Chapter 11

804 Words
Dalawang araw ang lumipas simula nang mangyari ang date nila ni Wein at ang masakit na sinabi sakaniya ni Maximus. Dalawang araw na din siyang tila iniiwasan ni Maximus. Hindi niya mawari kung bakit tila nalulungkot siya na hindi nito pinapansin ang presensya niya. Dati ay ayos lang sakaniya kung hindi siya pansinin nito ngunit ngayon ay para siyang nalulungkot sa pagiwas nito. Hindi niya alam ang dahilan ng bigla nitong pag-iwas. Hindi malinaw sakaniya kung bakit ba ito nagagalit. "Bakit nanlalata ka gutom kaba?" Untag sakaniya ni Krisa. Napansin din pala nito ang panlalambot niya tila wala siyang ganang gumalaw. "Hindi naman wala lang akong gana ngayon." Hindi nag-alis ng tingin sa pagkain si Belinda. Naguguluhan naman ang kaibigan sa inaasal niya. "Problema mo? Pag-aaral ba o pamilya?" Tanong na naman nito. Hindi titigil ang kaibigan sa kakausisa sakaniya hanggat hindi nalalaman kung ano ang dahilan niya kaya nag dahilan na lamang siya na mayroon siyang dalaw kaya grabe ang panlalata niya. "Kaya naman pala eh! Ako din pag meron halos ayaw gumalaw." Pa-tango tango pa nitong sang-ayon, buti at nakalusot siya sa kaibigan. "Nga pala balita ko ay aalis na si Señiorito Maximus at babalik na daw sa states para asikasuhin ang mga company nila doon. Nalulungkot ang Donya dahil aalis na naman ang anak niyang panganay. Rinig ko din na gusto na ng Donya na mag asawa na si Señiorito Maximus upang mag karoon ng apo dito." Mahabang paliwanag ni Krisa. Madaldal talaga ang kaibigan niya at naikwento pa ang ganoon. Mahilig talaga itong makinig sa usapan ng may usapan. Bumigat ang dibdib niya sa narinig. Aalis na pala ito ng hindi niya nalalaman, kung hindi pa sabihin ni Krisa ay magugulat na lamang siya kapag tuluyan na niya itong hindi nakita. Ano naman kung umalis siya? Sa isip ng dalaga. "Natural naman 'yon dahil may kompanya sila doon na hindi pwedeng bitawan at pabayaan. Dapat lang na mag asawa na siya dahil tumatanda na ang ina nila kailangan bigyan na nila ito ng apo," komento naman niya. "Ito nga ang chismis friend! Sinabi niya sa Donya na mayroon na siyang napupusuan at kapag bumalik daw siya dito sa pilipinas ay bibigyan na daw agad niya ng apo ang Donya Gracia! Ang swerte naman ng babae na 'yon? Siguro ay amerikana iyon kaya pupuntahan niya doon at iuuwi dito para ipakilala sa Donya, at mag papakasal ano? Sayang akala ko crush niya ako, sayang talaga." Mahabang daldal nito na tila ay nangangarap pa. Nanikip bigla ang kaniyang dibdib. Sa hindi mapangalanang dahilan ay nanubig ang kaniyang mata. Nagbabadiyang tumulo ang luha niya. Ano naman kung may tinatangi na pala ito sa america at nais pang pakasalan dito sa pinas? Wala na dapat siyang pake. "Hoy? Bakit ang tahimik mo? Wala ka man lang reaksyon diyan!?" Asik ng kaybigan ng mapansing hindi kumibo si Belinda at nag patuloy lamang sa ginagawa. Binalingan niya ang kaibigan. "Ang daldal mo, yari mo na ba ang module mo? Ipapasa ko na iyong sa akin mamaya pag uwi, sumabay ka kung tapos mo na 'yung sayo." Pag i-iba niya ng usapan. Madaldal talaga si Krisa at chismosa pati ba naman ay pag u-usap ng mga amo nila ay narinig pa nito. "Hi Krisa! Hi Belinda!" Bigla ay sumulpot sa entrada ng pintuan si Wein na masayang nakangiti. "Hello po Señiorito Wein!" Balik na bati ni Krisa. "May kailangan po ba kayo?" Tanong ni Krisa dito. Bumaling ng tingin si Wein kay Belinda. "Ah, wala naman. Aayain ko lang sana kayo mamaya na ihatid sa bahay niyo kung pahihintulutan niyo ako?" Napasulya ako sa natigilang si Krisa. "T-talaga po? Nakakahiya naman po ata kung kayo pa talaga ang mag hahatid samin." Sagot ni Krisa. Muli ay nag patuloy ako sa ginagawa. "No problem basta kayo ni Belinda ang ihahatid ko, so, payag na ba kayo?" Hindi man mag-angat ng tingin si Belinda ngunit ramdam niyang sakaniya nakatuon ang pansin ng binata. Kaya kahit naiilang ay ngumiti nalang siya dito. "Great! So I'll drive you home later, bye ladies." Masaya nitong sabi pag katapos ay masayang umalis sakanilang harapan ang binata. "Hoy!" Mahina siyang hinampas ng kaybigan. "Pansin mo ba? Parang may kakaiba sakaniya? Bakit naman ihahatid tayo nun kung walang pakay?" Nahihiwagaang sabi ni Krisa. Ngayon lang kasi nag aya na ihatid sila ni Wein. Napakibit balikat nalang siya sa tanong ng kaybigan. Alam man niya ang dahilan kung bakit ay tatahimik na lamang siya. "Siguro may gusto siya sakin?" Nangangarap na sabi nito. "Asa ka!" Pang-aasar ni Belinda. "Grabe tignan mo itong babaita na 'to! Best friend ba talaga tayo ha?" Pumapalatak na tanong nito. "Joke lang! Hindi ka naman mabiro," alo niya kay Krisa. Kahit na hindi isipin ni Belinda ang mga ginagawa ni Wein ay nararamdaman niya na hahantong sa panliligaw ang pinakikita nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD