Chapter 18

825 Words
"Anak may problema kaba? Isang linggo kanang hindi pumapasok sa mga Amoroso, tapos pati module mo hindi mo na aasikaso. Mag sabi kalang sakin, makikinig ako." Napabuga ng hangin si Belinda. Isang linggo na nga siyang ganito. Malungkot at walang gana pati sa pagkain. Dinadamdam kasi niya ang pag layo ni Maximus. Lumabas kasi na pinaasa lamang siya nito. Dapat talaga ay hindi na siya nag tiwala, at sana ay mas tinatagan pa niya ang kaniyang loob na wag mahulog. Sa unang tingin naman ay halatang sawain sa babae si Maximus, pero bakit nga ba hinayaan parin ni Bel ang kaniyang sarili? Bakit kay Maximus pa? Pwede namang si Wein nalang. Naiintindihan niya ang galit at selos ni Wein sa kapatid. Ngunit ang hindi niya gusto sa ginawa nito ay ang panunumbat at pag wa-wala nito sa mansion kahit na wala naman silang relasyon. Pati ang Donya tuloy ay na damay sa away nilang mag kapatid. Malungkot ito at palaging umiiyak dahil sa pag alis ni Maximus. Wala naman magawa si Bel. Nahihiya rin kasi siyang humarap sa mga ito dahil kahit naman walang mag sabi sakaniya ay alam niyang siya ang punot dulo ng hidwaan ng mag kapatid. May nakaraan na nga ang mga ito ay na ungkat pa ulit ng dahil sakaniya. May mali rin talaga siya, at alam naman ni Bel 'yon. Dapat una palang sinabi na niya kay Wein na wala itong pag-asa. Wala siyang nararamdaman para sa binata, para hindi na ito tumuloy sa panliligaw. Inabot lang kasi siya ng hiya lalo na at ang Donya na mismo ang nakiusap sakaniya na pag bigyan nalang si Wein, at kung wala talaga ay tsaka n'ya ito kausapin ng maayos. Ngunit sa nangyari ay mas minabuti na ni Belinda na mag paalam at mag focus nalang sa pag-aaral habang nag hahanap ng ibang trabaho na magiging extra income niya. Umalis na si Maximus kaya bakit pa siya babalik? Hindi naman ganun kakapal ang mukha niya para bumalik pa. Sa loob ng isang linggo ay panay rin ang dalaw ni Wein sakaniya. Ngunit wala siyang ganang harapin ang binata kaya mag da-dahilan na lamang siyang may sakit. Pinipilit siya ng kaybigang si Krisa na papasukin ngunit maging ang kaybigan ay hindi na mababago ang desisyon niya. "Anak kinakausap kita." Bumalik sa diwa si Bel nang marinig muli ang boses ng kaniyang ama. "Ano ba talagang nangyari? Nag-aalala na ako saiyo." "Wala po, ayos lang naman po ako. Hindi lang po kasi ako makafocus sa modules kaya naman mas minabuti ko nalang na mag pahinga muna sa trabaho. Ayos lang po ba, Pa?" Nahihiyang tanong niya. "Oo naman, ano kabang bata ka. Wala naman namimilit saiyong mag trabaho. Alam kong gusto mong makatulong, pero gusto kong sarili mo naman muna ang atupagin." Hinaplos ng kaniyang ama ang buhok n'ya bago muling nag salita. "Tiyak na pupunta na naman ang anak nang amo mo, baka naman maari mo na siyang harapin upang mag kausap na kayo." Hindi siya sumagot sa sinabi ng kaniyang ama. Nag tungo na ito sa kusina habang siya ay nanatili sa sala at muling natulala. Bumalik sa isipan niya ang masasakit na salitang binitiwan ni Maximus bago ito umalis. Pagnanasa. Pagnanasa lang ang nararamdaman nito sakaniya. Ang buong akala pa naman ni Bel ay parehas talaga sila ng nararamdaman ni Maximus. Ngunit tulad nga ng inaasahan, mali siya. Ito ang hirapa sakaniya. Madaling mag tiwala at mahulog sa maling tao. Madaling umibig ngunit hirap na hirap kung paano lilimutin ang binatang palihim niyang iniibig. Paano pa pala kung bumigay siya ng tuluyan? Baka pati ang puri niya ay natangay na ni Maximus. Mabuti nalang at kahit paano'y nalalabanan niya ang tukso. At malinaw na malinaw na sakaniyang pakitang tao lang ang lahat ng 'yon. Ginawa lamang iyon ni Maximus upang makuha siya. Natigilan sa pag-iisip si Belinda ng may kumatok sakanilang pinto. "Belinda nandiyan kaba?" Mariin na napapikit si Belinda bago napabuga ng hangin. Matapos ayusin ang sarili ay binuksan niya ang pinto, at bumungad si Wein na may dala pang bulaklak. "Masaya akong hinarap mo na ako Bel." "Wein, para saan na naman ba ito?" Deretsahang tanong niya habang nakatitig sa bulaklak na hawak nang binata. "Gusto ko lang humingi ng paumanhin sa inasal ko. Nadala lang naman ako ng galit at selos, please forgive me.." "Wein, ano ba tayo? May relasyon ba tayo?" "Belinda wag mo namang sabihin 'yan, please? I love you so much, at hindi ko kayang makitang galit ka sakin. Pati kay Maximus ay nais kong humingi ng tawad, believe me or not ginawa ko talaga. Hinanap ko s'ya at humingi ako ng sorry." "Anong sabi n'ya?" Tanong ni Bel. "Naging ok na kami, pero desidido na siyang humiwalay samin, pero may binilin siya sakin." "Ano?" Ngumiti si Wein sakaniya bago sumagot. "Alagaan daw kita." Nakuyom ni Belinda ang kaniyang palad. Talagang nais siyang saktan ni Maximus. At sino ba ito para mag desisyon para sakaniya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD