Chapter 14

731 Words
CHAPTER 14 Tahimik na nagmamaneho si Wein. Habang si Bel at Krisa naman ay sa mata nag u-usap. Kanina pa kasi seryoso si Wein at hindi nila mapigilang matakot. Ang expression kasi nito ay malayo sa palangiting si Wein. "Señiorito pwede po bang pakibaba na lamang ako sa gilid? May dadaanan pa po kasi ako." Request ng kaybigan niyang si Krisa kaya naman nanlaki ang mata niya. Sinamaan niya ito ng tingin na parang itinatanong na, bakit siya nito hahayaan kay Wein? "Ahpmm, dito nalang din sigu--" Natigilan siya ng mag salita si Wein. "Is it true?" Napaawang ang kaniyang labi. "Ang alin po?" Kinakabahang tanong ni Bel. "Iyong sinabi ni Maximus na napipilitan kalang dahil sa awa sakin?" Muli nitong tanong. Napabuga ng hangin si Belinda. "Hindi naman sa ganun. Hindi naman ako napipilitan, sadyang busy lang po talaga ako kung minsan kaya tumatanggi ako." Paliwanag ni Belinda upang hindi na madagdagan ang sama ng loob ni Wein. Naiinis siya kay Maximus na kaylangan pa talaga nitong pag salitaan ang kapatid nitong si Wein. Hindi man lang nito isinaalang-alang ang mararamdaman ng kaniyang kapatid. Napailing si Belinda habang iniisip ang binatang si Maximus. Nais niya itong isumbong sa Donya upang mapag sabihan, at upang kung may hindi pagkaka intindihan ang dalawa ay mapag ayos na agad. "I'm happy na hindi totoo ang sinabi ni Maximus." Ngayon ay nakangiti na si Wein sakaniya. "Gusto mo bang tulungan kita sa module mo? Hindi naman ako matalino, pero siguro naman ay makakatulong ako." Alok pa ng binata sakaniya. "Kaya ko pa naman, salamat Wein." Napansin nalang ni Belinda na nasa tapat na pala sila ng kanilang bahay. Agad siyang bumaba ganun din naman si Wein. "Hindi mo na ba ako iimbitahan man lang? I want to meet your father." Nakangiting wika pa nito. Tatanggi sana siya ng makita niya ang ama niyang nakatanaw na pala sakanila. "May bisita ka pala? Papasukin mo at mahamog na ano kabang bata ka!" Napagalitan pa tuloy siya ng kaniyang ama. "Pasensya na iho sa aming bahay. Ikaw ba ay amo ng anak ko? Amoroso, tama ba ako?" Pag tatanong ng ama ni Belinda. Ito na nga ba ang sinasabi ni Belinda kaya ayaw niyang may iba siyang bisita. Madaldal kasi ang kaniyang ama, at nahihiya siya na baka maubos ang pasensya ni Wein. "Opo." Sagot ni Wein bago napasulyap sakaniya. "Actually, nais ko narin po sanang mag paalam sainyo ng personal." Natigilan sa pag titimpla ng kape si Belinda. "At bakit naman iho? Ano bang nais mong sabihin sakin?" Nakangiti pa ang ama ni Belinda. "Nais ko po sanang manligaw sa anak ninyo." Magalang na sagot ni Wein. "At bakit mo pa ako tatanungin iho?" Natawa pa ang ama ni Bel. "Nasa tamang edad naman na si Belinda upang mag desisyon, at isa pa wala namang masama kung liligawa mo s'ya." Mariing napapikit si Belinda. Hindi na nga yata siya makakawala pa sa pangungulit ni Wein lalo pa ngayon at may pahintulot na nang kaniyang ama. Maagang gumising si Belinda. Routine na n'ya ang maging maaga dahil nga sa may trabaho na naman siya sa Mansion ng mga Amoroso. Inagahan na rin niya dahil ngayon ang nakatakdang alis ni Maximus. Nais sana niya itong abutan upang makapag paalam. Gising narin ang iba pang katulong at nag uumpisa nang mag linis. Si Krisa naman ay tiyak na mamaya pa. Late palagi ang kaniyang kaybigan at naiintindihan naman nang Mayordoma nila 'yon. Napatitig si Bel ng matapat sa kwarto ni Maximus. Hindi siya nakataas na mag linis sa kwarto nito dahil kakatapos lang niyang mag linis kahapon. Hindi rin niya alam kung nakaalis na ba ito o nasa loob parin ng kwarto. Nahihiya naman siyang tanungin si Nanay Beth dahil baka mahalata siya nito. Malakas pa naman ang pakiramdam ng matanda pag dating sa nararamdaman niya. Patungo na sana siya sa kabilang kwarto ng biglang bumukas ang pinto. Nanlaki ang mata n'ya ng bumungad ang topless na si Maximus habang nakaboxer lang. Napalunok si Bel ng sunod-sunod bago napaiwas ng tingin. Ngunit kamuntik na siyang mapatili ng bigla na lamang siyang hilahin papasok ni Maximus. Mabilis siya nitong itinulak pahiga sa kama at inibabawan. "Iniisip mong umalis na ako?" Nakangising tanong sakaniya nito. "Hindi noh!" Tanggi ni Belinda bago lumikot ang mata. "Hindi na ako aalis Belinda," bulong ni Maximus habang pinapagapang ang labi nito sa dibdib ni Belinda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD