Chapter 5 - MURDERER OF MISTER LIM part3

2200 Words
"Saan sila pupunta? Kanina pa tayo sumusunod sakanila." Aniya ngunit pati ako ay walang ideya. "Ano na lang gagawin natin kung sakanilang sumakay sila sa sasakiyan nila? Balak mo pa rin bang sundan?" Tanong niya ulit. "Ano ba talagang dahilan bakit natin sila sinusundan? Ano naman ba kung nurse sila at nandito sila sa lugar na hindi mo aasahan na kinaroroonan nila?" Ganitong pananalita niya ay naiinip na siya. Pasensya na Katharine at hindi ko makasagot dahil ayokong mawala sila saaking paningin. Tumunog ang cellphone ko kaya taranta ko itong sinagot. "Wag mong aalisin yung tingin mo sakanila." Sabi ko kay Katharine bago kausapin si Ken. "Hello?" "Hello. Nasaan ka?" "Ahh.. nandito sa parang palengke." "Anong ginagawa mo jan sa "parang palengke"?" "Ano pa bang gagawin sa palengke? Manonood ng sine?" Rinig kong sabi ni Sam sa kabilang linya. "Shut up, please." Ani naman ni Ken. "Bakit ba? Anong meron?" Tanong ko. "Nandito kami sa apartment ni Mister Lim. And we think we know who's the killer." "Who?" Tanong ko agad ngunit mabilis akong hinila ni Katharine. Napatingin ako saaming likuran at nakita yung mga lalaking humahabol saamin. "Mamaya na lang." Wika ko atsaka pinatay. "Nasaan na yung mama ni Pat?" Tanong ko sakaniya ngunit hindi niya ako sinagot. "There." Pagturo niya sa gawing kanan namin. Pagkakita ko ay nandoon nga sila at sini-cpr ang isang batang walang malay. Ano nga bang nasa isip ko bakit ko sila sinundan? "Hindi ba sila titigil? Napapagod na ako." Sambit niya. Bigla niya akong hinawakan at hinila papunta sa gawing kaliwa namin. Nakita ko naman ang mga lalaking nagaabang saamin sa harapan kaya ko rin siya hinila papunta sa gawing kanan namin. Mabuti't medyo payat kaming dalawa at maliit kaya kayang kaya naming makalusot sa maraming tao at kung saan pa. Nang maarating namin ang kalsada ay nakita namin ang mama ni Pat doon pasakay sakaniyang sasakiyan. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong nila saakin pagkalapit namin sakanila. "Tita, pwede pong makisakay sainyo?" "Bakit?" "May mga naghahabol po saamin. Sige na po, tita. Magpapaliwanag na lang po ako mamaya pag nakaalis na tayo dito." Pagkasakay namin ay umalis na rin kami agad kaya kami nakahinga ng maluwag ni Katharine. "Anong ginagawa niyo doon? Wala ba kayong klase?" Tanong nila habang nagmamaneho. "Hinahabol po nila kasi kami." "Bakit?" "Mga manyak po sila." Singit ni Katharine. Tumaaas pa ang kanilang dalawang kilay dahil hindi yata ito ang inaasahan nila, pero tumango rin sila at hindi na nagtanong pa tungkol sa pagtakbo namin. "Paano niyo nalaman na nandoon ako?" "Nakita ko po kasi kayo na sini-cpr yung bata." "Yun lang ba?" Tanong nila. "Opo. Hindi na po kami nakalapit kasi po paparating na po yung mga lalaking humahabol saamin." Paliwanag ko kaya sila tumango. "Sandali lang, ha? Daan muna tayo dito kasi dadaanan ko na rin yung kaibigan ko." Anila at pagtigil namin. Ilang momento ang lumipas ay pumasok ang isang nurse na lalaki. Pagkarating namin sa harap ng school ay nagpasalamat kami sakanila bago nagpunta sa cafeteria at bumili ng maiinom. "I think she's hiding something." Ani ni Katharine habang kami ay nakaupo. "What do you mean? Ikaw na nga nagsabi na nurse sila kaya hindi na kaduda-dudang nandoon sila sa ganong klaseng lugar." "It's not about that. It's about what they asked... and said earlier." "Ang alin?" Tanong ko. "Noong tinanong nilang paano natin nalaman na nadoon sila. Tapos sabi mo kasi nakita mo sila, diba? Pagkatapos non ay tinanong nila kung yun lang ba ang nakita mo." "Ay oh? Akala ko ang sabi nila ay "Yun ba?"." "Oh tapos? Ano namang masama doon?" Tanong ko. "Bakit nila tatanunging "yun lang ba"? Bakit, meron pa ba dapat?" Tanong niya. "Malay ko." Tugon ko. "Alam mo, bayaan na natin yun. Magpasalamat na lang tayo't nandoon sila dahil kung hindi ay mahahabol tayo nung mga lalaki." "Tsk. Sa tingin mo ba ay hindi nila tayo, lalo na ako, aantayin sa labas?" Tamad niyang tanong atsaka uminom sakaniyang iniinom. Naalala ko naman yung sasabihin sana ni Ken kanina. Sino kayang pumatay kay Mister Lim? Paano nila nalaman? "Diba training mo? Tas si Ken yung mag ti-train sayo?" Tanong ko sakaniya dahil nagtext na saakin si Ken na nandito na sila ni Sam. "Oo. Bakit?" "Nandito na raw sila." Aniko. "Shit." Pagmura niya at mabilis na nagpaalam saakin at nagmadaling umalis. Napatawa naman ako ng bahagya dito. I can't believe she's alive. Ngayong iniimagine ko yung mahaba niyang buhok dati ay siya nga talaga si Katharine. Ang nakakapagtaka lang ay yung boses niya. Bakit kaya nagkaganon? Anong nangyari? Dahil wala naman na akong gagawin ay sumunod ako at nagpunta sa field na pinageensayo-han nila. Pagkarating ko ay naabutan kong tinuturuan ni Ken si Katharine kung paano pumana. "I get it." Rinig kong sabi niya. Binitiwan naman na siya ni Ken atsaka umatras. Nang bitiwan niya ang tali ay tumama ang palaso sa kahoy na dapat niyang tamaan. Hindi man sa mismong gitna ay nakapasok ito sa bilog, sa guhit. Nagkasalubong ang mga mata namin kaya siya napangiti. "Galing mo." Aniko sakaniya. "I know right." She mouthed. Natawa naman ako dahil dito at pinanood ang mga sumunod na titira. I can't believe this. I really can't believe this. She's really alive. Katharine is alive. "Alright. Everyone who scored 8-up go to my right. Everyone who scored 7-down go to my left." Sabi ni Ken. Si Katharine ay nagpuntang kaliwa na ibig sabihin ay pito pababa ang nakuha niyang marka. "Those students who are on my right, let's go to the next level." "You will be stepping back to your target. Before, your distance to your target is 50 meters. Now, let's go to 70 meters since it's the standard distance in competition." "Those who are on my left side, let's practice more." Wika niya naman sakanila Katharine. Nagumpisa na silang lahat. Nang mapatingin ako kay Ken ay naalala ko yung kay Wil. Tinawag ko siya agad nang medyo makalapit ako. "I need to tell you something." "What is it?" "I think I saw Wil. Nasa loob siya ng itim na van na walang plate number. May duct tape yung bibig niya tapos may tali yung mga kamay niya. Hindi ko nakita yung mga kumuha sakaniya kasi nakatakip yung mga mukha nila." "Saan? Saan mo sila nakita?" "Sa labas ng school natin. Pagkaalis niyo ni Sam, napansin ko yung van." "Pamilyar ito saakin. Parang ito yung van na nakita ko noong dinakip ako nung lalaking matangkad na may mahabang buhok." Naalala ko yung tungkol kay Katharine at sasabihin na sana sakaniya ngunit bigla kong naisip yung pinangako ko. Whatever her reason, I won't tell anyone that she's the Katharine I know since I also promised her not to tell. "Yung tungkol pala sa killer ni mister Lim?" Tanong ko naman. "We don't know who is the killer, specifically. But we do know that mister Lim's killer is used to killing or something about that. Probably some sort of the killer's work is exposing to homicide or so." "Okay." Pagtango ko. "Let's wrap things up. Tomorrow, same time and same group." Sabi niya sakanila matapos ang ilang minuto. "If ever you have time, try to practice so when we're here, all of you will be in the second level." "Alright. Everything's settled? No more questions?" "No more." Sagot din nila atsaka na sila magpaalam sa isa't isa. "Aalis ka na rin?" Tanong saakin ni Ken na parang nagmamadali. "Hindi pa." "Sigurado ka ba?" "Oo." Tugon ko. Nagpaalam na siya saakin kaya na ako tumakbo papunta kay Katharine na inaayos yung pana. "Oh? Akala ko aalis ka na?" Tanong niya. "Hindi pa." "Anong gagawin mo dito?" "Halika? Punta tayo doon sa convenient store." Pagaya ko sakaniya. "Sige. Pero bihis muna ako." Aniya. Nagpunta kami sa nasabi niyang tinutulugan niya at napagdesisyunan naming doon na lang kami imbes na lumabas pa ng campus dahil baka nandoon at nagaantay yung mga lalaki. Pagkatapos niyang magayos ay nagluluto na siya ng aming makakain. "So, hindi mo pa nakikita pamilya mo?" Tanong ko. "Oo. Hindi ko rin kasi alam kung paano. Diba, sabi mo nga ay magdadalawang taon na akong nawawala, tapos bigla na lang akong magpapakita sakanila? Ano na lang ang sasabihin kong dahilan?" "Sabagay." Sang-ayon ko rin. "Yun na nga. Bakit at paanong nandito ka at nagpapanggap bilang si Michael?" Tanong ko. Hindi naman siya agad sumagot. "Ayos lang naman kahit hindi mo sabihin. Nako-kyuryos lang talaga kasi ako. Kasi bigla na lang ganito ang makikita kong Katharine pagkatapos mong mawala ng mahabang panahon." Sambit ko. "Hindi sa wala akong tiwala sayo, ahh. May tiwala ako sayo, malaki, at alam kong alam mo yan. Nahihirapan lang ako kasi hindi ko alam kung saan ako maguumpisa." Aniya. "Umpisahan mo noong dinakip ka niya." "Sandali." Wika niya at ibinuhos ang ginawa niyang pagkain sa mangkok na nasa aming harapan. "Paano yan, wala pang laman tiyan ko?" Tanong niya sakaniyang sarili. "Kain muna ako saglit nito bago yang kimchi stew." Sabi niya. "Okay, ano na ulit yun?" Tanong niya saakin nang makasubo na siya. "Umpisahan mo doon sa dinakip ka nung lalaki." Habang kumakain kami ay kinukwento niya naman. "Ibig sabihin ay magkapatid kayo? Kapatid ba o tatay mo siya?" Tanong ko. "Kapatid siguro. Yun yung nasa isip ko eh." Aniya. "Eh? Di kapatid mo yung kalaban?" Nagpatuloy ulit siyang hanggang sa napunta kami doon sa mga nasa crush list niya. Sabi na nga ba ay may mga nasa crush list niya nanaman. "Paano sina Alfred, Mark, Jacob, Christian, Emman?" Tanong ko habang natatawa. "Bayaan mo na sila. Ngayon ko lang napagtanto na ang papangit pala nila." Wika niya atsaka tumawa. "Kasi naman. Ang gagwapo nila. Ang lalaki pa ng katawan." "Magkaka-crush ka na nga lang, yung imposible pang maging kayo." Aniko. "That's the point. Para malayong maging kami, malayo sa sakit." "Baliw ka talaga." "Pero paano yan? Naipit ka jan sa sitwasyon mo." "Oo nga eh. Ang hirap maging espiya." Sambit niya. "Kasi naman kung hindi ko gagawin, baka kung ano nanaman gawin niya sa pamilya ko. Tapos malaman niyang mahalaga ka pa saakin at baka madamay ka pa." "Kaya ayokong sabihin mo na kilala mo ako bilang si Katharine. Hindi kasi natin alam na nanjan lang pala sa paligid ang alagad niya." "Baka madagdagan pa yung panlaban niya saakin. Wala pa nga akong nahahanap na panlaban sakaniya kung sakaling takutin niya nanaman ako." "Bakit hindi mo sabihin sakaniya na kapatid mo siya? Kuya mo siya at dapat ay hindi ka niya sasaktan." Aniko. "Baliw ka ba? Kahit naman ano niya ako ay wala siyang pakialam." "Pero ang galing, kasi hindi kita kaagad nakilala." Pagiiba ko. "Dahil lang siguro sa boses at buhok ko. Pati na rin siguro sa mga damit ko." "Oo rin." Sang-ayon ko. "Buti na lang di gaano malaki boobs ko." Aniya kaya ako napatawa. "Baliw ka talaga." "Hindi bale, akong bahala sayo pagdating sa pagbabalik ng iyong alaala dito." Aniko. "Thank you." "Ayos lang yun. Para naman may magawa ako para sayo." "Yung hindi mo pa lang pagsabi sa iba na ako si Katharine ay malaking tulong na." "Ibig bang sabihin tatawagin kitang Michael?" "Oo eh." "Pero kung kaya mo, sa tuwing magkasama tayo parang ngayon, tayong dalawa lang, Katharine tawag mo saakin." "Pwede. Pero wag na. Wala akong tiwala sa bibig ko. Baka madulas pa ako't matawag kita sa labas ng Katharine." Natatawa kong sabi kaya pati siya ay natatawa. "Yung tungkol pala doon sa nirse na sinusundan natin? Bakit natin siya sinusundan?" Tanong niya kaya ko kinuwento ang pagkamatay ng papa ni Pat at nasabi ko na rin ang pagkawala ni Wil. "Kung hindi sana dumating yung mga lalaking iyon ay natawagan ko agad sila Ken o nakahinga ako ng tulong." "Kung hindi naman sila umiksena at hindi rin tayo magkikita at hindi natin makikilala ang isa't isa." Sabi niya naman. "Sabagay. May maganda at pangit na nangyari dahil sakanila." "Tapos sabi saakin kanina ni Ken ay baka yung killer ni mister Lim, expose sa p*****n, mga ganon." "Militar." Aniya agad. "Uso sakanila ang patayan." "Inggit. Mga taong may matinding inggit. Uso rin sakanila ang sakitan, patayan." "Hhmmm. I think I smell something fishy." Wika niya kaya ako napatingin sakaniya. "Doctors and nurses. They're also expose in that sort of things." "Yeah. I think so." Sabi ko. "Kung ang sabi mo na sabi nila ay baka dahil sa pambababae ang naging dahilan ng pagalis ng papa ni Pat, baka isa sa dalawang babae ang pumatay kay mister Lim." "Either the mistress or the wife." "You mean, misis Lim? Yung nurse na sinundan natin?" Paglinaw ko kaya siya tumango. "Imposible yun, Katharine. Ken and them known her for many years but they didn't even thought of her killing mister Lim, killing her ex-husband." "That's it. Because they can't erase the image she staple to their minds." "s**t, I may be cynical and I hate it because the prince is cynical as well, but, as a person who doesn't know her, I think I could say that I could able to look at a bigger picture." "I mean, there's no impossible, Kyla. Look at me. You thought it was impossible to turn a lady to be a gentleman. Then just look at me."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD