Chapter 12

2710 Words
Gavin and I became closer to each other since that day. I wasn't sure if I was assuming but in my heart , I knew that our relationship was getting deeper as well. He would always drive me home to my apartment, and I would always oblige him to do it. Whenever we have the chance, we would eat lunch together and even dinner. We would also go out sometimes when we have free-time. He let me experience his world, while I also let him experience mine. We will talk about our families, problems, academics, business, dreams and plans. For the whole five months duration of this semester, it has been the happiest moments of my college life. He increased the saturation of my dulled color life and made it brighter. Spending time with him was my escape from the stressful part of my college life. He can make everything better in an instant. I knew by then that I couldn't ask for more. Kahit na hindi ko alam kung ano ba talaga ang namamagitan sa aming dalawa, masaya na ako sa kung ano man ito. Erin reminded me again not to assume too much, so, I was trying to keep myself from flying even higher than I already was. But I couldn't help myself. The more I was falling deeper, the more my hopes were flying higher. "What are your plans this sembreak?" Gavin asked me while we were both busy studying for our final exams this week. Galing sa aking libro ay nilingon ko siya sa aking tabi na nakapangalumbaba habang nakatitig sa akin. Hindi ko alam kung paano ko nakayanan ang tumitig pabalik sa kanya pero nagagawa ko na ito dahil sa dalas naming magkasama. Minsan ay naiilang pa rin ako lalo na kung kakaiba ang titig niya sa akin pero kung ganitong normal lang ay nakakaya ko na. "Nasabi ko na sa'yo noon na may part-time job ako, 'di ba?" tanong ko sa kanya pabalik. Tumango-tango naman siya. "Tuwing term break ka nagta-trabaho roon sa milk tea shop, 'di ba?" Umiling naman ako saka pumangalumbaba rin habang hindi pinuputol ang tingin sa kanya upang gayahin siya. "Ngayong Christmas ay magta-trabaho rin ako doon. Kukulangin daw kasi sila ng staff this season at kapag summer break naman tumutulong din talaga ako doon. Dagdag pang-allowance ko na rin sa susunod na semester." "No plans of spending your Christmas break in a different way?" he sounded so hopeful. Bahagyang naningkit ang aking mga mata habang tinitimbang ang kanyang ekspresyon. I tightly pursed my lips before I shook my head. "Kaya nga nagpaalam na ako kila Nanay na hindi ako magpapasko sa Vigan ngayong taon. Sinabi ko na rin ito sa'yo 'di ba? And I already gave my word to my employer. Inaasahan na niya ako. Ayokong biguin siya. She's been good to me." He sighed and slightly pouted his lips. "Guess, it couldn't be helped." My forehead creased. Pakiramdam ko ay mayroon siyang plinaplano at nasira ko na ang planong 'yon dahil hindi na ako puwede ngayong bakasyon. "Bakit? Ano ba'ng mayroon?" Nagtaas ako ng kilay sa kanya at saka umayos ng pagkakaupo. Bayolente siyang bumuntong hininga at umayos na rin sa pagkakaupo gaya ko. "Iyong pinagawang rest house ni Daddy sa Pagudpod ay gawa na," panimula niya. "Plano nilang dalawa ni Mommy na tirahan ang bahay na iyon ngayong Christmas break. We will come before New Year dahil kailangan ay rito kami sa Norte magce-celebrate ng bagong taon." "Gusto mo akong isama?" maingat at nag-aalangan kong tanong ngunit walang pag-aalinlangan siyang tumango bilang sagot. "I asked my Mom if I could bring you with us..." he absentmindedly smiled. "She's feeling ecstatic knowing that I would bring someone with me. She wants to meet you." My lips parted in disbelief. Hindi ako makapaniwala. Ibig sabihin ay nabanggit na niya ako sa kanyang pamilya. At gusto akong makilala ng mommy niya! Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Should I be excited or frightened? "Na-ikwento mo na ako sa mommy mo?" paninigurado ko dahil gusto ko lang na mas maliwanagan sa mga naririnig ko mula sa kanya. "Uh... Well, yes..." nahihiya niyang sagot sa akin. Hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil sa kanyang ekspresyon. Minsan ko lang siyang masilayan na nahihiya sa akin. Everytime he's looking shy, it's like he's showing me a different part of him. I like it a lot. "I've already talked about you to my whole family, actually..." he added and my eyes literally got wider. "My mom doesn't know how to keep a secret to my dad. My dad asked me questions about you, and my older sister overheard everything." Bahagya siyang nag-iwas ng tingin sa akin. Kinamot niya ang kanyang batok habang nakangiti. "You see... it's my first time talking about a girl. It's all foreign to them," he explained. "And I'm sure that my mother already spilled the news to my aunties. So, I guess it's safe to conclude that my whole family knows about you now." Ini-imagine ko sa aking isipan ang kanyang buong pamilya. The prestigious Alcantaras know me. Sino'ng mag-aakala na makakarating ang aking pangalan sa kanila? Isa lang naman akong hamak na babaeng taga-Cagayan Valley na nangangarap na makapagtapos nag pag-aaral at makapag-trabaho sa kanilang kompanya magmula noong nahanap ko ang pagmamahal sa aking kursong kinuha. "Parang sobrang busy mo na, ah?" mapaghinalang tanong sa akin ni Jethro na para akong kriminal na kanyang pinapakanta sa kasalanan. Nanatili akong abala sa pag-aayos ng aking stringed sandals. Ang hirap kayang suotin nito at kailangan ng matinding pokus! Katatapos lang ng aming huling exam kanina. Nag-aya silang dalawa ni Danzel na lumabas sa isang bar sa Mabini. Ayaw ko sanang sumama pero ayaw kong magtanong-tanong pa si Jethro. Ilang beses ko na silang tinanggihan ni Danzel. Hindi na rin kami masyadong nagkakasama dahil abala ako sa amin ni Gavin. Pakiramdam ko, kapag humindi ako ngayon ay talagang maghihinala na siya. Wala na akong palusot na nag-aaral ako nang mabuti. I still wasn't telling him about my secret rendezvous with Gavin. I just feel like I shouldn't because I knew how he would react once he found out about it. Guguluhin. niya lamang ako at bubulungan na parang isang demonyo para layuan ko si Gavin. "Ngayong gabi lang akong pwedeng lumabas dahil magsisimula na ako bukas sa part-time job ko sa milk tea shop," sabi ko para mawala ang usapan. "Aba! Ang busy-busy nga," natatawa niyang sabi at tumayo upang lumapit sa akin. "Anong araw po ba pwedeng magpa-schedule sa'yo, miss? Para naman hindi mo na ako tanggihan tuwing bigla kitang inaaya." Pagkatapos ko maitali ang string ng sandals ay nilingon ko siya. Ngumiti ako at bahagya siyang tinulak palayo sa akin. "Kasasabi ko lang na ngayon lang ako pwedeng lumabas. Syempre ay pagkatapos ng part-time job ko bago magpasukan," sabi ko na lang sa kanya at tumayo na rin. Humilig siya sa pader at saka humalukipkip. Pinanood niya ang aking bawat pagkilos. Nawala na ang pilyong ngiti sa kanyang labi. "Pinapauwi ako ni Mama ngayong Pasko sa atin," bigla niyang sabi. "Baka mawala ako ng isa o dalawang linggo. Hindi ko sila matanggihan dahil alam mo naman ang kalagayan ni Tatay." Kunot-noo ko siyang tiningnan. "Bakit mo naman kasi sila tatanggihan?" naguguluhan kong tanong sa kanya. "Syempre di ka naman uuwi sa Vigan kina Tita Keira. Maiiwan ka rito mag-isa," seryosong katwiran niya. Hindi ko mapigilan ang matawa dahil sa kanyang isinagot sa akin. Naalala ko tuloy ang reaksyon ni Tatay nang sabihan ko silang hindi ako magpapasko sa kanila ngayong taon. "Ano ka ba, Jethro? Bodyguard ko?" pabiro kong tanong. "Kaya ko naman ang sarili ko. Ang tagal-tagal ko nang tumitira dito sa Norte. At saka kailangan ka ng Tatay mo. Dapat nga ay ikaw na mismo ang nagprinsintang umuwi ngayong magpa-pasko eh." Inatake ng mild stroke ang kanyang ama nitong nakaraang buwan. Hindi na ito masyadong nakakapagtrabaho dahil binawalan nang magtrabaho ng mga heavy duty jobs. Umuwi si Jethro doon ng dalawang araw pero agad ding bumalik para hindi mahuli sa klase ng Lunes. He was just there for the weekend. Pagkabalik niya, I could see that he was more determined to study well. Kaya hindi rin ako nahirapan sa pagtanggi sa kanya dahil abala na rin siya sa pag-aaral. "I know," he said before he heavily sighed. His cellphone suddenly rang and he immediately answered it. It's just Danzel, telling him that he was already outside my apartment. Lumabas na kaming dalawa ni Jethro upang sumakay na sa sasakyan ni Danzel patungong Mabini. "Tuloy ba ang pag-uwi mo?" tanong ni Danzel kay Jethro habang nagmamaneho. Tahimik lamang ako sa backseat at pinapanood ang mga nadadaanang gusali. Wala ako sa mood para makisala sa kanilang usapan. "Oo. Sa makalawa na ang alis ko," sagot naman ni Jethro. My phone chimed and a smile automatically appeared on my lips when I saw who texted me. From: Gavin You're not at home? Kinagat ko ang aking ibabang labi habang nagpipigil ng ngiti. Agad akong nagtipa ng reply para sa kanya. To: Gavin Nope. Why? Hindi pa nag-iisang minuto ay dumating na ang kanyang reply sa akin. From: Gavin I guess wrong timing, huh? Nasa labas ako ng apartment mo. Kanina pa ako nagdo-doorbell. Surprise visit failed. Nanlaki ang aking mga mata. Napaupo pa ako nang maayos. Hindi ko na pinatagal pa na mapadala sa kanya ang aking sunod na mensahe at muli siyang sumagot. To: Gavin Nasa apartment ka? Papunta kami ngayon sa Mabini kasama ang mga kaibigan ko. Inaya nila ako sa bar. From: Gavin Bar? Which bar in Mabini? Ngumuso ako dahil hindi ko alam kung anong bar ba ang aming pupuntahan. Nag-angat ako ng tingin sa dalawa na ngayon ay tahimik. Bahagya akong umabante para makausap sila. "Anong bar nga ulit pupuntahan natin?" tanong ko sa kanila. "Why?" "BarTech." Napakunot ang noo ko sa magka-ibang sagot ni Jethro at Danzel. Mabuti pa si Danzel ay diretso sagot na! Si Jethro ay may patanong-tanong pang nalalaman. "Thanks, Danz!" maligaya kong sabi at saka bumalik sa dati kong puwesto para maitext kay Gavin kung saan. I could hear Danzel and Jethro faint speaking voices as they whispered to each other. Hindi ko na iyon pinagtuunan la masyado ng pansin at inabala ang sarili sa pagti-text. To: Gavin Sa BarTech daw. Why'd you ask? Ngayon ay medyo matagal ang pagdating ng kanyang mensahe pero hindi naman lumagpas ng tatlong minuto. From: Gavin Secret :) I mirrored the emoji he used. Ang corny niya pero kinikilig ako. Mukhang alam ko na kung bakit. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa iniisip kong binabalak niyang gawim o mababahala dahil kasama ko ngayon si Jethro at Danzel. But nevertheless, I'd take the risk. Gusto ko siyang makita at makasama ngayong gabi. Pagkarating namin sa BarTech ay agad kong nilibot ang aking tingin sa mga nagsasayang tao. Some were casually drinking alcoholic drinks while having a conversation with their friends; some were wild dancing on the dance floor; and some were just chilling. "Doon tayo sa table namin," pag-aya ni Danzel. Jethro placed his hand on the small of my back. Iginaya niya ako upang sumunod sa pinupuntahan ni Danzel. Hindi naman nalalayo sa dance floor ang kinuhang couch ni Danzel. It has a perfect view of thw people dancing their hearts out in the center of the club. Pinaupo ako ni Jethro sa may couch at agad kong pinasadahan ng tingin ang mga nakareserve nang inumin doon. I'm not a alcoholic drinker but I'm familiar with those kinds of drinks. They were different cocktails and bottled bears. Kumuha ako ng cocktail na sa palaga'y nainom ko na dati dahil kaparehas ito ng kulay. At alam kong hindi masakit na hahagod sa aking lalamunan. Hindi naman ako nagkamali. Lasa lang itong pineapple juice. Hindi ko man lang nalasahan ang alcohol na nilalaman nito. "Huwag kang masyadong uminom," bilin sa akin ni Jethro at nginitian ko lamang siya. Hindi talaga ako masyadong iinom dahil baka makaligtaan kong maaaring sumunod dito si Gavin. I needed to be sober. "Let her be, Jethro..." humalakhak si Danzel at saka nagsimula na ring uminom. "Kaya nga tayo nandito ay para uminom." Nginitian ko ang aking napakabuting kaibigan. Mabuti na lang talaga at nandito si Danzel. He's my savior from our kill joy friend! Wala namang nagawa si Jethro kundi ang bumuntong hininga. Naramdaman ko bigla ang pagvi-vibrate ng aking cellphone. Mabuti na lang at nagsimula nang mag-usap si Danzel at Jethro kaya nagawa ko itong basahin ng palihim. From: Gavin I'm here. Pakita ka naman po sa akin. Mabilis akong nag-angat ng tingin at sinuyod ng tingin ang buong bar kahit na alam kong imposibleng makita ko siya agad sa dami ng tao. Pumikit ako ng mariin at saka tumayo na ikinagulat nina Danzel at Jethro. Agad nila akong sinundan ng tingin. "Magre-restroom lang ako. Naiihi ako," paalam ko sa kanilang dalawa. "Saan ba rito 'yon?" dagdag ko pang tanong para kapani-paniwala. "Go right tapos straight left. Doon sa dulo, nandoon ang mga comfort room," sagot sa akin ni Danzel. Nakangiti akong tumango sa kanya. Nag-excuse ako kay Jethro para sa kunwari kong pagpunta sa comfort room. Nagsimula ulit na maglibot ang aking mga mata habang naglalakad palayo sa puwesto namin kanina. Binaba ko ang tingin ko sa aking cellphone upang itext si Gavin. Bakit ba hindi ko na lang siya tanungin kaysa mukha akong tanga kakahanap sa kanya rito? To: Gavin Nasaan ka? Hinigpitan ko ang aking hawak na cellphone bago muling nagmasid sa paligid. I was getting pretty impatient while waiting for him to show up in front of me. Nababaliw na ata talaga ako. Kung hanap-hanapin ko siya ay parang hindi kami nagkita kanina. Nang muling nagvibrate ang aking cellphone para sa isang mensahe galing sa kanya ay agad ko itong binuksan upang basahin. From: Gavin Found you. Hindi ko na na-proseso masyado ang mensahe ay biglang may humila sa aking braso. Napatili ako sa pagkabigla. Dinala niya ako patungo sa gitna ng maraming tao sa dance floor bago ako iniharap sa kanya. Gavin was wearing a bright smile while looking straight at me. His hair was deshiveled in a way that made him look hotter. He was wearing a simple fitte black shirt and faded jeans, but he could already put the overdressed guys here into shame. Noong una ay nabigla pa ako sa kanyang presensya at sa paghila sa akin ngunit agad din akong nakabawi. Unti-unting sumilay ang aking ngiti. He's finally here in front of me. Kinuha niya mula sa aking kamay ang hawak kong cellphone.Inilagay niya iyon sa kanyang bulsa bago iginaya ang aking mga kamay patungo sa kanyang balikat. He gently held my waist with both of his hands and stepped closer to clear the distance between us. His eyes never left mine as he started to sway me. Hindi bagay ang ginagawa naming pagsayaw sa kantang tumutugtog sa speakers pero hindi na ako magrereklamo pa. I'm already dancing with Gavin Alcantara! Akala ko'y sa panaginip lang ito mangyayari kaya bakit pa ako magrereklamo? "Akala ko may family dinner kayo?" tanong ko sa kanya. Isa iyon ang dahilan kaya ako pumayag kina Jethro na sumama ngayon dahil ang alam ko'y abala si Gavin sa family dinner nila ngayong gabi. "We're done eating dinner," sabi niya sa akin. "Hindi naman iyon matagal. Sandali lang." "Kung ganoon ay bakit hindi ka na lang umuwi sa inyo pagkatapos? You must be tired. Pumunta ka pa sa apartment ko pagkatapos ay sumunod ka pa rito," sabi ko sa kanya. "Yes, I'm tired, and that's why I wanted to see you," he said. "Am I disturbing your night out with your friends?" Maagap akong umiling. "Hindi," sabi ko. "Masaya akong nandito ka ngayon." Masayang-masaya ako ngayon na nandito siya kasama ko dahil bukas ay hindi ko na siya makikita hanggang magbagong taon dahil tutulak na sila papuntang Pagudpod. Gustuhin ko mang sumama, nahihiya ako sa pamilya niya at ayokong biguin si Ma'am Kharen. He smiled again and pulled me closer to him. Napahilig na ako sa kanyang dibdib at napayakap pa sa kanya. Umayos ang kanyang pagkakahawak sa aking baywang. "Great..." he whispered. "'Cause I am also very happy that you're with me tonight..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD