Chapter 20

725 Words
(Belinda POV) "Isama mo na ako Maximus.." Lumuhod ako sa harapan niya. "Please? Mahal kita.. mahal na mahal," the tears start falling from my eyes. Ngayon lang ako nag mahal ng ganito. At maubos man ako, gusto kong isugal lahat. "Kung hindi mo kayang ilaban, ako nalang." "Bakit ba pinapahirapan mo sarili mo kung pwede naman maging madali ang lahat? Pwede namang sakaniya nalang. Giginhawa pa kayo ng Papa mo." "Maximus 'yan ba tingin mo sakin? Mukang pera? Tingin mo ba talaga kaya kita na gustuhan dahil sa mayaman ka? Hindi! Hindi 'yon ang dahilan. At mas mahihirapan lang ako kapag 'yung pinili ko ay ang taong hindi ko naman kayang mahalin." Hindi siya sumagot. At sa mga segundo na 'to sumuko na ako. Wala naman na yatang pag-asa. Kahit anong paliwanag ko sakaniya wala lang naman sakaniya, tss. Masyado na akong nag mumukang tanga. "Sige hindi na kita kukulitin, pasensya na." Bagsak ang balikat ko na tumalikod sakaniya. "Pasensya na kung sayo na pa ako nahulog. Sino nga ba naman ako? Isang hamak na katulong, at kasalukuyang nag-aaral na wala parin namang kasiguraduhan kung makakatapos ba." "Successful ba usapan ninyo?" Halata ang selos sa boses ni Wein. "Gusto ko nalang umuwi." Walang ganang sagot ko bago mariing pumikit. "Bel! Belinda! Psst! Tingin naman kasi!" Humahangos na tawag ni Krisa. "Oh?" Walang ganang tanong ko. "Pumasok kana dali! Bumalik na si Maximus sa mansion, biglaan kaya naman may handaan sa mansion, at imbitado tayo sabi ni Donya Gracia." "Totoo ba iyan? Walang halong biro?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Napatango si Krisa kaya naman agad akong sumigla. Bumalik kaya siya dahil sakin? Napangiti ako bago nag ayos. Hindi ko na nga nagawa pang maligo dahil sa kaaligagaan ko. "Good morning iha!" Masiglang bati ni Nay Beth na kita rin ang saya sakaniyang mga mata. "Bumalik na ang Señiorito Maximus. Hindi na malungkot ang Donya Gracia." "Oo nga po sabi ni Krisa," napakamot ako sa batok. "Umpisahan ko na pong linisin ang kwarto dahil matagal rin po akong wala. Babawi po ako ngayon," kumaway ako bilang paalam. Hindi naman ako nakalinya ngayon sa kwarto ni Maximus pero dito ako dinala ng mga paa ko. Napatitig ako sa pinto ng kwarto niya. Nag i-isip kung kakatok ba ako o iiwas nalang? Ang mahalaga naman kasi ay bumalik na muli siya. Nanlaki ang mata ko ng bumukas ang pinto. "Ikaw pala," nakangiting sabi niya. "Ah, b-bumalik kana pala." Medyo naging awkward. Halata kaya ako masyado na bumalik lang dahil bumalik na din s'ya? "Para sayo," kumindat s'ya sakin bago ako hinapit sa bewang at ipinag dikit ang katawan namin. "Bigla lang kasi akong natauhan sa mga sinabi mo, tama ka. Bakit nga ba natin pahihirapan ang ating mga sarili? Hindi naman palaging kaylangan tayo 'yung mag adjust." "Anong ibig mong sabi--" "Hindi na ako takot Belinda. Wala akong pake kahit itago natin, makasama lang kita." Hinila niya ako papasok sa kwarto niya at mabilis na isinarado ang pinto. Napatitig siyang muli sakin bago ako masuyong hinalikan. Ang halik na akala ko'y tatagal lamang ng segundo ay naging malalim at mapusok. "I love you," he whispered in my ears. Ipinag patuloy niya ang pag halik sakin. Ramdam na ramdam ko ang kuryenteng dumadaloy sa katawan ko. Habang ang laman loob ko maging ang utak at puso ko ay nag huhumiyaw sa kilig. "Ito lang muna sa ngayon," hinihingal na sambit niya ng putulin ang halik. "Ayaw kitang biglaan dahil alam kong hindi ka pa handa. Gusto kong gawin natin ito sa kasal natin." "K-Kasal?" Nautal pa ako. "Bakit ayaw mo?" Lumungkot ang facial expression niya. "Hindi naman sa ganun, pero kasi nagulat lang ako. Parang kahapon lang itinataboy mo ako, tapos ngayon palihim mo akong nilalandi?" Hindi ko mapigilang tanong. "Nilalandi ba ang tawag mo sa ginagawa ko? Tss, that's sad to know. Mahal kita, 'yon ang dahilan bakit ko nilunok ang pride ko at muling bumalik makasama kalang. Ngayon kong ayaw sige aalis na ako." Natawa ako. "Ang bilis mo mag tampo." "Kiss mo ako para bati na tayo." Ngumuso ito habang nakapikit sa harapan ko. "Kiss me na dali." "May trabaho pa ako," paalam ko bago akmang pipihitin na ang doorknob. "Ako muna asikasuhin mo wala naman si Wein e," maktol ni Maximus. "Matapos mo akong pasakitan? Manuyo ka muna," pag i-inarte ko bago lumabas ng kwarto niya.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD