Gusto na niyang makaalis o di kaya ay lamunin ng lupa para wala ng kahihiyan siyang nararamdaman.
Marami ang nag salita at nag parinig sa dalaga na patawarin na niya ang binata kaya sa hiya niya at para matapos na ang kalokohan ng binata ay sumakay na lamang siya sa trip nito.
"S-sige, pinapatawad na kita basta huwag mo ng uulitin." Aniya.
Natahimik ang binata at maya maya ay malawak na nangiti ito at tumayo upang buhatin siya at iikot sa ere. Napahiyaw tuloy siya. Ang mga tao naman na nakatingin sakanila ay napapahiyaw at may kumukuha pa ng video. Napapalakpak din ang iba at sari-sari ang mga komento.
Hindi alam ng dalaga kung matutuwa, mahihiya, maiinis o magagalit siya sa nangyayari.
"Ibaba mo na ako Señiorito", bulong niya dito.
"Hon, salamat pinatawad mo na ako. Huwag mo na sana akong layuan at iwasan dahil hindi ko yata kaya." Ganting bulong din nito ng maibaba siya sa harap nito. Nailang siya sa sinabi nitong Hon dahil akala niya ay biro lang nito kanina ang sinabi ngunit inulit nito at silang dalawa lamang ang nakarinig.
"O-oo na. Huwag mo nga ako tawaging Hon may pangalan naman ako", asik ng dalaga.
Nagsimula ng magsialisan ang mga nakiki usyosong mga tao.
"Ayan, nagsusungit kana naman, sorry na ok?" Anito na itinaas pa ang mga kamay. "Basta tawagin mo din akong Max at hindi Señiorito". Hiling nito.
"H-hindi pwede dahil anak ka ng amo ko". Paliwanag niya habang napapailing dahil sa kulit ni Maximus.
"Kahit na basta tawagin mo akong Max, kundi ay magagalit ako sayo".
"Sige na nga basta kapag tayong dalawa lang." Nahuli niyang napangiti ito sa sagot niya.
Natapos ang pamamalengke nilang dalawa ng maayos at nabili nila ang lahat ng nakalista. Nagkasundo na din sila at masayang nag kalabasan ng inis sa isat-isa.
Akala niya noong una masungit at pilyo ito. Mabait naman pala at maginoo may pagka maloko lang kung minsan pero mabait naman pala si Max.
Hanggang sa makauwi sila ng mansion ay masaya silang nagkukwentuhan. Kaya lahat nang nakakita sakanila ay nahihiwagaan sa nangyayari sa dalawa. Sa nangyari sakanila kanina ay bigla na nawala ang galit niya sa binata. Bagkus napalitan ng saya at mangha. Akala niya noon ay masungit, suplado, maloko at salbahe ang binata. Nasa itsura kasi ni Maximus na badboy ito.
Ngunit mabait naman pala. Kaya daglian na nawala lahat ng galit niya dito at masaya siya ngayon na nakilala na niya ang tunay nitong ugali. Sabi nga nila don't judge the book by its cover.
Natapos ang maghapon na masaya ang dalaga at nawala na ang galit niya sa binata. Nakatulog siya ng mahimbing at may ngiti sa labi.
Hanggang sa panaginip ni Belinda ay dala niya ang gwapong mukha ni Maximus.
Nagising siya bandang alas kwatro. Hindi talaga ugali ni Belinda ang bumangon ng tanghali. Ayaw niyang nasisikatan ng araw.
Agad siyang bumaba upang mag linis sa bahay nila. Maaga siyang mag sisimula upang sa umaga ay wala na siyang gagawin.
Tapos na rin ni Bel ang module niya at ipapasa na lamang. Gusto rin sana niyang makapag aral ng face to face ngunit sa ngayon ay hindi pa niya kayang gawin iyon. Dahil kinakaylangan pa niyang suportahan ang kaniyang ama. May maintainance kasi ito para sa high blood, at hindi nito pwedeng palyahan.
May pasok pa siya sa Mansion ng mga Amoroso kaya hindi siya pwedeng mag aksaya ng oras.
Samantalang si Maximus naman ay tinanghali na ng gising. Masarap kasi ang naging tulog niya dahil hindi na sila mag kaaway ng dalaga.
Nagising lamang siya ng may humampas sa pwetan niya, si Maxirrus. Sinabi nito na nag hihintay sa baba si Sandy. Ang babaeng palipas oras ng binata. Sa tuwing bagot siya at nakakaramdam ng pangangaylangan ay ito lamang ang pinupuntahan niya.
Sawa na rin kasi siya kung paiba-iba ang babaeng ikinakama niya. Halos pare-parehas lang naman na may petchay at bundok ang mga babae. At isa pa, takot na si Maximus na mag ka sakit. Hindi siya sigurado sa mga nakakasiping niya kung malinis nga ba ang mga ito kaya naman napag desisyonan niyang isang babae na lamang.
Ngunit hindi niya mapiligan ang sariling mag nasa kay Belinda. At ito ang dahilan ng pagiging mabait niya sa dalaga.