Chapter 17

802 Words
"What the f*ck is happening to you Wein?!" Dumating na si Maxirrus para lang ayusin ang hidwaan ng dalawa niyang kapatid. Nakarating na sila Belinda sa mansion ngunit patuloy parin ang pag wa-wala ni Wein at ang pag tawag nito ng Orphan kid kay Maximus. Tahimik lang siyang nakamasid kay Maximus na walang imik. Halata naman sa binata na ayaw nitong patulan si Wein kaya naman hindi mapigilan ni Bel na maawa kay Maximus. Alam naman niyang mali si Maximus dahil sa pamimilit sakaniya ngunit sobra narin si Wein. Gumawa ito ng eksena na nakapukaw sa atensyon ng lahat, maging ng Donya. "Belinda ano ba talagang nangyari?" Si Nanay Beth na hindi narin mapakali. "Ikaw na ang mag paliwanag sa Donya." Utos pa nito sakaniya. "H-hindi ko naman po akalaing magagalit ng ganito si Wein, Nay Beth." Natatakot na sagot niya bago pinahid ang luha na. "Wala naman akong intensyon na pag awayin sila, maniwala po kayo sakin." Pakiusap ni Belinda sa Mayordoma na problemado narin sa nangyayari. "Ayos lang po kung aalisin ako ni Donya Gracia, maiintindihan ko naman po." "Iha, wala namang galit saiyo. Nais lang naming alamin ang punot dulo nang lahat." "Walang kasalanan si Belinda." Napatitig sakaniya si Maximus. "It's all because of me," dagdag na wika pa nito. "Kasi gago ka!" Muling susugurin ni Wein si Maximus ng si Maxirrus na ang humarang. "Stop being immature Wein," saway ng panganay na anak nang Donya. "Para kayong mga bata!" Maging ito ay galit na. "Bakit ba s'ya pa ang mas kakampihan mo Kuya?" Nakangising tanong ni Wein. "Orphan kid naman talaga s'ya ah? Alam n'ya 'yon. Kung hindi dahil kay Mama ay wala siyang tinatamasang sarap ngayon. Tandaan mo Maximus na malaki ang utang na loob mo sa pamilya namin. Pinakain, dinamitan at pinag-aral ka ng Amoroso. At ngayon dala mo ang apelyido namin, tapos ano? Tatrahidorin mo na naman ako? F*ck you! Hindi na mangyayari 'yon." Lahat ay nagulat ng isang malakas na sampal ang iginawad ni Donya Gracia kay Wein. Maging si Belinda ay hindi makapaniwala. "At sino ka para sumbatan ang kapatid mo?" Galit na tanong ng Donya. "Mama," tawag ni Maxirrus sa Ina bago ito nilapitan. "Huwag mo akong susubukang pigilan Maxirrus. Didisiplinahin ko ang dalawang ito sa paraang alam ko." "Bakit Mama? Totoo naman ang sinabi ko. Sa Orphanage mo s'ya kinuha at dun nga siguro siya nararapat." Matigas na paninindigan ni Wein bago bumaling kay Maximus. "Hindi naman pwedeng lahat nalang sayo mapunta." "Wala akong inaagaw sayo Wein." Depensa ni Maximus. Pagak na tumawa si Wein. "Anong wala? Limot mo na ba 'yung nangyari kay Lizel? F*ck you Maximus! Inagaw mo din s'ya!" "Hindi n'ya inagaw Wein," si Maxirrus ang sumagot. "S'ya ang gusto ni Lizel at hindi ikaw." "Pati ba naman ikaw? Wala na ba akong kakampi dito? Belinda." Lumikot ang mata ni Bel ng tawagin siya nito. "Pasensya na kung nangyayari 'to sainyo dahil sakin. Sorry talaga Wein, Maximus. Sorry po Donya Gracia at Señorito Maxirrus." Hiningi niya ng tawad. "Aalis nalang po ako." "No! Kung may dapat na umalis rito ay si Maximus 'yon." "Isa pa Wein, sasapakin na kita." Banta ni Maxirrus. "Tama naman si Wein." Napabaling si Belinda kay Maximus. "Dapat nga ako 'yung umalis. Sino ba ako? Isa lang akong pekeng Amoroso at Orphan kid." Napasulyap si Maximus kay Belinda. "Ako nalang aalis, and you Bel. Stay here, ok? You need this job. Huwag kang maguilty wala kang ginawang masama." "Maximus anak wag mo namang pakinggan ang--" Hindi na natuloy ang sasabihin ng Donya dahil tumalikod na siya at tuluyang lumabas ng mansion. Ang susi ng sasakyan, maging ang atm at wallet ay iniwan niya. Wala siyang dinala na kahit ano dahil lahat naman 'yon ay sa Amoroso. Masamang loob ni Belinda na tumitig kay Wein bago sinundan si Maximus. "Aalis ka talaga? Ganun nalang 'yon? Mag kapatid parin naman kayo. Maayos nyo pa ito, tiwala lang. Pakiusap bumalik kana, at wag ninyong pahirapan si Donya Gracia." Habang sinusundan si Maximus ay nag sasalita si Bel. Ngunit hindi siya nito nililingon. "Wag mo na akong alalahanin, malaki na ako." Malamig na sagot nito bago pumara ng taxi. "Ganun nalang 'yon? Pag tapos mong umamin aalis ka? Iiwan mo ako?" Sunod-sunod ang tanong ni Belinda bago hinawakan kamay si Maximus. "Huwag kang umalis, pakiusap.." "Wala na akong kayang ibigay sayo Belinda. Sarili ko nga hindi ko pa alam kung anong mangyayari eh. Bumalik kana sa loob at kalimutan ang nangyari. Mas kaya ka ni Wein na bigyan ng magandang buhay kaysa sakin, at tsaka mas kaya kaniyang mahalin." "Gago ka pala eh!" Masamang titig ang binigay niya kay Maximus. "Ganun nalang 'yon? Joke lang ba ako sayo?" "Yes," tipid na sagot nito. "Gago ka Maximus.." "Pagnanasa lang ito Belinda. Sabik lang akong ikama ka, iyan ang katotohanan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD