"Sinasabi naman kasi sa'yo na hindi mo na nga kami kailangan pang sunduin dito sa terminal ng bus. Ayan tuloy! Naabala ka pa namin kaysa naghihintay ka na lang doon sa apartment," agad na pangaral sa akin ni Papa nang makitang talagang sinundo ko sila.
Sinabi ko na sa kanila kahapon na susunduin ko sila rito sa terminal ng bus pero agad na tumanggi si Papa dahil hindi na raw kailangan no'n. Noong huling punta nila rito ay hindi ko sila sinusundo. Ngayon lang dahil gustong sumama ni Gavin sa pagsundo. Hindi ko pa nga lang 'yon nasasabi sa kanila.
"Ayos lang, Pa. May kasama naman po ako," sabi ko sa kanya.
"Nako! Tingnan mo nga at nakaabala ka pa ng ibang tao sa pagsundo sa amin," pagalit pa ring sabi ni Papa.
Hilaw na lang ang naging ngiti ko dahil sa pakikitungo ni Papa sa akin. Lumapit naman si Mama sa akin at marahanag hinawakan ang aking braso na may ngiti sa kanyang labi.
"Nasaan ba ang kasama mo?" tanong niya sa akin.
"Nasa labasan po at naghihintay," sagot ko. "Tara na po at makauwi na tayo sa apartment."
Tumango-tango si Mama. "Mabuti pa nga."
Nauna ng nagmartsa si Papa palabas ng terminal at agad na sumumod sa kanya si Kairo na tahimik lamang. Si Mama ay sumabay sa akin sa paglabas habang bumubulong-bulong.
"Hayaan mo na 'yang Papa mo," bulong sa akin ni Mama. "Balak ka kasi niyang surpresahin sa apartment mo. Bibili pa dapat siya ng cake na paborito mo pero sunundo mo kami kaya hayan at nagtatampo."
"Hindi naman na kailangan no'n, Ma," bulong kong pabalik.
"Parang hindi mo naman kilala ang Papa mo, Keanna," sabi ni Mama. "Hayaan mo't mawawala rin agad ang tampo niyan. Paniguradong hindi ka rin naman niya matitiis."
I just smiled at as we went out of the bus terminal. That's the only time I remembered that I still have a battle to face. I needed to introduced Gavin again to my real family who was already leaning on his very expensive car.
Ang dala niyang sasakyan ngayon ay hindi ang araw-araw na niyang ginagamit sa school. He brought a SUV with him. Ang sabi niya'y mas maganda raw na iyon ang gamitin sa pagsundo para maging kumportable ang aking pamilya dahil maluwag ang sasakyan.
Tumuwid sa pagkakatayo si Gavin nang makitang nakalabas na kami. Walang pag-aalinlangan siyang lumapit sa amin habang ang titig ay nakapirmi sa akin. Mukhang napansin naman ni Mama ang paglapit nito sa amin dahil sa aking narinig na reaksyon mula sa kanya.
"Aba'y nasaan na ba ang kaibigan mo—"
Hindi na natuloy ni Papa ang kanyang sasabihin nang humarap sa amin at nakitang nandoon na si Gavin.
Gavin immediately turned to my father with a smile on his face. I didn't know where he got the confidence to face my father without any fear laced on his expression, but he did.
"Magandang araw po," magalang na pagbati ni Gavin kay Papa at nilingon na rin si Mama na natulala lamang habang nakatingin kay Gavin. "I'm Gavin Alcantara. Keanna's uhm... friend."
Napapikit ako ng mariin sa kanyang pagpapakilala. Why did he have to sound unsure to our relationship?
Papa was quiet while Gavin was helping him put their bags on the back of the car, but I knew he already had a lot of questions formulated inside his mind to ask me later. Si Mama lang ata ang hindi nakapagpigil sa kanyang kuryosidad dahil panay na ang bulong niya sa akin ng mga katanungan patungkol kay Gavin.
"Kaklase mo ba 'yan? Magkaibigan lang ba talaga kayo, Keanna? Baka naman ay kayo na, ha, Keanna? Umamin ka sa akin," pabulong na sabi ni Mama.
"Hindi kami, Mama. Kaklase ko siya sa isang subject ko ngayong sem. Malapit kami sa isa't-isa," sabi ko naman.
"Kung hindi kayo ay malamang nililigawan ka niyan 'di ba?" nagtaas ng kilay si Mama sa akin.
"Ma," suyaw ko ulit.
"Alam ba ng Tatay at Nanay mo ang batang iyan ha. Baka naman magulantang na lang silang bigla may boyfriend na ang Keanna nila," pagpapatuloy pa rin niya.
"Ma..." I gave her a warning look this time when I saw Papa and Gavin were already done loading their bags.
Ako ang katabi ni Gavin sa front seat habang sila Papa ay magkakatabi sa likuran. Kairo was busy scanning the car while Papa still looked so grumpy. Si Mama naman ay hindi itinatago ang pagkamangha kay Gavin dahil nakangiti pa niyang paulit-ulit itong sinusulyapan.
"Kuamin na po ba kayo?" biglang tanong ni Gavin nang huminto ang sasakyan dahil sa pagpupula ng traffic light. "May alam po akong masarap na kainan lamapit dito."
"Nako! Huwag na, hijo," nahihiyang sabi ni Mama. "Kumain na kami bago sumakay ng bus. Ayos lang kung doon na lang sa apartment ni Keanna kumain. Magluluto ako ng tanghalian."
"Sige po," nakangiting sabi ni Gavin.
I was thankful to my mother for showing how much she adored Gavin just by her twinkling eyes. Kay Papa ako kinakabahan dahil hanggang ngayon ay tahimik pa rin ito at mukhang wala pa sa mood. Mabuti na lang at hindi nakikisabay si Kairo sa masamang disposisyon ni Papa.
It was a good thing that we managed to go home in peace. Si Mama ay agad na dumiretso sa munting kusina ng aking apartment upang tingnan ang ref, siguro ay makapagsimula siyang magluto ng tanghalian. Mabuti na lang hindi nawawalan ng stock ang ref. Sinundan ko siya upang tumulong pero pinaalis niya lang din ako agad.
"Samahan mo ang kaibigan mo kasama ang kapatid at Papa mo," pagtataboy niya sa akin. "Ako na ang bahala rito."
Napanguso na lamang ako at saka bumalik sa sala. The atmosphere felt so cold and quiet. I could see my father shamelessly glaring at Gavin whom I couldn't help but to stare in awe because he was still looking so cool. Ang bunsong kapatid ko naman ay kuryoso ring nakatingin sa kanya.
"Ano ulit ang pangalan mo?" tanong ng kapatid ko kay Gavin bago pa ako makapagsalita upang tumulong sa hindi magandang tinginan nilang tatlo.
Sinapo ko ang aking noo dahil sa tono ng aking kapatid. He sounded like he was way older than Gavin. He really needs more discipline from my parents. Hindi 'yong lagi siyang pinagbibigyan sa mga bagay-bagay. He's slowly becoming a devil!
"Gavin," Gavin simply answered his question with his low baritone.
"Gusto mo ba ang ate ko?" tanong niya ulit na wala man lang pag-alinlangan.
Halos masamid ako kahit wala akong iniinom. Lumapit ako sa kanila upang umapila lalo na nang makita kong mukhang hinihintay rin ni Papa ang magiging sagot ni Gavin sa tanong na 'yon. I couldn't help but to remember when he met the Real's family. It was just like a deja vu to this scene.
Walang kasiguraduhan ang nararamdaman ni Gavin para sa akin. Sometimes, I think he likes me romantically but most of the time, I think he's just treating me as his very close friend. I didn't know if I was already prepared to hear his answer for my brother's question.
"Kairo, tumigil ka nga!" saway ko sa kapatid ko bago nilingon si Gavin at ngumiti bilang paghingi ng paumanhin.
Ngayon ay nagsisisi na ako kung bakit pa ako pumayag na makilala niya ang pamilya ko. If only I knew that they would treat them so coldly except from my mother, I wouldn't have agreed.
"It's okay, Keanna..." Gavin smiled at me before looking at my brother once again. "Yes, I like your ate. I like her so much."
My heart gave a loud and hard pump that it felt like it could actually come out of my chest. To hear those words coming straight from his mouth wasn't what I expected, and he even said it so casually in front of my savage brother and grumpy father.
"Boyfriend ka ba niya?" sunod na tanong ng kapatid ko.
Gusto ko nang sapakin ang kapatid ko kung hindi lang ako papagalitan ni Mama at kung wala lang dito ngayon si Gavin. Why did he have to be nosy? Kung kailan gusto ko siyang manahimik ay saka siya dumadaldal.
Gavin smiled and shook his head. "No..." he whispered. "Not yet..."
I bit my lower lip when he added that 'not yet' part. We really haven't talked about us and this was very overwhelming for me. Ngayon ko lang naririnig mula sa kanya ang mga bagay na ito kaya hindi ko masyadong maproseso ng maayos.
He said he likes me, but we aren't together 'yet'. That does mean he likes me in a romantic way?
Hindi ko pa masyadong nalilinaw sa aking isipan ang mga sinasabi ni Gavin nang muling nagsalita ang aking kapatid para sa susunod niyang katanungan na mukhang walang katapusan.
"Do you know how to play ball?" Kairo sounded so curious.
Naalala ko na! Bago ako umalis ng Cagayan Valley ay madalas na naglalaro ang kapatid ko ng basketball. I remembered he once told me that he's aiming to to be a part of the varsity team.
"Basketball?" Gavin probed and my brother just nodded that made him smile. "I do."
Hay, Kairo. Hindi lang siya marunong maglaro ng basketball kundi siya pa mismo ang magdadala ng buong team. He even won our team a championship win last term.
"Magaling ka ba?" naningkit ang mga mata ng kapatid ko.
Gavin slightly pouted and shrugged his shoulders. "I guess you can say that..." he humbly answered.
I rolled my eyes at his humility. I stepped forward to inform my brother what he really wanted to know that's why he was aking Gavine these questions.
"He's a part of our institute's varsity team, Kairo. Last year, siya pa ang MVP," pagmamalaki ko kay Gavin sa aking kapatid.
My little brother's eyes twinkled when he heard what I just said. He suddenly looked interested with Gavin now. His cold facade faded in an instant. I couldn't help but to feel jealous when I sensed my brother's adoration for Gavin. What about me?
"Gusto na kita para sa ate ko!" walang pag-aalinlangang sabi ng aking kapatid at nakuha pang magthumbs up.
Nalaglag ang aking panga. Ang walang hiya kong kapatid ay agad akong naipamigay dahil lang magaling maglaro ng basketball si Gavin.
Gavin chuckled becuse of my brother's reaction. Lumapit pa ang kapatid ko sa kanya upang mapag-usapan ang paglalaro ng basketball. Nahagip naman ng aking tingin si Papa na umismid at saka humalukipkip. Lumapit ako sa kanya saka umupo sa kanyang tabi.
"Pa, huwag ka nang magtampo. Nasabi na sa akin ni Mama ang plano mo. Ayos lang naman sa akin na walang ganoong surpresa, eh..." malambing kong sabi sa kanya.
My father turned to me with fire burning in his eyes. Mukhang malala ang kanyang pagtatampo ngayon.
"Hindi mo man lang naikwento sa'kin tuwing nagkakausap tayo ng telepono na may nakakamabutihan ka na palang lalaki," nagtatampo niyang sabi sa akin. "At itong Mama mo... aba! Tuwang-tuwa dahil may hitsura 'yang manliligaw mo."
"Pa, hindi niya po ako nililigawan..." sabi ko sa isang maliit na tinig.
"Anong hindi, eh, umamin na ngang may gusto sa'yo." Inirapan ako ni Papa.
"Pero hindi niya po talaga ako nililigawan, Pa..." nahihiya kong sabi. "Ngayon ko nga lang po nasiguradong gusto niya po talaga ako."
"Alam ba ito ng Tatay at Nanay mo? Baka pati sa kanila ay naglilihim ka." Nanantiya niya ulit na tanong.
"Kilala po nila si Gavin, Pa. Ang sabi ko po sa kanila kaibigan ko siya. Sila lang ang hindi naniwala na gano'n ang mayroon kaming relasyon. Well, maliban po kay Nanay na kung totoo man daw na mas higit pa sa pagkakaibigan ang mayroon kami. Wala naman daw po kaso sa kaniya. Pero si Tatay, sabi niya hindi daw pwede." Halos hindi ko maisatinig ang huling mga salita ko.
Sinulyapan ni Papa si Gavin gamit ang kanyang mapanghusgang tingin. "Hindi rin pu-pwede sa akin 'yan," sabi niya. "Mag-uusap kaming dalawa. Lalaki sa lalaki."
Napabuntong hininga na lamang ako. Alam kong wala na akong magagawa sa binabalak ni Papa. Parang siya ang back up ni Tatay para sa kanyang nais na gawin ng makilala niya si Gavin. I just need to warn him about it and let him prepare for the inevitable confrontation with my father. Mukhang mangyayari na ang ayaw kong gawin dati ni Tatay.
Hindi matapos-tapos ang pag-uusap nina Kairo at Gavin kahit noong nasa hapag na kami at kumakain ng tanghalian. Gavin complemented my Mama's cooking, and my mother was very flattered about it. Si Papa naman ay nanatili pa ring tahimik ngunit ilang sandali lang ay nagsimula na siyang magsalita gamit ang isang nakakapanindig balahibong tinig.
"Ilang taon ka na, hijo?"
Nang magsalita si Papa ay agad na natahimik ang hapagkainan. Kahit ang madaldal kong kapatid ay tumahimik na rin.
"Twenty na po ako," magalang na sagot ni Gavin.
"Ang mga magulang mo? Ano ba ang trabaho nila?" sunod na tanong ni Papa.
Halos mabulunan ako sa pagkain dahil sa tanong ni Papa. Napaisip tuloy ako kung paano iyon sasabihin ni Gavin.
"Well, my parents have a lot of business. We own a chain of hotel and restaurants locally and internationally. We also have Qantara which is a company that's branching out in different fields. We even own an school."
Iyon ang nasa isip kong sasabihin ni Gavin dahil iyon ang talagang business ng kanilang pamilya. But knowing how humble Gavin is, he wouldn't answer it like how I imagined it.
"My father is a business man and my mother is also in the same field," he simply answered my father without going into details what business his family has.
Tumikhim naman si Papa at saka tumango-tango. "Mukhang anak mayaman ka at sanay sa isang marangyang buhay," panimula ni Papa sa kanyang pangaral. "Ang anak ko'y pinalaki namin ng maayos mula sa hirap. Nagsisikap naman kami ng Mama niya para katulad ng mga Ate niya ay mapag-aral din namin siya ng kolehiyo. Pero talagang hindi kaya ng budget mula sa kinikita ng maliit naming pwesto sa palengke. Malaking biyaya lang sa pamilya namin, lalong-lalo na kay Keanna ng nakilala niya ang mag-asawang Real na silang tumutustos sa lahat ng pangangailangan niya dito lalo na sa kanyang pag-aaral. Hindi kami mayaman katulad ninyo."
Napapikit ako ng mariin. Gusto kong sumabat ngunit alam kong hindi iyon tama. Mas lalo lamang magagalit si Papa.
"Hindi naman po 'yon importante..." kalmadong sabi ni Gavin.
My father shifted on his seat when Gavin started to talk back with a very respectful manner. Mukhang hindi niya inaasahan ang pagiging kalmado at magalang ni Gavin pagkatapos niyang bitawan ang mga salitang 'yon ng walang preno.
"Noong nakilala po ng Mommy ko ang Daddy ko, walang-wala rin po siya no'n. She even stopped going to school and just like Keanna, she also worked for her needs in order to survive when my grandmother died," kuwento ni Gavin. "My father still loved her completely even when she almost had nothing. Up until now, he still loves her and even more than he did before. Kaya naniniwala po akong hindi importante 'yon. Hindi naman iyon basehan kung puwede o bawal mong mahalin ang isang tao."
I couldn't help but to smile while seeing how passionate he was while telling the story of his parents. I didn't know that his mother lived a poor life. As far as I know, his mother's father was a very known College President and professor in Hollywood. Also, she already has Gaile Burton Academy before she even married Bryson Alcantara, Gavin's father. Who would've have thought that she experienced that kind of life? But maybe, that's the reason why she's very kind.
"Nakakatuwang malaman na napakatibay ng pagmamahalan ng mga magulang mo, hijo," natutuwang sabi ni Mama. "At nakikita ko namang naging maganda ang bunga ng pagmamahalan nila. Nakapagpalaki sila ng isang mabuti at magalang na anak."
I knew that she would react this way as she was a sucker for romantic dramas and pocket books. Her eyes were filled with adoration while looking at Gavin.
Gavin smiled at my mother before my father popped their happy bubble by groaning and faking a cough. Napalingon ulit sa kanya ang lahat. Si Gavin ay mas naging seryoso pa ang pagtingin.
"Alam kong nakausap ka na rin ng Tatay Khian niya pero gusto ko pa rin kitang makausap mamaya ng tayong dalawa lang," ma-awtoridad na sabi ni Papa kay Gavin.
Gavin nodded and smiled a bit. "Sige lang po," sabi nito. "Katulad ng ginawa ko kay Sir Khian Real, balak ko rin naman po kayong kausapin."
My father's eyebrows shot up because of Gavin's overflowing confidence. Hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil alam kong unti-unti na niyang nagugustuhan si Gavin sa ipinapakita nitong lakas ng loob na sumisimbolo ng tunay na p*********i sa kanyang pananaw. Alam kong matagal ng malakas ang loob ni Gavin pero mas lalo lang akong humanga sa kanya ngayon dahil hindi pa rin ito natitinag kahit na halos durugin na siya ng titig ni Papa.
"Maganda kong ganoon..." sabi ni Papa. "Marami tayong dapat pag-usapan."
"Wala pong problema," maagap na sabi ni Gavin.