Chapter 3

1025 Words
"P-pasensya na po Señorito Maximus." Napakagat sa ibabang labi ang dalaga dahil sa kahihiyan. "No, no honey. It's all my fault. Inutos ko lang kay Belinda na ikuha ako ng gamot." Bawi ng Donya ng makita silang dalawa. "Ma naman, why didn't you call me nalang? Sa susunod tatawag kayo ng pwedeng gumawa niyan hindi 'yung kayong mga babae ang gagawa." Naiiritang tono ng binata. "Pasensya na, son. I worried you. Hindi na ito mauulit, promise." Hinging paumanhin ng Donya sa anak. Sa kabilang banda ay maalalahanin rin pala ang binatang si Maximus, sa isip-isip ni Belinda. "Pasensya na po Señiorito". Mahinang sabi ng dalaga. Agad nagbaba ang dalaga nang tingin ng dumako ang tingin ng binata sakaniya. Hindi niya kayang tagalan ang titig nito. Wari niya'y hinahalukay ang buo niyang pagkatao. Hindi maiwasan ng binata ang mapangiti sa nakikitang takot at kahihiyan sa mukha ng dalaga. 'Ganiyan nga. Matakot ka dahil nagsisimula pa lang tayo sa larong ito' isang iglap ay nag bago ang mukha ng binata. Naging seryoso itong muli at nawala ang kaniyang ngiti sa mga labi. "Grabe Bel, anong nangyari kanina? Naabutan ko nalang e, nakadagan ka na sa Señiorito Maximus ko!?" Usisa ng kaibigan habang kumakain sila ng tanghalian. "Pwede ba? Tigilan mo ako sa mga ka chismosahan mo? Maaga tayo umuwi. Tatapusin ko pa ang module ko, sa lunes na ang pasahan nun. Sabado na ngayon kaya kailangan na matapos 'yun," Ani ng dalaga. "At anong Maximus mo? Krisa walang nag mamay-ari sakaniya kundi ang sarili lang niya. Kita mo naman sa kilos ni Maximus na wala siyang sinusunod na batas ng iba." "Nakakatamad naman mag module," dabog nito kaya napatayo si Belinda. "Anong sabi mo? Baka naaalala mo ikaw lang ang makakapag ahon sa hirap ng pamilya mo? Diba may pangarap tayo? Bubuo tayo ng magandang alaala kasama ang pamilya natin kaya wag mong kalimutan 'yan," pangaral niya sa kaibigan. Nnapaisip naman si Krisa. "Teka, nag punta si Aries sa bahay kagabi," kwento nito. Si Aries ay pinsan nito sa Ina. "Bakit naman?," tanong ni Belinda sa kaibigan. "Ayun nag papatulong kung pwede daw manligaw say--" Hindi na natapos ni Krisa ang sasabihin ng maibuga ng dalaga ang kinakain. Nagsasawa na si Belinda sa mga naririnig ukol sa pagkakagusto sakaniya. Ayaw pa niya ng commitment dahil marami pa siyang pangarap para sakaniyang ama, at kapatid na lalaki. Agad natahimik si Krisa. Alam na niya ang kasunod non. Aayaw ito at sasabihing pag-aaral muna bago pakikipag relasyon ang priority nito. Nang matapos mananghalian ang dalawa ay inatasan sila na mag linis ng kwarto sa itaas. Sa malawak na mansion ay meron itong pitong kwarto. Dalawang araw bago nila malinis ang lahat ng kwarto dahil sa lawak at laki nito. Naghiwalay ang dalawa sa mag kabilaang dulo upang mas mabilis na matapos. Nang makapasok siya ay namangha nanaman siya sa nakita. "Ang ganda talaga," hindi napigilan ng dalaga ang hindi mamangha sa ganda ng kwarto. "You are most beautiful than my room, lady." Napasinghap siya ng may mainit na hininga ang tumama sakaniyang batok, tila naestatwa siya. Nang makabawi ay lumayo siya rito. "S-señorito? M-maglilinis po sana ako dito, pero kung busy po kayo pwede naman po mamaya," aniya habang nakababa ang tingin. Ito na naman sila. Ano na naman kaya ang gagawin ng binata sakaniya ngayon? Pauupuin na naman ba siya nito sa hita ng binata? Mabilis siyang naglakad palabas ngunit maagap ang binata at hinarang ang katawan nito sa pinto. "Uh, no, you can clean my room anytime you want. Even if I'm here. Are you distracted with my presence?," Hindi na mapakali si Belinda sa kinatatayuan. Ang awkward sa feeling. Hindi parin mawala sa isipan niya ang nangyari sa una nilang pagsasama sa iisang silid. "Ah hindi naman po, pero baka nakakaistorbo ako sa ginagawa n'yo?" Dahilan niya. Inilibot ng binata ang mata sa buong kwarto. Pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa dalaga. "Wala naman akong ibang ginagawa. At hindi ka naman makakaistorbo, right?" Anito. Pero sa isip-isip ng binata ay napakalaki ng distractions niya sa babae. Hindi ata niya magagawa ang trabaho dahil sa presensya ng dalaga, pero mas gusto nalang niyang titigan ito kesa atupagin ang trabaho. Hindi na niya matagalan ang pagtitig lamang sa babae kaya imbis na bumalik sakaniyang mesa ay unti unti niyang tinanggal ang espasyo niya sa dalaga. Akmang dadampot na ng walis ang dalaga ng bigla siyang kinabig ng binata at ipinalibot nito ang kamay sa batok at likod niya. Mabilis na nanlaki ang mata ng dalaga sa nangyari. Marahang idinampi ng binata ang kaniyang labi sa malambot at malarosas na labi ng dalaga. Tagumpay na nag lapat ang kanilang mga labi. Mas lalong idiniin ng binata ang sarili sa dalaga upang wala na itong kawala. Nang makabawi sa gulat si Belinda ay agad niyang itinulak ang binata. Ngunit mas malakas ito kaya hindi siya nag tagumpay na makawala agad. Nagwala siya upang mas makawala sa bisig nito. "I'm your first kiss, and i will be your last," pagkasabi'y binitawan siya nito. Naluluha sa nangyari ang dalaga at hindi makapaniwala sa nangyari. Ganoon nalang kadali nawala ang pinakaiingatan niyang unang halik! Nang makabawi ay lakas loob niyang sinampal ng pagkalakas lakas si Maximus. "Walanghiya ka! Bakit mo ginawa 'yon? Bastos! Bastos!" Paghihisterya ng dalaga. Lumapit siya sa lalaki na hindi nakabawi sa pagkabigla dahil sa sampal niya. "Isusumbong kita sa Donya! Napaka sama mo!" Tuluyan ng naiyak at napahagulhol ang dalaga. Akala niya ay ang mapapangasawa niya ang unang makakahalik sa kaniya. Ngunit heto at kinuha lang ng isang Amoroso! Isang antipatikong Amoroso! Hinding hindi niya mapapatawad ang lalaki! Itinatak ni Belinda sa isip ang nangyari. Sa isip ng binata ay 'Tama nga ako. Hindi agad bibigay ang dalaga! Ganito ang gusto ko. Sawa na ako sa mga babaeng mabilis bumigay' Nang gabing 'yon ay hindi nakatulog ng maayos ang dalaga. Samantalang si Maximus naman ay malawak ang ngiti sa mga labi. Dahil sa wakas ay nasimulan na niya ang pakay. Mukhang madali nalang ang susunod na mga hakbang. Tagumpay na halakhak ang lumabas sa bibig ng binata habang nasa utak ang imahe ng galit na galit na si Belinda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD