Chapter Five
Baliktad Na Ang Mundo!
(Lexine’s POV)
Gusto ko na sanang ibato kay Sheena ang letter na iniabot niya sa akin kaso baka mas masaklap ang balik. Ang bigat pa naman ng kamay ng halimaw na ‘yan. But still, shock ako. Ay hindi pala shock. Galit? Yata? Ang gulo ko.
“Kasi naman, Ate, hayaan mo na kasi sina Lala. Gusto ka lang makasama ng mga ‘yon. Sige na, Ate.” *______*
“Ayoko, may rehearsal kami.”
Opo. Tinanggap ko ang offer ng 3END. Naawa ako, eh. Music week daw nila tapos hindi makaka-participate ang grupo nila. So okay ako. Mukha naman din kasing cool sila. Hindi naman nila kalaban ang Danger so it’s fine with me. Isa pa nami-miss ko na rin ang mag-perform. ^O^
“Ito naman oh. Gabi naman ang party.” Pagpipilit ni Sheena.
“Letsugas ka. Alam ko namang gusto mo do’n kasi maraming lalaki, eh. Tumigil ka sa kalandian mo, ah. Di tayo pupunta.”
“Ito naman oh. Sinasayang mo ang chance.”
“Masayang ang masasayang. Walang pupunta! Over my beautiful dead body!”
“Na maliit.”
-______-++
xxxOxxx
Walang pasok kasi nga music week namin. Dagsa ang tao sa tree park kasi doon nag-aayos ng stage para sa ibang bisita mamaya at sa mga manunuod ng presentation ng Danger at 3END. Tumutulong din kami nila Sheena at Fu sa pagde-decorate ng stage since wala rin namang ginagawa sa campus catch ngayong araw.
“Ate, si Bryce oh.”
Leche flan. -______-++
“Haiiie, Lex-babe!” ^O^/
Snob. Ayokong kausapin siya. Napapahamak lang ako. Isa pa hindi ko naman talaga siya dapat na kinakausap, noh. Kung bakit ba naman kasi nagkatagpo-tagpo pa. Ayoko namang mag-drop out, sayang naman kasi ang tuition. Kaya ayun. De walang ibang way para matakasan ko ang kumag na babaerong ‘to.
“Lex, phone call.” Biglang sulpot ni Vince na halos ipagduldulan sa akin ang telepono niya.
“Sino ‘to?”
“Sagutin mo na lang.”
Walang kwentang pagtanungan. =_____=
Kinuha ko ang phone niya. Tuluyan ko nang tinalikuran si Bryce na nakikipag-usap kina Sheena at Fu.
“Hello? Lex speaking.”
“Apo? Ang Lala mo ‘to. Nagpa-deliver na ako ng gown para sa event mamaya. Napakaganda ng gown na ‘yon, sigurado akong magugustuhan mo. Si Vince ang pumili no’n. Bagay na bagay sa’yo. Sya nga pala…” blah blah blah.
Haist. Ang Lala ko talaga. Ayaw akong tigilan hangga’t hindi ako pumapayag. Hindi sila marunong makaintindi ng ‘Hindi’ at ‘Ayoko’. Siguradong nagdidiwang na ang hayup kong ama. ("__ _)
“Lala, may event din ang school, eh.”
“Tinawagan ko na si Mr. Ashton. Pumayag na siyang maagang tapusin ang event n’yo para makahabol ka dito sa event namin.”
Oh great. =_____=”
Ano pa nga bang idadahilan ko? Alangang sabihin kong may naka-schedule kaming date ni Zone-baby ko mamaya? Paniguradong kokontakin din niya si Hanson at sasabihing i-cancel ‘yon. Peste. Sabi nga sa Encantadia…PASHNEYA!
Di ko nga lang alam kung anong ibig sabihin no’n. ^O^
“Sige na nga po. Wala naman akong choice, eh.”
“Ang bait-bait talaga ng apo kong ‘yan. Sya sige. Magkita tayo mamaya, okay?”
“Sige po, Lala. I love you, bye.”
Call ended.
Ibinalik ko kay Vince ang phone niya. Lumapit naman ‘tong si walking one night stand. Harapin na nga nang matapos na at naiirita na ako sa kanya. Kung bakit ba naman kasi laging umaaligid.
“Problema mo?”
“Yung tungkol kasi sa nangyari kahapon. Ano, eh…”
*buzz buzz buzz buzz*
Nyeta. Kailan pa naging bubuyog ang mga tao dito sa Ashton? Tsk. Dati isa lang akong simpleng estudyante na nagsusulat para sa isang column ko sa campus catch. Halos walang nakakapansin sa ordinaryong mukhang ‘to. Tapos nang dahil lang sa kumag na ‘to eh biglang nagbago ang lahat.
Ngayon wanted na ako. Tuwing nadadaan ako sa mga kumpulan sa cafeteria eh halos saksakin nila ako ng matalim na bagay para tamang term ang nakakamatay ang mga tingin. Sobrang kilala na ang mukha ko dito. Iyon nga lang, di maganda ang reputasyon ng mukhang ‘to.
“Lex-babe? Naririnig mo ba ako?”
“Oo dinig kita. Panget ‘yang suot mo.”
“Eh hindi naman tungkol sa damit ko ang sinasabi ko, eh.” T^T
Tsk. Bahala siya sa buhay niya d’yan. Madami pa akong ginagawa.
“Lex! Uy! Bakit ba lagi ka na lang nagwo-walk out?”
♫♪I’m always in a maze
Tryin’ to fit in the world I’ve been raised
Same old story, rumors are—
Chasing over me…♫♪
Kinuha ko ang phone ko saka sinagot ang tawag. May ideya na ako kung sinong nasa kabilang linya pero hinintay ko munang magsalita.
“Hey-ho, Lex! Si Glam ‘to. Punta ka sa studio, rehearsals.”
Sabi ko na nga ba, eh.
“Ngayon na ba? Nand’yan na kayo lahat?”
“Si Tryx wala pa, eh. Pero papunta na daw. Bebs, bilisan mo, ah. May date ako mamayang lunch, eh.”
Buset. -_____-++
Pinatay ko na ang tawag at tumalon pababa ng stage. Di ko na nakita si Bryce. Ewan kung saang lupalop nagpunta ‘yon. Tsk. Kairita siya talaga. Paano ko ba siya aalisin sa landas ko?
Pagdating ko sa studio halos kasabayan ko lang na pumasok si Tryx. Nakipag-unahan pa nga sa akin ang loka-loka, eh. Buti na lang maliit ako, nagkasya ako. Bwahaha.
Pina-polish lang namin ang steps, plus yung mga songs na isasama namin sa set list. Mahigit isang oras siguro kaming nasa studio. Eh inabot ng lunch. Ito namang mabait na admirer ni Dea eh dinalhan kaming apat ng lunch. Uwaaaa! Libre ‘to. Galing talaga. $____$
“Ano nga ulit pangalan mo?”
“J-Jomari po, Miss Lex.”
“Yllana?”
Reactions -> =_____=”
Masama na bang maging korny ngayon? o____O
“Oh eh kumusta naman ang wanted naming leader?” tanong ni Dea.
“Eto.” Sabay buntong hininga. “Wanted pa rin.”
Tawanan silang lahat. May nakakatawa ba? Natutuwa ba kayong wanted ako at mainit ang mga mata ng fan club ni Bryce sa akin? Nakakatuwa ba ‘yon ha? Hindi ako natatawa.
“But I’m sure after tonight mawawala na ‘yan. Kailangan lang ng bomba para matauhan silang lahat.”
Bomba kayo d’yan. Bombahin ko kayo, eh. -_____-
xxxOxxx
(Bryce’s POV)
Galit pa sa akin si Lex. Ang tanga-tanga ko kasi, eh. Hindi naman ako pwedeng sumuko. Kasalanan ko naman kasi talaga ‘yon. Hanggang kailan ba kami ganito? Nami-miss ko na siya, eh. T^T
“Inaanak! Aba, ang laki mo na, ah!”
Nginitian ko si Ninong na nakasalubong ko sa hallway ng Ashton. Tatay siya ni Jc. Nagtataka nga ako kung anong ginagawa dito, eh.
“Dinalaw n’yo ho ba ang anak n’yong ulol, Ninong?”
Tumawa siya. “Hindi, hijo. May inasikaso ako. Tinulungan ko kasi sina Madame para sa event ng mga Gonzales mamaya. Nag-iba ng venue. Dito na lang raw since karamihan naman ng anak ng board members at empleyado sa Emerald eh dito nag-aaral.”
“Event? You mean ‘yung party mamaya sa Divine Villa?”
Tsk. Saan ko nga ba narinig ang Gonzales? Ang hina ng memory ko. Basta. Pamilyar sa akin ‘yon, eh. ??____??
“Yes, dito na gaganapin ‘yon kasabay na rin ng event n’yo mamaya dito. Kaya kung gusto mo ng maraming girls, dikit ka lang sa akin. Marami akong kakilala na single at ready to mingle.”
Nginisian ko si Ninong at pa-naughty na nag-thumbs up pa.
Pero ang totoo napapagod na ako. Kung sino pang dahilan ng pagiging playboy ko, siya namang hindi pumapansin sa akin. Ano bang mali? Hindi ba tama ang ginagawa kong pagpapapansin sa kanya? Halos lahat na lang ng tamang pagpapa-impress ginawa ko na.
But in the end, it didn’t worked out.
“Oh anong sinisima-simangot mo d’yan?” tinalon ni Jc ang likuran ko saka niya ako inakbayan.
“Lex. Di pa rin niya ako pinapansin, eh.”
“Tigilan mo na nga kasi ‘yan. Di ka na pala pinapansin habol ka pa rin ng habol. Gusto mo bang ma-turn off sa’yo lahat ng chicka bebs, pre? H’wag kang unfair sa kanila. Public use ka, di ka pwedeng ipagdamot.”
Aray. =______=
“Public use ka d’yan. Sipain kaya kita?”
“H’wag naman. Eh teka ready na ba ang charisma mo mamaya? Uy baka may mai-first base ka tonight, ah. Share ka. Kahit friends lang niya.”
Tsk. Masamang impluwensya sa akin ‘tong si Jc. Kaya ako nagiging p*****t, eh. >.(Lexine’s POV)
“Huwat!”
Tsk. Makapag-react naman ‘tong si Sheena akala mo magugunaw ang mundo sa sinabi ni Vince, eh. Nakakabingi. Hanggang ngayon naiwan pa rin yung boses niya sa eardrums ko. Kasakit.
“That’s fine with me.” Wala lang na sabi ni Tryx.
“I agree.” Panegunda ni Glam.
Hindi nag-react si Dea at siniko lang ako. Siniko ko siya pabalik. Tapos maya-maya din eh itinuloy na namin ang pagme-make up. Nag-uumpisa na kasi ang program. Buti na nga lang eh Danger ang mauuna. Mapapanood ko pa sila bago kami sumabak. ^O^/
Kaso ito nga ang sinabi ni Vince. May bisita sa labas. Buong Emerald board members pati mga empleyado. Tapos ito pang si Lala gusto ng special treatment sa akin. Gusto ba namang ipangalandakang apo ako ng Chairman ng Divine Villa! (_ _)
“Girl, ako na d’yan.” inagaw ni Fu ang make up ko tapos siya na ang nag-make up sa akin.
“Bakla, biglang naging girl ang tawag mo sa akin, ah.”
“Eh nahiya na akong tawagin kang bakla, eh. Loka ang ganda-ganda mo kapag inaayusan oh. Nai-inlove sa’yo lalo si Fafa Vince.”
Tumawa ako ng bongga.
“Matagal nang in love sa’kin ‘yan.” ^O^
“Tigilan mo nga ako, Lexine.” =_____=
Nyahaha. Napaka-seryoso talagang tao. Tsk. Kaya nakakatakot biruin, eh. Baka sa kangkungan kasi ang kabagsakan ko kapag biniro ko siya. Mahirap na, noh. Di pa naman ako mahilig sa kangkong.
“Kinakabahan ako.” makailang beses huminga ng malalim si Tryx pagkaalis nila Vince, Fu at Sheena sa backstage. “Ngayon na lang tayo naging apat, eh.”
Oo nga pala. Matagal daw silang hindi nag-perform.
“Eh bakit nga ba kasi kayo nawalan ng leader? Asan ba leader n’yo?”
“Mahabang kwento. MassCom din kasi ang kinuha no’n, sabay sila ni Dea. Eh nag-shift ng course ‘tong loka-lokang ‘to.” tinuro ni Glam ang nasa likuran niya. “Kami naman kasi eh mahaba-haba pa ang itatagal dito sa Ashton dahil sa mga courses namin. Naka-graduate na siya, pumunta ng Australia kasama ‘yung jowa niya. Edi ayun.”
“Gano’n? May consent naman ba niya ‘tong pagpapa-audition n’yo?”
“Oo naman. Tapos nung sinabi namin sa kanya kung sinong nakuha namin nagtatalon sa tuwa. Kilala ka raw niya. Sobrang galing mo daw, eh. Theater actress ka raw?”
Asus. Buking. =_____=
“3END is next, ready girls!” sigaw ng organizer sa labas.
Eto na. I’m coming out of my closet already. Goodbye normal life. Goodbye ordinary face.
Hello riot.
xxxOxxx
(Bryce’s POV)
“Hoy, Bryce! Sa’n ka na naman ba pupunta? Ang daming beer dito oh!” sigaw ni Jc.
“Di kita marinig! May hahanapin lang ako!”
Crowded na ang area. Plus sigaw pa sila ng sigaw. Ang dami nang tao. Pati nga ang mga adults na bisita ng Ashton eh party party din. I kept on walking hanggang sa makita ko sina Sheena at Fu na nasa ilalim ng puno ng mahogany somewhere on a darker area na di sakop ng spotlight.
“Nakita n’yo na si Lex?” tanong ko.
“Bakit?”
Hindi ko pa man din nasasagot ang tanong eh namatay na ang lahat ng ilaw. Lumingon ako para manood ng susunod na magaganap sa stage. Lumabas ang EmCee at tinutok ang spotlight sa kanya.
“Dear Ashton-ers and our respective guests, we gathered tonight to introduce you the heiress of Divine Villa, Miss Lexine Gonzales!”
“Here’s 3END with Gonzales’ heiress!”
Pakiramdam ko parang tinangay ng dumaang hangin ang kaluluwa ko pati na rin ang lahat ng common sense ko. Ayoko sanang maniwalang siya nga iyon. Pero sinabi nang lahat. Hindi naman ako tanga at lalong hindi ako bulag. How can she dance and sing like that na parang bihasa siya? Na parang mas bihasa siya sa akin? She’s an avid fan, right? How?
“Yeah I’m sorry, can’t afford a ferrari
But that don’t mean I can’t get you there
Guess she’s an X-box and I’m more like atari
But the way you play that game ain’t fair
I pitty the fool that falls in love with you
Oooh I got some news for you”
Lexine Gonzales. Damn. How can I not figured out? She’s the theater/professional circus play actress that fractured her ankle kaya hindi na nakapag-perform ulit. Nahulog siya while doing trapeeze. Argh! Bryce, she just fooled you. Naisahan ka niya. Wala ka kumpara sa kanya.
For the nth time, you lost it again.
xxxOxxx
(Lexine’s POV)
Jeez ang ginaw. Waaaaaaaaaaaah! O.O Nilalamig na ako grabe. Wala pa naman akong dalang jacket. Ilang songs pa ba ang nasa set list? Ih naman eh. x____x
Leche flan naman kasing outfit ‘to. Labas na labas ang kaluluwa, eh. Sino ba nag-design nito? Di naman masyadong nagtipid sa tela, noh? Magtatakip na lang din naman di pa nilubos. Walanjo talaga. Magka-pneumonia lang ako dito hahawaan ko kayong lahat.
“Wala bang may dalang jacket sa inyo?” pasigaw kong tanong nang makababa kaming apat sa stage. Mamam kaagad sila, parang di nilalamig, eh.
Eh kasi naman open area po ang tree park. Paki-imagine na lang naman kung gaano kalamig ‘tong suot ko pati na ‘yung lamig ng gabi, noh.
“Wala, eh. Tawagan mo ‘yung alalay mo.”
Wapak. Papatayin ako nu’n ni Vince kapag nalaman niyang alalay ang tawag nila Glam sa kanya.
Bawat dadaan sa table namin eh ngingiti sa akin at yuyuko. Di na ako wanted. Sa wakas. Kaso panibagong dagok na naman ang mamuhay ng dala ko ang pangalang Lexine Gonzales. Nyeta. Gusto kong pumatay. -_____-++
“Apo! Ang galing-galing mo talaga!” ^O^/
Naku ang Lala. Kasama niya si Vince. Takte wala ring jacket si Vince. Wah nilalamig na talaga ako. T^T
“Lala, asan sina Papa?”
“Sumama ang pakiramdam, hindi nakasama, eh.”
Mamatay na sana siya.
Peace! v^___________^v
Maya-maya eh may kinakausap na namang ibang tao si Lala. Si Vince text ng text habang palayo ng palayo. Hinihimas ko na ang braso ko kasi nga malamig na talaga. Di ako makabanat sa inuman kasi nilalamig pa ako. Baka lalo akong lamigin kapag uminom ako, eh.
“Cold?”
Di pa ako nakakalingon eh may naramdaman na akong warm na cloth na dumampi sa shoulders ko. Someone’s hands from behind ay unti-unting pumupulupot sa harapan ko para isarado ang zipper na nasa harapan din ng jacket. Pagkatapos no’n humarap ako. And I was right. Si Bryce nga.
Kaso hindi na siya yung katulad dati. Iyong naging reaksyon niya sa public park na malapit sa Wizardy Land nu’ng inaway ko siya, gano’n din. He’s face was cassual—dead cassual.
“Let’s talk.”
Tumango lang ako. Hinila niya ang kamay ko. Bago makalayo doon ay nagbaon pa siya ng isang bote ng beer pero sa amoy niya kanina mukhang matagal na siyang umiinom. Di naman ‘yan nalalasing kahit anong gawin n’yan, eh. Aba malay ko kung bakit.
Umupo ako sa marble na table. Sa puwestong pinagdalhan niya sa akin, walang masyadong tao. May iilan. Mga tatlong piraso, ganu’n. Pero sa table na ‘yon kami lang talaga. Umiinom siya ng beer habang nakatitig sa akin. Nako-conscious ako sa kanya. Parang gusto ko siyang dagukan, eh. -____-++
“You’re back on stage, congrats.” Matipid niyang bati sa akin.
“Thanks.”
So alam niya? Bakit biglang parang dumami ang nakaalam?
“Dati akala ko mayaman ka lang. Di ko alam na heiress ka pala ng Divine Villa. Nanliliit na ako.”
“I guess…baliktad na ang mundo.”
He smirked. “Dati nang baliktad ang mundo para sa’yo, Lex. Sa akin kaya, kailan babaliktad at nang maranasan ko namang tratuhin mo na parang totoong tao ako at hindi binabase lang sa mga sabi-sabi ang paghusga mo sa akin.”
Natitigan ko siya. Dahil nga ba sa hearsays?