Chapter 19

1063 Words
(Belinda POV) "Belinda wait." Hinawak ako ni Wein sa braso upang pigilan. "Where are you going?" Napabuntong hininga ako. "Kakausapin ko lang si Maximus," walang emosyong sagot ko bago tuluyang lumabas. Kahit na simpleng t-shirt at short lang ang suot ko ay wala akong pake. Hindi ko na talaga kayang tumunganga nalang, baka mabaliw na ako. Natigilan ako at muling bumalik kay Wein. Hindi ko nga pala alam kung saan si Maximus. Padalos-dalos, tss. Napailing ako bago tumitibok kay Wein. "Saan si Maximus ngayon?" Seryosong tanong ko. "Kaylangan mo pa talaga siyang puntahan? Nandito naman ako. Hindi ko gagawin ang ginawa niya saiyo. Please, mahahalin kita. Aalagan kita hindi man niya sabihin." "Wein ilang beses ko bang dapat iparamdam sayo na hindi kita gusto? Ayokong masaktan ka kaya mga wala kang naririnig sakin, pero hindi mo pa ba mahalata sa mga kilos ko?" "Belinda don't do this to me, please? Bigyan mo muna ako ng chance bago ka mag desisyon agad." Pakiusap ni Wein. "Sabihin mo nalang sakin kung na saan s'ya." Hindi sumagot si Wein. "Wein please naman!" Tumaas ang boses ko. "Fine," napabuntong hininga siya. Masuyo niya akong tinitigan bago ngumiti sa akin. "Sasamahan kita sakaniya." Kaysa naman hindi sabihin ni Wein ay pumayag na akong samahan n'ya ako. Tahimik akong nakasay sa kotse n'ya habang iniisip si Maximus. Nakuyom ko ang aking kamao. Pag tapos kasi n'ya akong paasahin, at iwanan ay ihahabilin niya ako kay Wein na parang tuta? Habang nasasaktan ako dahil sa pag alis n'ya malalaman ko na s'ya mismo ang nag desisyon na ibilin ako kay Wein. Bakit sino ba s'ya? Sino s'ya para mag desisyon sa buhay ko? _______ Pabagsak na nilapag ni Maximus ang cellphone niya. Katatawag lang ng kapatid niyang si Maxirrus. Nais siyang pabalikin nito sa mansion, at ang isinasangkalan nito ay ang Ina niyang labis na nalungkot sa pag-alis niya. Ngunit desidido na si Maximus na bumukod sa mga Amoroso. Sapat na ang naitulong ng mga ito sakaniya. Kaya naman na niyang tumayo sa sarili niyang mga paa. Mag u-umpisa nga lang ulit siya sa wala ngunit ilang buwan lamang ay makakabangon din muli siya. May tinapos si Maximus kaya naman hindi siya mahihirapang mag hanap ng trabaho lalo na't valedictorian pa siya. Sinong kompanya ang ta-tanggi sakaniya? Malakas ang loob niyang umalis dahil alam niyang makakabangon din muli siya ng hindi humihingi ng tulong sa kahit na sino. Habang inaayos ang sarili ay hindi muna niya mapapanindigan ang pagmamahal para kay Belinda. Kaya naman ang kapatid niyang si Wein ang nanalo ngayon. Natitiyak niyang mamahalin ito ng kapatid niya higit pa sa pagmamahal na kaya niyang ibigay sa dalaga. Kita niya ang sensiridad sa bunsong kapatid kaya naman inhabilin niya ang dalaga. Ayaw na ni Maximus na maulit ang dati. Namatay ang minamahal niya dahil sa pamimilit niyang makasama ito. Matagal na tumahimik si Maximus sa nangyari dahil itimuturing niyang kapatid si Wein. Ngunit napakasakit sakaniya ang nangyari. Inaalala lang niya ang Inang si Donya Gracia na siya pa mismong nakiusap sakaniya na wag nalang mag salita sa nangyari. Napatay ni Wein ang babaeng parehas nilang minahal. May anger issue si Wein. Kapag hindi ito nakakainom ng gamot ay nagiging violente ito, at hindi nito titigilan ang isang tao hanggat hindi ito napapasakaniya. Kaya naman si Maximus nalang ang nag paubaya dahil sa takot na maulit na naman ang nakaraan. Hindi man gustuhin ni Belinda si Wein ay ayos lang, at least ay malayo siya sa dalaga. Galit si Wein kapag nasasapawan ito kaya naman ngayong wala pa siyang kakayahan ay didistansiya nalang muna siya. Hindi pa niya kayang protektahan sa ngayon si Bel. Walang-wala si Maximus ngayon, at maging siya ay awang-awa sakaniyang sarili. Sa tuwing ipinapamukha ni Wein na batang hamog lamang siya ng makita siya nang Donya ay nanliliit siya sakaniyang sarili. Napakalaki ng utang na loob niya sa mga Amoroso. Kaya nga hindi niya na gawang isuplong sa pulis si Wein, dahil sa utang na loob. "Pangako kapag kaya ko nang protektahan ka, at kapag maayos na ako. Kukunin kita sakaniya," sambit ni Maximus habang minamasdan ang stolen shot ni Belinda sakaniyang gallery sa cellphone. "Sa ngayon kasi naduduwag pa talaga ako Belinda.." "Maximus!" Kasabay ng malakas na sigaw ay ang sunod-sunod na katok. Natigilan siya sa pag kausap sa litrato ng dalaga. Tumayo siya bago binuksan ang pinto. "What are you doing here?" Malamig na tanong niya ng harapin si Belinda na kanina pa nasa isipan niya. "Wala kang karapatan na mag desisyon para sa akin!" Umiiyak na sigaw ni Belinda sakaniya habang matalim ang titig. "Ako lang ang mag de-desisyon para sa sarili na i-intindihan mo ba?! Ako lang Maximus! Alam ko naman eh!" Pinahid ng dalaga ang kaniyang luha. "Uto-uto akong tao at madaling mahulog, pero wag mo naman sanang dagdagan 'yung sakit na iniwan mo sakin." "Bakit hindi nalang si Wein, Bel? Mahal ka n'ya." "Itanong mo sa puso ko! Kasi kahit ako hindi ko alam Maximus kung bakit ikaw at hindi si Wein. Kasi si Wein mabait, mapagmahal, maunawain, matulungin, magalang at hindi katulad mo na ilang beses akong tinangkang akitin. Lahat ng hinahanap ng isang babae na kay Wein, pero itong bobo kong puso ikaw parin ang gusto! Ikaw lang!" "Kalimutan mo na ako Belinda. Mag focus kana lang kay Wein. Alam kong aalagaan ka niya, habang ako? Wala akong kayang ibigay saiyo sa ngayon." "Hindi naman kasi ako nanghihingi Maximus. Sapat na sakin 'yung panindigan mo mga sinabi mo sakin." "Umuwi kana. Kasama mo s'ya diba? Sige na, baka na iinip na s'ya." Ayaw na ni Maximus na humaba pa ang usapa nila kaya naman itinaboy na n'ya ito. "Dahil ba katulong lang ako?" "No way! Iyan mo tingin mo kaya lumayo ako? Mali ka Belinda. Hindi mo lang alam kung gaano ko kagustong makasama ka, pero sa ngayon hindi pa nakaayon satin ang lahat." Paliwanag ni Maximus sa dalaga. "Baka naman kasi palusot mo lamang ito? Babaero ka nga pala noh? Hahaha," pagak na tumawa sakaniya sa Bel. "Bakit nga ba ngayon ko lang na isip? Sawain ka nga pala Maximus, bakit ba umaasa pa akong totoo lahat ng sinabi mo at ipinakita sakin? Katangahan ko talaga." "Isipin mo mang kasinungalingan ang lahat, pero isa lang ang mananatiling totoo." Inilapit ni Maximus ang bibig niya sa tenga ng dalaga. "Iyon ay ang gabing inamin kong mahal kita, Belinda..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD