Chapter 7

701 Words
Malalim na nag i-isip si Maximus ng napukaw ang pansin niya sa kumatok. Tatayo na sana siya ngunit narinig niya ang boses ng dalaga kaya imbes na mag lakad ay nahinto siya. Lumakas ang t***k ng puso niya na parang nagrarambulan. Wala sa isip na napahawak siya dito at pinakiramdaman . Samantalang si Belinda naman ay ilang beses na siyang kumakatok sa pinto ni Señiorito Maximus ay hindi pa rin niya binubuksan kaya imbes na kumatok muli ay pinihit na niya ang seradura. Pagpasok niya ay nakita niya itong nakayuko habang hawak ang dibdib. Agad napanganga ang dalaga sa nakita. Ang Señiorito inaatake yata sa puso? Mabilis niyang nilapitan ito at hinawakan sa braso. "Señorito ayos lang po ba kayo? Anong masakit?" Kinakabahan niyang tanong dito. Nag-angat ng tingin ang binata at napatitig lang ito sakaniya. "Bakit kapag malapit ka lumalakas ang t***k ng puso ko? May sakit na ba ako o baka allergy ako sayo?" Tila wala sa sariling tanong nito. Napatawa siya sa sinabi nito. Nababaliw na ata si Maximus sa isip-isip ni Belinda. "Senorito, gutom lang 'yan. Halina po kayo ipinapatawag na kayo ng Donya para kumain sa baba", aniya dito at sinimulang talikuran. Akala ng dalaga ay inaatake na ito sa puso kaya laking tawa niya ng bigla itong bumanat ng ganoong salita. Kung dati rati ay mabubwiset siya sa bawat sasabihin nito ngayon ay natatawa nalang siya. Alam na kasi niyang sakyan ang binata kaya naman hindi na siya kinakabahan sa tuwing makakaharap ito. Mabilis na humabol ang binata sakaniya. "Bakit mo naman ako iniwan? Palibhasa ay tikling ka kaya ang bilis mo maglakad". Napahinto ang dalaga sa pag lalakad. Ano daw tikling siya? Hindi makapaniwala si Belinda sa tinuran ni Maximus. Malakas pala talagang mang-asar ang binata? Napatingin tuloy siya sakaniyang katawan. Tikling nga ba siya? Malakas naman siyang kumain. Hindi lang talaga siya tabain tulad mg iba. "Ewan ko sayo atleast sexy." Sabi niya dito sabay napairap dahil sa yamot. Nagmadali siyang bumaba ng hagdan ngunit hinabol agad siya ni Maximus kaya mas binilisan niya ang pagtakbo. "Careful woman!" Rinig niyang sigaw ng binata ngunit huli na ang lahat dahil natalisod na siya. Napapikit nalang si Belinda at hinintay na bumagsak siya sa sahig ngunit naramdaman niya ang mga brasong namulupot sakaniyang baywang. Napadilat siya upang tignan kung sino ang nagligtas sakaniya. Nanlaki ang mata niya ng masilayan ang mukha ni Wein. Napaatras siya sa pagkabigla. Hiyang-hiya si Belinda sa kalampahan niya. Mabuti na lamang at nandun si Wein, kung hindi ay baka nabangasan na ang mukha niya. "Are you okay? May masakit ba sayo?" Nag-aalalang tanong ni Wein. "H-ha? Okay lang ako, salamat." Hinging pasasalamat niya dito dahil nasapo siya nito panigurado kung hindi siya na agapan nito ay bumagsak na siya sa lapag. "Bakit ka kasi tumatakbo? Next time wag mo ng gagawin ulit na takbuhin ang hagdan. Look, ang taas ng babagsakan mo kung madulas ka diyan." Itinuro pa nito ang hagdan kaya naalala niya si Maximus. Wala na ito sa itaas ng hagdan. Kanina lamang ay kasunod niya ito? Ah, baka nasa kusina na at kumakain. "Ah, kumain kana ipinapatawag na kayo ni Donya Gracia." Ani niya dito at nag lakad na papunta sa kusina. Nakita kaya ni Maximus ang nangyari sakin? Panigurado ay pinagtatawanan ako ng kumag na iyon dahil muntik nang lumapat sa sahig ang mukha ko? Ani ng dalaga sakaniyang isipan. Kitang kita ni Maximus ang nangyari sa dalaga. Tatakbuhin na sana niya ito upang sapuhin sa muntik na nitong pag bagsak ngunit bigla ay dumating ang bunsong kapatid nila. Napatiim bagang siya at napahigpit ang kapit sa hamba ng hagdan nang makita niya ang pag sayad ng palad ng kapatid sa maliit na baywang ni Belinda. Hindi niya mawari ang nangyayari sakaniya. Bigla ay naginit ang ulo niya at nag igting ang kaniyang panga. Malakas din ang kabog ng kaniyang puso dahil sa hindi mapangalanan na dahilan. Hindi na niya matiis ang nararamdaman kaya umalis siya ng hindi nililingon ang mga ito. Mukhang magiging karibal pa niya ang kapatid sa puso ni Belinda? May gusto ng ba siya sa dalaga o nais lang din niya itong maikama katulad ng mga babaeng dumaan na sa palad niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD