Chapter 4 - HOLE part2

1813 Words
"Can you stop and put me down?" Tanong ko kahit ako'y nagdadalawang isip. Bigla naman siyang huminto atsaka ako marahas na ibinaba. "Let's go." Wika niya atsaka tumakbo. "Walang hiyang lalaki ito." Inis kong sambit ngunit napatigil nang sabihin niyang narinig niya ito at ako ay tumakbo na dahil paparating na yung sumusunod saamin. Tumakbo na ako ng mabilis ngunit hindi ko pa rin siya mapantayan. Napaka bilis niya. Bigla akong bumagal sa pagtakbo nang mapansin ang mga parang bomba na nakabaon sa lupa. Ganito yung mga bombang kinukwento ni Katharine dati saakin. Nabibighani raw kasi siya sa mga kagamitan ng mga sundalo. "Ken?" "Ken?" Tawag ko ulit sa pangalan niya. "Ken? I think this is a bombfield." Aniko. Kasabay ng pagtigil niya at pagharap saakin ang paghila ng humahabol saamin. "No." Malakas niyang sabi. "Give me the stone." Utos ng lalaking may hawak saakin. "Or I will rip her..... using my teeth." Dagdag niya. Dahan-dahan namang humarap saamin si Ken. "Do you want the stone?" Seryoso ngunit may kung anong iba sakaniyang tono. "Where is it?! Give it to me!" Malakas niyang sabi na nagpagulat saakin kaya ako napapikit. "Do you want it? Do you really want it?" Tanong niya hanggang sa makaupo siya atsaka inayos ang kaniyang sintas. "Give it to me!" Malakas at galit na sabi ng lalaki kaya nanaman ako nagulat. "Then give her to me. Let's exchange." Wika niya nang maibukas ko na ang aking mga mata. Nakita ko namang nakatayo na siya. Sinalubong niya ang aking mga mata na parang may nais sabihin ngunit hindi ko maintindihan. "Before you even touch the stone, we're already gone." Wika niya sa lalaki atsaka nanaman ako tinignan saaking mga mata. Anong gustong sabihin ng tingin niya? Hindi ko maintindihan. "After I throw the stone to you, that inbred idi– the girl is already far from you." Madiin at medyo inis niyang sabi habang nakatingin saakin. Tumingin naman siya sa lalaki na parang inaantay ang sasabihin nito. Anong ibig niyang sabihin? "The girl"? Ako yun. Tapos? Bakit "already far"? Hindi ko naman maintindihan ang ibig niyang sabihin. "Ano?" I mouthed. Sa daming beses niya ginawa ang pakikipag usap saakin gamit ang teknik niya ay saka ko lang ito naintindihan. Ngayon ko napatunayan na ang bagal kong..... sa maikling salita ay ang tanga ko. Sinabi niya naman saakin gamit ang kaniyang tingin na tignan ko ang paanan niya. Wala na dito yung bombang natapakan niya kanina at ito ay hawak na niya. Ngayon, alam ko na kung anong plano niya. "Catch." Wika niya atsaka itinapon ang bomba sa lalaking nakahawak saakin. Pagbitaw niya saakin ay mabilis akong tumakbo palayo. Nang sumabog ang bomba ay nagawa nito akong patalsikin kaya ako tumama ng malakas sa isang puno. Nandidilim ang aking paningin. Para rin akong nabibingi. "Kyla!" Mahinang dinig ko. May narinig pa ako ngunit boses na lamang ang nagagawa kong pakinggan, hindi ko na magawang maintindihan ang sinasabi niya. "Hey. Kyla, do you hear me?" Tanong ni Ken ngunit ang labo na ng kaniyang imahe at hindi ko na halos marinig ang sinasabi niya. Para na akong makakatulog. . Pagbukas ng aking mga mata ay napatingin ako agad sa apoy na nagbibigay saakin ng liwanag. Naalala ko naman ang nangyari kanina noong tumama ng malakas ang katawan ko sa puno kaya ako agad bumangon at hinanap si Ken ngunit pinagsisihan ko rin ito agad dahil sa pagsakit ng aking ulo. Nandito ako ngayon sa kweba, pero nasaan na siya? Tumayo ako atsaka nagpunta sa labas. Nakita ko doon si Sam na parang may tinatawagan. "Nasaan na si Ken?" Tanong ko ngunit hindi niya yata ako narinig dahil sa lakas ng ulan. "Ilang oras akong walang malay?" Tanong ko. "Sam?" Tawag ko ngunit tumawa lang siya habang nagbabasa yata ng text. Ang sarap isubo sa bibig niya yung cellphone niya. Nakakainis. "Sam?" Tawag ko ulit. "Yes?" Nakangiti niyang tanong dahil pa rin sa ka-text niya. "Ilang oras akong walang malay?" "Two and a half hours." Tugon niya. "Nasaan na sila Ken?" Tanong ko ulit. "Tracking someone." Makahulugan niyang sabi atsaka sinalubong ang aking paningin. "Who?" "'The abominable lady', Ken said." Sabi niya ng seryoso ngunit tumawa rin agad. "Tignan mo. Gumawa pa ako ng twitter ko para doon sa babaeng iyon." Pagpakita niya saakin ng kaniyang cellphone atsaka natawa. "Para saan ba?" "Para mas mabilis siyang ma-track. May nilagay kasi sila Wil na tracking device sakaniya nung hinahabol niya sila, tapos ngayon, siya naman na ang hinahabol." Aniya atsaka tumawa. "Sira na talaga ang ulo mo." Aniko. "Nasaan na yung bato?" Pagiiba ko. "Lauren." "Huh?" "Kay Lauren. Nakatago na, huwag kang mag alala." Napatingin naman ako sakaniya nang maalala ko yung sa mama niya. "What's with that look? You look like there's something you know that I don't know and I need to know but you're thinking if you should let me know but you know I should know it." Mabilis niyang sabi kaya napakunot ang aking noo dahil sa pagkalito. "Ha?" "Hamburger." Wika niya. "Anong sasabihin mo?" Tanong niya rin agad. "A-about your mom." "My mom? What's with my mom?" "I found them." "'Them'?" "Yes. Along with Wil's dad and Doc, and more." "What are you talking about? My mom is at work. Uncle found her, thankfully." "Ha?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Hatdog." Aniya. "Hindi. Totoo yung sinasabi ko." "Saan mo nakita?" Tanong niya rin matapos ang ilang minutong pagtahimik niya. "Here. Nandito lang din sila sa gubat. Sa butas. Sa ilalim ng lupa." Wika ko na nagpalingon sakaniya saakin. Bigla naman siyang napalunok. "Bakit?" Tanong ko ngunit hindi niya ako pinapansin at parang may ginagawa na siya sakaniyang cellphone. "I swear, Sam. I swear, I saw them. I promise." Sabi ko. "I know, I know. I trust you. I just don't f*****g trust my uncle." "Bakit? Nasaan na ba siya?" "Kasama niya kanina si mama. Tapos ngayon, sumama siya sakanila Ken para tumulong na mahuli yung babae." Kinakabahan niyang sabi. "Can you call Lauren or Wil or Ken? I'm calling my mother right now." "Sige, sige." Sagot ko agad at tumakbo papunta saaking bag. Pagkakuha ko ay lumabas rin ako at tinatawagan na sila Lauren. "Mom?" Rinig kong tanong niya. "Nothing. I just want to say that I will be late tonight." "Okay. Bye." Sambit niya atsaka ito ibinaba. Sinalubong niya naman ang aking paningin at basang-basa ko sa itsura niya ang sobrang kaba at pag-aalala. "I swear, if something bad happens to my mother I will definitely punch that asshole's throat." Galit niyang sabi atsaka na parang may tinatawagan. "Ayun." Aniko nang sagutin ito ni Lauren. Inilagay ko naman ito sa speaker para marinig din ni Sam. "Ky-la? Wh-a-t's th-e pro-ble-m? A-re y-ou o-k-ay?" "Lauren. Tell Wil and Ken, κίνδυνος." Ani ni Sam. "He-llo? K-y-la? Na-ri-r-inig m-o b-a ak-o?" "Lauren?!" "He-l-lo?" "K-y-la?" Magsasalita pa lang si Sam ay namatay na ito. Pagkakita ko ay wala kaming signal. "Crap." Sambit niya. Kitang kita sakaniyang nape-pressure siya. "Halika. Let's find my mother, my real mother." Aniya. Mabuti na lang ay tumila na ang ulan. Naglakad kami ng naglakad at mabuti na lang ay nahanap ko rin agad yung butas na tinutukoy ko. Magsasalita pa lang siya para tawagin ang mama niya sa butas ay agad ko siyang pinigilan. "Hindi natin alam kung nanjan ba kasama nila yung kumuha sakanila. Baka mas malagay pa sila sa kapahamakan at madamay tayo." "I know, I know. At hindi natin sila maliligtas kung mangyayari iyon." Wika niya. "Mauna ako." Sabi niya atsaka ipinahawak saakin ang kaniyang bag. Pagtalon niya ay narinig ko pa ang kaniyang pagdaing. Hala. Hindi ko nasabi yung parteng iyon. Pasensya ka na Sam. "Sa susunod magsabi ka naman para hindi ako mabigla." Aniya. "Sorry." Sabi ko. Ilang minuto pa ay umakyat na siya. Tinulungan ko siyang makaakyat ng tuluyan atsaka niya sinabi saakin na doon kami dumaan sa kabilang daan upang mapalabas sila. "Hello?" Tanong niya sa kaniyang kausap sa cellphone. "Oh really? Who the hell are you?" "You're not my mom. My mother will never call me "sweetie", it's too sweet for her." "Who are you?" Mas madiin niyang tanong. "Just so you know, I'm gonna let you pay for what you've done." Pagtapos niya atsaka mabilis pinatay at tumingin na saaming dinaraanan. Nakarating kami sa tunnel at hindi ko alam kung ito ba yung tunnel na pinuntahan namin dati. "This is not the tunnel you are thinking." Sambit niya kaya ako nabigla. "Paano mo nalaman na iyan ang iniisip ko?" "I assume and you just proved it." Pagharap niya saakin kaya ko siya sinamaan ng tingin ngunit nginitian niya lamang ako. Pumasok kami dito pagkatapos naming sirain ang padlock ng parang gate. "How did you learn?" Tanong ko habang kami ay naglalakad. "What learn?" "Tricking, mind reading and solving crimes?" "I just enhance the level of my sarcasm and use it to most people without them knowing I am using it. If you can twist your sentence and you can speak faster than most people, you might gonna trick someone." "But some people might find you lying for speaking faster." Pagharap niya saakin. "And about solving crimes, just use the first, second and third P-O-V." He said and wink at me. Kahit hindi naman ganon kahaba ang sinabi niya'y wala akong naintindihan. Ang pumasok lang sa isipan ko ay nag-practice siya para mapataas ang level ng kaniyang sarcasm.... hindi ko pa sigurado kung tama ba ang pagkakaintindi ko. Whatever. Bigla kaming napatigil nang may makita kaming nagbabantay sa parang pintuan na sa tingin ko ay papasok sa lugar kung nasaan ang mama ni Sam. "What are you doing?" Madiin ngunit bulong kong tanong sakaniya habang hawak niya ang malaking bato. "Ipupukpok ko sa ulo ko. Baka sakaling maligtas sila kung ginawa ko." Bulong niyang sagot. Napaka pilosopo nito. Pareho sila ni Katharine at Ken minsan. Ipinukpok niya ito sa mga nagbabantay at agad din naman silang nawalan ng malay. Hinanap ko naman agad ang susi sa beywang nila gaya ng utos ni Sam atsaka na namin binuksan ang gate. "Ma." Paglapit niya agad sakaniyang ina atsaka niya sila niyakap. "Hindi ko alam kung sino at bakit kami nandito. Ano ba ang kailangan nila saamin?" Tanong naman ng papa ni Wil. "Ayos lang po ba kayong lahat?" Tanong niya at hindi muna sinagot ang papa ni Wil. Bigla naman kaming nagkatinginan ngunit mabilis lamang. Alam ko na agad ang ibig niyang sabihin. "Hindi po namin alam. Umalis na tayo dito." Aniya. Pagkalabas namin ay napatingin ako sa kulot at halos katangkad ko lang na babae na may nakalagay sakaniyang leeg dahil siya ay napadapa. Parang hinang-hina siya at sa tingin ko ay dahil ito sa nakalagay sakaniyang leeg. "Ayos lang po ba kayo?" Pagtanong ko. "Sa tingin mo?" Pagtingin niya saakin habang hinang-hina. Oo nga naman. Bakit ko nga ba kasi siya tinanong ganon kung kitang kita namang hindi siya ayos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD