"Luluwas kami riyan sa bagong taon para makasama ka namin," sabi ni Mama nang tinawagan nila ako ngayong araw ng Pasko gaya ng madalas nilang ginagawa. Simula kasi nang makilala ko sila Nanay ay doon ako sa kanila tuwing Pasko. Kina Mama naman tuwing Bagong Taon.
Napanguso naman ako. "Kung gusto ninyo po ay ako na lang ang uuwi riyan para mas makatipid sa pamasahe."
"Nako, Keanna, huwag ka nang mag-abala," agad na pagpigil sa akin ni Mama. "Gusto ring mamasyal ng kapatid mong lalaki riyan sa Norte at inggit na inggit na sa'yo. Wala na raw siyang mapuntahang ibang lugar dito sa atin. Ang tatlong mga kapatid mo ay sa Lola niyo raw sila magba-bagong taon kaya tatlo lang kaming luluwas. Kapag hindi nasunod ang gusto nito bunso ay alam mo naman kung paano magtampo."
Bahagya naman akong napatawa. That really sounded like my brother. Stubborn as ever. Hindi katulad ng mga tatlo ko pang mga kapatid na babae na halos ayaw umalis sa lugar namin.
"Mga ilang araw kayo rito, Ma? Para mapagplanuhan ko na kung saan ko kayo maipapasyal lalo na si Kairo," sabi ko.
"Siguro ay hindi kami lalagpas ng tatlong araw. Maaga ang balik ng mga kapatid mo sa eskuwelahan pagkatapos ng Christmas at New year's break," sagot niya.
Tumango-tango ako kahit na hindi naman nila nakikita. Hindi rin nagtagal ay ipinasa na ni Mama ang cellphone kay Papa upang siya naman ang kumausap sa akin.
"Aba't umuwi pala si Jethro ngayong Pasko rito ah," pambungad ni Papa matapos akong batiin ng Merry Christmas. "Nagdala sila rito kanina ng ilang handa nila kasama si Jessa. Mukhang wala nang balak pabalikin sa Norte."
Papa heartily laughed and I couldn't help but to feel warm while hearing his healthy laugh.
"Umuwi nga po siya dahil gusto raw ni Tito na nandyan siya ngayong Pasko," sabi ko naman. "Ano po ang dinalang pagkain nila riyan?"
"Nagdala ng hamonado at mechado. May kasama pang madaming kwento," natatawang sagot ni Papa.
Mas nagtagal ang pag-uusap namin ni Papa dahil sa dami niya ring kwento. Kung hindi lang siya sinuway ni Mama ay baka hindi na siya natigil sa kakasalita. Nakausap ko rin ang mga babaeng kapatid ko pa na panay din ang kwento nila sa mga ganap sa amin. I tried to talk to my brother, but he only greeted me a Merry Christmas and that's it! I understand that he's going through adolescence, but I wished he remains slightly sweet like how he was before.
I was about to put my phone down after the call to my family, but it chimed again, and this time the name of Nanay appeared through Facetime.
Sinagot ko naman agad at bumungad sa akin ang buong kumpleto ng pangalawa kong pamilya.
"Merry Christmas, sweetie," malambing na bati ni Nanay. Naunahan pa niya akong batiin sila.
Agad na sumilay ang malawak na ngiti sa aking mga labi dahil kahit through Facetime ay nakita ko sila ngayong Pasko.
"Merry Christmas din po sa inyong lahat diyan," magiliw ko ring bati pabalik sa kanila.
"We missed you here this holiday season. Hindi kami kumpleto dahil wala ka," nalungkot na sabi din ni Tatay na sumilip sa harap ng camera. Kandong niya si Kaitie habang sa tabi niya si Nanay at kandong naman niya si Kiara.
"Kumpleto pa rin naman po tayo, Tay. Wala lang ako diyan sa bahay," pabirong kong sagot na ikinailing niya sa kabilang linya.
"May boyfriend ka na daw kasi, kaya siya na ang kasama mong magpapasko, Ate," biglang singit naman ni Kenn na nakatayo sa likuran nila Nanay at Tatay na nakaupo.
Napailing na lang ako. Lumalaki ang batang 'yon may pagkapilyo at pagkabully na rin minsan.
"Huwag kang scam diyan, Kentot. Wala pang boyfriend si Ate—"
"Di pa kayo ni Alcantara? Ang bagal naman niya," di man lang ako pinatapos ni Tatay nang bigla na lang niyang maisipan na isingit ang gusto niyang sabihin.
Natawa ako. Wala naman kasi akong nilihim sa kanila kung tungkol kay Gavin. Dahil sa mga buwan na lumipas ipikilala ko siya sa kanila through Facetime. Nahagip kasi ni Nanay sa camera si Gavin nang minsan magkasama kaming kumakain ng tanghalian at nataon naman na tinawagan ako ni Nanay. Wala silang trabaho pareho ni Tatay at wala rin pasok ang mga nakababatang kapatid ko.
"Luh. Excited ka, Tay? Nay, si Tatay, oh. Binubugaw ako." Humalakhak na sumbong ko kay Nanay.
"Hayaan mo na ang Tatay mo. Ganyan na talaga kapag tumatanda na. Tumatandang paurong," sabay kaming humalakhak ni Kenn at panay naman ang reklamo ni Tatay kay Nanay.
Katulad nila Mama, madami rin silang naging kwento. Hindi rin nagpahuli ang mga kambal kong kapatid sa pagbibida nang kung anu-ano. Kaibahan lang ramdam na ramdam ko ang lungkot sa tinig ni Nanay dahil hindi nila ako kasama ngayong Pasko. Nabanggit ko rin sa kanila ang planong pagluwas ng aking pamilya, bagay na nagbigay panatag kay Nanay dahil hindi raw ako mag-isang sasalubong ng bagong taon katulad ngayong pasko. Nang nagdeklara si Tatay na kakain na sila ay nagpaalam na rin ako at pinatay ang tawag upang kumain na rin ako. Before, for the four consecutive years, I would spend Christmas with the Real's family dahil umuuwi ako sa Vigan pero iba ngayon. I realized that it's lonely to be alone. Kahapon nga, noong bisperas ng Pasko ay natulog din ako kaagad matapos salubungin ang alas-dose at kumain ng hinanda kong maliit na Noche Buena.
"Jingle bells! Jingle bells! Jingle all the way.!"
Napakunot ang aking noo nang madinig na mayroong kumakanta sa labas. Paulit-ulit lang naman ang kanyang lyrics at hindi na makaalis pa sa 'jingle all the way' na part ng kanta. Itinigil ko pansamantala ang pagkain at naghanda ng bente upang maibigay sa namamasko at makakain na mapayapa ngunit ng lumabas ako ay hindi ko inaasahan ang madadatnan ko.
"Mamamasko po!" Gavin shouted while smiling from ear to ear the moment I went out of the apartment.
Mayroon pa siyang suot na Santa hat at may umiilaw roon na limang pulang bituin na madalas kong nakikitang binebenta sa paligid-ligid. Nag-angat siya ng box at mukhang alam ko na ang laman nito.
"Merry Christmas," he greeted me with a sweet voice that's not his usual baritone. "I brought you a cake."
I wasn't able to stop myself anymore. I was so glad that he's here tonight. I didn't expect this.
Dali-dali kong binura ang distansyang namamagitan sa amin at niyakap siya ng mahigpit. Mahina siyang humalakhak bago ako niyakap pabalik ang isang kamya niya na hindi hawak ang cake.
"Miss me?" he asked me in a very teasing way.
Wala akong pag-aalinlangang tumango. "I missed you..." sabi ko at agad na kumawala ang ngiti sa aking labi.
I haven't seen him for a week already because he was with his family in Pagudpod. Ang alam ko nga'y hindi pa siya babalik pero nandito siya ngayo sa aking harapan.
"I missed you, too..." he whispered. "You don't know how much I do."
