”
“Landi mo oy. Tara na nga. May klase ka pa.”
“Sandali lang, Lexine, seven AM pa lang.”
Wapak. Tinawag akong Lexine. O_____O”
“Dahil d’yan lalong walang kakausap sa’yo.” Tapos takbo. Nyahaha. Ipinanganak yata ako sa race track, noh.
xxxOxxx
(Bryce’s POV)
“Bryce, may problema?”
Parang wala akong narinig. Meron naman talaga. Mahirap lang sagutin ang tanong. Kailan pa ba siya nandito? Parang noong isang taon lang sabi niya hindi daw siya susunod sa Pilipinas, eh. Anong ginagawa niya ngayon dito?
“Hoy.” Naramdaman ko na lang na sinisiko ako ni Jc. “Kanina ka pa natunganga d’yan. Magpa-practice ka ba o hindi?”
“Pre, naalala mo yung babae sa 7eleven sa Amerika? Yung tinapunan ako ng slurpee sa mukha?”
“Yung sinabihan kang walking one night stand? Oh anong meron?”
“Nakita ko siya kanina. Tell me, is it really possible to cross roads with that freak? I mean…” wow she’s a beautiful freak. “Tsk! Never mind.”
“Labo neto oh. Kung nakita mo yung babae de anong nangyari?”
Sasabihin ko ba sa kumag na ‘to ang nangyari? H’wag na lang kaya? Tatawanan lang ako nito, eh. Oo tama. H’wag na lang.
“Uy ano na?”
“Wala wala. Nakita ko lang siya, di ko na nilapitan baka mangagat, eh. Sayang naman ang ka-gwapuhan kapag naulit na naman ang nangyari noon.”
“Sabagay. Mukha ngang mailap ang babaeng ‘yon, eh. Mukhang hindi mo kayang kanain.” Sabay ngisi.
Binatukan ko si Jc.
“Sinong may sabing hindi? Kayang-kaya ko ‘yon. Ayoko lang.”
Naks yabang ko. Eh natakasan nga ako kanina. Potek ang bilis naman kasing tumakbo. Daig pa ng babaeng ‘yon ang kabayo kapag kumaripas na ng takbo, eh. Tsk. Paano ko kaya huhulihin ang kiliti ng babaeng ‘yon?
“Sige nga.” Nangungutyang nakatingin si Jc. “Pusta ko kotse ko. Akin ang lamborghini mo kapag hindi mo napasagot si 7eleven girl sa loob ng isang buwan.”
“Kaya ko ng dalawang linggo ‘yon.”
“Ows yabang! Sige dalawang linggo. Sabi mo ‘yan, ah.”
Patay kang bata ka. Paano na ‘to? Dalawang linggo daw. Lex, h’wag kang pipitik. Kailangang sumakay ka.
xxxOxxx
(Lexine’s POV)
“Haaaaaaaaaaaaatchu!”
“Bless you. Kanina pa ‘yan, ah. May sakit ka ba?”
Kinuskos ko ang ilong ko saka ko inayos ang mga papel na pinapa-print sa akin nila Boss. Katulong ko si Sheena since dismissal na nila.
“Hindi, wala. Feeling ko may bumabanggit talaga sa pangalan ko, eh. Sino bang nakakaalala sa akin? Lintik na ‘yan. Bahing tuloy ako ng bahing.”
“Asus. Layo naman ng narating ng bahing mo. Nabahing ka lang may umiisip na kaagad sa’yo. Imagination. Kumain ka na nga do’n.”
Psh. Lakas manlaglag. Supalpalin ko ‘to ng papel, eh.
Pero honestly, hindi ko talaga lubos na maisip kung bakit ako hinahabol nung walking one night stand na ‘yon. Mula pagkabata hinahabol na ako. Hanggang ngayon ba naman? Lakas! Tsk! Ilang buwan pa lang ako dito may iintindihing problema na kaagad ako? Naman, give me a break!
“Oy lunch na muna ako, ah.” Pagpapaalam ko kay Sheena. Ngayon palang ako magla-lunch, eh. >.“Bruised and battered by your words
Dazed and shattered now it hurts
Haven’t I always loved you?”
Di pamilyar ang kanta sa akin. Pero pamilyar ang boses. Sumilip ako sa auditorium. Nang makita ko siya, muntik na naman akong mahimatay sa sobrang admiration. Kung pwede nga lang eh hindi na siya umalis ng stage para forever na siyang admired by me.
“Haaaaaaaatchu!”
Napatakip ako sa bibig ko. Saktong napahinto rin siya sa pagtugtog. Letsugas na bahing ‘to. Makasibat na nga dito at baka mabuking pa ako.
Hihi. Bye-bye, Bryce. ^______^/