Lumipas ang ilang araw matapos yung pagligtas namin sa mama ni Sam at iba pang na-kidnap.
Hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa nagkunwaring mama ni Sam dahil may lakad kami ni mama. Hindi ko na rin natanong kay Lauren dahil nagsunod-sunod na ang problema sa bahay namin.
Nandito kami ngayon ni Lauren kumakain sa may canteen. Mabuti na lang ay medyo nagagawa ko ng makisama sakanila dahil umaayos na ang problema namin sa bahay.
"Ky. Bakit ganon, nalipat yung section ko?" Hindi ko inaasahang tanong niya.
"Ano?"
"Ibig sabihin ay hindi na tayo magkaklase nito?" Tanong ko kaya siya malungkot na tumango. Umpisa nanaman kasi ng klase –second-sem–.
"Bakit kaya? Siguro maraming transferee?"
"Siguro." Sang-ayon ko rin.
"Atsaka hindi na bago yun kasi medyo nasa bandang dulo yung unang letra ng apelyido ko. Siguro si Ken malapit lang sa section ko o siguro ay magkaklase kami." Aniya.
"Awww. Tatatlo na nga lang tayo dito, tapos hindi pa tayo magkakaklase." Sabi niya.
Kahit naman ayoko ay wala akong magagawa dahil malayo ang apelyedo ko sakanila.
Pagkatapos naming magkwentuhan ay umalis na siya para sa training niya samantalang ako'y umuwi na.
...
Kinaumagahan ay dumaan muna ako kung saan may pinabayad saakin si mama bago pumasok. Maaga pa para sa klase ko ng nine-thirty kaya tumambay muna ako sa library para magbasa.
Nang dumating ang oras ay nagpunta na ako saaking klase.
Mabilis natapos ang klase ko dahil ilang subjects lang naman ang papasukan ko ngayong araw. Nagpunta ako sa roundtable na palagi naming tambayan at doon nag-antay sakanila Lauren.
Halos dalawang oras akong nag-antay at mabuti na lamang may pinagkakaabalahan ako saaking cellphone.
"Ky. Magkaklase pala kami ni Ken." Bungad saakin ni Lauren pagdating niya.
"Ay oh? Nasaan na siya?"
"Nasa locker niya. Pinapalitan niya lang yung gamit niya."
"Okay."
"Kanina ka pa ba dito?"
"Medyo." Tugon ko.
"Sorry."
"Ayos lang. Ano, kamusta unang klase ngayong second sem?"
"Hay! Alam mo ba, may bago kaming kaklase. Michael daw pangalan niya."
"Tapos?"
"Alam mo, parang pamilyar siya saakin."
"Parang nakita ko na siya." Dagdag niya.
"Diba?" Bigla niyang sabi kay Ken na kadarating lang.
"Ang alin?"
"Yung bago nating classmate. Yung nasa likuran mo."
"Bakit siya?"
"Pamilyar siya saakin. Sayo ba?" Tanong niya ngunit hindi agad sumagot si Ken at parang inaalala niya ang tinutukoy ni Lauren.
"Hindi ako sigurado." Sagot niya.
"Bakit, gwapo ba?" Pagbiro ko naman.
"Hindi ko alam. May itsura siya, pero.... hindi ko talaga alam."
"Makikita mo rin siya." Aniya.
"I have to go. May iti-train pa ako. Kailangan kasi ni coach Ches ng tulong para maturuan yung mga bagong saltang maglalaro."
"Aww. Sige. Mauna na lang kami." Wika ni Lauren. Pagkaalis ni Ken ay bigla niyang sinabi na magpunta muna kami sakanilang bahay.
Dahil maaga pa naman ay pumayag ako. Pagkarating namin ay naabutan namin si Travis na kumakain ng mansanas habang nanonood ng TV.
"Tita Amara?" Tawag ni Lauren.
"May kasama po ako. Kaibigan ko. Si Kyla." Pagtuloy niya kahit wala naman dito ang kaniyang tita.
"Hmmm. Nasaan na kaya sila?"
"Travis. Nasaan na si tita?" Tanong niya.
"Hindi ko po alam. Kanina ay nandito lang sila."
"Ganon ba? Hindi ba nila sinabi na aalis sila o may pupuntahan?"
"Hindi po."
"Ganon ba? Sige, salamat. Manood ka na ulit jan."
"Baka may pinuntahan." Sambit ko kaya siya sumang-ayon.
"Luto muna tayo. Nagugutom ako." Sabi niya at nagumpisa ng magprepara ng lulutuin.
"Alam mo, sa tuwing nagluluto ako tapos nandito kayo, naalala ko si Pat. Miss na miss ko na siya. Hindi ko nga alam kung ano, kamusta, o kung kailan ba siya babalik dito."
"Sobrang minsan na lang tayo magkakasama. Kasi si Wil ay busy, si Sam naman ay busy din yata. Tapos si kuya naman ay busy kasi yung mga tinitrain niya. Ako naman doon sa training ko."
"Sorry, Kyla, ha. Ginagawa ko naman ang lahat para kahit papaano ay magkasama tayong dalawa."
"Ayos lang. Ano ka ba. Naiintindihan ko." Wika ko agad.
"Kung sana nandito si Katharine ay tatlo tayong nandito ngayon." Aniya kaya ko naalala yung nangyari dati.
Ano na kayang ginawa sakaniya nung lalaki? Huling kita ko sakaniya ay payapa siyang "natutulog" sa higaan na animo'y prinsesa.
Tinulungan ko na siyang magluto at nang natapos ay kumain kaming tatlo nila Travis. Habang nagkukwentuhan kami ay biglang pumasok si Sam na parang pagmamay-ari ang bahay.
"Where's Ken?" Bungad niya saamin.
"Pahingi nga." Pagkuha niya sa brownies na ginawa namin.
"I'm very stressed and I need to eat." Wika niya habang punong puno ang kaniyang bibig.
Noong naligtas namin ang mama niya ay pinagalitan siya ng sobra ng kaniyang tito at nagawa nila siyang suntukin. Kinalbo pa nga siya bilang parusa dahil sa patuloy na pagsama saamin, pero makulit siya kaya pinabayaan na lamang siya. Sinabi din kasi ng mama niya na pinalipat na siya ng paaralan at lahat, patuloy pa rin siya sa pagsama saamin.
Naiinis ako ng sobra sakaniyang tito, naawa naman ako sakaniya dahil sa kaniyang mga pinagdadaanan.
"Oh." Pagabot kaagad sakaniya ni Lauren ng tubig dahil muntik pa siyang mabilaukan dahil sa dami at bilis niyang kumain.
"Ano bang nangyari? Bakit ka stressed?" Tanong ko.
"Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko, pero totoo ito." Wika niya kay Lauren.
"Pat's dad was found dead in his apartment."
"What?" Hindi makapaniwalang tanong ni Lauren.
"I thought he's dead?"
"Me too. All of us. But no."
"They confirmed that he's Pat's father."
"Paano mo nalaman?" Tanong ko.
"Narinig ko kasi yung paguusap ni mama sa kasamahan niya, siguro, sa telepono. Tapos narinig ko yung pangalan nila at apelyedo ni Pat."
"Narinig mo lang ba o pinuntahan mo rin?" Mapagbirong tanong sakaniya ni Lauren.
"Oo na. Pinuntahan ko rin."
"Ano na lang kaya ang magiging reaksyon niya kung malaman niyang buhay pala ang papa niya noong mga panahong akala niya ay patay na sila." Sabi ni Lauren.
"Mamaya na yan. Mag-ayos na kayo at pupunta tayo doon, pero, pupuntahan ko muna si Ken."
Pagkaalis niya ay nagayos na nga kami ni Lauren.
Habang binibilin niya si Travis ay narinig na namin ang sasakiyan ni Sam sa labas.
"How about Wil? Should we contact him?" Tanong ko pagsakay namin.
"May ginagawa pero siya. Sige, subukan mo lang." Ani ni Sam kaya ko siya tinawagan.
Hindi niya ito sinasagot kaya tinext ko na lamang siya.
Pagkarating namin sa building ay nagpunta kami agad sa apartment na tinutukoy ni Sam.
"Nasaan na yung katawan nila?" Tanong ni Lauren.
"What do you think?" Sam asked with his sarcasm voice.
Naglakad at naghiwalay kaming lahat para maghanap ng kung ano o tumingin ng pwedeng makita. Habang naglalakad-lakad ako ay may nakita akong patak ng dugo kaya ko tinignan kung mayroon pa ba.
May kasunod ito kaya ko ito sinundan. Dahan-dahan at natatakot akong naglakad papunta sa... pader.
Dito na tumigil ang sinusundan kong patak ng dugo.
Hindi halos kapansin-pansin ang mga dugo dahil ang liliit lamang nito.
"Guys?" Tawag ko sakanila.
"What do you think about that blood?" Tanong ko paglapit nila.
"Pero pader lang naman ito." Sambit ni Sam habang hinahawakan ang pader. Kinatok niya pa ito kaya namin nalaman na semento at hindi ito kahoy.
"Oh my God." Sabi ni Lauren kaya kami napatingin sakaniya.
"Look up." Aniya.
Pagtingin namin ay pare-pareho kaming natakot maliban kay Ken na parang hindi lang man nabigla.
May parang binutas dito na kasing taba ng maliit na tubo at ang nakapaligid sa butas ay mga dugo. Halos kalahati ng kisame ay may mga dugo at talsik nito.
"What do you guys think had happened here?" Tanong ni Lauren.
"No. No." Sambit ni Sam atsaka lumabas kaya namin siya sinundan.
"Mister Lim found dead on this couch with a gun shot on his head. Wala ng nahanap na kung ano o sino dito maliban doon sa baril na ginamit pampatay sakaniya. Tapos, ang pumatay sakaniya ay yung tama niya sa ulo."
"Wait." Aniya na para siyang may napagtanto.
"What if mister Lim is not alone here?"
"If he's not, who's with him?" Tanong ko.
"A friend?" Tanong ko ulit.
"Maybe. Someone who's close to him is with him before he died." Wika ni Ken.
"How do you say so?" Tanong ni Lauren.
"Look at this table. May marka ng isang baso dito sa gilid malapit kung nasaan ang baso niya. Tapos itong baso niya, may laman pa."
"Ibig sabihin ay kakwentuhan o kausap niya ang kaniyang kasama."
"Yes. Yes." Paglapit ni Sam.
"And I think, it's not just a friend who's with him before he died." Sabi niya.
"Ano?" Sabay naming tanong ni Lauren.
"His lover? Maybe." Tugon niya saamin.
"Kung ganon, nasaan na yung baso nung kasama niya?" Tanong ko.
"That, I don't know."
"Paano niyo nasabing hindi niya kaibigan ang nandito?" Tanong naman ni Lauren.
"Kasi kung kaibigan niya, dito siya uupo sa tapat ni mister Lim. Hindi dito sa tabi niya."
"Bakit? Pwede naman iyon ah." Sagot niya.
"No, it's not. Well, pwede kung matalik silang magkaibigan." Wika niya naman.
"I agree with Sam. This is a mark of a wine. Probably champagne." Sabi ni Ken kaya kami napatingin sakaniya.
"Hindi ito halos mapansin kasi para lamang tubig ang champagne. Kung red wine ito o alak na may matapang na kulay, makikita ito agad."
"Ibig sabihin ay babae ang kasama nila bago sila mamatay?" Tanong ko.
"It's just a speculation. Hindi pa ako sigurado. Pero malaki itong posibilidad. Kasi kung iisipin ang dahilan kung bakit hindi sila nagpakita kay Pat, pwedeng dahil sa pambababae." Ani ni Sam.
"Kung ganon, kaninong dugo at sinong pinatay doon sa kabila?" Tanong ni Lauren at tinukoy ang nakita namin sa kisame kanina.
"I'm not sure. " Wika ni Sam.
"Tatlong bagay ang nasa isip ko. Una, tatlo sila ditong magkakasama at ang isa sakanila ang pumatay sa dalawa. Pangalawa, dalawa silang nandito at pinatay sila ng ibang tao basta nanggaling sa labas. At pangatlo...." huminto siya atsaka kami tinignan.
"Dalawa silang nandito at yung kasama nila ang pumatay sakanila."
"Paano mo maipapaliwanag yung dugo doon sa kisame?" Tanong ko.
"It's not a blood of a human." Sabat ni Ken.
"I can't figure out earlier, but now, I did. It's a blood of a dog."
"Maybe the killer did that to confuse the police." Ani ni Sam kaya kami napatangin ni Lauren.
Ang galing-galing niya talaga pagdating dito. Nakakapagtaka nga lang dahil malayo sa kakayahan niya ang kinuha niyang kurso.
Ang kinuha niya kasi ay Lawyer, Family Law, sabi niya.