I didn't know how he did it, but Gavin was able to fill the emptiness that I was feeling in a way that I never knew anyone could. With just his simple presence, I was finally able to feel that it's really Christmas day. Medyo nahuli man siya ng dating dahil gabi na pero parang kakasimula pa lang ng araw ng Pasko para sa akin.
My chin was resting on the back of my palm while watching Gavin prepare the cake he brought on the dinning table. He glanced at me and smiled when he caught me staring at him. I sat properly and cleared my throat.
"Sorry kung kaunti lang ang naluto ko, ah? paghingi ko ng paumanhin sa kanya. "Hindi ko ine-expect na pupunta ka ngayon."
"It's okay. I'm not that hungry anyway," he assured me and placed a slice of cake in front of me. "But I know it's my fault for suprising you. Hindi ko na nasabi."
"Ayos lang!" maagap kong sabi bago naisip ang kanyang pamilya na maaaring iniwan niya sa Pagudpod. "Pero akala ko ba hanggang bisperas ng bagong taon kayo roon? Kasama mo bang bumalik ang pamilya mo?"
Hinila niya ang upuan papalapit sa akin habang umiiling. Umupo siya sa aking tabi at saka ako nilingon.
"Nauna na ako pabalik ng Norte. I'm feeling a bit lonely there," sagot niya. "My older sister's with her husband and daughter, while my mon and dad can't get over each other. Kahit kasama ko sila ay hindi rin dahil busy sila sa isa't-isa. Hinintay ko munang ma-celebrate namin ang Pasko bago ako nagpaalam na babalik na dito."
I slightly chuckled. I imagined him being alone in his room and all bored.
"Buti at pinayagan ka nila na maunang umuwi," natatawa kong sabi.
"They understand..." he said "And they can't stop me. I already planned of spending Christmas day with you even just for a bit. Mabuti na lang talaga at tinuloy ko ang pag-uwi. You seem so lonely here."
Parang may mainit na kamay na humaplos sa aking puso habang tinitingnan ang kanyang mga mata na namumungay habang nakatingin sa akin. He must be tired from driving back to Laoagall the way from their rest in Pagudpod.
"Ayos na ako..." sabi ko. "Nandito ka na, eh."
His lips slightly parted. Mas lalong pumungay ang kanyang mga mata. Unti-unting sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi habang mayroong kinukuha sa likod ng kanyang bulsa. He pulled out a gold bracelet with a snowflakes pendant on it. Sobrang simple lang ng pagkakagawa nito at tamang-tama lang sa aking pagkagusto.
"To celebrate my first Christmas with you..." he said in a soft voice as he gently held my wrist.
Hinayaan kong nakalahad ang aking palapulsuhan sa ere habang ingat na ingat siya sa pagsuot ng bracelet sa akin. Agad kong naramdaman ang malamig na hatid nito nang dumikit sa aking balat. Manghanga-mangha ako habang tinitingnan ito na nakakabit sa akin. Hindi ko alam kung nababagay ba sa akin pero sana ay oo.
Nang matapos siya sa pagsuot ng bracelet sa akin ay dumausdos ang kanyang kamay upang hawakan ang aking kamay. Inangat ko ang aking tingin sa kanya at nakitang matipid siyang nakangiti habang tinitingnan din iyon.
"Salamat... Pero nakakahiya, Gavin." sabi ko gamit ang maliiy na boses nang dahil sa nararamdamang hiya. "Hindi ako nakapaghanda ng regalo para sa'yo."
He smiled and softly caressed my hand that he was holding. "Letting me spend time with you today is already a gift to me. Thank you."
Slowly, he leaned forward to be closer to me. The moment his lips planted a soft and gentle kiss on my forehead, I closed my eyes to feel the warmth of his lips on my skin even more. Damang-dama ko ang kanyang pag-iingat habang marahan ang hawak sa aking braso upang masuportahan ang kanyang sarili habang nakahalik sa aking noo.
The kissed on my forehead lasted for five seconds, but it felt like he stayed there for a minute. Para bang biglang bumagal ang pagtakbo nang oras nang lumapat ang kanyang labi sa aking noo. Nang lumayo siya ay awtomatiko akong napatingin sa kanyang mapupulang labi. I suddenly wondered how his lips would feel on mine. Would it feel like a feather just like how it felt on my forehead?
Mas lalong umangat ang aking mga mata upang hanapin ang kanya ngunit nakita kong sa labi ko rin siya nakatingin. When he realized that I was looking at his eyes, he faked a cough and slightly turned away from me. Bigla niyang inabala ang sarili sa pagkain ng cake na kanyang dala.
Naramdaman ko ang pag-init ng aking mukha nang mapagtanto kung ano ang iniisip ko. Malandi ka, Keanna! Hindi pa naman kayo pero kung anu-ano na ang iniisip mong gawin!
Umuwi rin si Gavin pagkatapos naming maubos ang mga pagkain na hinanda ko. Ang natirang cake ay inilagay namin sa ref dahil hindi namin iyon kayang ubusin ngayong gabi. Medyo nagmamadali pa nga siya sa pag-alis. Hindi ko alam kung bakit. Siguro ay may lakad sila ng kanyang mga kaibigan. Nagpahinga na lang ako agad at natulog nang makaalis siya dahil may trabaho pa ako bukas sa milk tea shop.
"Oh, ito ang regalo ko sa'yo, Keanna!" sabi ni Ma'am Khareh at inabot sa akin ang nakabalot na regalo. Pati ang iba kong kasamahan ay mayroon ding munting regalo sa kanya. "Binigay ko na 'yan sa inyo ngayon para magsipag kayo sa trabaho."
Nagtawanan kami ng mga kasamahan ko. Alam naman naming napamahal na siya sa amin at kunwaring binibigyan lang kami ng regalo upang magsipag lalo sa trabaho.
"Nga pala, mayroon kayong makakasamang bago. Part-time rin siya at napakiusapan lamang ako," anunsyo ni Ma'am Kharen at kasabay no'n ay ang pagtunog ng bell sa may pintuan, hudyat na mayroong pumasok doon. "Oh, ayan na pala!" dagdag nito nang lingunin ang pumasok.
Bahagya kong sinungaw ang aking ulo upang masilip kung sino man ang pumasok doon na aming bagong katrabaho. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko si Gavin na nakasuot na agad ng aming uniporme.
"Halika rito, Gavin!" tawag ni Ma'am Kharen kay Gavin upang pumasok dito sa loob.
Walang hiya ang aking dalawang babae na kasama sa trabaho dahil nakuha pa nilang tumili kahit na nasa harapan lang nila ang kanilang tinitilian. Nahanap agad ako ng mga mata ni Gavin at nanatili lamang iyon sa akin. Nakangisi pa siya na tila nang-iinis.
Bakit ba siya nandito? Paano nagyari 'to?
"Richelle, Loyda, Keanna, Jim, si Gavin makakasama ninyo hanggang second week ng January dahil kagaya ni Keanna ay may pasok pa siya," sabi ni Ma'am Kharen. "He'll be incharge of serving and cleaning the tables like Jim. Puwede ka ring tumulong sa paggawa ng beverages. Tutulungan ka ni Keanna sa mga hindi mo alam."
"It'll be my pleasure po," magalang na sabi ni Gavin.
Muli kong narinig ang mahinang pagtili ng dalawa sa tabi ko. Aba! Hindi ko mapigilan ang munting pag-init ng aking dugo.
"We will open in ten minutes. Maghanda na kayo," bilin ni Ma'am Kharen bago lumabas upang maiwan kami.
Hindi man lang dinapuan ng hiya sina Richelle at Loyda dahil agad nilang sinugod si Gavin upang magpakilala. Si Jim naman ay napailing sa reaksyon ng dalawa.
"Mga babae talaga..." dinig kong bulong niya habang sinusuot ang apron sa kanyang baywang.
Napairap na lamang ako sa ere at sinuot na din ang apron. Inipit ko na rin ang aking buhok at saka sinakluban ng hairnet. Ang dalawa ay abala pa rin sa pakikipag-usap kay Gavin. Mukhang wala na ata silang balak mag-ayos.
"Kung gusto mo ay ako na lang ang magtuturo sa'yo kung paano timplahin iyong mga milk tea namin," dinig ko pang alok ni Richelle sa isang napakalambing na boses.
"Huwag na. Tuturuan daw ako ni Keanna," nahihiyang pagtanggi ni Gavin sa kanila.
"Nako! Paniguradong papayag si Keanna kapag inako ko na lang ang pagtuturo sa'yo," pagpipilit nito.
"Hindi na talaga kailangan, uh... Richelle..." Mukhang hindi pa sigurado si Gavin ang kanyang pangalan at nakita kong sumulyap pa siya sa nameplate nito. "Gusto ko si Keanna."
Halos masamid ako sa sinabi ni Gavin kahit wala akong iniinom. Tinalikuran ko sila at saka marahang kinabog ang aking dibdib.
"Ha? Eh—?
Dinig kong nabitin ang sasabihin ni Richelle at hindi na naituloy. Aalamin ko pa lang kung bakit pero nang naramdaman ko ang pamilyar na awrang papalapit sa akin ay alam ko na agad ang sagot.
"Surprise?" he whispered against my ear that gave me chills.
Pumikit ako ng mariin bago siya hinarap. Kagabi lang ay tuwang-tuwa akong makita siya pero ngayon ay medyo naiinis ako. Hindi ko alam kung paano niya naipasok ang sarili niya rito sa aking part-time job. Maybe he has his connections.
"Paano ka nakapasok dito?" pambungad kong tanong sa kanya.
Kita ko ang pagkabigla nina Richelle at Loyda sa aking kaswal na pakikipag-usap kay Gavin. If they're still weren't aware, magkakilala kaming dalawa!
Gavin was also taken aback with my sudden blow of attitude. "Woah!" he reacted and grinded. "Well, uhm... I applied."
Naningkit ang aking mga mata habang nakatingin sa kanya. "Bakit agad kang tinanggap ni Ma'am Kharen?" mapaghinala kong tanong sa kanya. "Ano'ng ginawa mo?"
He met out a manly chuckle and stared at me with an amused expression. "You make it sound like I did something pretty bad, baby. Please calm down."
There was a very hard and loud pump inside my chest that happened when that one word slipped from his lips. What did he just call me?
"I applied for a job here before I left for Pagudpod. Ang sabi ni Ma'am Kharen ay hindi siya sigurado kung tatanggap pa siya ng staff. I told her that I'm willing to work even without paycheck. She hired me immediately," he explained. "I already told you last night, I got everything already planned."
"Pero hindi mo naman kailangan magtrabaho rito," naguguluhan kong tanong. "You clearly got the money because you offered not to have any paycheck—"
"I don't want to bother you while working, so I decided to just work with you instead," he immediately cut me off to explain himself. "We can work together for the whole day then, we can have dinner after. I'll drive you home, and we'll see each other again the next day... Isn't that great?"
Ang iritasyon at inis na naramdaman ko kanina ay parang bulang naglaho dahil sa mga sinabi ngayon ni Gavin. Hindi ko na nga sigurado kung talaga bang nainis ako sa kanya. Parang hindi naman.
Mukhang napaghandaan niya ata talaga ang mga binabalak niyang mangyari. Pakiramdam ko, ang sayang naipon ko kagabi at ngayong araw ay kaya akong pasayahin hanggang sa susunod na taon.
Gavin never failed to amaze me, especially when I was secretly watching him while je executed a great customer service to our customers. Hindi nga lang siya mukhang simpleng staff lang dahil kung umakto siya ay parang manager. Maybe that's how his parents raised him because he was destined to be a leader of one of the most prestigious companies in the country.
Just like how he planned everything, after work, we ate dinner in a fast food restaurant near the milk tea shop. We also celebrated his first day at work. Natutuwa ako na talagang nagustuhan niya ang pagta-trabaho.
"By the way, nagpakwento si Mommy tungkol sa pagbisita ko sa'yo kagabi," bigla niyang sabi sa gitna ng pagkain. "I told her that you're alone last night because you're two families are in Cagayan Valley and in Vigan. She told me to invite you to spend New Year with us. Para hindi no raw mag-isang sasalubungin ang bagong taon."
I haven't met his mother yet by her kindness was already going deep into my heart. This wasn't the first she tried to invite me to a family gathering that they're going to have. I was slightly feeling guilty because I would need to reject her invitation again.
"Gusto ko man pero luluwas kasi sila Mama rito sa bisperas ng bagong taon," nahihiya kong pagtanggi kay Gavin. "Magtatagal sila siguro rito ng tatlong araw. Ipapasyal ko rin ang bunso kong kapatid."
It seemed like I was able to get his full attention on me even more. He suddenly looked so curious.
"They're coming here in Norte?" paninigurado niya.
Tumango naman ako. "Hindi ba nasabi ko sa'yo, na tuwing bagong taon kila Mama dapat ako. Since hindi rin ako makakauwi ng Cagayan Valley gawa ng trabaho ko sila na lang ang pupunta rito," paliwanag ko. "Gusto rin ng lalaking kapatid kong pumunta rito dahil nagsasawa na raw siya sa amin," natatawa kong sabi. "Baka magpaalam din ako kay Ma'am Kharen na mawala sa trabaho ng dalawang araw. She'll understand. Ganoon din noong umuwi sila rito last time."
"Sila lang ba ang pupunta rito? How about your Nanay's family?"
"Alam nila Nanay na kila Mama ako tuwing sasapit ang bagong taon. At tulad ng sinasabi niya palagi, oras din nila iyon para makasama nila ako. Tsaka pagdating ng araw ng bagong taon mismo, hindi rin available si Nanay na gumagala. Every first day of the year she would spend most of her time to her favorite shelter doing charity event. Dragging Tatay to her." I explained.
Ngumuso naman siya, tila nag-iisip ng malalim. I could almost hear him thinking, but I couldn't guess what's running on his mind right now. Hindi rin nagtagal ay muli siyang nagsalita.
"Okay... I can... uhm... accompany you," he said with hesitation. "You know... I can drive your family wherever you might be going during their vacation here. I have nothing to do anyway... Well, if that's okay..."
The thought of him spending time with me and my first family hasn't crossed my mind yet. Ngayon lang dahil sinabi niya ito. Kapag pumayag ako, ibig sabihin ay ipapakilala ko rin siya kina Mama at Papa. Ano ang sasabihin ko? Paniguradong katulad ni Tatay papaulanan din ako ng tanong ni Papa.
Wala kaming relasyon. Hindi rin naman siya nanliligaw sa akin. Paano ko ipapaliwanag kung ano ba kami talaga? Pero bakit ko ba masyado itong pinag-iisipan ulit? Puwede ko namang sabihin ko na lang na kaibigan ko siya, katulad kung paano ko siya pinakilala kina Nanay at Tatay. Iyon nga lang hindi sila naniwala. Pero bahala kina Mama at Papa. Oo, tama! Ganoon na lang ulit ang drill.
"Uh... Hindi ba'y may trabaho ka na rin ngayon sa milk tea shop?" sabi ko naman sa kanya habang nag-iisip muna ako ng malalim kung papayag ba ako sa gusto niyang mangyari.
"Kaya kong gawan ng paraan 'yan," walang pag-alinlangan niyang sabi sa akin na para bang nakaisip na siya ng sagot doon bago pa ako magtanong. "Iyon ay kung papayag ka..."
Bigla ko tuloy naalala ang mga pag-iimbita niya sa akin at pati ng Mommy niya. They never hesitated inviting me to come and join them, why can't I do the same, right?
I sighed and nodded at him. Napatuwid naman siya sa pagkakaupo. Mukhang hindi inaasahan ang naging sagot ko.
"You'll let me come?" paninigurado niya sa akin na parang isang bata.
Napatawa na ako sa kanyang reaksyon bago tumango. "Oo."
A smile escaped from his lips making him looked so soft.
Just seeing his smile, I think I already made the right decision to let him come with me and my family.