Prologue,
Sa probinsiya ng Isabela ay may naninirahang simpleng dalaga na nag ngangalang Belinda De mesa. Siya ay hinahangaan ng marami dahil sa taglay nitong ganda kahit simple lang ang dalaga. Hindi ito pala-ayos sa sarili at kung manamit lamang ay bestida o kaya'y mahabang damit.Wala sa isip ng dalaga kung ano ang tingin sakaniya ng iba, basta para sakaniya ay masaya na siya sa ganoong ayos.
Marami ang nagpapantasiya sakaniya. Ngunit laging bigo dahil sa mailap ito at pag-aaral lamang ang iniisip. Nagtatrabaho s'ya sa isang mayamang donya na si Donya Gracia. Isa itong sikat na negosyante sakanilang lugar ngunit dahil sa katandaan ay nagretiro na ito at ipinamahala na lamang sakaniyang mga anak ang kanilang negosyo.
Labis ang tuwa ng donya sakaniya sapagkat wala itong anak kahit isa. Puro lalaki ang kaniyang anak at hindi man lamang nabiyayaan ng anak na babae kahit isa kaya ganon nalang ang saya ng matanda kapag kasama ang dalaga.
Masaya rin ang dalaga sa Donya dahil wala rin siyang nakagisnang ina. Ayon sakaniyang ama ay namatay ito sa sakit na tubercolosis, at dahil sa hirap ng buhay ay hindi agad naagapan ang ina niyang may sakit at naging malubha ang nararamdaman. Hanggang sa hindi na nito nakayanan ay namatay. Labis ang lungkot ni belinda habang isinasalaysay ng ama ang nangyari.
"Bel, ano nanaman 'yang ganap mo? Kanina pa ako nagsasalita dito ni hindi ka man lang umiimik! Jusko naman inday! Nandito na tayo sa harap ng mansion!". Singhal ng kaibigan niyang si Krisa.
'Tinangay nanaman pala ang utak ko' sa isip isip ng dalaga.
"Pasensya na may naalala lang". Hingi nito ng paumanhin.
"Sus! Baka naman iniisip mo lang ang mga gwapong anak ng Donya? Huwag ka na mahiyang sabihin. Tayong dalawa lang naman ang nakakaalam at isa pa, maganda ka naman noh! Ako nga rin e, crush ko 'yung bunso". Maingay nitong sabi habang kinikilig at napapa-padyak sa naiisip.
'Sus baliw talaga ang isang to' ani belinda sa isip.
"Ewan ko sayo bahala ka diyan. Mangarap ka mag-isa basta ako gusto ko muna mag-aral at makapagtapos ng may dangal!" Bulyaw niya sa kaibigan habang naglalakad papasok ng mansion.
Bumungad sakanila ang Mayordoma ng mansion na si Nanay Beth. Nasa edad singkwenta'y anyos na ito at nananatili pa rin sa paglilingkod sa pamilya Amoroso. Strikta at makilatis ang ginang pagdating sa paglilinis ng mansion.Palaging napapagalitan ang kaibigan niyang si Krisa dahil sa palpak na trabaho sa loob ng mansion.
Madalas ay napupukpok ng ginang ang pwet ni Krisa dahil madalas ay nahuhuli nitong nakatitig lamang sa mga among lalaki.
Naiiling na lamang ang dalagang si Belinda kapag napapalo ito ng mayordoma.
"Bakit ngayon lang kayo!?" Bulyaw ng ginang sakanila. Nakapameywang ito at halata ang iritasyon sa mukha.
"Pasensya na po, nay Beth. Inihatid ko pa kasi ang baon ni tatay sa kaniyang trabaho kaya natagalan po kami". Nakayukong paliwanag ng dalaga.
Nabanaag naman ng Mayordoma na tunay ang sinabi ng dalaga kaya pinapasok na niya ang mga ito at pinaghain ng umagahan.
Alas siete bente y uno na ng umaga. Paniguradong gising na ang kanilang mga amo. Nagmamadali na sa paghahain ang dalawang dalaga ng makarinig ng yabag mula sa bukana ng dining area. Paniguradong ang mga amo na nila ang naroroon.
Ngunit laking gulat nila ng makita ang maskuladong lalaki. Nakasuot ito ng jogger pants, fitted white sando na bumabakat sa magandang hubog ng katawan nito.
Ngayon lang nakakita ng ganito ka gwapo ang dalawang dalaga. Gwapo rin naman ang mga amo nilang lalaki na anak ng Donya ngunit kakaiba ang isang ito. Napaka laki ng pinagkaiba sa mga amo nila. Malaki at mamasel ang katawan ng estranghero, at matangkad din ito. Makikita din dito na may lahi ang itsura, Lahing banyaga.
Sa hindi malamang dahilan ni Belinda ay nakaramdam siya ng kakaibang kaba at panginginig ng tuhod. Lalo na ng magtama ang kanilang paningin. Animoy nahipnotismo ng estranghero ang kaniyang katawan ni hindi siya makagalaw.
"Can someone give me a towel?". Baritono at malalim nitong salita sa wikang ingles.
Doon lamang natauhan si Belinda at agad agad iniwas ang tingin sa binata.
Agad agad na kumuha ng towel si Krisa upang iabot sa binata. Sa isip isip ng dalaga ay ang gwapo ng binata. Impit na napapahiyaw ito samantalang si Belinda ay inabala na ang sarili sa pag-aayos at pag hahanda ng mesa.
Kahit naiilang sa presensya ng binata ay wala siyang nagawa at binilisan na lamang ang pag aayos. Nang matapos ay agad siyang pumasok sa maids quarter. Laking pasasalamat niya at nakahinga siya ng maayos.
"Bakit ganito parang nakipag habulan ako? Ano bang nangyayari sakin?" Naisatinig niya ng nag-iisa na siya sa kwarto.
Naguguluhan man ay isiniwalang bahala na lamang niya iyon at ipinagpatuloy ang dapat na gawain.
"Who are you? Where did you get permission?" Sunod-sunod na tanong ng gwapong binata kay Bel.
Hindi agad siya nakasagot. Napako kasi ang kaniyang tingin sa matipuno nitong katawan. Topless ang binata at walang bahia ng hiya na ipinangangalandakan ang matipuno nitong katawan.
Ganito nga siguro talaga kapag may lahi at hindi purong pinoy. Sanay na silang nakikita ang katawan nila, liberated at open minded.
Natusuan kasi siya ng Mayordoma na s'ya na ang mag linis sa kwarto nito. Hindi naman niya alam na nasa loob pa pala ang binata.
"Señiorito na atasan lamang po akong mag--"
Hindi na natapos ni Bel ang sinasabi niya ng sumenyas ang binata na pinapalapit s'ya. "P-Po?" Kabadong-kabado si Bel.
'Huwag naman po sana akong saktan' Ito ang pumasok sa isipan ni Bel sa pag-aakalang baka saktan siya ng binata.
"Sit here". Malamig na utos nito bago iminuwestra ang hita ng binata.
"H-Ho?"
Hindi makapaniwala si Bel sa inuutos ng binata
"Are you deaf or what?"
"Pero katulong po ako dito."
Padabog na tumayo ang Binata. "I don't care! Just sit here!" Malakas ang tinig nito kaya naman sa takot at kaba ay agad na sumunod si Bel.