Chapter 8

796 Words
Sa nangyari ay napag isip ni Belinda na baka nga dapat ay matutuhan niyang mag bigay ng pagkakataon sa iba. Hindi naman kasi habang buhay ay single siya at walang inspirasyon. Syempre kahit paano ay nararapat lang na pag bigyan niya ang kaniyang sarili, at lumigaya naman. Trabaho at pag-aaral parin naman ang priority niya. Ngunit ano nga bang masama kung susubukan niyang bigyan ng chance si Wein? Mayaman siya at ako mahirap! Ito ang isinisigaw ng isip ni Belinda. Habang nag kukuskos ng sahig ay lumilipad din ang isipan niya. Pero wala namang tutol ang Donya Garcia? Mabait ang pamilyang Amoroso, except kay Maximus na halatang babaero. Pag kausap pa ni Belinda sakaniyang sarili habang napapailing. Lingid sa kaalaman niya ay nakamasid na pala ang Mayordomang si Beth. "Lalim ng iniisip mo!" Napatalon si Belinda sa gulat ng biglang siyang gulatin ni Nanay Beth. Nakagat niya ang ibabang labi at napayuko. "P-pasensya na Nay Beth", agad na wika niya. "Ano bang nasa isip mo at nakatulala kana lamang riyan? Ikaw rin ang mahihirapan, sige ka. Hindi ka makakauwi agad". Mariing napapikit si Belinda. Wala nga pala si Krisa na tutulong sakaniya kaya naman dapat ay binibilisan niya ang gawain kung ayaw niyang gabihin sa daan. "Nay Beth", tawag niya sa Mayordoma na akmang tatalikod na sana sakaniya. "Oh?" "Kasi si Señorito Wein niyaya akong lumabas ngayon. Ano sa tingin mo Nay Beth, papayag ba ako?" Pag hingi ng saklolo ni Belinda dahil talaga namang nalilito na siya. "Bakit naman hindi? Wala namang masama. Mabait naman ang nakababatang anak ni Donya Gracia kaya naman hindi ako nag-aalala saiyo. Iyon ay kung nais mo lamang", nakatitig na payo pa ni Nay Beth sakaniya. Napatango siya at hindi na sumagot pa. Iniwan naman na siya ni Beth kaya nag patuloy na siya sa pag kukuskos ng sahig. Tapos na siyang bisitahin isa-isa ang mga kwarto ng tatlo kaya dito na siya sa sala. Naalala niya na may sinabi rin ang Donya sakaniya na talaga namang nakapag pahanga kay Belinda. Dun kasi niya napag tanto na hindi naman pala porket mayaman ay matapobre na. Sinabi ni Donya Gracia sakaniya na basta mahal ng anak niya ay mamahalin narin niya ng buong puso. Basta disente kahit hindi mataas ang estado ng pamumuhay ay wala itong pake. Ngunit nung mga panahon na 'yun ay walang kaalam alam si Belinda na may lihim na palang pag tingin sakaniya si Wein. Ngayon nalang naman nag papakita ng motibo ang binata. Ngayon nalang din siguro tinubuan nang lakas ng loob. Walang imik si Maximus habang kaharap ang nakakabatang kapatid na si Wein. Bigla nalang kasing sumulpot sa tabi niya ito, malamang para mag sumbong. Ganito naman palagi si Wein sakanilang mag ka-kapatid. Kaya nga ito ang mahirap saktan dahil talaga namang dinadamdam niya. "What is it?" Hindi natiis ni Maximus ang mag tanong. "May nagugustuhan akong babae", panimula nito. Alam na ni Maximus kung sino ang tinutukoy ng kaniyang kapatid. "And then I tried to told her, pero na to-torpe talaga ako. Since you guys are expert, right? Pwedeng turuan mo ako paano siya mapapayag?" Gusto niyang matawa sa tanong ni Wein. Babae nalang ay hindi pa nito makuha? Poor little brother. Hindi kasi ito nag mana sakanila ni Maxirrus na matinik at talaga namang kindat palang ay natatangay na ang kababaehan. What's the point of being Amoroso kung ganito ang kapatid nilang si Wein? Kilalang nakukuha ng Amoroso ang ano mang naisin nila. Ngunit si Wein ay babae nalang nahihirapan pa. "Your problem is so easy", malamig na sagot ni Maximus. "And you called it problem?" Mapang-asar na kaniyang tanong. Napabuntong hininga siya bago muling bumaling kay Wein. "Ano bang gusto niya? Alamin mo bago ka kumilos. Anong klaseng babae ba siya? Palagay ko'y sosyalera." Patay malisyang tanong pa ni Maximus kahit na alam niyang si Belinda ang tinutukoy nito. Umaasa siyang hindi. Kasi hindi niya nais na masira silang mag kapatid dahil lang sa isang babae. Malalaman lang ni Maximus ang totoong nararamdaman niya kapag na ikama na niya ang dalagang si Belinda. "Si Belinda", deretsohang sagot ni Wein. "I really admire her since day one". Pag amin ng kapatid niya. So, huli na pala siya? Matagal na nitong kasama si Belinda habang siya ay wala pang isang linggo sa mansion nila. Lugi si Maximus kung 'yun ang basehan. Ngunit lamang siya dahil komportable na sakaniya ang dalaga. "Ah, ok. Alam ba ni Mama?" "Yeah. Sabi naman niya ay ayos lang na si Belinda ngunit hindi niya gusto na pilitin ko ito", malungkot na sagot ng kapatid ni Maximus. "Tutulungan mo ba akong mapapayag siya?" Muling tanong nito. Hindi agad siya nakasagot. Paano nga kasi niya tutulungan ang kapatid na mapalapit kay Belinda kung may lihim na pagnanasa rin siya sa dalaga?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD