Chapter 12

875 Words
Kinabukasan ay nagulat siya ng pag pasok niya sa kwarto ni Maximus upang linisan. Ito ay bigla na lang siya niyakap ng mahigpit nagulat siya at nanlaki pa ang mata. "Se-señorito?" Gulat niyang bigkas. Tila bakal ang mga braso nitong ayaw paalis sa pagkakagapos. "Shhh... I said call me by my name not Señiorito, hard headed woman." Hindi pa rin siya nito binibitawan. Isiniksik pa nito ang mukha sa kaniyang leeg dahilan para makiliti siya. Kumabog ng malakas ang kaniyang dibdib. "Señ-- Maximus ano po bang ginagawa niyo? Hina-harrass niyo ba 'ko?" Kinakabahan niyang tanong. Tumawa ang binata sa sinabi niya. Nagtaas ito ng kilay bago nagsalita. "Kung ha-harass-in man kita ay sisiguraduhin kong masisisyahan ka, at tsaka hindi ako namimilit ng babae. Sila pa nga iyong lumalapit sakin." Mayabang nitong sabi. Siya na gwapo! Pero hindi nagkakamali ang binata sa sinabi. Totoo ang sinabi nito na ang mga babae ang nag hahabol dito at baliw na baliw sa atensyon niya. Tama, gwapo siya pangit ako. Mayaman siya mahirap ako. Ang hirap niyang abutin. At isa pa may babae na itong napupusuan at balak pakasalan. Tss, bakit ba kung ano-ano ang naiisip ko? Pinakawalan na ni Maximus si Belinda ngunit ang mga kamay nito ay nakahawak pa rin sa braso niya. Mataman itong nakatingin sakaniya. "Can you stay here for a while? I just want your presence." Malamlam niyang sabi. Nabigla siya at hindi nakaimik. Marami pa siyang gagawin. Una mag lilinis ng kwarto, pangalawa mag lilinis ng mga guestrooms at mag didilig ng halaman ng Donya. Hindi lang iyon, dahil may aasikasuhin pa siya sa kusina mamaya. "Sir marami po kasi akong gagawin sa susunod nalang po at tsaka baka mag taka na sila pag nag tagal ako dito sa silid niyo. At tsaka sir-- Maximus, wala naman akong gagawin dito." Paliwanag ni Belinda. Medyo umurong siya dahil nakakailang ang mga titig nito para siyang tinatanggalan ng kaluluwa, pero umurong din ito papalapit sakaniya. Awkward feeling! "Ayaw mo nun makakapag pahinga ka dito at tsaka kwekwentuhan mo lang naman ako about sayo," pilit ng binata. Ang kulit ni Sir Maximus! Pasalamat siya pogi siya, pero study first bago kerengkeng. Lihim na napangiti si Belinda sa mga iniisip niya. "Next time nalang Maximus. Sige, linis na ako ha, marami pa po akong gagawin eh." Nag mamadali akong nag punta ng banyo. Kinuskos niya lahat ng tiles. Lahat nilinis ni Bel pati bowl, at ng malinis na lahat ay tsaka siya lumabas. Tinanggal niya ang mga kurtina dahil kailangan na itong palitan. Kumuha siya ng upuan para sana sampahan pero bigla nalang siyang umangat sa ere. Gulat siyang napatingin kay Maximus. Habang ang binata ay seryoso habang buhat buhat siya. "Max!?" Gulat na sambit ni Belinda. "I'm just worried you might fall, so instead to watch you here. I lifted you to assure that you will not fall on the floor. Hmm, do what you have to do baby. Don't bother about me." Seryoso niyang sabi. "At kung mahuhulog ka man, pwede bang sakin nalang? Pangako, sasaluhin kita." Namangha si Belinda sa mga pinag sasasabi ni Maximus. Kung ano ano ang mga sinasabi ng binata kaya naman nag tataka siya. Puro sweet ang lumalabas sa bibig nito, baka imbes na mahulog ako sa sahig ay kay Maximus nga mahulo ang dalaga. Tinulungan siya nitong mag kabit at mag palit nang mga kurtina. Si Maximus din ang nag ligpit ng mga damit niya na marurumi at si Bel na ang nag labas. Sa kung saan siya pumunta ay naroon din ang binata. Tinutulungan siya nitong mag linis ng iba pang mga kwarto, mag linis ng cr, mag hugas ng plato, at pati pag didilig ay tinulungan narin siya ni Maximus. Nabasa ko pa nga niya si Maximus dahil iinagaw nito ang hose. Natigil lang sila ng biglang dumating si Wein. Nakakunot ang noo nito at hindi maayos ang awra, parang galit. Kinabahan naman si Belinda dahil baka iniisip niyang galit ito dahil sa ginagawang pa tulong ni Maximus. Siya lamang talaga dapat kasi ang may trabaho. "Kuya, pinapatawag ka ni Mama. Hinihintay ka niya sa library." Wika ni Wein na walang kababakasan ng ngiti sa mga labi nito. Bigla na lamang siyang kinabahan base sa pagkakatitig ni Wein sakanila na parang galit. "Are you okay here if i left you for a moment? Don't worry I'll be back." Kimi itong ngumiti sakaniya bago umalis. Nahagip ng tingin ni Belinda Wein na masama ang titig sa likod ni Maximus. "So, how are you with him? " Nakatayo ito ilang dipa ang layo sakaniya. "Okay naman. Akala ko nung una masungit siya pero mabait naman pala," kimi niyang sagot. "So, palagay na agad ang loob mo sakaniya?" Tanong muli ni Wein. Nangunot ang noo ni Belinda. Tila may pinapahiwatig ang tono ni Wein. May ibig ba siyang sabihin? "Lumapit lang siya sakin para makipagkwentuhan. Siguro na bobored dito kasi walang makakasama," paliwanag pa ni Belinda. "Belinda, isa lang ang sasabihin ko saiyo. Papaiyakin ka lang ni Maximus kaya mag i-ingat ka dahil hindi mo pa alam ang ugali at pagka tao niya." Makahulugan na sabi ni Wein at pagkatapos ay umalis. Kumabog ang dibdib ni Belinda, parang may mali sa namamagitan sa dalawang mag kapatid, at na cu-curious siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD