Chapter 13 - SO UNREAL

2039 Words
"He found 'em." "But, how about our soirée?" Tanong ko. "Soirée versus case —the case." Mabilis na sabi ni Katharine na nakasuot ng red dress. Medyo mababa ang neckline ng kaniyang damit ngunit hindi niya ito alintana. Sabagay, bagay naman sakaniya ito. Ang suot naman ni Lauren ay may mga rosas na disenyo. Kulay pastel pink ang dress niya. Ako naman ay kulay asul. It's an off shoulder dress. "Maiwan na lang kaya kayong apat dito?" Tanong ni Sam saamin nila Lauren. "No!" We all said. "Okay, okay. I'm just saying. Don't eat me." Wika niya habang nakataas ang dalawang kamay. "Gosh." He said. "So, where's John?" Tanong ni Ken pagharap saamin habang inaayos ang kaniyang buhok. "He– God. You look good bro." Ani ni Sam nang mapatingin siya kay Ken. "You're gay." Sabi ni Katharine habang may nakakalokong guhit sakaniyang mga labi. "No." Sagot naman ni Sam. "Sam." Sambit ni Ken. "Papunta na siya doon sa lugar. He said he'll send us the map." "Isesend niya kaya yun?" Tanong naman ni Lauren. "He has to." Sagot ni Wil. Ilang minuto pa kaming nag antay at medyo kabado na kami nila Katharine dahil malapit na ang umpisa ng soirée namin at wala pa ring text si John. "Matagal pa ba?" Inip na tanong ni Katharine. "Oo nga. Maybe he's—" inakto naman niya yung simbolo ng patay. "Decapitated?" Biglang tanong ni Katharine. "Dead." Madiin naman niyang sabi. "Shhh. He texted it." Ani ni Lauren. "Bakit saakin?" "Bakit sayo?" Sabay na tanong nila Ken at Wil. "Naka block pala siya saakin." Pagkamot ng ulo ni Sam habang nakangiti. "Shhh." Pagtigil sakaniya ni Lauren. "It's outside our city. Can we make it?" Tanong niya sakanila Wil. "We can. Let's go." Sabi ni Ken at nauna ng lumabas. Habang nasa daan kami ay ramdam na ramdam ko ang puso ko kung paano bumilis at bumigat ang bawat pagtibok nito. "Look. He texted some of the details of the guy." "He's the son of the mayor of our city." Pagbasa ni Sam. "He is part of the gang." "Basically he's a gangster." "His father is rough to him. His father is a drug dealer." "He uses his son to sell some of his drugs." Binasa niya oa ang iba at sinabing hindi naman na raw ito importante. Pagkarating namin sa lugar ay naabutan namin doon si John. Nasa loob pa rin siya ng kaniyang sasakyan at parang binabantayan ang paligid. Ang kinaroroonan kasi namin ay parang palayan. Walang kung anong bahay at tanging mga palay na nakatanim lang sa lupa ang aming nakikita. Magdidilim na at baka wala na kaming makita maya maya. "What the hell is this place?" Tanong ni Ken sakaniyang cellphone na alam kong si John ang kausap. "They're underground." Rinig naming sabi ni John sa kabikang linya. Ang tahimik kasi ng kapalogiran kaya namin nagawang marinig. "How are we gonna get there?" "What do you think am I doing here? Moon bathing?" "Don't try me, John." Nakakatakot niyang sabi. "I'm still figuring it out." Sagot niya kaya tumingin si Ken saamin. "Any clues?" "None. It's stupid." Pagtawa niya sa kabilang linya. "I get it." Sabay na sabi nila Lauren at Sam. "Remember the look-like-a-barn-but-isn't that we've passed? I think it's the way." "Yes, I think so. And there, we could find the way to get through." Dagdag ni Lauren sa sinabi ni Sam. "Where?" Tanong naman ni Wil. "For about two hundred meters to our left back." Sambit ni Sam. "Alright let's go." Ani ni Ken. "7 o'clock." Sabi niya atsaka na pinatay ang cellphone. "Wait, you guys. Should we call some back up?" Tanong ni Katharine. "Even if we call they will gonna be late." Sagot ni Ken. "That's why you called backup. Alangan mas mauna sila kaysa saatin?" "Pinipilosopo mo ba ako?" Tanong ni Ken. "Oww. Sorry." Bigla naman akong nakaramdam ng inis kay Ken. . Pagkarating namin ay pinaiwan kami nila Wil dito sa loob. Sabi nila'y pag tinawagan nila kami, saka kami susunod. "Katharine—" "I don't want to talk about it." Putol niya sa sasabihin ni Lauren. Ilang minuto ang lumipas at tumunog ang cellphone ni Lauren kaya na kami pumasok na tatlo. Pagkarating namin dito'y una naming nakita si Sam. "What are you doing here?" "Well, you called me." "What?!" Hindi makapaniwalang tanong niya atsaka parang may hinahanap. "You b***h!" Aniya atsaka pinalo ng upuan yung lalaking may hawak ng kaniyang cellphone. Magsasalita pa lang siya'y bigla siyang sinugod. Pati kami ay biglang hinila ng tag iisang mga kalaban. "Kyla!" Tawag saakin ni Katharine. "Remember what I said?" "What?" Tanong ko naman. "That everything is possible." Wika niya. Napakunot naman ang noo ko at napaharap sa may hawak saakin. Bigla siyang nagkapangil at ang mga mata niya'y naging kulay pula. "Don't let him bite you!" Rinig kong sabi ni Katharine. Kahit naguguluhan at hindi makapaniwala'y sinusubukan ko paring umiwas sakaniya. Ang lakas niya at hindi ko alam kung makakayanan ko bang iwasan ang mga pangil niyang nakakatakot dahil sa talim. "Kyla! Duck!" Rinig kong sabi ni Ken kaya ako yumuko. Biglang lumilad palayo saakin ang... bampira. Tumama siya sa pader habang nakabaon ang paa ng lamesang gawa sa metal sakaniyang dibdib. Napatingin naman ako kay Lauren na sumigaw. "Get away from her!" Sabi ni Ken at hinila ang bampira palayo sakaniya. "Ken!" Tawag ni Sam kaya kami napatingin sakaniya na pinagtutulungan ng dalawang bampira. Napalingon din kami kay Katharine na nakahiga na sa sahig na pilit kinakagat ng bampirang nasa kaniyang ibabaw. May hawak siyang metal na bagay at iyon ang ginawa niyang panangga sa bibig ng bampirang gusto siyang sunggaban. Nang lalapitan na siya ni Ken ay naunang sumugod si John. Itinusok niya ang hawak niyang kutsilyo sa likod ng bampirang nasa ibabaw ni Katharine. "You okay?" Tanong ni John tsaka tinulungan siyang makatayo. "Fine. Thank you." Aniya atsaka niya binigyan ng maliit na ngiti. "Ken!" Tawag ulit ni Sam kaya na tumalikod si Ken at tinulungan si Sam. "Where's Wil?" Nagaalalang tanong ni Lauren. "He's fine." "Let's get you three out of here. We didn't expect it to be like this." Pagkalabas namin ay sinalubong kami ng halos kaedad lang naming lalaki na may ngiti sakaniyang mga labi. "Shit." Mura ni John at kasunod non ay tumilapon kaming apat. Sabay-sabay kaming tumama sa sahig at sabay-sabay din kaming napadaing. "f**k. That's absofuckinglotely hurt." Sambit ni John. "Argh. Bloody hell. You'll gonna pay for this." Aniya nang makatayo siya. "I didn't know that creatures like you exist." Wika niya. Me too, John. I didn't know that they're real. "But I'm gonna kick your ass." Sabi niya atsaka sumugod. Napatingin namin kami sa paligid. "Bakit parang dumadami sila?" Tanong ni Katharine. "The portal's open." Biglang sabi ni Lauren. "Lauren." Tawag sakaniya ni Wil at mabilis siyang hinila palapit sakaniya. "Do you have wounds?" Tanong niya habang nagtitingin kung may sugat ba si Lauren. "You can't—" hindi na niya ito natuloy nang may makita siyang sugat sa braso ni Lauren. "She has." Malakas niyang sabi. "I told you to be cautious. Damn it, Lauren." Rinig naming medyo galit na sabi ni Ken. "Talian mo!" Hirap na sabi ni Sam dahil sa mga kalaban niya. "Cover it." Sabi ni Wil kay Lauren kaya niya rin ito ginawa. Pagkaalis niya'y saka lang nabalik sa kasalukuyan si Lauren. "What?" Tanong niya kay Katharine na may sinasabi. "I said, then we should close it." Sambit ni Katharine. Hindi ko naman sila naiintindihan dahil hindi ko alam kung anong pinaguusapan nila. Napayuko kami nang biglang may sumabog malapit saamin. Gumawa ito ng malaking apoy at dito itinulak nila Ken ang kanilang mga kalaban. Napatingin naman ako sa kalaban ni John. Mukhang hirap na hirap na siya dahil may ibang klaseng kapangyarihan ang kaniyang kalaban. Napalingon naman kami sa kalaban ni Wil nang ibato niya si Wil sa pwesto ni Ken na para lamang laruan. Sabay sana silang tatama kay Sam ngunit agad siyang nakaiwas kaya sila lang na dalawa ang tumama sa pader. "Muntik na!" Ani ni Sam at napatalon nang bigla ulit may sumabog. "Let's set his ass on fire." Rinig naming sabi ni John kaya kami napatingin sa parte nila. Nandoon na sila Ken at Wil na pinagtutulungan ang kalaban na mapunta sa apoy. Sumama na rin kami hanggang sa tuluyan siyang nakain ng apoy. Ang isang bampira naman na nakatapat saamin ay biglang kinagat ng isang taong hindi ko alam kung saan nanggaling. Nang matumba ang bampirang nakatapat saamin kanina'y hinarap kami ng taong-hindi-naman-mukhang-tao. Ngumiti siya saamin at unti-unti ng nagbabago ng anyo. Lumalabas na ang kaniyang mga pangil, humahaba ang mga kuko, at namumula na ang kaniyang mga mata. Habang tumatakbo siya papunta saamin ay may mga bampirang nakaharang sakaniya ngunit isa isa niya silang pinagkakagat sa leeg. Hindi ko namalayan na nakaalis na pala sila Katharine kung hindi ako hinila ni Sam. "You want to die?" Pagbalik niya saakin sa kasalukuyan atsaka ako hinila palabas. Pagkalabas namin ay biglang tumama ang kotseng minamaneho ni John sa bampira. Sa tingin ko'y sasakyan ito ng mga kalaban. Bago pa ito tumama ay agad siyang lumabas at nagpagulong gulong sa sahig. Si Wil naman ay may itinapon na parang bag sa bampira. Samantalang si Ken ay hila-hila ang tali na nakatali na sa leeg ng bampira. Hindi ko alam kung kailan at paano niya ito natali. Ang bilis niya. Sa pagdikit ng bag na itinapon ni Wil sakaniya'y tumama ang kotse atsaka ito sumabog. Sabay-sabay kaming tumilapon sa kung saan at parang bumalik ang ala-ala ko noong nasa gubat kami ni Ken. . "Me. I can swim." Rinig kong sabi ni John. Pagmulat ko ng aking mga mata'y nakita ko si Lauren na umiiyak at nagaalalang mga itsura sa mukha ng iba. Napatingin naman ako sa paligid at hindi ko makita si Ken at John. "Where's Ken?" Tanong ko ngunit biglang lumabas si John sa tubig habang dala si Ken na walang malay. "Something to cut this." Sabi niya agad kaya mabilis na lumapit sila Wil at Sam na may dalang sobrang laking gunting. Paghila nila kay Ken palayo sa tubig ay nakita ko ang kaniyang paa na may posas. Napatingin naman ako sa tinapon nila Sam sa tubig na parang malaking bola na gawa sa metal. Kaya lumubog si Ken dahil dito. "Who knows how to cpr?" Tanong ni Wil. "Me. But I'm out of breath myself." Habol na hiningang tugon ni John. "Me." Singit ni Katharine. "How?" Tanong naman ni Sam. "I'm taking tourism." Sagot niya at inumpisahan na ang pagbigay ng hangin kay Ken. Bigla siyang inubo at naglabas ng mga tubig kaya kami lahat nakahinga ng maluwag. "Kuya." Umiiyak na yakap sakaniya ni Lauren. Napatingin naman ako kay Katharine na pinupunasan ang bibig na halos mabura na ito. Nakaramdam ako ng hindi ko maipaliwanag na emosyon ngunit umiling na lamang ako. "What happened?" Tanong niya. "You almost die, you dumbass." Sabi sakaniya ni Sam. "How about the soirée?" Biglang tanong ni John. Oo nga pala. Hala, anong oras na. "Let's go." Tawag ni Sam. "Who—" "Her." Putol ni Lauren sa itatanong niya sana. Nagkatinginan naman silang dalawa ni Ken at Katharine ngunit inirapan lamang siya ni Katharine atsaka na sumunod kay Sam. Sasakay na sana ako nang makita ko si Katharine na sumakay sa kotse ni John. Sumunod ako at dito na lamang nakisakay. "Anong nangyayari?" Natatawa niyang tanong saamin. "Nothing. Halika na. Mas mabilis ka yatang mag maneho." "Kailangan pa naming mag ayos." Dagdag ni Katharine. Habang nasa daan ay patuloy siya sa pagpunas niya ng kaniyang labi. "Wala na yun. Burang bura na." Sabi ni John sakaniya. Naging tahimik na ang aming biyahe at wala na saaming tatlo ang ginustong magsalita pa. Ang mahinang tugtog lamang galing sa sasakyan ni John ang naririnig namin. Ang mga nakalaban namin kanina'y hindi ko pa rin mapaniwalaang totoo. It's so unreal. Hindi ko alam na kahit nakikita na ng dalawang mga mata ko'y mukha pa rin itong hindi totoo. Siguro'y hindi ko lang talaga naisip na pwedeng maging totoo ang mga katulad nila. Bigla ko naman naimulat ang aking mga mata nang maalala ko kung paano kagatin nung isang bampira ang katulad niyang bampira. Nakakatakot sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD