Chapter 6

937 Words
Masayang nakatapos sa pag lilinis si Belinda. Ngunit pag labas niya ng kwarto upang mag tapon sana ng basura ay hindi niya inaasahan na may bisita agad siya ng ganoon kaaga. "Gising kana pala. Nariyan si Maxwein kadarating lang hinhintay kana sa sala", Ani ng ama niya ng makasalubong niya sa kusina. Kanina pa naman siya gising hindi lang alam ng ama niya. Ang aga naman ata niya dumating? Ano kaya ang pakay niya? Nag hilamos muna ang dalaga at nag sipilyo bago humarap sa binata. Naabutan niya itong hawak ang larawan nilang pamilya. "Kanina kapa ba dito?" Tanong ni Belinda ng makalapit kay Wein. "Goodmorning!" Masayang bati nito bago bitawan ang larawan nila, at naupo sa kaharap niyang sofa. "Goodmorning din. Aga mo ata nag punta may problema ba sa mansion?" Taka niyang tanong. Ngumiti sakaniya ang binata. "Hindi naman, gusto lang kitang ayain na lumabas kung pwede sana", alangan nitong sabi. Hindi agad nakaimik si Belinda sa sinabi ni Wein. Gusto man niya na pag bigyan ito ay may gagawin pa siyang module mamaya pag uwi galing sa mansion. Ngayong umaga naman ay pasok niya sa mga Amoroso, at pag uwi naman ay dun palang niya magagawa ang module. Kaya naman busy talaga siya at hindi mapag bibigyan sa hiling nito. At isa pa nahihiya siya dito na sumama dahil lalaki pa rin ito at inaaya siya na lumabas. Pano nalang ang iisipin ng iba? "Pasensya na w?Wein pero may gagawin pa kasi akong module mamayang pag uwi ko. Hindi naman ako pwede ngayong araw dahil may pasok ako sa mansion. Lalo na at hindi daw makakapasok si Krisa dahil may sakit ang nanay niya at siya ang mag babantay." Paliwanag niya rito. Kagabi ay naka usap niya ang kapatid ni Krisa na hindi makakapasok ito dahil sa babantayan nito ang inang may sakit. Dumaan sa mukha ng binata ang lungkot ng marinig ang paliwanag ni Belinda ngunit hindi ito natinag na ayain ang dalaga na lumabas. "Bukas kaya kung makakapasok si Krisa ay pwede kang mag absent. Ako ang magsasabi kay Mama na lumiban ka muna. Please, gusto ko lang na makasama ka bukas." Naiilang na ang dalaga sa binata. Hindi niya alam kung bakit bigla ay nagaaya ito na lumabas sila. "Ha? Eh, bakit ba ako ang inaaya mo. Alam mo hindi kasi ako sanay lumabas kasama ang lalaki kaya kung maari ay iba na lamang ang ayain mo", naiilang ng ani ng dalaga dahil parang alam na niya kung saan papunta ang usapan. Napayuko ang binata na parang napahiya at nawalan ng pag-asa. Maya maya ay tumayo ito. "Pasensya kana kung pinipressure kita Belinda. Gusto ko lang sana na makasama kang lumabas. Sige, uuwi na ako kung mag bago ang isip mo ay sabihan mo lang ako." Anito na bagsak ang balikat. Napabuntong hininga na lamang si Belinda sa nakitang itsura ng binata. Nakakaawa man ito pero hindi talaga siya sumasama na lumabas kasama ang lalaki, at isa pa marami pa siyang gagawin. Bagsak ang balikat ni Wein ng umuwi siya ng mansion. Agad napansin ng Donya ang anak niyang bunso. "Wein anak, bakit malungkot ka? May problema kaba?" Tanong ng Ina niya ng makasalubong niya ito. "Ma, inaya ko po kasi si Belinda na lumabas kaso marami pa po siyang aasikasuhin at hindi daw po siya sumasama na lumabas kasama ang lalaki. Naiintindihan ko naman po ang paliwanag niya pero masakit ma, masakit pala mabroken hearted," malungkot na paliwanag nito. Nahabag ang ina dito kaya niyakap niya ang anak at isinandal sa kaniyang balikat. Matagal na niyang napapansin ang anak na may pagtingin nga kay Belinda ngunit hindi makita ni Belinda iyon dahil busy at tutok ito sa trabaho at pag-aaral. Alam ng Donya na mabait ang dalaga kaya nauunawan niya ito kung nabasted nito ang kaniyang anak na bunso. Marahil ay hindi pa handa si Belinda para sa relasyon. "Anak naiintindihan kita pero hindi pa siguro handa si Belinda para tumanggap ng lalaki sa buhay niya. Napakabata niyo pa at kung mahal mo talaga siya ay mahihintay mo naman siya hindi ba?" Ani ng Donya. "Ma, matagal ko na po siyang gusto. Matagal ko na rin siyang hinihintay at handa pa akong maghintay ng ilang buwan o taon para mapansin niya ako." Desidido nitong sabi. "Kung gayon ay hintayin mo ang tamang oras para makita niya na seryoso ka sakaniya, darating din ang panahon na makikita niya at mapapansin ka." Pag papalakas niya ng loob sa anak. Muli ay nag yakap silang mag ina. Nakasapo ang mga kamay ni Maximus sa kaniyang ulo habang nagkukuyakoy nang bigla ay tumunog ang kaniyang cellphone. Mabilis niyang dinampot at sinagot ang tawag. ("Hello sir?") Ani ng nasa kabilang linya. "Kamusta 'yung pinapagawa ko sayo? Ayos na ba?" Tanong niya sa kabilang linya. ("Ayos na po sir, pwede niyo na makuha ngayon din. Ipapadeliver ko nalang po sainyo, sir") sagot nito. "Okay, make sure that no scratch or dents. I'll pay you through your bank account", aniya dito. (Yes sir, thank you") Pinatay niya na ang tawag at pinakatitigan ang larawan ni Belinda sakaniyang cellphone. Larawan ito ni belinda na pumipitas ng bulaklak sa likod bakuran, at ang iba pa ay naghuhugas ito ng plato na pawisan habang pinupunasan ang kaniyang pawis at marami pa siyang stolen shots ng dalaga. Kapag namimiss niya ang dalaga ay binibisita niya ang mga larawan nito at nasisiyahan habang iniisa isa ang mga ito. Sabihin nang baliw siya pero doon siya sumasaya. Hindi niya alam kung bakit gusto niya laging nakikita ang mukha ni Belinda. At maging ang matikman muli ang labi nito ay inaasam na naman niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD