Chapter 14 - RETALIATION part1

1887 Words
"Mr. Valentine." Bati ni John nang bumungad sila saamin pagpasok namin sa loob ng bahay nila Ken. Bakit palagi ko ba silang nalilimutan? Ilang beses ko na silang nakita at ilang beses ko na rin narinig ang kanilang pangalan, pero nalilimutan ko pa rin sila. Bigla ko naman naalala yung nangyari kanina. Ngayon ko lang napagtantong mga mahigit sa sampong talampakan ang lalim ng pool na iyon. Ibig sabihin ay mas malalim iyon kesa sa pool na nasa school namin? Hanggang sampong talampakan lang yung pinaka malalim. Doon pa nga dati nahulog si Katharine -nakwento lang saakin ni Lauren dati. "Talaga po?" Nabalik ako sa kasalukuyan nang marinig ko ang boses ni Lauren. "Oo." Sagot ng tito Valentine nila. "Sige. Halina kayo doon sa labas." "Sandali lang po. Hindi pa po nakakapag ayos si Kyla." Ani ni Lauren kaya ako bahagyang nagulat. Hinila naman nila ako ni Katharine atsaka mabilis inayusan. Hindi naman kami halos nadumihan dahil puro semento at salamin ang pinanggalingan namin kanina. Pagkatapos namin ay agad din kaming lumabas at sumakay na apat nila Ken sa sasakyan ng tito Valentine nila. Sila Sam naman ay sumunod saamin. Pagkarating namin ay nagumpisa na ang event. Hindi na kami nakapag lakad ngunit ayos lang ito. "Anong nangyayari?" Tanong ko kay Katharine nang makita ang sobrang panginginig ng kaniyang kamay habang siya'y umiinom ng tubig. "Nothing. It's just an essential tremor." Tugon niya. Magtatanong pa sana ako nang biglang nagpalit ang tugtog ng mabagal at kalmadong kanta. Napatingin naman ako sa nakakuha ng kaniyang atensyon. "I think they want to dance with you." Mahina kong sabi sakaniya. "Wag kang maingay. Kinikilig ako. Hindi ako pwedeng ngumiti dahil dapat masama ang loob ko sakaniya." Tugon niya kaya ako napangiti ng patago. Nang nakita kong palapit na si Mister Hiro kay Katharine ay lumayo ako. "Maiwan na kita. Enjoyin mo lang." Aniko atsaka na umalis. Paglingon ko'y nakita ko na lamang na kinakausap na siya ni Ken. "Eh?" Dahil sa gigil ko'y bumalik ako at hinanap si Mister Hiro ngunit hindi ko na sila makita. "I'm sorry for what I've said." Sabi ni Ken. "Sorry din sa tinanong ko." Sabi naman ni Katharine. "But I really need to go." Mabilis niyang sabi kay Ken atsaka umalis. Sinundan ko naman siya. Narinig ko pa ang pagtawag ni Ken ngunit hindi ko na siya nilingon dahil abala ako sa paghabol kay Katharine. "Wala na siya. Hindi ko na siya makita." Aniya saakin. "Sana'y nilapitan ko na siya kanina." "Hindi mo kasalanan." Wika ko upang pagaanin ang kaniyang nararamdaman. "I should've tell him that I like him." "Bakit ganiyan ang boses mo?" Tanong ko nang maramdaman kong iba na ang kaniyang boses. "When our eyes met earlier, it looks like he's bidding his goodbye to me." "Gusto ko siyang makausap." Sambit niya saakin ngunit wala naman akong magawa dahil hindi ko rin alam kung nasaan sila. Ilang minuto pa kaming nandito sa labas ngunit pumasok na rin kami dahil medyo malamok na. "Where did you guys go?" Tanong ni Lauren saamin nang masalubong namin siya. "Kuya. Nandito na sila oh." Tawag niya kay Ken na may kausap sa kaniyang likuran. Nagpaalam naman na siya atsaka nagpunta saamin. "Hi." Bati niya kaya kunot-noo rin akong bumati kasabay si Katharine. "Can I ask you for a dance?" Tanong niya kay Katharine. "I'd like to but can't. Si Kyla." Pagtulak niya ng bahagya saakin. "Hindi." Mabilis kong sabi. "Sige na. May kailangan akong gawin. Sige na si Kyla na. Magaling siyang sumayaw." Sambit niya atsaka ako mas tinulak at umalis. Natapilok ako, mabuti na lang at nasalo ako ni Ken. Naipulupot ko ang dalawa kong braso sakaniyang batok upang hindi mapahiga sa sahig. "I'm sorry." Aniko ng mahina atsaka tumayo ng maayos. "Let's go?" Tanong niya naman saakin na parang tinatawag ako sa tanghalan upang sumayaw. Hinanap ko naman si Lauren ngunit hindi ko na siya makita. Wala na akong nagawa kaya na ako sumunod. Nang ihawak niya ang kamay niya saaking beywang at lumapit saakin ay parang lalabas na ang aking puso. Ano ba itong nararamdaman ko? "You look good." Basag niya sa katahimikang bumabalot sa pagitan naming dalawa. "Thank you. You too. You look perfect." Aniko kaya siya bahagyang napatawa. Perfect? Pwede naming nice, good, clean o kung ano pa. Bakit perfect? Bigla naman akong namula dahil sa hiya. "Kaunting lapit naman jan! Pwedeng yakap basta hanggang doon lang!" Sabi ng MC kaya nanlaki ang aking mga mata. Napatingin kaming dalawa sa paligid at nakitang ang ibang mga sumasayaw ay magyakapan na. Napatawa pa siya ng bahagya dahil sa nangyayari samantalang ako'y mas bumibilis ang pagtibok ng puso. Kumamot muna siya sakaniyang batok bago magtanong saakin. "We can get out of the stage if it makes you uncomfortable?" Bigla ko naman naisip na baka kung anong isipin niya kung hindi ako pumayag na magpatuloy. "Ayos lang." Sabi ko agad. Tinignan niya muna ako bago bahagyang tumango. Huminga muna ako ng malalim bago siya lapitan at yakapin. Nagumpisa na kaming sumabay sa musika at ang puso ko'y nagwawala na. "You're nervous." Aniya ngunit hindi ako sumagot. Why am I feeling this? This is not good. This is really not good. Habang kami ay sumasayaw, nakita ko sila Sam at Lauren na sumasayaw rin sa may bandang gilid ng tanghalan. Naghiwalay sila at parang may sinabi si Sam kay Lauren na nagpamilog ng kaniyang mga mata. Nakita kong hila-hila niya si Wil atsaka inilapit kay Lauren. Sa pagkakaintindi ko sa ginawa niyang aksyon ay masakit daw ang kaniyang tiyan kaya si Wil na lamang ang magpapatuloy sa pagsayaw kay Lauren. Nang makatalikod si Wil ay nakita kong ngumiti ng malaki si Sam kay Lauren atsaka kumindat. Napatawa naman ako ng bahagya dito at nalimutang sumasayaw pala kami ni Ken. "Bakit?" Natatawa niya ring tanong. "Wala lang. I just saw something." Tugon ko. Ilang minuto pa lang ang nakakaraan ng mabuwag ang pagsayaw namin sa tanghalan. Napatingin kami sa pinagkakaguluhan ng mga tao sa gilid. "Stay here." Ani saakin ni Ken nang magkasalubong ang aming mga mata. Tumakbo siya papunta doon kagaya nila Wil nang mapatingin ako sa gawi nila. Bigla ko naman nilapitan si Lauren. "Where's Katharine?" Nagaalala niyang tanong. Shit. Hindi ko siya naalala agad. "I don't know." Tugon ko. "Guys. I can't contact John nor Katharine." Wika ni Sam paglapit niya saamin. "Bakit, magkasama ba sila kanina?" "Yeah. I saw them talking." "Wait. Is that tito Valentine?" Tanong ni Lauren kaya rin namin sinundan ang kaniyang tinitignan. "Yes." Sambit ni Sam. Tumakbo palapit sakanila si Lauren kaya kami sumunod. "Tito. Anong ginagawa niyo dito?" Tanong niya. "I can't talk right now. Ask your mother over there." "Mother?!" Hindi niya makapaniwalang tanong. "Mom's here?" "Yes." Anila atsaka na umalis. Hinanap naman namin ang kaniyang mama ngunit hindi namin makita. "There!" Sam exclaimed. Pagharap namin sa tinuro niya'y sila John at Katharine ito na parang hinahabol ang kaniya-kaniyang hininga. At dahil parang hindi na nila kayang lumapit saamin ay kami na ang lumapit. "Where did you guys go?" Tanong namin. "We found a several dead bodies outside." Hingal na sagot ni Katharine. "What are you doing outside?" Tanong ko. "We're.... we're... judging." Sagot ni Katharine. "It doesn't matter now. What matters now is that shithead is f*****g still alive." Ani ni John habang nakaturo sa lalaking gumagawa ng eksena. Nanggugulo siya at pinagbabato ang mga gusto niyang batuhin. Nagkasalubong ang aming mga mata at hindi ako nakagalaw nang ibato niya saakin ang babasaging plato. Mabuti na lamang at nasalo ito ni John. "Good thing I'm a good catcher." Aniya. "Wait. How that nutguy still alive? Didn't we push him in the fire?" Tanong ni Sam. "Wait. Before you answer that, who caused the killings outside?" "Him." Sagot naman ni Lauren. "No." Mabilis na sagot ni John. Magsasalita pa sana siya nang makita namin ang lamesang lumilipad papunta saamin. "s**t! He recognized our f*****g asses!" Malakas na sabi ni Sam nang magkahiwa-hiwalay kami. Tumakbo naman si Katharine papunta saakin. "s**t. This is crazy." "Do you remember what I've told you about the bond between the prince and me?" Tanong niya kaya ako tumango. "I think he's like me. I think he has the blood of the prince." "How do you know?" Tanong ko "He survived the fire." Mabilis niyang sagot. "I don't know and I'm not sure if he's blood is pure like mine does." "What do you mean?" Tanong ko dahil naguguluhan na ako. "I am pure sister or something of the prince. We share the same and exact blood. And I don't know if that guy's also share the same and exact blood of the prince." "So, what're we gonna do?" "How do we stop him?" "By killing him. But I don't think it's possible if he indeed shared the exact blood of the prince." "I told you that it is impossible to kill the prince. What more might happen if he multiplies and those clones are bad?" "What if I become bad? What if I do things like this shithead does?" "Who'll stop me? How could you all stop me?" "Don't say such things like that. You will never be like them. You are far and more way better than them." Sambit ko atsaka siya bahagyang niyakap. Napansin ko naman ang panginginig ng buong katawan niya. "You're shivering." Aniko ngunit hindi siya nagsalita. "Mom!" Rinig naming tawag ni Lauren sa mama niya. Napatingin naman kami sakaniyang mama. "What the?!" "She's their mom?!" Hindi makapaniwalang tanong niya. "And James is their father?!" "I thought they were siblings?" Tanong niya saknaiyang sarili. Ipinaliwanag ko naman ng mabilis ang relasyon nila Mister Hiro, Mister James at Misis Tala sa isa't isa sakaniya. Napatakbo kami nang makita naming papalapit na ang lalaki saamin. "s**t, s**t, s**t, s**t. Shithead! Run!" Paghila saakin ni Katharine palayo. Tumakbo kami ng tumakbo hanggang sa makalabas kami. Nakita naman namin sila Lauren na nakasunod saamin at sinabing tumakbo pa. Nakarating kami sa rooftop ng isang building at agad na isinarado nila John ang pinto. Kami'y pare-parehong hingal at napaupo sa sahig dahil sa pagod. "What the hell is this again?!" Tanong ni Sam. "I think he's taking his revenge on us." "I think he's targeting us." Sabay na sabi nila Katharine at Lauren. "Coach Ches?!" Malakas na sambit ni Sam kaya mabilis na tinakpan ni John ang kaniyang bibig. "Don't be too loud, you prick." Ani ni John. "Get off of me." Madiin ngunit mahina niyang sabi. Napatingin naman kami sa may sulok at medyo madilim na parte. Dito namin nakita si Coach Chester na nagtatago. "What the f**k are you guys doing here?" "Obviously, coach?" Sarkastikong tanong ni Sam nang makatayo sila. "You again?" Irita nilang tanong ngunit nginitian sila ng malaki ni Sam atsaka niyakap. "I miss you so much coach." "Get off of me. I profoundly can't get any air into my lungs." "Good to see you both." Anila nang maayos ang kanilang damit nang bumitaw na si Sam. "So, where's the crazy guy?" Tanong nila saamin. Napayuko naman kami agad nang makarinig kami ng pagsabog sa tabi ng building kung nasaan kami. Pagsilip namin ay nakita namin sa ibaba ang kotseng nakabaliktad. "Move. Move. It'll explode again." Mabilis na sabi ni John kaya namin ito sinunod. Pag-atras namin ay hindi nga siya nagkamali. ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ Song: 214 by Rivermaya
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD