Chapter 4

727 Words
Ilang araw ang nag daan ay hindi na nawala sa isip ni Belinda ang nangyari. Ngunit tadhana na ata ang nag lalapit sakanilang dalawa ng binata. Gaya nalang ngayon na kasama niya ito sa pamamalengke. Inutusan siya ni Nanay beth upang mamalengke dahil hindi daw ito pwedeng umalis. Sapagkat darating daw ang mga Kaibigan ni Señiorito Maxirrus. Kaya heto at no choice siya kundi pakisamahan ang binata. Hindi naman siya pwedeng tumanggi dahil baka magtaka si Nanay beth sa nangyayari sa pagitan nila ng binata. Kaya kahit nagngingitngit ang kalooban ay wala na siyang magagawa pa, at heto kasama na niya ang siraulo niyang amo. Kahit ilang araw na ang nakalipas ay hindi pa din niya makalimutan ang panghaharas nito sakaniya. "Which one do you prefer to buy? You know?Kanina pa kita napapansin ang tahimik mo masyado. Iniisip mo pa ba 'yung nangyari nung nakaraan?" Kumulo ata ang dugo niya sa narinig mula sa binata. Matalim siyang napatingin sa binata. Hindi yata niya kayang pekein ang nararamdaman dito. "Mabuti naman po at alam mo? Nang dahil po sayo nagkaroon na ako ng trauma. Konting lapit mo lang feeling ko nasa panganib na ako. At ang lakas ata ng batak niyo sa bad vibes pati ako nadadamay!" Pagkasabi'y agad niyang iniwan ang binata at naghanap ng gulay na nakalista sa pinadalang papel ni Nanay beth. Tumataas ata ang dugo niya dahil kay Maximus. Saan ka nakakita ng amo na hinalikan ang katulong? Mali yun diba? Mali! At kahit pa mayaman ito at anak ng Donya ay wala itong karapatan na halikan siya lalo na at hindi naman niya nobyo ito. Napailing nalang si Maximus ng bigla ay iwan siya ni Belinda. Alam niyang galit ito sakaniya dahil iniiwasan siya nito, at nag susungit tuwing kinakausap niya gaya nalang ngayon. Pero hindi yata niya maitago ang masayang ngiti ng maalala ang pagdampi ng labi niya sa dalaga napakasaya niya at siya ang una nito. Matamis ang labi nitong mamula-mula. Halata sa dalaga na walang karanasan sa ganoong bagay. He feels right now that he's the happiest man in the whole world. Agad ay hinanap niya ang dalaga at nilapitan ito. "Sorry na hindi ko lang sinasadya na halikan ka, peace na tayo pwede ba?". Nagpout ang binata sa harap niya at inilapit pa nito sakaniya ang mukha. Ngunit kahit ata galit siya dito ay lihim siyang napangiti ng gawin 'yun ng binata. Ang cute niya! Tsk! Kahit na! May kasalanan pa din siya kaya dapat galit pa rin ako sakaniya. Inis ko siyang tinalikuran at naghanap muli ng mga nakalistang bibilhin. "Hon naman! Huwag ka na magtampo sakin, sige ka baka nakabusangot ang mukha ng baby natin pag labas." Anito na nakapagpatigil kay Belinda para muling humakbang. Ano daw? Hon? Baby namin?! Ano ako asawa niyang buntis? Loko- loko ata talaga si señorito Maximus. Nahihibang na siya! Pagharap ko sakaniya ay hindi ko inaasahan na may mga tao palang napapatingin saamin. Nahiya tuloy akong sigawan at ratratin ng galit si Señiorito Maximus dahil sa tinginan ng mga tao. Mukhang napansin niya na natahimik ako kaya nagsalita ulit ito na ikinapula ng mukha ko. "Hon please, kung mali ang magnakaw sayo ng halik ay hindi ko na muling uulitin kahit timping-timpi ako na matikman ang iyong labi ay titiisin ko alang alang sa pagmamahal ko sayo! Kaya please, patawarin mo na ako", napaawang ang bibig ko ng lumuhod ito kaya napatigil ang mga tao at napatutok na saamin ang pansin. Nakakahiya! Namula ang pisngi ni Belinda sa ginawa ng binata. Ano ba itong pinaggagawa mo Señiorito!' Ani niya sa isip. "A-ano bang ginagawa mo?" Tanging nasambit ko nalang dahil sa kahihiyan. "Miss patawarin mo na!" Ani ng isang namimili "Ay ang sweet naman!" Segunda pa ng isa. "Patawarin mo na naku! Ang pogi pa naman ni kuya baka maagawan ka ng iba pag hindi mo napatawad yan!' Komento naman ng isa. "Tumayo ka nga diyan ano ba!" Galit kong bulyaw sakaniya, pero ang mokong ngumiti lang ng nakakaloko. "Kapag hindi mo ako pinatawad hindi ako tatayo dito. Matitiis mo ba ako, Hon?" Nakakaagaw na ng eksena ang binata kaya lalong nadagdagan ang hiya na nadarama ni Belinda. Ganito nalang ba kadesperado na humingi ng tawad si Maximus? Dahil ba sa natatakot siyang isumbong ni Belinda? Hindi naman magagawa 'yun ng dalaga. Hindi siya sumbungera, at mas nais na sarilinin nalang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD