Chapter 13

737 Words
"Palagay ko'y umiibig kana, iha." Napukaw ang tingin ni Belinda ng bigla na lamang mag salita ang Mayordoma ng mga Amoroso na si Nanay Beth. "P-po? Paano nyo naman po nasabi? Hehe, malalim lang po talaga iniisip ko." Nahihiyang paliwanag niya sa matanda. Nahihiya siyang aminin ang katotohanan. At isa pa, ayaw rin ni Belinda na isipin ng iba pang mga katulong na masyado siyang feelingera. Kahit kaylan ay hindi na babagay ang isang Amoroso sa katulong. "Sus!" Natatawang siniko siya ni Nanay Beth. "Ako pa ba ang lolokohin mo? Aminin mo na kasi haha. Si Señiorito Wein ba? Wala namang masama ah? Gusto ka naman niya, at hayag ang nararamdaman niya saiyo. Alam ng ibang mga katulong 'yan. Kaya bakit naman sila maiingit? Hindi naman ikaw ang lumalapit kay Señiorito Wein. Kung iniisip mo na baka magalit sila e, ako na ang nag sasabi saiyo na tumigil ka sa pag-iisip ng ganiyan." Mahabang paliwanag ni Nanay Beth sakaniya. Gusto sanang itanggi ni Bel na hindi naman si Wein ang na sakaniyang isipan. Ngunit mag dudulot lamang ito ng kalituhan sa matanda kaya naman napatango-tango na lamang si Bel. "Sige po, balik na po muna ako sa trabaho." Paalam niya bago kinuha ang mop na isinandal niya sa pader. Nag pahinga kasi siya saglit dahil sa pagod. Matatapos naman na s'ya, mas napabilis nga dahil sa tulong ni Maximus kanina. Habang kinukulit siya ng binata ay walang sawa itong gumagawa ng dapat na siya lang ang gagawa. Pawis na pawis si Bel ng mapasandal. Pinapaypay niya ang kaniyang kamay bago napapabuga ng hangin dahil sa init. Mainit kasi ang panahon ngayon kaya naman kaunting galaw lang ay pinag papawisan na agad siya. "Take care of yourself too." Kamuntik na siyang mapatalon sa gulat ng bigla nalang mag salita si Wein na nasa gilid na pala niya at pinagmamasdan siya. Nakangiti ito at maaliwalas ang mukha hindi katulad kanina ng makita siyang kasama si Maximus. Iiwas sana siya ng akmang pupunasan siya nito ng pawis. Ngunit naisip niyang baka mapahiya ang binata kaya naman hinayaan na lamang niya ito. "S-salamat." Nahihiyang wika ni Bel. "May ginawa akong meryenda para sayo. Pahinga kana, then ihahatid ko na kayo ni Krisa." Nakangiting sabi pa ni Wein bago hinuli ang pulsuhan niya at hinila siya patungo sa kusina. Nahagip ng mata niya si Maximus na kalalabas lang sa kwarto ng Donya Gracia. Napahinto ito sa pag lalakad bago napatitig sakanilang dalawa. Bumaba ang tingin nito sa kamay ni Wein na nakahawak sa pulsuhan niya. Ang titig ni Maximus ay nakakapaso. Tila ba nag liliyab ang mata nito habang ang panga ay umiigting. Ramdam niya ang galit nito kahit na hindi naman niya alam kung para saan 'yon. Galit ba ito dahil mag kasama sila ni Wein? Nagseselos ba ito? Sumaya ang puso ni Belinda. Sumaya siya ng maisip na baka nga nag seselos sakanila si Maximus. "What?" Nakataas ang kilay ni Wein ng mag tanong sa kapatid. Tahimik na nakamasid lamang si Belinda sa dalawa na tila ba may namumuong tension. "May sinabi ba ako?" Sarkastikong tanong rin ni Maximus. Mag-aaway ba sila? Hindi makapaniwalang tanong ni Bel sakaniyang isipan. "Titigan mo pa s'ya ng ganyan ulit," madiing wika ni Wein na may pag babanta. "Wala na akong pake kung mas matanda ka, pero papatulan talaga kita. Not again, not this time. She's mine, so leave her alone." "Ow?" Tila ba iniinis pa ni Maximus si Wein kaya naman napapatingin sakaniya si Belinda. Alam niyang kinakabahan na ang dalaga sakanilang mag kapatid dahil sa inaasal nila. Ngunit hindi naman s'ya ang nag umpisa. Si Wein ang nag simula ng tension, at hindi naman siya duwag para hindi patulan ang kapatid. "Bakit gf mo na ba si Belinda? At bakit ba ang hilig-hilig mong mang buklat ng past? Hindi ka parin makamove-on na hindi ikaw ang ginusto n'ya?" Mapang insultong tanong ni Maximus. "Ikaw ang hindi makalimot!" Naging agresibo si Wein at kita niya ang pag higpit ng hawak nito kay Belinda. "Bitawan mo si Bel nasasaktan mo na s'ya." Saway niya sa kapatid. "Sorry Bel," gulat na sambit nito. "Masakit? I'm sorry. I'm over reacting. It's because of you Maximus! Stop bothering us, please?" "I'm not bothering you guys," natatawang sagot niya bago sumulyap kay Belinda. "Si Belinda ang tanungin mo, baka kasi napipilitan lang siyang samahan ka dahil sa awa sayo." Lumamig ang boses ni Maximus bago linampasan ang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD