Chapter Two
Si 7 Eleven Girl
(Lexine’s POV)
“Ate, gising na! May interview ka pa, gumising ka na!”
Aaaaaaaack! Ayan na! Hinawakan na ni Zone baby ang kamay ko. Gosh! Hinaharana ako ni Finn! Waaaaaaah! Oh my I’m in heaven! Ang ga-gwapo nila! Grabe na ‘to. Si Nera binibigay ang microphone sa akin. Nananaginip ba ako? H’wag sana akong magising. *________*
“Ate! Gumising ka na sabi, eh!”
“Ay kamoteng bangag!”
Bumungad kaagad ang isang mukhang parang nilublob sa espasol pagdilat ko ng mata ko. Nanluwa ang eyeballs. Nahulog ako sa kama sa sobrang gulat.
“Aaaaaaaaaaaaaaah! Multo! Multong bakla!”
“Hoy gaga! Ako lang ‘to.”
O_______O (_ _) -_____-++
*boogsh! Plak! Boogsh! Plak!*
“Aray, masakit ‘yon, Ate. Ginigising ka lang kung makapanakit ka naman.” T^T
Tumayo ako at ibinalik ang composure sa kaluluwa ko. Buset na Sheena ‘yan. Ano ba naman kasing klaseng ritwal sa mukha ‘yang mga ina-apply niya. Chemicals. Lalong nakakapagpadumi sa mukha ‘yan. Madumi na nga nakakapanakot pa. Di kasi magpakasimple lang. =____=
“Uy magbihis ka na. Maaga pa ang interview n’yo, di ba?”
Lalo akong na-praning. May interview nga pala. Patay na. Anong oras nga ang deal time namin? Potek alas syete na!
“Teka di ba pwedeng si Fu na lang ang sumabak sa interview? I’m not ready ya’ know.”
“Si Fu nga ang camera man mo, di ba?” (-____-)
Oo nga pala. (●.●)
Agad-agad akong naligo at nagbihis. Pagbaba ko nasa sala na si Fu dala ang DLXR niya na nakasabit sa leeg niya. Hinatak ko siya palabas at pasakay sa motor ko. Tili siya ng tili nang magpaharurot ako. Mga bakla nga naman oh. Sakit sa tenga. -_____-
Pagdating sa school sinusundan ko lang siya. Hindi na kami dumaan sa Campus catch kasi baka masigawan lang kami nila Boss kapag nalaman nilang late kami. Kung hindi nga lang mala-tigre kung magalit ang dalawang ‘yon hindi ko naman gagawin ‘to, eh. Tinatakot lang ako kaya ako nasa Campus Catch ngayon. ToT
“Kasalanan mo ‘to, bakla, eh. Bakit kasi inako-ako mo pa ang interview? Wala namang talent fee ‘to. Psh.”
“Ano ka ba, bakla? Firebirds ang i-interviewhin natin. Isa pa mas specialization mo ang sports specifically basketball kaya mas marami kang alam na itatanong kaysa sa akin. Ayaw mo ba nu’n? Makikita mo ang Zone baby mo.”
“Ih.” Aaaaaaaaaaaack! Si Zone baby ko makikita ko ng harapan. Oh my gosh this is a dream come true! Pero composure muna. “Sige na nga. Naaawa ako sa’yo, eh.”
“Wushu. If I know nalalaglagan ka na ng panty d’yan, noh. Tigilan mo nga ako, Lex. Ang tagal-tagal na kitang kilala, noh.”
Enk! =_____=a
Lumusot kami mula sa hallway ng Blasters papunta sa entrance ng Firebirds. Kumukuha na kaagad ng pictures si Fu habang nakikita naming nagpa-practice sila. Kumpleto. Awie! Nakikita ko ang exposed na shoulders ni Zone baby ko while playing. So macho. Drool. *____*
“Oy, Lex, pigilin mo muna ang paglalaway mo at kailangan na ng questions. Dala mo ba?”
Composure ulit. Back to normal. Bwahaha. Para akong may split personality.
“Syempre dala ko. Kagabi pa ako ready, noh.”
“Kayo ba ang taga-Campus Catch?” nakangiting tanong ng lumapit na coach sa amin.
Tumango-tango si Fu habang nakatitig ng bongga sa ibabang baha—
O___________O
BASTOS!!!! >////____
(Bryce’s POV)
Hagalpak sa tawa si Jc pagkaalis ni Lex. Cabbage na babaeng ‘yon. Buti na lang hindi interesado ang dalawang ‘yon sa mga pinagsasasabi niya kanina. Kaso umaandar ang oras ko wala pa ring nagagawa ang ka-gwapuhan ko. Tsk. Manhid pa rin. Ayaw pa rin sa akin. Bwiset.
“Ang adik mo. Manahimik ka na nga.”
“Pa’no ba naman kasi. Ni hindi ka nga kinamayan at kinausap kanina, eh. Pero teka. Akala ko ba panget tsaka negrita? Di naman, ah. Ang ganda nga, eh. Hindi siya katangkaran pero sopistikada ang dating no’n kapag inayos niya pa lalo ang sarili niya. Wala pang make up ‘yon ng lagay na ‘yon, ah.”
Sigh. Ano ba naman kasing nakita ko sa babaeng ‘yon eh ang panget-panget nga no’n? Ni hindi ‘yon marunong mag-ayos ng sarili kahit nung bata pa siya. The hell. I’m going crazy.
“Pwede ka pa namang umatras sa deal, eh. Ayoko namang pilitin ka. Mukhang matinik talaga. Don’t worry naiintindihan naman kita.”
Somehow, alam kong sincere si Jc doon. Pero hindi ko mapigilang hindi mainsulto. Nakakainsulto naman kasi talaga ang anak ng boredome na babaeng ‘yon.
“Hindi. Kaya ko ‘yon.”
xxxOxxx
(Lexine’s POV)
“Hoy, Lex! Magsulat ka muna d’yan bago ka mag-day dream!”
Tss. Panira talaga ‘tong si Fu. Ang ganda-ganda na ng eksena sa panaginip ko, eh. Hahalikan na ako ni Zone baby, eh. Ando’n na oh! Leveling na, eh! Buset talaga. Pero may tama siya, eh. Mahaba-haba ‘tong ita-type ko. Di ko nga alam kung saan sisimulan. Lugaw ang utak ko tsk.
“Hi-ho! Hello!”
Lahat ng nasa campus catch napatingin sa pintuan. He stood there smiling towards my direction. Sino pa ba? De si walking one night stand.
“Pwede ko bang maistorbo si Lexine? Sandali lang, ah.”
“Sige lang.” sabi nilang lahat.
Mga ‘to woh. Walang pakisama.
Bago pagulungin ni Fu palayo ang swivel niya, siniko muna niya ako tapos kumindat. Inirapan ko siya. Malamang, nung nakakita na siya ng pagkakataon saka siya lumapit at kasing bilis ng kidlat ay nasa tabi ko na kaagad siya. As usual deadma ako sa presence niya. Wah ako care sa kanya.
“Wala man lang bang warm welcome d’yan?”
“Kumukulong tubig gusto mo?”
“Grabe, wala kang kupas. Ang taray-taray mo pa rin. Ba’t ba allergic na allergic ka sa mga gwapo? Sayang lang ang pagpapapansin ko, hindi mo naman napapansin.”
Ang lakas umepal talaga.
“Bakit ba ang mga womanizer package na ang dating? All in one jerk, p*****t, playboy at hambog.”
“Baby, that runs in the blood.” (~~,)
Iwness. Baby daw. Justin Bieber? Langya, korny oh. Peace tayo baby Bieber. v^______________^v
Bumalik ako sa ginagawa kong pagta-type at dinedma siya. Ewan ko kung anong ginagawa niya. Tss. Wala akong interes. Basta. Malaki ang pandidiri ko sa kanya. Mas nakakadiri siya kaysa sa ipis. Kaderder lang.
“Oh! Bakit may picture ka nila Zone at Finn dito? May pagnanasa ka sa kanila, noh?”
Napatingin ako sa hawak niya. Framed picture nila Finn at Zone ‘yon na naka-display sa desk ko. Papatayin ko ‘to, eh. Lahat na lang gustong pakialaman. Inagaw ko sa kanya ang frame.
“Wala ka bang magawang maayos at lahat na lang gusto mong galawin? Nakakairita ka na, ah.”
“Tinatanong ko lang kung bakit may picture ka ng dalawang ‘yan.”
“Fan nila ako, eh. Ano ngayon sa’yo?”
“Oh? De fan din kita?” *________*
Lakas ng fighting spirit niya. Elibs na ako. Di ko kaya ‘yang ganyang kahihiyan.
“Fan ako ni Bryce pero hindi mo fan.”
“Huh? What’s the difference?” nalilito niyang tanong.
“Sa stage kasi kapag nagpe-perform ka, iba ang dating sa akin. Parang feeling ko napaka-sincere mo with your every words, ang charming, super loyal sa partner mo, ang gwapo, ang lakas ng appeal. Kaso kapag bumababa ka na hindi na, eh.” =______=
Itsura niya -> ??____??
Totally clueless.
“Alam mo, Lex, you just need to get to know more of me. Tumatatak lang kasi sa isip mo ang pagiging womanizer ko, eh. Bansag lang ng tao sa akin ‘yon but I’m really harmless. I won’t hurt you I promise. Now will you be my girlfriend?”
Enk! Ayan ba ang hindi harmless? -_____-
Binigyan ko siya ng piso. Tumayo ako. Taka naman niyang kinuha ‘yon at tinitigan lang.
“Ano ‘to?” tanong niya.
“Piso.”
“Alam ko. Para saan ‘to?”
“Pambili mo ng kausap mo.” Pagkatapos lumabas ako ng campus catch.
Dumiretso ako sa vendo machine para bumili ng grape soda. Lumitaw na naman siya doon habang nag-i-insert ako ng bill. Tsk. Ang kulit ng lahi nitong si Bryce. Ayaw talaga akong tantanan.
“Waaaaaaaaah, Lex, ginawa nila akong laughing stock!” T^T
“Oh ngayon? Gusto mo gawin din kitang laughing stock?” then I get the can na lumabas sa ibaba.
“Ang bad mo. Wala naman akong ginagawang masama sa’yo why do you always have to be so cruel to me?”
That time, naramdaman ko ang pagka-serious ng boses niya. Ang agang mag-seryoso. Kung wala lang talaga kaming pinagsamahan ng mokong na ‘to hindi ako aalma, eh. Pasalamat siya naaawa ako sa mga monggoloyd.
“Eh ano bang problema mo?”
“Wala. Gusto ko lang makipag-usap sa’yo. Please, Lex, lend me some time, please.” T____T
Napabuntong hininga ako. Magpasalamat na lang talaga siya at likas akong mabait. So I faced him and this time I was serious.
“Fine.”
Ngumiti siya. We walked down the hall habang iniinom ko ang soda ko. Nasa likuran ko lang siya at nakasunod.
“Kailan ka pa nandito?” tanong niya maya-maya.
“Two months ago. Kauuwi ko lang halos. I was transferred here because of…”
Psh. Babanggitin ko pa lang ang dahilan nasusuka na ako. I should’ve not come here in the first place. Nagpauto na naman kasi ako. Bakit ba napaka-uto-uto ko?
“Kinakausap mo na naman ba ang sarili mo, Lex?”
“Nyah? Lumabas ba sa bibig ko ‘yon?” O.O
Tumawa siya. Napatigil ako sa paglalakad nang dahil sa pagtawa niya. Tumawa lang siya ng tumawa hanggang sa mapansin niya ang pagtitig ko sa kanya. Tumigil siya pero nakangiti pa rin.
Sino nga ba namang hindi maa-attach dito sa lalaking ‘to eh grabe kung mang-seduce. Wala pa siyang ginagawa nakakaakit na siya. Ngingiti pa lang laglag na kaagad ang panty isama na pati napkin. Hindi uso sa kanya ang grouch style gaya nung ibang nakikita ko sa mga movies. Sabagay. Alien siya, eh.
“I miss you, Lexine.” (T^T)/
Umiwas ako sa yakap niya. Naka-pout siya nang humarap sa akin.
“Isang hug lang, please.”
“Ayoko. Sumosobra ka na, noh. Akala mo yata hindi ko alam na sagad hanggang buto ‘yang pagka-manyak mo. Tadyakan kita d’yan, eh. Kinausap ka na nga mangma-manyak ka pa. Tabi nga dyan.”
Hinawi ko siya sa daanan. Hindi na siya sumunod. Feeling ko okay lang na maging gano’n siya. H’wag lang akong bibigay. Kasi kapag bumigay ako, lalo ko lang mapapatunayan na playboy siya. Dirty. Hate that.
xxxOxxx
“That’s Bryce, right?”
“The one in that famous group? Wow, he’s more stunning in person. I think I have found the one for me.” ♥_______♥
“You wish! He’s not even noticing you, b***h!”
Napangisi lang ako. Kung alam lang nila na taken na ng partner niya ‘yan de nagsitigil na sila. Sobrang angat naman si Ana kaysa sa kanila, noh. Siya kaya ang super duper prettiest na creature na nakita ko on stage. Kaya nga I love Danger, eh.
“Miss, slurpee regular.”
Wala siyang pakialam kung magtunog native man siya o imported. Nakatingin lang siya do’n sa babaeng labas ang hita pati na ang pang-itaas na kaluluwa nang dahil sa maikling tela na nakatapal sa kanya. Potek. Bakit kaya hindi na lang siya mag-bra at panty para at least mas lalong tipid sa tela? Di ba?
“Hindi ba magagalit ang asawa mo kapag nalaman niyang kung saan-saan dumadako ‘yang mata mo?” sabi kong inilapag ang baso at receipt sa harapan niya.
Tinignan niya ako. Napakunot siya ng noo tapos maya-maya’y nanlaki ang mga mata.
“I-Ikaw? Anong…teka, bakit crew ka dito? Don’t tell me bankcrupt na ang family mo?”
Sarap tadyakan oh. -_____-
“You know what? Shut up and get your order.”
Nagtinginan ang mga babae sa akin. English nga pala ‘yon. Naintindihan nila. Tsk. Mali na naman. Kinuha niya rin maya-maya ang baso at nag-load ng slurpee sa may sulok. Tuloy pa rin ang tingin niya sa babaeng nang-aakit. Ampupu ‘yan. Mukhang may magaganap pa yatang milagro dito sa loob ng shop na ako pa talaga ang naka-duty.
“Hey, excuse me. Are you really gonna buy something or you’ll just stare at it?”
Tumingin ang babae sa akin. Ngumiti ako para di siya ma-offend. Agad siyang kumilos at kinuha ang isang bote ng alak doon. Nagbayad siya tapos umalis na. Lumabas ako sa counter para ayusin ang mga stocks na nagulo sa may cabin kanina nang lumapit siya.
“You know wala akong asawa.”
Nyah? o.O
“Oh? Tapos? Anong gagawin ko?”
I heard him chuckled.
“Care to give me something to get my hot stuff into?”
Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa harap ng shelf. Kinuha ko ang slurpee na hawak niya at ibinuhos ko ‘yon sa mukha niya. Napapikit siya at hindi makapag-react.
“Next time mamili ka ng babaeng babastusin mo. Dahil ako, namimili din ako ng lalaking papatulan ko at nasisiguro akong hindi sa’yo. Walking one night stand!”
Then I gathered the stuffs sa ibaba at dinala na lang sa counter. Pumasok ang isa niyang kasamahan at gulat na gulat nang makita ang itsura niya. Pumasok na din ako sa staff room at pansamantalang iniwan ang puwesto ko sa counter para huminga.
xxxOxxx
(Bryce’s POV)
Nalamukos ko ang mukha ko. Nakatingin ako kay Papa na nagre-review ng papeles. Kakadating lang niya kanina mula sa Emerald. Naalala ko na naman kasi ang eksenang ‘yon. That girl. Tsk. Argh! Sa daming beses naming nagkita at sa daming beses niya akong ipinapahiya sa sarili ko at sa harap ng ibang tao, iyon lang talaga ang tumatak sa isipan ko. Kahihiyan talaga ‘yon.
“Ano ba kasing pumasok sa utak mo at sinabi mo kay Lexine ang mga ‘yon? Akala ko may respeto ka sa kanya?”
“Mom, I’m just kidding! Alam mo naman ‘yon lagi na lang niyang sine-seryoso ang mga biro ko sa kanya.”
“Kahit naman ako kapag biniro ako ng gano’n ng Papa mo sasapatusin ko talaga siya, eh.”
Tumawa si Papa.
“Nag-sorry ka na ba?”
“Paano ako magso-sorry eh kung hindi nakatakbo laging nakasinghal ‘yon kapag lumalapit ako. You know that girl.” That effin 7 eleven girl. “Lagi siyang gano’n kapag nagku-krus ang landas namin. Sometimes I just want to ignore her presence kaso…”
Napakamot ako sa ulo. Sabay na tumawa sina Papa at Mama. Napakunot ako ng noo. Ano naman kayang iniisip ng mga ‘to?
“Ang kaso hindi mo kaya? Bryce, anak, do you know the saying first love never dies?”
=______=”
“Alam ko ang patutunguhan n’yan kaya uuwi na ako. Di bebenta sa akin ‘yan. And FYI, Lex is only a puppy love not a first love okay? Read between the lines.”