Chapter 5 - MURDERER OF MISTER LIM part2

2632 Words
"Guys? Nagparamdam na ba sainyo si Wil? Bakit wala pa rin siyang text sa mga texts ko?" Tanong ni Sam. "Wala pa rin saakin." Magkasunod naming sagot ni Lauren. "Ken?" Tanong niya. "Wala rin." Tugon niya. Habang naglalakad kami ay may dumaan at nabunngo si Sam kaya niya nabitiwan ang tray ng pagkaing hawak niya. "Ow, s**t!" Malakas niyang mura dahil pansin ko'y natapunan ang kaniyang damit. Nandito kami sa isang fast food chain dahil naisipan naming mag-usap para sa kaso ni Mister Lim. Sakto rin kasing wala kaming klase o silang training lahat. "Hala? Sorry, sinasadya." Mapang-asar na sabi ng babaeng nakausot ng maikling palda at nakamakeup ng itim. Gothic? Yun ba yung tawag doon? May mga hikaw din sa labi niya, sa ilong, at sa kilay niya. Nakita kong naningkit ang mga mata ni Sam habang pinupulot ang mga pagkaing nalaglag at nakatingin sa babae. "It's a tie, baby boy." Sambit ng babae pagkatayo ni Sam. "Bitch." Madiing sabi ni Sam nang makaalis na ang babae. "Who's that?" Tanong ni Lauren ngunit hindi siya sumagot. Natapos na kaming kumain ngunit iniiwasan niya pa rin ang tanong namin ni Lauren. Habang nasa sasakyan na niya kami ay nagumpisa nanaman si Lauren. "It was my fault, okay? But it was an accident." "Ano bang nangyari? I know she's not your type because she's way-way out of your league. Atsaka alam ko naman na ang type mo eh si Monica ng TM1." "Lauren?!" "I'm sorry. Pero, alam naman na rin kasi nila. Halata kaya na gusto mo siya." "Hindi ko alam." Singit ko. "Oh." "Akala ko alam mo na." Dagdag ni Lauren. "Ok, so, back to the topic. Ano bang nangyari?" Tanong niya ulit. Si Ken ay tahimik na nasa passenger seat habang may inaasikaso sakaniyang cellphone. "I pulled a prank on one of my favorite prof. It was supposed to be him, pero dahil bida-bida yung babaeng iyon, siya tuloy ang natapunan nung red paint na nilagay ko sa taas ng pintuan." "Paano?" Tanong ni Lauren. "Siya yung nagbukas ng pinto para doon sa prof mo?" "Oo." Sagot niya. "Magkaklase kayo?" Tanong ko naman. "Oo." "Pwede yung mga ganon sa school niyo?" Sabay naming tanong ni Lauren na parang hindi makapaniwala. "Hindi. Sa labas niya lang sinusuot o ginagawa yung mga ganon sa nakita niyo kanina." "Ahhh. Okay." Pagtango namin. "s**t, guys." Malakas at biglang sabi ni Ken na nagpasigaw saamin ni Lauren. "Jesus! Ken. You scared the hell out of me." Malakas ding sabi ni Sam at naigalaw ng marahas ang manibela kaya kami napatumba ni Lauren. "I'm sorry." "Wil is missing." Dagdag niya agad. "What?!" Sabay-sabay naming tanong nila Sam. "Let's go to his house." Pagkarating namin sa bahay nila Wil ay naabutan namin si John doon na nakatayo at parang may inaantay. "Nice." Bungad niya saamin pagbaba naming lahat. "Do you guys really friends of Wil? How come you don't know that he's missing?" "Shut up." Ani ni Ken sakaniya kaya siya natawa. "Why are you here?" Tanong naman ni Sam. "I texted you, bro." Pagharap naman niya kay Sam na nagpakunot sakaniyang noo. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at nang makita yata ang tinext ni John ay itinago niya rin ito. "Kailan pa siya nawawala?" Tanong niya kaya napatawa si John. "You guys are unbelievable." "Kahapon pa." Aniya kaya kami nagtinginan ni Lauren. "Kaya siguro hindi siya nagrereply sa text natin at tawag." Wika ko kaya siya sumang-ayon. "Paano mo nalaman na nawawala siya?" Tanong naman ni Sam. "It's obvious, bro. He will never do this not-replying-for-a-day on our text or call." "Did you talked to his dad?" Tanong ni Ken. "Not yet. Hindi ko alam ang opisina nila." "Then let's go find him." Ani ni Sam. "Wait, wait." Pagpigil agad ni John saamin. "If you saw him, what will you tell him? That his son is missing?" "Hindi niyo ba alam na grabe ang pagprotekta ni Wil sa imahe niya para sakaniyang ama? Tapos sasabihin niyo sakanila yan?" "Then how're gonna find him?" Tanong ni Sam. "That's why I'm here, and that's why I called you guys here." "Kailangan kong alamin kung nandito ba siya bago siya mawala o kung dito ba umuuwi ang kaniyang ama." Sambit niya kaya kami lahat mapakunot ang noo. "Isn't obvious? Isang araw ng nawawala si Wil pero hindi lang man siya hanapin ng kaniyang ama. Nasa iisang bubuong lang ang inuuwian nilang dalawa, hindi ba?" "Let's just go, shall we?" Pagaya niya saaming lahat. "Wait. Ilipat mo muna yung sasakyan mo doon." Utos niya kay Sam kaya kahit naiirita siya ay ginawa niya. Inilipat niya ito medyo malayo sa bahay nila Wil, naintindihan ko naman ang ibig sabihin ni John bakit niya ito pinalipat—para kung sakaling dumating ang papa ni Wil ay hindi niya makita ang sasakyan ni Sam. "Open it. I don't know the passcode." Sabi niya kay Sam nang nasa harapan na kami ng pintuan nila. Pagkapindot niya ay maingat kaming pumasok lahat. Madilim at malinis ang paligid. Habang naglalakad kami ay biglang bumukas lahat ng ilaw kaya kami nagulat. "Sam?!" Ani namin sakaniya dahil siya ang nagbukas nito. "What? Wala namang tao. Atsaka, para mas makita natin." Bumalik na kami sa pagtitingin sa paligid at nang wala naman kaming makitang kakaiba ay nagusap-usap kami ulit. "How about his room?" Tanong ko. "I'll go." Sambit agad ni Sam at hinila si Ken paalis. Hindi ito inaasahan ni Ken kaya muntik pa siyang matumba dahil sa ginawa ni Sam. "I think he's not here before he went missing. I also think that his father is not here for about three days ago?" "Ano bang trabaho ng papa niya?" "He's a businessman." Tugon ni Lauren. "O-kay... that's suspicious." Pagtango niya habang tinitignan ang mga baso at platong nasa lagayan sa may kusina. "Paano mo nasabing wala na dito ang papa niya tatlong araw na?" Tanong ni Lauren. "Look at this cup. This plate. Everything in here." "I am guessing that this is Wil's and this is his father's." Tukoy niya sa baso. "Kasi nasa may bandang dulo na ang basong ito." Tukoy niya sa sinabi niyang baso ng papa ni Wil. "Hindi naman niya ilalagay sa unahan ang mga ito kung siya lang ang nandito, hindi ba? Unless if there's position in everything here. But I guess none." Paliwanag niya kaya kami tumango ni Lauren. "Now, I think his father went to other place for his business for a couple of days, and Wil is alone here." "Maybe someone who kidnapped him knows that his father is not here." Dagdag niya. Ang galing na nila Sam pagdating dito ngunit hindi ko alam na mas magaling pala si John. Ang bilis niyang makapag isip at makapag dikit-dikit ng mga bagay-bagay gamit lamang ang maliliit na detalye. "Do you know someone who could have done this?" "May mga kaaway ba siya?" Tanong niya at napatigil nang may para siyang napagtanto. "I th-" "Wal-" Sabay silang tumigil na dalawa nang nagsabay silang magsalita. "Go on. Ano yun?" Tanong niya kay Lauren. "Wala naman akong alam na kaaway niya. Hindi naman kasi siya pala-away." "Okay." Pagtango niya. "Ano yung sasabihin mo?" Tanong niya naman. "I think I know it." "Kung hindi siya ang may kaaway, probably his father. Come to think of it. His father is a businessman, means, he is dealing with different kinds of people. His profession is fierce, and his rivals are fierce as well." "Ibig sabihin ay ginamit nila si Wil dahil sa papa niya?" Tanong ni Lauren. "Yes. Possible." "Pwede rin naman yung mga napakulong nilang kriminal. If that even makes sense." Aniko. "Oh, yes. That is also possible." Wika niya. "Wala kaming nakitang kakaiba doon." Sabi ni Sam pagkarating nila ni Ken. "Where would he be?" Tanong ni Lauren. "Okay. So, now, since we didn't find anything in here we have to go. Let's find another way to solve the mystery of Wil's loss." Sabi ni Ken. "What? Does that mean we'll postpone finding Wil?" "Did I say that?" Tanong niya kay Lauren. "No." "I think he's right. Let's go. We're invading their privacy." Ani ni John kaya na kami lumabas. "Ow, wow!" Sarkastikong sabi ni Sam. "After searching their house?" ... Paglipas ng umaga ay nairita ako agad dahil wala raw muna kaming klase dahil sa training ng prof ko sa mga estudyande dahil nalalapit na ang kompetisyon. Ang subject niya lang kasi ang klase ko ngayong araw, pero dahil wala kaming klase ay nandito ako't naiirita. "Ang aga ko pa naman gumising kanina." Wika ko saaking sarili habang nag aayos saaking locker. Kung sana ay sinabi nila ng maaga saamin. Nakakainis talaga. Papunta na ako sa Library nang makita ko sila Ken at Sam sa gate. "Sam! Ken!" Tawag ko sakanila. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Sam. "Saan kayo pupunta?" Tanong ko naman nang makalapit ako ng tuluyan. "We will go somewhere." Aniya. "Where?" "Definitely somewhere we will go to." "Huh?" Naguluhang tanong ko. "We'll talk to you later. Bye." Sabi niya at tinulak na si Ken sa kaniyang kotse at umalis. "These guys are onto something." Mahinang sabi ko. Papasok na sana ako sa school nang mapansin ko ang van na pamilyar saakin. Malapit ito sa tindahan ng mga sasakiyan. Namilog ang mga mata ko nang makita ko si Wil sa loob nang pumasok ang isang babae galing sa tindahan. Nakatakip ang kaniyang bibig gamit ang duct tape at nakatali ang kamay gamit ang cable tie. Mabilis silang umalis at nang tinignan ko ang kanilang plate number ay wala ito. Nataranta ako kaya ako agad humarap saaking likura ngunit mabilis akong napaupo dahil sa lalaki. Nakita kong may mga kasama siya kaya ako napalunok. "Are you lost, babe?" Tanong niya saakin pagtayo ko at humakbang ngunit umatras din ako. Nagpunta din ang mga kasama niya upang pabilugan ako. "Hey!" Pagkuha ng isang lalaki sa atensyon nila ngunit pati ako ay napaharap. Galing siya sa campus. Bakit parang pamilyar siya saakin? Bakit ba parang pamilyar ang mga bagay na nakikita ko ngayon? "You don't want to mess with us, punk." Anila sakaniya. "She's mine." Sambit niya atsaka lumapit. Hinarang naman siya ng kasamahan ng lalaki at pati siya ay napaharap na rin. "Babe, are you alright?" Pagtingin niya saakin na hindi ko inaasahan. Nang makalapit sakaniyang harapan ang lalaki na parang leader nila ay sinipa niya ito sa pagitan ng kaniyang mga hita atsaka tumakbo. Hinila niya ako at tumakbo kami ng tumakbo. "Shit." Sambit niya atsaka tumawa. Napatingin ako sa aming likuran at nakitang nakasunod na sila saamin. Tumakbo kami ng tumakbo hanggang sa nakarating kami sa maliit na eskinita. Marami nang tao sa paligid at sa tingin ko'y hindi na nila kami mahahanap. Napatingin ako sa kasama ko dahil siya'y tumawa ulit. ""Babe"?" Hindi makapaniwalang tanong niya habang nakasandal sa pader at habol ang hininga tulad ko. "Sino ka? Bakit mo ako niligtas kanina?" Tanong ko. "You look familiar." Aniya. "Sino ka ba? Anong pangalan mo?" Tanong ko ulit ngunit hindi siya nagsalita at nakatitig lamang saaking mga mata. Habang nakatitig siya ay may mukhang pilit na pumapasok saakibg isipan. Umiwas ako ng tingin ngunit umayos siya ng tayo atsaka lumapit ng bahagya saakin kaya ako napatingin ulit sakaniya. "Nagkita na ba tayo dati?" Tanong niya saakin. Habang lumalapit siya saakin ay hindi ako umaatras. Pinipilit kong kilalanin ang kaniyang mga mata ngunit iisa lang talaga ang nasa aking isipan. "Katharine?" Pangalang lumabas saaking bibig. "No. Impossible." Wika ko ngunit napaatras siya na parang hindi ito inaasahan. Hindi pwede. Imposible talaga dahil babae si Katharine at ang kaharap ko ngayon ay lalaki. "How.... I don't–...." sabi niya at tumingin saakin. "Do you know me?" Tanong niya saakin kaya pati ako ay nakwestyon ang aking sarili. Kilala ko ba siya? Bakit si Katharine ang nakikita ko sakaniya? "Black or White?" Tanong ko sakaniya na hindi niya inaasahan ngunit sumagot din siya. "White." Tugon niya habang nakakunot ang noo. "Why?" "Because I'm pure." Wala sa sarili niyang sagot. "What the?!" Tanong niya sakaniyang sarili. Imposible. Imposible talaga ito. Katharine's the only one who answers me like that. Pero imposible dahil lalaki itong kaharap ko. Tumingin siya saakin at tumingin sa paligid na parang may ibubunyag na sekreto. "May sasabihin ako." Medyo mahina niyang sabi. "My real name is Katharine. I don't know you but I think we know each other. I think I knew you." Aniya kaya ko siya tinignan ng mapagdudang tingin. "I promise. My real name is Katharine." "Katharine's a girl. You're a boy." "I'm not a girl. I'm a lady or a woman." Seryoso niyang sabi. "Anyway, it's complicated." Wika niya pagbalik niya sa normal. She's really Katharine. Pero bakit lalaki ang kaharap ko na ugali at kahawig niya? "I don't understand." Aniko. "Prove you're Katharine." Sabi ko kaya niya ako tinignan ng parang nagrereklamo atsaka ipinag krus ang mga braso. Siya nga talaga si Katharine na kaibigan ko. From her reactions to her eyes. "Oh, no need. You've proven it." Sambit ko. "Pero bakit iba na ang boses mo? Anong nangyari?" Tanong ko sakaniya atsaka napayakap sakaniya. "We really thought your dead. After he've got you, we thought you're dead." "Akala ko rin hindi ka na magigising noong nakita kita sa kaniyang kwarto." ""Kaniyang kwarto"?" Pagulit niya. "Oo. Dinakip niya rin ako dati at ipinakita kang natutulog sa higaan niya." "Wala naman siyang ginawang masama sayo, diba? Paano ka nakatakas sakaniya? Anong nangyari?" "It's complicated and long story." "Sorry. Hindi lang kasi talaga ako makapaniwala na kapag makikita kita ulit ay ganito ka na." "I just want you to know that I can't clearly remember any of you here and more about here." "Kaya hindi mo ako maalala?" "Oo. Pero alam kong pamilyar ka saakin at parang nakita na kita dati, pero hindi ko lang talaga alam kung saan o kung totoo bang nakita na kita dati." Mahaba niyang sabi. "Thank you pala sa pagligtas mo saakin kanina." "Ayos lang, ano ka ba." "Please, don't tell anyone that I'm Katharine, okay? Promise me." Aniya. "Bakit?" "Saka ko na ipapaliwanag. Just promise me you won't tell ANYONE that I'm Katharine." "Okay, okay. Promise." "Tell me you promise you won't tell anyone.... I mean, like, anyone. Anyone "anyone"." Sambit niya kaya ko rin ito sinabi. "Thank you." Sabi niya kaya ako ngumiti bilang tugon. "Sa tingin mo ba ay wala na sila?" Tanong ko at tinukoy yung mga humahabol saamin. "Nandito pa rin yung mga yun, naghahanap. Ang itanong mo ay kung makakatakas ba tayo sakanila." ""Babe"?" Tanong niya niya ulit sakaniyang sarili atsaka natawa ng bahagya. "Hindi ko inaasahan na sasabihin ko yun sa babae. Dapat ay sa mga crush ko yun." "Ikaw nga talaga si Katharine." Pagtawa ko atsaka siya ulit niyakap. "Namiss mo ako noh?" Pagbiro niya saakin. Sa bawat salitang lumalabas sakaniyang bibig at ipinapakita niyang reaksyon saakin ay nagpapatunay na siya nga si Katharine. "Oo naman. Syempre." Aniko. "Tara na. Baka dumating na si Ken. Training namin ngayon eh." Aniya. "Ken? Nagkita na kayo? Kilala mo siya?" Tanong ko agad ngunit kumunot lamang ang kaniyang mga noo. "Kaibigan natin siya, Katharine. Sila nila Lauren, Sam, Pat, tapos Wil." Sabi ko na nagpabigla ng bahagya sakaniya. "Kaibigan? Paano?" "Kasama sila noong gabing dinakip ka nung lalaki. Kaibigan natin sila. Magkakaibigan tayo, Katharine." "Wait." Sambit ko nang makita ko pamilyar na babae. Agad akong tumakbo palabas ng maliit na eskinita at tinignan ang babae. "Anong ginagawa nila dito?" Tanong ko. "Sino?" "Yung mama ni Pat." Aniko. "Yung nurse?" "Oo." "Anong "anong ginagawa nila dito"?" Tanong niya. "Nurse sila, diba? Bakit nandito sila?" "Oo nga. It's unusual." Wika niya. "Sundan natin?" Tanong niya kaya ako tumango at sumunod ng patago sakanila. "Talasan mo rin yung paningin mo dahil baka nasa paligid lang yung mga lalaki manyak." Sabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD