"Sam." Rinig naming tawag ng kung sino.
"U-u-uncle." Utal na sabi ni Sam.
"Diba sinabihan ka na namin ng mama mo na hindi ka lalabas?" Galit nilang tanong atsaka hindi na siya inantay magsalita at hinila ang kaniyang braso paalis.
Balak pa siyang sundan ni Ken ngunit umiling na siya.
"He's here again." Madiing sabi ni Ken.
"Alam mo?" Tanong ni Wil.
"Yes."
"Anong alam mo?" Tanong naman ni Lauren.
"Siya ang dati pang nagpapahirap kay Sam. He is really really strict because he wants Sam to be like him... to be a navy. But Sam don't want to."
"Bakit? Bakit niya ba sila sinusunod kung tito niya lang naman sila? I mean- don't get me wrong" Tanong ni Lauren kay Wil.
"Because when his father died, all the responsibilities his father left passed to his uncle. Siya ang nagbuhay sakanila ng mama niya hanggang sa kaya ng tumayo magisa ni tita at kaya na nilang buhayin si Sam ng walang tulong ng tito ni Sam."
"Utang na loob, ganon?"
"Yes." Tugon niya.
"Poor Sam."
"Don't be. We know he can get out of his uncle's chain."
"I know. I'm just feeling sad about him. But, why did you guys kept it from me?"
"We didn't kept it. You just didn't ask since you doesn't have an idea." Singit ni Ken kaya na tumigil si Lauren.
"What do we do now?" Tanong ko.
"Should we find the stone first or Sam's mother?"
"I suggest we should get the stone first."
"No." Madiing sabi agad ni Ken kay Wil.
"Think about it, Ken. We have an idea where are those immortal people are hiding. On the other side, we doesn't have a clue or any idea where tita is."
"I think we should go to where we have an idea than we don't have yet."
"Besides, we planned this. Nabawasan lang tayo pero hindi naman ito nagpapakitang nabawasan din ang posibilidad na makuha natin ang bato."
"So, are you in or not? We're wasting our time right now."
Bigla akong napatingin kay Lauren na nakatitig kay Wil kaya ako bahagyang napangiti.
"Crap." Ani ni Ken.
"Let's go."
Pagkarating namin malapit sa may talon ay parang gusto ko na lang umatras.
Kailangan naming akyatin ang mga bato upang makapunta kami sa may bandang gitna at doon makapasok sa kweba.
"Seryoso ba kayo dito?" Kinakabahan kong tanong. Nagbabakasakaling magsabi sila ng ibang paraan para makapunta kami sa kweba.
"We're just joking." Ani ni Ken kaya ako napatingin sakaniya na seryosong itinatali ang kaniyang sintas. Sinalubong niya naman ang paningin ko kaya ako umiwas dahil napaka pilosopo niya.
"Let's go and finish this." Wika niya at nauna. Sumunod naman kami at nahuli si Wil.
"I'm gonna go first and wait till I throw this to you." Sambit niya at tinukoy ang mahabang tali na nakasabit sakaniyang bag.
Habang umaakyat siya ay parang mahuhulog ang puso ko ano mang segundo.
May kinatatakutan kaya itong lalaking ito? Ano siya, immortal? Pusa ba siya na siyam ang buhay? Sira na ba ang ulo niya? O gusto niyang mag suicide?
Dahil hindi ko kinakaya ang panonood sakaniya ay hindi ko na lamang siya tinignan.
"You go first." Sabi saakin ni Lauren kaya ako nagulat.
"Ayoko. Ikaw muna. Natatakot ako." Aniko.
"Sige." Aniya rin dahil alam niyang hindi talaga ako susunod.
Nang makaakyat siya ng tuluyan ay sumunod na rin ako. Habang umaakyat ay parang bibigay na yung kamay ko dahil hindi ko alam na ganito pala ako kabigat.
Ang bigat ko pala.
Grabe. Pagod na ako. Kaya ko pa ba?
Kailangan kong kayanin dahil kung hindi, baka malaglag ako doon sa nagraragasang tubig sa ibaba.
Nang marating ko ang bukana ng kweba ay tinulungan na ako nila Lauren na makaakyat dahil hinang-hina na ako. Sunod din naming tinulungan si Wil nang makaakyat siya.
Naglabas ng parang stick si Ken na nanggaling sa bag niya at binigyan din si Wil atsaka nila ito parang pinaikot. Gumawa ito ng ilaw atsaka na kami nagumpisang maglakad.
Nakita ko ang kutsilyong hawak niya at si Wil din ay meron. Si Lauren at ako ay wala.
"Hold this." Sabi niya atsaka inabot ang hawak niyang ilaw saamin ni Lauren.
Nagkatinginan pa kami ni Lauren ngunit wala yata siyang balak tanggapin kaya ko na ito kinuha.
Nagaalala ako dahil sobrang dilim sa harapan namin at nangunguna si Ken. Paano kung bigla siyang inatake at hindi niya sila nakita?
"Kyla. Stay here." Bigla niyang sabi na nagpakabog ng mabilis saaking puso.
Hindi ko alam kung dahil ba ito sa takot o sa kung ano.
Naiwan ako at kahit natatakot ay nilakasan ko na lang ang loob ko.
Nang makalayo sila ay narinig ko ang pagsabi niya kay Wil na maiwan tulad ko. Sa palagay ko'y hindi naman na ganon kalayo ang pagitan namin ni Wil sa isa't isa.
Ilang minuto ang lumipas ay bigla akong nakarinig ng ingay kaya ako napatalon dahil sa gulat. Nanginginig na ang mga kamay ko at ang aking mga tuhod. Nanlalamig na ang katawan ko.
Narinig ko ang sigaw ni Lauren kaya ako mas natakot.
"Ahhh!! Kuya!!" Sigaw niya ulit.
"Takbo!"
"Run!"
"How-"
"f**k it, just run." Rinig kong sabi ni Ken.
Ilang segundo pa ay nakita ko na si Lauren na tumatakbo papunta saakin habang hawak ang kumikinang na bato.
"Halika na. Bilis." Paghila niya saakin.
"Do you trust me?" Tanong niya habang kami ay tumatakbo.
"Yes. Of course." Sagot ko agad.
"If I say jump, we jump, okay?"
"What?"
"Jump!" Aniya kaya lahat ng pagaalala o pagdadalawang isip ko ay inalis ko na lang at tumalon na lamang atsaka pumikit ng madiin.
Tumama ang katawan ko sa matigas na lupa atsaka kami dumulas pababa. Sabay kaming napahiga malapit sa sasakyan ni Wil.
"Anong–?"
"Nakita ko ito kanina nung umaakyat ako." Putol niya saakin.
Tinignan ko naman ang parang "slide" na dinaanan namin.
"Here. I really can't run more. You take this and run as far as you can. Kung kaya mong makapunta doon sa kalsada, mas maigi." Wika niya saakin habang habol ang kaniyang hininga.
"Go. Hindi nila alam na apat tayo. Hindi nila alam na nandito ka. Sige na." Sambit niya kaya na ako tumakbo pagkuha ko ng bato.
Hindi ko na sinubukang lumingon pabalik at tumakbo lang ng tumakbo. Nakarating ako sa kagubatan at sa palagay ko'y nagiging pamilyar na ako sa dinaraanan ko.
Habang tumatakbo ay hindi ko napansing may butas kaya ako nalaglag. Tumama ang katawan ko sa bakal kaya ako napadaing sa sakit.
"Iha? Ayos ka lang?" Rinig kong tanong ng pamilyar na boses kaya kahit nahihirapan ay pinilit kong bumangon.
Pagkakita ko ay nakita ko ang mama ni Sam at ang papa ni Wil, pati na rin si Doc na pinakilala saakin dati nila Ken. May mga kasama pa silang ibang tao ngunit ang nakuha ng atensyon ko ay ang isang babaeng kulot ang buhok at may parang bagay na nakalagay sakaniyang leeg.
"Anong ginagawa mo dito, iha? May nagtulak ba sayo o naglaglag ka lang talaga?" Tanong ng papa ni Wil.
"Iha?" Tanong nila ulit dahil hindi ako makapagsalita.
"Diba ikaw yung kaibigan ng anak ko? Si Sam? Kaya mo bang umakyat? Umakyat ka at humingi ka ng tulong."
"O-opo."
"Sige na. Hindi namin alam kung nasaan kami at kung sino ang kumuha saamin. Hindi rin namin alam kung ano ba ang gusto nila." Sabi ng papa ni Wil.
"Please, iha. Sige na."
"S-si-sige po." Aniko atsaka na tumayo.
Pagtayo ko ay nakita ko ang daan papunta sa itaas.
Mabuti na lang ay may kaunting ugat at matigas ang lupa kaya nagagawa kong makaakyat.
You've got to be kidding me. Pagkatapos ng tali kanina, ngayon ay wala?
Dahil sa bilis ng mga pangyayari ay nakita ko na lamang ang sarili kong tumatakbo papunta sa kalsada.
Bakit sila nandoon? Anong nangyayari? Sino ang kumuha sakanila?
Nakarinig ako ng alulong ng lobo kaya ako napatakbo kahit sobra na ang hingal ko. Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa makarating ako sa convenient store. Itinago ko ang bato saaking bag atsaka naghanap ng pwedeng mainom.
Mabuti na lang ay may sukling pera si mama.
Pagkatapos kong uminom ay naupo ako sa may bandang likod para hindi ako makita atsaka ko inayos ang aking sarili para hindi halatang kung ano-ano pa ang nangyari saakin bago ako makarating dito.
Sa sobrang pagod ko ay parang gusto ko na lamang humilata at matulog.
Nasaan na ba sila?
Nagulat ako nang biglang tumunog ang cellphone ko kaya ko ito iritang sinagot.
"Nasaan ka na?" Tanong ni mama sa kabilang linya ngunit bigla akong napatingin sa labas.
Nakita ko yung dalawang kalaban dati ni Ken– base sa kanilang kasuotan ay sila iyong nakalaban niya dati.
Sa takot ko ay mabilis akong nagtago sa mga pagkain.
"Hello? Nasaan ka na sabi?" Galit na nilang tanong ngunit hindi ako makasagot dahil parang magsalita lang ako ay malalaman na nila kung nasaan ako.
Pinatay ko na at tinext na lamang silang walang signal at mamaya na lang tumawag.
Bigla ulit tumunog ang cellphone ko ngunit si Wil na ito.
"Hello?" Bulong kong sabi.
"Kyla? Where are you. Si Lauren ito."
"Text." Aniko nang makitang parang naririnig ako ng dalawang kalaban.
Tinext ko siya kung nasaan ako at sinabing may nalaman ako. Masyado ng mahaba kung sa text ko sasabihin ang nakita ko kaya ayun lamang ang sinabi ko.
Halos lumabas na ang puso ko dahil sa bilis nitong tumibok nang makita ko silang pumasok dito sa loob.
Habang naglalakad sila papasok ay naglalakad naman ako palabas. Dahan-dahan at kaunti-kaunti ay nagagawa kong makalapit sa pinto nang hindi nila napapansin.
Please, sana dumating na sila. Nasaan na ba sila?
Nang kaharap ko na ang pinto ay dali-dali na akong tumakbo palabas at nakita ko naman silang mabilis ding lumabas upang habulin ako.
Shit!
Nakarinig ako ng pagbusina saaking likod at nakitang sila Wil na ito.
Tumapat sila saakin at binuksan ni Lauren ang sasakyan habang ito ay umaandar.
"Get in."
"I can't." Wika ko.
"Kuya." Tawag niya kay Ken. Nagpalitan naman sila ng pwesto.
"Hold my hand."
"I can't." Ulit ko.
"You can. You will. Or else they'll get you."
Wala na akong nagawa kaya sinunod ko na ang sinabi niya. Hinawakan ko ang kaniyang kamay at sa bilis ng kaniyang galaw ay nahila niya ako agad papasok. Isinarado naman agad ni Lauren ang pinto samantalang si Wil ay nilock ito.
"You ok?"
"Yes. Thank you." Tugon ko sakaniya. Ibinigay ko naman ang bato kay Lauren gaya ng sinabi ni Ken.
"Nga pala alam ko na–"
"Later. We need to go." Putol niya sa sasabihin ko.
"Anong gagawin natin?"
"Iwawala natin sila." Aniya.
"Paano?"
"You'll see. Get on my back." Wika niya.
Tinignan ko muna sila Wil at Lauren ngunit iisa lamang ang gusto nilang mangyari, ang sundin ko ang sinasabi ni Ken.
Lumunok muna ako atsaka na ako sumakay sakaniyang likod.
"Ang bigat mo." Sambit niya kaya kahit hindi niya nakikita ay inirapan ko siya.
Sino ba saamin ang nagsabing sumakay ako sa likod niya?
"Wil, on three." Sabi niya kay Wil kaya siya tumango.
Pagsabi niya ng tatlo ay tumigil si Wil at mabilis kaming lumabas ni Ken.
Umalis sila agad samantalang si Ken ay tumakbo papuntang kakahuyan.
"Where are them now?" Tanong niya saakin.
Paglingon ko ay wala akong nakitang sumusunod saamin. Sasabihin ko pa lang ito sakaniya nang mapatingin sa taas ng mga puno.
"May isa, sa itaas!"
"Ang ingay. No need to f*****g shout. My ears are just sitting right here." Madiin niyang sabi.
"Nasaan na yung isa? Sigurado ka bang iisa lang ang nakasunod saatin?"
"Oo." Sambit ko nang tignan sila ulit.
"Nasakanila Lauren siguro yung isa." Aniko.