Chapter 2

914 Words
Tahimik na nag wawalis si Belinda sa malawak na hardin ng Donya Gracia nang biglang may nagsalita sakaniyang likuran. Sa gulat ay napatalon siya. 'Dios ko magkakasakit ata ako sa puso!" Naisatinig ng dalaga. Marahang lumapit sakaniya ang binatang si Maxwein. Hindi lingid sa kaalaman ng dalaga ay parati nitong pinagmamasdan ang galaw niya. "I-ikaw pala, Señorito Wein". Aniya na may kaba pa. Dala ng gulat sa paglapit nito kanina. Simula ata ng makita niya ang Señorito Maximus ay nagkaroon na siya ng kaba palagi. "Ang sabi ko, kung nag meryenda kana?." Nakangiti nitong tanong sakaniya ngunit bakas parin ang hiya sa binata. Napakamot siya sa ulo. Heto na naman si Señorito Wein tatanungin nanaman siya ng kung ano-ano. Gaya ng kumain kana, nakapagpahinga ka na' at marami pa. Sa loob loob ng dalaga ay bakit ba laging tinatanong siya nito? May sarili naman siyang isip para gawin ang gusto. Ngunit amo niya ito at hindi siya pwedeng basta mag reklamo. "Ahm, opo. Kanina pa po Señorito." Naiilang niyang sagot sa binata. Ayaw man niyang iwan ito pero naiirita siya twing kinakausap siya ng binata . Sa tingin kasi niya ay nakakahiya at laging nakadikit ito sakaniya. "Ah, Señiorito may gagawin pa po ako, una na po ako sa loob." Dahilan ng dalaga sa binata upang makaiwas dito. Walang nagawa ang binata kahit gusto pa niyang makasama at makausap ang dalaga ay hinayaan na lamang niya itong makaalis. Napakamot na lamang siya sa ulo. 'Napaka-torpe mo talaga Wein!' Inis na sabi ng binata sa sarili. Nang makapasok ang dalaga sa loob ng Mansion ay nakasalubong niya ang kaibigan. Ubod ng daldal ang kaibigan at hindi nauubusan ng kwento. "Bel, alam mo ba? Naku! Napaka macho pala ni Señorito maximus!" Mahinang tili nito. Agad niyang tinakpan ang bibig ng kaibigan. "Ano kaba naman Krisa! Baka mamaya ay may makarinig sayo sabihin pinagpapantasiyahan mo pa ang Señiorito!" Galit niyang singhal sa kaibigan. Pihadong mapapagalitan nanaman sila ni Nanay beth dahil sa kadaldalan ng kaibigan ni Belinda. "Aba! Bakit? Totoo naman na ang gwapo at macho niya! Sana siya nalang maging asawa ko." Hindi natigil ang kaibigan at lalo lang nag titili. "Ewan ko, bahala ka nga diyan. Wag mo ako idamay sa kalokohan mo!" Inis niyang sabi at nag simula ng mag lakad papasok ng dinning room. Magtatanghali na at kailangan na nilang maggayak ng makakain. Pag pasok niya ay naabutan niya ang Donya Gracia. May ina-abot itong gamit na medyo mataas. Nakatungtong ang ginang sa upuan. Agad nilapitan ng dalaga at pinababa ang Donya. "Naku po! Bumaba na po kayo riyan. Ako nalang po ang kukuha baka po mapano kayo." Agad inalalayan ni Belinda ang Donya sa pagbaba. Malaking ngiti ng Donya nang makita si Belinda. "Ay naku! Buti dumating ka, iha. Salamat naman at hindi na ako mahihirapang kunin ang gamot ko, ubos na kasi." Paliwanag nito. Nang makababa ay siya naman ang umakyat upang kunin ang gamot nito. Ngunit sa kasawiang palad. Nagulantang na naman ang buo niyang pagkatao sa narinig. "What's going on here, Ma?" Nanlaki ang mata ng dalaga sa narinig. Ang boses na iyon ng señorito Maximus! Dahil sa gulat ay napatalon siya na hindi sinasadyang dumulas ang kaniyang paa sa ere. Sa kawalan ng tungtungan ay bumagsak ang kaniyang katawan pababa. Napatili ang Donya sa nasasaksihan. Habang ang binata naman ay agad na tumakbo palapit sa dalaga upang hindi ito tuluyang bumagsak sa lapag. Mabilis na nasalo niya ang katawan ng dalaga ngunit dahil sa lakas ng impact nito ay bumagsak silang dalawa sa sahig. Napa aray ang dalaga dahil tumama ang noo niya sa baba ng binata. Si Maximus naman ay hindi maintindihan ang sarili. Matutuwa ba siya o masasaktan dahil sa malakas na impact ng katawan niya sa sahig at ang pag bangga ng noo ng dalaga sa baba niya. 'Kay lambot ng katawan ng dalaga!' Ani niya sa isip. Agad napatayo si Belinda. Inalalayan siya ng Donya. Nahihiyang napababa ng tingin ang dalaga, at nang makatayo na ang binata ay humarap ito sa Ina. "Next time be careful, paano kung wala ako? Maybe you fell in the floor with a swollen forehead, or worst your bones are crack. Careless woman." Galit na bulyaw ng binata . Bakit nga ba ganun nalang ang galit nito sakaniya? Hindi naman gusto ni Belinda ang nangyari. Napabuntong hininga ang dalaga at sa isip-isip ay, baka iniisip ni Maximus na siyang-siya si Belinda sa nangyari. 'Ang Señorito Maximus talaga napaka sungit!' "Sorry iha," agad na hingi ng pansensya ni Donya Gracia. "Sorry for the behavior of Maximus. Hindi naman talaga siya ganiyan kapag mas nakilala mo pa s'ya." Dagdag pa nito bago hinawakan ang kamay ni Belinda. "I'll talk to him, okay? You need to rest". "T-Thank y-you po". Utal-utal na sagot ni Belinda. "Pasasamahan kitang mag pa x-ray for your safety na rin, iha." Nahihiyang tumanggi si Belinda. Wala naman siyang naramdaman na kakaiba kaya sa palagay naman niya ay maayos siya at walang nabaling buto. "Sige na, ayoko ng makulit. I'll talk to Maximus or Maxwein para samahan ka." Kay Maxwein? Ito pa naman ang pinaka hindi gusto ni Belinda na makasama dahil makulit. Kung pa pipiliin siya ay mas nais na niya sa masungit na si Maximus. Nakasalubong ni Belinda si Maximus. Natigilan siya ng titigan siya nito ng mabuti na parang sinusuri siya. "May masakit ba sayo?" "W-wala naman po." Bakit ba kabadong-kabado siya sa binata? Wala pa naman itong ginagawa. "So careless". Rinig niyang bulong nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD