Chapter 15

757 Words
"Maxmimus saan tayo pupunta?" Kinakabahang tanong ni Bel ng ibango siya ng binata at sumilip muna sa labas bago tuluyan siyang hinila pababa. Mabuti nalang at busy ang lahat. Hindi sila napansin ngunit natitiyak ni Belinda na sa dami ng CCTV sa mansion ng mga Amoroso ay tiyak na hindi maaring walang makaalam ng pag labas nila. "Sssh, quite baby girl." Nanlaki ang mata niya. Tinawag lang naman siyang baby girl ni Maximus!? Ano bang kabihangan ang pumasok sa utak nito at siya ang pinag tripan? "May pangalan ako, at Belinda iyon." Madiing wika niya bago napairap. "But you're my baby girl," nakangising sagot ni Maximus. Napabuga ng hangin si Belinda. Malayo na ang sasakyan sa mansion ngunit kabadong kabado parin siya. Paano nalang kapag hinanap siya ng Donya, o ni Nanay Beth, o ni Krisa? Lalo na ni Wein na palaging nakabantay sakaniya. Siya ang malilintikan at hindi ang pasaway na si Maximus. Mas maganda pa nga yatang tumuloy nalang ito sa pag-alis. Upang nawala narin ang sakit ng ulo niya, at iwas tukso narin. Oo, nalulungko siya nang malaman niyang aalis na si Maximus. Naging maayos rin naman kasi ang samahan nilang dalawa kahit na madalas ay pag su-sungit lang ang alam ni Maximus. Iniisip lang din naman ni Bel ang Donya Grcia na mas apektado kapag tuluyang umalis si Maximus. "Nag-aalala ka na baka hanapin ka nila? Maraming pwedeng maging dahilan Belinda." "E, paano 'yung CCTV?" "Akong bahala, just sit back, and relax." Napailing na lamang siya. Wala siya sa front seat dahil ayaw niyang makatabi si Maximus. Naiinis siya dahil bigla na lamang siyang isinama nito kaya tuloy 'yung suot niya ay pang mutchaha. Ihininto ni Maximus ang kotse sa parking lot ng mall. "Aano tayo dito?" Takang tanong ni Bel habang sinusuri ng tingin ang malaking mall. Nakapunta na s'ya rito ngunit hindi naman madalas. Busy siya sa trabaho at pag-aaral kaya hindi nakakapag enjoy. "Lilinisin mo ang buong mall." Pilosospong sagot ni Maximus sakaniya. "Just kidding," mabilis na bawi nito. "Joke pala 'yon? Hindi ako nasabihan, para sana nakatawa." "Amg seryoso mo baby girl." Namula ang pisnge ni Bel. "Belinda ang itawag mo sakin nakakainis kana!" Napalakas ang boses niya. "P-pasensya na," mabilis na hingi niya ng tawad. Hindi na sumagot si Maximus. Bigla na lamang kasi siyang hinawakan nito sa pulsuhan at hinatak papasok sa loob. Hiyang-hiya si Belinda dahil sa tingin ng mga tao. Nakapang katulong siyang suot at pag tapos ay hila-hila siya ng gwapong lalaki. Sino ba namang hindi maiintriga? "Wait me here," bilin ni Maximus bago siya iniwan. May hinahanap ito na hindi niya makita kaya naman kaysa mag paikot-ikot ay gusto ni Maximus na hanapin muna. Nahihilo narin kasi si Bel dahil pabalik balik sila. "Mutchaha ka?" Isang grupo ng kababaehan ang lumapit sakaniya habang nag tatawanan. Mararangya ang suot ng mga ito kaysa sa suot niya. "Halata naman sa suot tinatanong pa ba 'yan?" "Ang gwapo nung lalaki, amo mo?" Mapang-insultong tanong pa ng isa. "Insult her again and you'll be dead. All of you," banta ni Maximus na narinig pala ang sinasabi ng mga kababaehan. "Shame on you! Sainyo pa talaga galing ang discrimination? Kayo na kapwa n'ya babae? Tss, labas." Walang emosyong utos ni Maximus. "Labas!" Sigaw na nito kaya naman napisil ni Belinda ang kamay ng binata. "Ok na ako," bulong niya upang mapakalma ito. "We're just having fun," napapalatak pa ang isa na pinaka pinuno. "Anong masama sa pag tatanong namin? At isa pa, muka naman kasing tama kami haha. Anyway, mauna na kami. Enjoy sa date nyo ng mutchaha mo." Nakangising wika pa nito bago tumalikod. "Hayaan mo na lang." Saway ni Belinda ng balak pa sana ni Maximus na sundan ang limang babae na uminsulto sakaniya. "Stupids," galit na sambit nito. Kita ni Bel ang pag alon ng lalamunan ni Maximus. "By the way, I see him, 'yung mag aayos sayo. Nalito lang ako sa pwesto n'ya dahil matagal nang hindi nakakapunta." Paliwanag nito bago siya hinila muli. "Anong ibig mong sabihin?" "Hindi ko gustong minimaliit ka kaya naman ipapaayos kita. May date tayo ngayong gabi," dagdag pa ni Maximus. "D-Date?" "Yup." Tipid na sagot nito. Susmaryosep! Date na pala ang gagawin nila ay wala man lang siyang alam? Hindi yata kayang mag enjoy ni Bel habang ang tambak na trabaho niya ay kaniyang naiwan. "Iwaksi mo muna lahat at maging masaya ngayon, please? Please... ibigay mo na an araw na ito sakin. Pinag bigyan mo na si Wein kaya ako naman. Hindi ako papayag na lumamang siya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD