Nang matapos ang maghapon na iyon ay nakilala niya ang estranghero. Siya pala ang panganay na anak ng Donya. Matagal nang hindi nakakauwi ang anak na si Señorito Maximus. Tatlong taon daw itong namalagi sa England kasama ang mga kaibigan nito. Naikwento pa ng Donya Gracia na may pagka barumbado at Badboy ang kaniyang anak kaya huwag masyado maging malapit ang dalaga.
Ngunit kanina lang ay napatunayan niyang totoo nga ang banta ng Donya sakaniya at ng Mayordoma. Bukod sa barumbado ay may pagiging bastos rin si Maximus. Hindi siya pwede tumanggi sa utos kaya naman napilitan siyang sumunod kahit laban pa sa loob n'ya.
At kanina, habang nakaupo s'ya sa hita ng binata hindi niya maipaliwanag ang malakas na pag t***k ng puso n'ya. Marahil ay sa takot? Ngunit kakaiba talaga ang naramdaman niya. Hindi naman siya hinawakan sa maseselang parte ni Maximus ngunit ang pag tayo ng sandata nito ay damang-dama n'ya.
'Pinagnanasahan ba ako ng amo ko?' Ito ang naitanong ni Bel sakaniyang isipan.
..............
Sa kabilang banda. Masayang umiinom ang magkakapatid na Amoroso. Masaya ang mga ito sapagkat sa wakas ay nakauwi na ang kanilang panganay na kapatid.
Tatlong lalaki ang anak ng Donya Gracia. Ang panganay na si Maximus, bente nuebe ang edad. Namamahala ng naiwan na negosyo ng kaniyang ama sa England. Ang pangalawa naman na si Maxirrus, bente siete ang edad at nag papalago ngayon ng binitawang negosyo ng kaniyang Ina. At ang bunso na may lihim na pagtingin kay Belinda na si Maxwein. Mahiyain ito, at kaedad ni Belinda. Nasa edad na bente dos. Kasalukuyan itong nag-aaral ng kolehiyo.
Sa tatlong magkakapatid ay hindi maikakailang mas ma-appeal ang pangalawa. Dahil sa gwapo at maganda nitong hugis ng mukha, pero hindi paiiwan ang panganay na anak dahil sa napaka lakas ng hatak nito sa mga babae, 'yung tipong manginginig ang lahat ng babae kapag napapatingin sakanya dahil sa seryoso at badboy look ni Maximus. Ang bunso naman ay Mahiyain at tahimik lamang.
"Kamusta naman ang buhay mo sa England?" Tanong ng kapatid ni Maximus na si Maxirrus. Agad itong nag salin ng alak ng maubos ang iniinom.
"Good," tipid na sagot ni Maximus bago nag thumbs up. "I'm fine there. I just miss mom so much, that's why I came back here. How about you, kamusta naman kayo dito?". Balik tanong ni Maximus kay Maxirrus.
"May nagpapatibok na ng puso ko. Kaso ang hirap makuha may pagka-amasona". Natatawang kwento nito habang naiiling.
Agad natigilan si Maximus sa narinig mula sa kapatid.
Nagpapatibok?
Agad naman niyang naramdaman ang t***k ng puso niya nang maalala ang mukha ng dalaga na kanina lamang niya nakilala mula sa Ina. Sa tagal n'ya sa England ay ngayon lang s'ya nakaramdam ng ganito. At alam niya sakaniyang sarili na pinagnanasahan na n'ya ng palihim ang dalagang si Belinda.
Masama ba?
Binata naman s'ya, at tiyak na bibigay rin ito sakaniya. Sino ba namang babae ang hindi nag nais o nangarap na yumaman? Kapag pinatulan s'ya ni Bel. Lahat ay ibibigay n'ya. Mamahaling damit, kotse, bag o kahit pa bahay at lupa.
Sa panahon ngayon wala ng mas lamang ang pagmamahal sa salapi kaysa sa totoong pagmamahal.
'Belinda? What a Beautiful name!' Sa isip-isip n'ya.
Kaya naman mabilis niya itong sinubukan kanina sa kwarto, at mukang kaya naman niyang makuha ang dalaga.
Simula ng makita niya ito kanina ay hindi na nawala sakaniyang isip ang imahe ng dalaga. Palaging sumasagi sakaniyang isip ang maamo at magandang mukha nito. Minsan na rin niyang narinig ang boses nito na umaakit sa kaniya ng todo. Para itong musika na labis niyang kinagigiliwan.
"Naririnig moba ako? Kanina pa ako nagsasalita dito". Napabalik sa realidad si Maximus ng magsalita ang kapatid.
Iiling-iling na napangiti nang makahulugan ang binata sa kawalan.
'Mukhang hindi na kita matatanggal pa sa isip ko Belinda. Sorry to say, pero hindi ako matatahimik hanggat hindi ko nakukuha ang gusto ko!'
Nakatawang demonyo ang binata sa kaniyang isip. Naguguluhan man ang mga kapatid ay isinawalang bahala na lamang nila ang inaasal ng panganay nila.
Sa kabilang dako naman ay masayang nakauwi ang dalagang si Belinda sakanilang tahanan. Nadatnan niya ang ama na naghihiwa ng repolyo. Masaya niyang binati ito at nag mano.
Walang kaalam alam ang dalaga na simula ng makita s'ya ni Maximus ay iyon na ang huling kaligayahan niya. Dahil magsisimula na ang kalbaryo at kamalasan niya sa piling ng isang Maximus Amoroso.