Lumipas ang ilang araw at naging banayad naman ang mga ito. Ngunit pansin ko lang na yung kambal ay halos hindi na nakakasabay saamin.
"You guys. Do you know what's going on to Ken and Lauren?" Tanong ko habang nagaayos kami ng mga props para sa performance ulit ni Wil sa school nila.
"I don't know." Sagot ni John.
"Neither." Maikling sagot ni Sam.
"I'm starting to worry, guys. Ilang araw na silang halos hindi nakakasabay saatin." Wika ko.
"Hi, goodmorning." Pagbati ni Katharine pagkarating niya.
"Katharine, ice cream oh." Pagabot sakaniya ni Sam.
"Wow. Alam mo kung ano yung pwede saakin ahh." Nakangiti niyang sagot atsaka na ito agad kinain nang mabuksan niya.
"Bakit parang ang bilis mabuksan?" Nagtataka niyang tanong ngunit hindi siya sinagot ni Sam kaya kumain na lang siya.
"Tumulong ka na dito. Para may kwenta yang ice cream na binigay ko sayo." Aniya.
"Thank you dito." Sabi naman sakaniya ni Katharine at tumulong na rin.
"Kailan na ulit ito gagamitin?" Tanong niya matapos ang halos kalahating oras.
"Mamayang hapon." Sagot ko.
"Nasaan na pala siya?" Tanong niya ulit.
"Oo nga. Sabi niya pupunta siya dito?" Tanong ko naman.
"Ayy, hindi ko ba nasabi? Sinabi kasi namin sakaniya na tayo na ang gagawa dito at mag-rehearse na lang sila ni L."
"Hindi."
"Oh, ngayon nasabi ko na."
"Let's finish this quick. I need to meet my coach. Baka talaga magsumbong nanaman yun sa mama ko." Sambit ni Sam.
.
After how many hours we've finish it all. Fortunately, we've finish it on time even if we're just four.
Dumating naman sila Ken at Lauren na hindi namin alam kung saan nanggaling.
"I really need to go. Bye!" Nagmamadaling sabi ni Sam atsaka na agad umalis.
"Kadarating lang namin ahh." Wika ni Lauren.
Nang papunta na kami sa kwarto kung nasaan sila Wil nagre-rehearse ay sumasakit na raw ang tiyan ni Katharine.
Nasabi ko naman na sakanila yung ginawa ni Sam.
"Wait." Aniya atsaka nagpunta sa basurahan kung saan niya tinapon ang pinagbalatan ng ice cream na binigay sakaniya ni Sam.
"Ahhh. That inbred jerk!" Inis niyang sabi.
"Paano niya nalaman na hindi ako pwede sa ganon?"
"Ahmm... I think we said it." Wika ni Lauren.
"Oh my God. I gonna go. Kung kaya ko'y babalik ako." Mabilis niyang sabi atsaka nagmadaling umalis.
Napalapit kami nang parang magsusuka na siya. Unang nakarating sakaniya si Ken atsaka tinanong kung kaya niya pa ba.
"What do you mean by that? You knew?"
"I'm sorry, but we all knew." Sabi ni John kaya siya napatingin saamin ng hindi makapaniwala.
"I can't believe this."
"Kyla, you knew?" Pagharap niya saakin kaya hindi ako nakasagot.
"Sorry."
Magsasalita pa lang siya'y muntik na ulit siyang masuka.
"Don't touch me." Galit niyang sabi kay Ken nang hahawakan na sana siya.
"I can't believe you, guys." Aniya at muntik ulit masuka.
"I've got to go."
Hindi na namin siya sinundan at pinabayaan na lamang siyang umalis mag-isa.
"I can't believe I didn't said it." Sabi ko at naiinis saaking sarili.
"Me too. I should've said it." Wika rin ni Lauren.
"It's done guys. I'm sure she's upset, but we should get this to Wil first." Singit ni John.
Nagpakawala naman ng malalim na paghinga si Ken atsaka naunang naglakad papunta sakanila Wil.
...
Dahil wala pa akong mukhang maipapakita kay Katharine, hindi muna ako nagpunta o nagtext sakaniya. Masyado akong nahihiya at nagsisisi sa ginawa ko.
"Where are Ken and Lauren? Nasaan rin si Katharine?" Tanong ni Wil saamin.
Umalis kasi silang dalawa kanina. Sabi nila'y may kailangan daw silang gawin na dalawa.... ulit.
Sinabi ko naman kung anong nangyari kay Katharine kaya niya pinagalitan si Sam na kadarating lang.
"I didn't know that it'll going to be like that." He said.
"So? Nasaan na siya ngayon?"
"Umuwi siyang mag isa. Ayaw niyang magpasama saamin dahil masama ang loob niya." Aniko.
"Bakit kasi kung ano ang pumasok sa isip mo't ginawa mo iyon?" Tanong niya kay Sam.
"I just want to prank her. I didn't know that it's going to be like that."
"Let's go see her."
"Galit nga siya, diba? Mas lalala lang ito kung magpapakita pa tayo sakaniya ngayon." Singit ni John.
"You will never understand females. If you go right now, she'll be mad, like really mad, at you. But if you don't, she'll also be mad. So pick."
"Huwag muna tayong magpapakita sakaniya. Masyado pang mainit ang ulo niya. Kilala ko siya kaya wag muna tayo magpakita." Sambit ko.
"Kung kilala mo siya, bakit hindi mo alam na ganon pala kalala yung mangyayari sakaniya kung kumain siya ng ganon?" Tanong saakin ni Sam.
"Eh hindi ko naman alam na ganon karaming cream at milk ang nilagay doon sa ice cream na binigay mo. Inubos niya yun, so ano sa tingin mo ang mangyayari?" Inis ko namang balik sakaniya.
"See. You will never understand females." Ani ni John kay Sam na hindi nakasagot sa sinabi ko.
Ilang minuto ang lumipas ay kumalma na rin ako. Mabuti na lang at nandito si Wil para mabantayan kaming tatlo.
"Halos ilang araw na silang ganito. Ano na kayang nangyayari?" Tanong ni Sam at tinukoy sila Ken at Lauren.
"Then let's go to their house." Sambit ni John.
"Are you crazy?" Hindi makapaniwalang tanong sakaniya ni Sam.
.
Pagkarating namin ay lumabas kami agad sa kotse at nagpunta sa gilid ng bahay nila gaya ng sabi ni Sam atsaka sumilip sa may bintana upang makita ang loob.
"I think I saw that girl somewhere." Ani ni Sam
"Nakita ko na siya."
Napatingin naman ako sa tinutukoy niya. Ang babaeng ito'y maliit at may kulot ang buhok.
Parang nakita ko na nga rin siya. Saan nga ba iyon?
"Ahh. Doon sa tunnel. Naalala mo ba, Kyla?" Tanong niya saakin. Saka ko lang rin naalala kaya ako um-oo.
"Anong ginagawa niya dito?" Tanong niya.
"Look. It's Mister Hiro, right?" Tanong ni Wil. Nang makita namin ay um-oo rin kami ni Sam.
"Pero bakit nagbago yung kulay ng buhok nila?" Tanong ni Sam.
"Tito Hiro's hair isn't color ash. It's black." Dagdag niya.
"That's their mother." Pagturo ko rin sa may kusinang parte.
"Anong nangyayari?" Tanong naman ni Sam.
"Bakit sila nandito?"
"Shhh. They're talking?" Pagtigil saamin ni John.
"Then what the f**k is he thinking?" Galit na tanong ng mama nila Ken.
"What is he doing in that asshole's castle?"
"Maybe he has his reasons." Kibit balikat ng kulot na babae.
"What is his reason? Huh, May? You tell me." Pagharap niya dito.
May pala ang pangalan niya.
"James?" Pagharap niya naman sa lalaking kamukha ni Mister Hiro.
James?
"May kambal si Tito Hiro."
"May kambal si Mister Hiro."
Sabay naming sabi ni Sam.
"Shhh." Pagtigil ulit saamin ni John.
"No one knows. Only him and probably that asshole too." Sagot nung James.
Kung may kakambal si Mister Hiro, ibig sabihin ay yung James ang papa nila Ken at Lauren?
Ngayon ko lang sila nakita, at ngayon ko lang nalaman na may kambal pala si Mister Hiro. Hindi na kataka-taka na kambal din si Lauren at Ken dahil nasa lahi nila ito.
Ilang minuto pa ang lumipas nang napagdesisyunan nilang umalis na. Kami naman nila Wil ay napatingin sa itaas nang marinig namin ang boses nila Lauren.
"I know what to do." Mahinang sabi ni Sam atsaka umakyat.
"What the f**k are you doing here?" Rinig naming tanong ni Ken nang mabuksan niya ang bintana para kay Sam.
"It's not just me. Pati rin sila." Aniya kaya tumingin sila Lauren saamin.
"Hi."
"What are you guys doing here?" Tanong ni Lauren saamin.
"Wait. I'll open the door for you." Wika niya.
Pagpasok naming tatlo nila Wil at John ay nahalata ko sa mukha nila Ken at Lauren ang pagaalala.
"What's going on? These past few days, you two look pre-occupied and always has something to do." Sabi ni Sam.
"I'm sure you heard what they're talking, right?" Tanong ni Ken kaya kami tumango.
"Nag aalala kami para kay tito Hiro." Ani ni Lauren.
"Wait, you guys. I just want to make things clear. Tito niyo lang ba talaga si Mister Hiro?" Tanong ni John. Hindi naman agad sumagot yung dalawa.
"Oo."
"Ibig sabihin ay ang papa niyo yung nandito kanina? James ba yung pangalan niya?"
"Oo." Tugon ulit nila.
"Then who's your mother?"
"The one with the long hair or the curly one?"
"Bakit pati dito yan ang akala?" Iritang tanong ni Lauren.
"Yung may mahabang buhok. Yung matangkad. That's our mother." Sagot niya.
"Just clearing things." Sabi naman ni John.