Chapter 9

842 Words
Ilang araw lutang ang isip ni Maximus. Hindi maalis sakaniyang isipan ang pakiusap ng nakababatang kapatid na si Wein. Tutulunga nga ba niya ito? Mariing napapikit si Maximus habang tinutuktok ang hawak na ballpen sa ibabaw ng mesa na kinasasandalan niya. "Señorito ito na po ang kapeng pinatitimpla mo." Mahinahong wika ng dalagang si Belinda kaya naman agad siyang na buhayan. Natigilan siya sa ginagawa bago napamulat ng mata. Inutusan nga pala niya itong mag timpla ng kape. Sa dinamirami ng maari niyang utusan ay si Bel ang kaniyang napili. Mas nais lang kasi niya itong masilayan kaysa sa ibang kadalagahan na nag tatrabaho rin sa mansion. "Thank you." "May iuutos pa po ba kayo? Kasi po babalik na ako sa nakaatas na trabaho sakin kung wala na po kayong kaylangan." Napaisip siya bago muling nag salita. "May gagawin ka pa ba pag-uwi mo sa bahay ninyo o free kana?" Kita niya ang pag kagat ng ibabang labi ni Belinda bago sumagot. "Mag mo-module sana ako pag-uwi pero kung nais mong mag pasama sa akin ay ayos lang." Madali naman palang kausap si Belinda kaya bakit ganun na lamang ang hirap ni Wein na ayain itong makipag date? Napangisi siya. Mukang mas malakas nga yata talaga ang dating niya kumpara sa dalawa pa niyang kapatid. "Pwedeng mag tanong, Bel?" "Sige." "Ayaw mo ba kay Wein?" Deretsohang tanong ni Maximus. Pansin niya ang pag likot ng mata ni Belinda na tila ba na ilang sakaniyang itinanong. "Ayos lang kahit anong isagot mo." Muling sabi pa niya upang maging komportable si Belinda sa isasagot. "Hindi naman sa ayaw ko kay Señorito Wein, pero kasi hindi ko lang talaga mabigyan ng panahon ang pakikipag date dahil sa pag-aaral ko at sa trabaho ko. Ayoko naman na maging pa special dahil lang sa nililigawan ako ng anak nang aking amo. Pangit naman yata iyon, may masasabi ang ibang kapwa ko katulong sakin." Paliwanag nito. "Ibig sabihin wala kalang talagang oras? Pero kung sakali ay may pag-asa siya saiyo?" Muling tanong ni Maximus. "Bakit naman mawawalan ng pag-asa si Señorito Wein? E, gwapo siya, mayaman at mabait. Lahat ng babae ay hinahangad siya. Medyo nakukulitan lang talaga ako sakaniya at na iilang kasi palagi ko siyang nahuhuling nakatingin." Nakuyom ni Maximus ang kanyang kamao. Bigla nalang siyang nakaramdam ng selos sa hindi niya maipaliwanag na dahilan. Nag kwekwento palang naman si Belinda kaya bakit ganito na ang nararamdaman niya? "Kung hindi lang talaga ako busy ay papayag ako sa alok niyang pamamasyal." "Stop it! Leave!" Hindi na napigilan ni Maximus ang masigawan si Belinda sa sobrang inis at selos. "Problema mo?" Takang tanong ni Bel bago inis na lumabas sa kwarto ni Maximus. Naibato ni Maximus phone niya sa sobrang inis. Mukang malala na ang obsession niya sa dalagang si Belinda. Lumala na masyado maging ang kaniyang pagnanasa. Mas tumatagal ay lalo niyang nais na mahawakan si Belinda. Naguguluhang naupo si Belinda habang iniisip ang biglang pag babago ng mood ni Maximus. Napailing na lamang siya bago napahilot sa sentido. "Masakit ulo mo?" Nag-aalalang tanong ni Wein na bigla na lamang sumulpot. "Marunong akong mag massage." Hinawakan nito ang ulo niya bago sinimulang masahehin. Hiyang-hiya si Bel lalo na't nakatingin sakaniya ang ibang katulong na kadalagahan, na tila ba pinag u-usapan siya. "Señorito tama n-na p-po." Nautal pa siya. "Nah, it's ok. Walang halos malisya ang ginagawa ko. Nais lamang kitang tulungan dahil alam kong mahirap ang trabaho ninyo, tapos sa gabi ay nag momodule ka pa." "Ang sweet naman." Natutuwang wika ng Donya Gracia na bigla na lamang sumulpot sa gilid nila. "Kayo po pala, pasensya na po." Paumanhin ni Belinda bago tumayo mula sa pagkakaupo. "Mag lilinis na po ako." "Iha," tawag sakaniya ni Donya Gracia kaya naman na pabalik siya. "Po?" "Maari bang kahit ngayon lang ay mapag bigyan mo ang kahilingan ng aking bunsong anak? Pangako, hindi na siya mangungulit saiyo." Saglit na natigilan si Bel. Inilalakad ba ng amo niyang si Donya Gracia ang anak nito sakaniya? Hindi siya makapaniwalang sinabi ito ng amo niya. Walang pagkaka taon na tumanggi si Belinda lalo na at ang Ina ni Wein ang nakiusap sakaniya. "As in ngayon na po ba madam?" Nahihiyang tanong niya bago napasulyap sa nakangiting si Wein. Hindi maipag kakailang cute si Wein. Napangiti siya rito bago nag salita. "Tara na Señorito," aya niya. "Wein na lamang ang itawag mo sakin, pwede din na babe." Kamuntik ng masamid si Bel. "Mukang humuhusay kana talaga sa jokes," natatawang sagot niya. "Tinuro lang ni Maximus sakin." Kamot ulong sagot ni Wein sakaniya. "At tsaka si Mama rin may pakana na dapat daw may pick-up lines ako saiyo. Baduy ba? Sorry, hindi kasi talaga ako magaling sa pick-up lines." "Ayos lang. Hindi rin naman ako 'yung tipo ng babae na mahilig sa pick-up lines. Sa simpleng bagay lang napapakilig na ako, mababaw lang kasi akong tao." Sagot naman niya sa binata bago inayos ang kwelyo ng suot nito dahil napansin niyang hindi maayos. "Enjoy sa date!" Sigaw ni Donya Gracia habang kumakaway sakanilang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD