Chapter 14 - RETALIATION part2

1392 Words
"Where's Ken and Wil?" Tanong ko sakanila Lauren. "They're with mom. Don't worry, they'll be safe." "How about us? Are we gonna be safe up here?" Singit naman ni Coach Chester. "Coach! With all due respect. Can you please lower your voice?" Irita at gigil na tanong ni John. Napatingin naman kami sa ibaba nang makita namin dito ang lalaking nakalaban namin dati. "Get down, get down." Halos bulong na wika ni John saamin. "Where are you?! I know you'll still here." "Magpunta kayo dito at harapin niyo ako ngayon!" Aniya. "You all are going to pay for what you've done!" "You killed my father! You killed the only family I've had." "Come and face me!" "Who's frightened now?" "Guys. What are we gonna do?" Pagtawag saamin ni Sam. "Where are them? Nasaan na sila Ken?" Tanong niya ngunit pati kami'y walang ideya kung nasaan na sila. Sa hindi namin inaasahang pangyayari'y nakita niya kung nasaan kami. Gumuhit ang ngiti sakaniyang mga labi at nakakatakot ito. "Let's go! Let's go! Let's go!" Mabilis na sabi ni Coach kaya kami tumakbo sa may pinto. Nasa may 5th floor pa lamang kami ay nasalubong na agad namin siya kaya kami bumalik sa rooftop. "s**t. What are we gonna do?" Mahinang tanong namin sa isa't isa. Si Coach Chester naman ay nakaharang saaming lahat. "Stop right there, kid." Sabi ni Coach. "Please, sir, get out and give them to me." Ani ng lalaki. "No. You will go through me first before you could go to them." "Sir. Don't let me hurt you." Wika niya ngunit hindi pa rin umalis si Coach. Napasigaw kami nila Lauren ng tumama ang katawan ni Coach Chester sa pader nang masuntok sila ng lalaki. Mabuti na lamang at pababa ang pagkakatumba nila kung hindi ay nalaglag na sila dito sa rooftop. "Stop it." Madiing sabi ni John at siya naman ang humarang saamin nila Sam na inaasikaso si Coach Chester. Nagdudugo ang kanilang ulo kaya binigyan namin ito ng presyon. "Hey." Biglang litaw ng tito Valentine at ni Mister Hiro. "How about you pick someone who has ability like you?" Tanong ng tito Valentine nila Lauren. "Sam. Get them out here." Ani sakaniya ni Mister HIro kaya na kami tumayo. Inalalayan nila si Coach Chester atsaka kami nagtungo sa pinto. Bago pa kami makalabas ay nahila ng lalaki si Katharine. Mabilis namang nakahawak sakaniya si John, ngunit dahil sa kakaibang lakas ng lalaki ay naibato niya silang dalawa sa sahig at tumama sa pader. Napadaing silang dalawa. Nakita ko naman ang pagaalalang biglang lumabas sa mata ni Mister Hiro ngunit nawala nang makitang hawak na ni John si Katharine. "Oh! You two! Come down here or else, she'll die." Rinig kong sabi ng pamilyar na boses sa baba. Nang silipin ko'y namilog ang aking mga mata. Ang prinsipe ay hawak ang mama nila Lauren. "You two go. I'll try my best to get Katharine and John." Wika ko sakanila Lauren kahit hindi ko alam kung paano ko ito gagawin. Pinilit ko sila at sinabing iligtas na nila si Coach Chester dahil medyo marami ng nawala sakanilang dugo. Pumayag naman na silang dalawa kaya mag-isa ko na lang dito sa pinto ang natira. Nagkatinginan naman sila Mister Valentine at Mister Hiro. "Uh-uh. I know what you two are thinking." Sambit ng prinsipe. "If you go alone here, you'll die and also this girl." Wika niya kay Mister Valentine. "But if you two come down here and get her in my arms, maybe she could live." Napansin ko naman na hindi niya nakikita sila Katharine dahil natatakpan sila ng pader. Habang hindi nakatingin ang lalaki sakanila John dahil ang atensyon niya'y nasa prinsipe ay pasimple silang gumagapang na dalawa palapit saakin. "Slowly." I mouthed to them. Sa isang iglap ko'y nandito na agad ang prinsipe kasama ang mama nila Ken. "Let me go, you asshole." Sabi nila at pilit na kumakawala sa bisig ng prinsipe ngunit masyado siyang malakas para sakanila. Naglakad ang prinsipe papunta sa mismong tabi ng pader atsaka tumingin sa ibaba. Nagkaroon ng apoy sakaniyang kamay at tumingin muna sakanila Mister Hiro bago itapat sa ibaba ang kaniyang palad. Naglikha ito ng malaking apoy. "Oh. I remember you." Pagturo nila sa lalaking nakalaban namin dati. "Yes. You're the one who ruined me and my father!" Madiin at galit niyang sabi. "I didn't ruin you and your father. Your father is the one who approaches me and ask for power. I told him what I can give to him, but in return he has to give me what is a good price for he was asking." "And guess what? He sell you, my dear, to me. So I now own you. Just like I own....." hindi niya tinuloy ang sinasabi niya at tinignan lamang si Katharine. Alam ko naman ang ibig sabihin ng kaniyang tingin dahil sinabi ito saakin dati ni Katharine. "Anyway. Back to the business." Pagharap niya sakanila mister Hiro. "I will let her go, if you give me what our are deal." Anila. Ito yung sinasabi ni Katharine. Ibig sabihin ay nakipag kasunduan si Katharine, at pati si Mister Hiro ay nakipag kasunduan sakaniya? Ang galing niyang paglaruan ang mga tao. Ang sama sama niya talaga. "The deal or I'll drop her in the fire?" Sabi nila atsaka nagbabantang ilaglag ang mama nila Ken sa napakalaking apoy sa baba na kitang kita kahit dito. "The deal is the deal. I know what I had to do." Kalmadong sagot ni Mister Hiro. Nakita ko naman ang pagguhit ng ngiti sa labi ng prinsipe. Kahit naka maskara siya'y kitang kita ko ang sinasabi ng kaniyang mga mata -tuwa dahil nagtagumpay nanaman siya sa panggugulo. "Alright." "I'll see you all again." Sambit niya atsaka tumalon sa tapat kung nasaan ang apoy. Nawala siya agad at tanging mama na lang nila Ken ang nalalaglag. "Hiro!' Tawag nila kaya nagmadaling tumakbo sa kabilang pader si Mister Hiro. Nagtaka pa ako ngunit bigla na lamang nagkaroon ng itim na kung ano at doon sila nalaglag. Nasalo nila sila at dito ako nakahinga ng maluwag. Nakita ko naman ang nakalaban naming lalaki na hinila sa paa si Katharine atsaka para lamang laruang itinapon kung saan tumalon ang prinsipe kanina. "Katharine!" Sabay naming sabi nila John. Parang bumagal ang oras at kitang kita ko kung paano tumakbo si John papunta kay Katharine atsaka tumalon upang siya ay mahawakan. Nakita ko rin si Mister Hiro na mabilis ibinigay kay Mister Valentine si Misis Tala na nanghihina atsaka tumakbo upang mahawakan ang paa ni John. "Don't let go of me." Rinig kong wika ni John. Ang lalaki naman ay naglabas ng kutsilyo na hindi ko alam kung saan nanggaling atsaka itinama kay Mister Hiro. Hinanap ko naman sila Mister Valentine ngunit wala na sila. Tumakbo ako kahit hindi ko alam kung ano ang mangyayari atsaka hinihila palayo ang lalaki. "Let go of me." Galit niyang sabi atsaka ako marahas na itinulak. Napadausdos ako sa sahig at gumulong-gulong palayo sakanila. Hirap akong tumingin sakanila Mister Hiro at nakitang ilang beses niyang ibinaon ang hawak niyang kutsilyo. Hindi na makalaban si Mister Hiro dahil dalawa sila ni John na kaniyang hawak. "No!" Rinig kong sigaw ni Katharine nang ibaon ulit ng lalaki ang kutsilyo kay Mister Hiro. "Katharine, what are you doing?" "John. It's okay. Save him for me." Rinig kong sabi niya. "I'll see you again, shithead." Rinig ko ulit na sabi niya at sa palagay ko'y tinukoy ang lalaking nakalaban namin dati. Kasunod non ay ang pagbigkas ni John ng kaniyang pangalan. No. Katharine. "Ahhhh." Ani ni Mister Hiro atsaka hirap na ibinuhat si John papunta malapit saakin. Hindi ko alam kung namamalikmata ba ako o totoong namumula na ang mga mata nila. Pagharap nila sa lalaki ay hindi nila alintana ang mga saksak na kanilang natamo. Ang lalaki naman ay napaatras ngunit parang wala na siyang magagawa dahil lahat na yata ng atensyon ni Mister Hiro ay nasakanya. "Kyla." Mabilis na tawag at paglapit saakin ni John atsaka ako niyakap kaya hindi ko nakita kung ano ang sunod na nangyari. Ilang minuto kaming ganon hanggang sa humiwalay na siya saakin. Pagkakita namin ay hiwalay na ang puso ng lalaki sakaniyang katawan at kalahati na lamang ng leeg niya ang natira. "Mister Hiro." Paglapit namin sakanila na nakasandal sa pader at hawak ang pinakamalalim na saksak nila.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD