bc

Poisonous Love (Keanna & Gavin Story)

book_age18+
113
FOLLOW
1.7K
READ
HE
drama
lighthearted
office/work place
disappearance
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Mahal ko siya pero ang manatili sa tabi niya ay nakamamatay. It may not kill me physically, but it was killing me emotionally. What we had in our relationship was a poisonous love. Kaya naman, kumalas ako sa kaniya para patuloy akong mabuhay.

DISCLAIMER:

Names of persons, places, etc. are for fictional use only. Any resemblance in reality is innocently and purely coincidental.

WARNING:

This may contain mature elements not suitable for some audiences. Reader discretion is advised.

TAGALOG - ENGLISH STORY

chap-preview
Free preview
Prologue
Namamanghang pinapanood ko lang siyang nag-di-dribble ng bola palipat-lipat sa kanan at kaliwa gamit ang mga kamay niya. The ball bounce in striking v-formation. I was sure that he had a fast and skill when dribbling the ball, but suddenly, it slowed down as my eyes drifted into his captivating eyes that were filled with fierceness as he starred at his opponent. Hindi ko lubos akalain na ang mukha niyang nakakatakot ay maging guwapo sa aking paningin. His eyes were like a poison that looking at it can be dangerous. Bigla naman akong nagulantang nang bigla siyang gumalaw upang mabilis na makakawala sa kalaban na nakabantay sa kanyang harapan. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi ko na nasundan ang bawat galaw niya. Ang tanging nasundan ko na lang ay pagpasok ng bola sa ring galing sa kanyang mga kamay kasabay ng pagtunog ng buzzer at sigawan ng mga taong nanonood sa gymnasium. Habang nagsisiyahan at nagdidiwang ang ibang mga kamag-aral ko ay nanatili akong nakaupo at prinoproseso ang nangyari. Hindi ko man lang napansin na nakanganga na pala hanggang sa maramdaman kong may nagsara dito. Nilingon ko naman si Jethro na siyang nagpatikom sa aking bibig. Nakasimangot siya sa akin kaya naman ngumiti ako sa kaniya. "Mukha kang tanga." Seryosong sabi niya sa akin. Agad naman akong napasimangot at mabilis siyang inirapan bago inilipat ang tingin sa court kung saan pinagkukumpulan na ang lalaki na siyang nakakuha ng aking buong atensyon. Napahawak ako sa aking dibdib nang biglang naghurumentado ang aking puso nang makitang sumilay ang kanyang ngiti habang tinatapik ng mga ka-team mate ang kanyang balikat. Napangiti ako habang pinapanood siyang nakangiti. Parang gusto ko biglang pasalamatan ang aming PE teacher para sa panonood namin ng championship game. Our institure compete against another institute as a part of our grade, making it mandatory for the whole class. Kung hindi naman kami ni-required na manood ay hindi naman ako mapapadpad dito. May lumapit sa kanila upang ibigay ang championship trophy sa kanya ngunit agad niya naman itong pinasa sa katabing may nakasabit na pito sa leeg. Paniguradong ito ang kanilang coach. Bumulong naman siya sa ibang kasamahan at pati na rin sa kanilang coach bago tumalikod at umalis sa pagkukumpulan. "Alcantara..." bulong ko sa apilyidong nakatatak sa likuran ng jersey kasama ang numerong dalawang dos. May ilang humaharang sa kanya upang batiin sa pagkapanalo ngunit tinatanguan niya lamang ang mga ito at saka ngumingiti. Nakakapanlinlang ang ipinapakita niyang awra kapag nasa gitna siya ng paglalaro. Taliwas sa maaliwalas niyang personalidad na ipinapakita sa mga nakakasalubongna bumabati. "Huwag ka nang umasa. Hindi ka mapapansin niyan..." Muli ko na namang binalingan ng tingin ang panirang si Jethro. Simula noong bata pa lang kami ay napakalaking panira niya na sa buhay. Ngayon na nasa Norte na kami at nasa kolehiyo na ay hindi pa rin siya nagbabago. "Duh. Alam ko," sabi ko na lang saka umismid bago kinuha ang bag na nilapag ko sa aking harapan. "Sobrang yaman at maimpluwensya ang pamilya. Dito sa Norte ang pamilya niya ang isa sa pinakamayaman na angkan." Pagpapatuloy niya. "Alam mo ba ang function building na pinagdausan ng aquaintance party ng department natin ay pagmamay-ari ng daddy niya? Hotels and restaurants ang sa daddy niya. Pagkatapos itong school, at may ibang kompanya pa ang mommy niya?" "Hindi ko alam," simpleng sabi ko at saka tumayo. "Oh, saan ka pupunta?" tanong niya at umambang tatayo na rin nang pinigilan ko siya. "Bibili lang ako ng tubig. Nauuhaw ako. Saka mainit dito sa gym," sabi ko sa kanya. "Naalala ko rin na may kailangan pa akong gawin na assignment sa Accounting. Mauuna na ako." "Sasamahan na kita," pag-prisinta niya. Maagap naman akong umiling. "Huwag na. Diyan ka na lang muna. Ite-text na lang kita mamaya." "Keanna—" "Sige na, Jethro. Akala mo naman bata akong walang muwang sa paligid ko. Saka alam mo namang mas makakapagfocus ako kapag mag-isa ako," sabi ko. Bumuntong hininga siya at saka umayos ng pagkakaupo. "Itext mo ako mamaya kapag pauwi ka na para maihatid kita sa boarding mo." Ngumiti lang naman ako at saka tumango. "Sige. Kita kits mamaya!" I didn't waste any time and immediately went down the bleachers to go out from the gym. Kailangan ko pang pumunta sa kabilang building upang kuhanin sa locker ang libro ko sa Accounting bago ako bumili ng tubig sa cafeteria at dumiretso sa gazeebo para roon gumawa ng assignment dahil bawal ang uminom at kumain sa library. Medyo nahirapan pa ako sa paglabas ng gym dahil sa dami ng taong nanood ng championship game. Hindi ko na alam kung paanong pagsisingit ba ang ginawa ko upang makalabas sa kabila ng mga taong nanggigitgit. I let out a deep breath when I finally escaped the chaotic realm. Ibang klase ang naramdaman kong ginhawa nang makahinga ng maluwag. Inayos ko naman ang buhok kong paniguradong nagulo sa pagsingit nang may nagtatakbuhang kababaihan na naghaharutan ang nakabunggo sa akin. Nalaglag ang aking bag sa lapag at napadaing ako sa gulat at sakit ngunit parang wala silang nabunggo. Nagpatuloy lamang sila sa paghaharutan. "Wow! Won't you two even say sorry to her?" Ang dalawang babae na nakabangga sa akin ay biglang napatigil at lumingon paharap. Parehong silang gulat at nag-panic, nang mapag-sino ang nagsalita. Nilingon ko naman ang lalaking nagsalita at muntik na akong mapaatras dahil sa sobrang lapit niya sa akin. Konting-konti na lang ay bubunggo na ako sa kanyang matipunong pangangatawan. Dahan-dahan ang ginawang kong pagtingala sa lalaki para makita ang hitsura niya at gano'n na lang ang reaksyon kong hindi napigilan ang pag-awang ng aking mga labi. Alcantara! "Uh...Sorry, Gavin!" Dinig kong nag-aalangang sabi ng isa sa mga babae. Nakita kong umigting ang panga niya bago siya bumuntong -hininga. "Not to me," he said. "But to her..." Halos pigilan ko ang aking paghinga ng sinulyapan niya ako ng tingin. Napalunok na lamang ako saka yumuko. "Uh...Ano...We're sorry..." paghingi nila ng tawad sa akin kaya naman nilingon ko sila. Alam kong labag sa kalooban nila ang paghingi ng sorry pero ayos lang, maimam na kaysa wala silang kahit anong sinabi. Nginitian ko sila. "Okay lang." Nagkukumahog naman sila paalis nang makapagsalita na ako. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi bago yumuko upang damputin ang aking bag nang maunahan ako ni Alcantara. Napatigil ako sa pagkilos at pinanood lamang siya na kuhanin iyon para sa akin. Pinagpag niya pa ang aking bag bago siya humarap sa akin ng maayos upang iabot ang aking bag. "Are you okay?" He asked me as his concerned eyes laid on me. Maagap naman akong tumango at saka kinuha sa kanya ang aking bag. "S-salamat." Nauutal kong pagpapasalamat. Umaangat ang mga kilay niya nang magpasalamat ako sa kanya. Pilit akong naghahagilap ng salita na puwedeng gamitin upang maayos kong mailarawan ang kanyang hitsura ngunit wala akong mahanap na tamang salita upang magamit. Words like handsome or gorgeous were an understatement. Marami na akong nakitang gwapong mukha sa hometown ko, sa Cagayan Valley. Kahit ang mga kaibigan ko ay gwapo din ang mga iyon. Sina Danzel, Jethro at pati na rin ang mga pinsang lalaki ng kaibigan kong si Lyanne ay biniyayaan ng magandang hitsura, pero walang katulad itong lalaking kaharap ko. Masyado siyang pinagpala. "Gavin, congrats!" Nahatak naman akong muli sa riyalidad nang may lumapit sa kanya at nakipag-pair. "Thank you!" He smiled. "May victory party daw mamaya." Tanong ng kaibigan niya. Tumango naman siya. "Cockhouse Bar." "You'll be there, right?" His friend asked. I slowly pulled myself away from them as they were already having a conversation. May kailangan pa rin kasi akong kailangang gawin. "Uh...Not sure..." I saw him took a glance at me when I step back, and another step back. "Come on, Gavin! You should be there. You're the team's ace," sabi ng kaibigan. "I'll think of it." he said.."We might have a family dinner later." Tumalikod naman na ako upang sa ibang daan na lang dumaan para makaalis na at hindi ko na sila maisturbo sa pag-uusap nilang dalawa. "Hmm... Kobe, I need to go first." Dinig kong paalam niya sa kaibigan. "Uh...Okay. I'm really hoping to see you tonight, Gavin." Napanguso naman ako nang marinig ng klaro ang kanyang pangalan. Siya si Gavin. Gavin Alcantara. I smiled. I'll probably stalk him tonight for sure. "Keanna Amelie?" Napatigil naman ako sa paghakbang. Tinagilid ko ang aking ulo dahil baka nagkamali lang ako ng pagkakadinig na mayroong tumatawag sa akin. Sandaling tumahimik ang paligid at napatango na lang ako sa aking sarili. Iniisip ko lang siguro na may tumatawag sa akin. Akmang hahakbang na sana ako para umalis nang biglang may humawak sa aking palapulsuhan upang mapigilan ako. I was struck when Gavin made me turn to him while holding my wrist. Sobrang init ng kanyang kamay na kayang-kayang balutin ang aking pulsuhan. Napaawang ang aking labi sa sobrang pagkabigla. Pakiramdam ko'y sasabog na ang puso ko sa paghaharumentado nito. "Keanna Amelie, right?" paninigurado niya bago sumulyap sa aking ID na suot. "Nabasa ko sa ID mo ang pangalan mo." Tinikom ko naman ang aking bibig at saka nahihiyang nguumiti. "Uh. Bakit po?" Bahagyang napukunot ang kanyang noo. "I believe that we're just on the same age," sabi niya bago inabot ang keychain na mukhang natanggal sa aking bag. "No need to say 'po'. I'm Gavin Bryce or just Gavin by the way." Mas lalo naman akong napangiti kahit na punong-puno rin ng hiya ang aking pakiramdam habang inaabot ang keychain. "Salamat ulit, Gavin." Pasasalamat ko. He smiled at me before nodding. "Take care." Tumango-tango naman ako saka mabilis nang tumalikod para makaalis upang hindi niya makita kong gaano ako kinikilig dahil sa simpleng iteraksyon naming dalawa. That was how it all started. A simple iterraction that made my heart fluttered so bad; that made it fly like how the butterflies in my stomach did. I thought that I was already fine with just spending my time with him. I thought that when I'm with him, no more insecurity can overlap the happiness and contentment that I was feeling. I thought I can cope up with how fast the world revolves around him. Pero iyon lang pala ang akala ko. "You don't have to worry about anything," he whispered snd smiled at me before he tucked the loose strands of my hair behind my ear. "You have me." He never failed to assure me that I own him. He told me that I didn't have to worry or be afaid of anything because he was mine. He promised to give me his world because I was the reason why it kept on spinning and revolving. He loved me more than anyone else had made me feel loved. It was what I wanted, but I also didn't want to dwell too much on him. I didn't want to be dependent. I didn't want his world because it was his and it would be too much for me to handle. Sobrang hirap sumakay sa takbo ng buhay niya. Kahit paghirapan ko ang makasunod at makasabay sa pagyapak niya ay naiiwan pa rin ako. Iyon na siguro ang sinasabi ng mga tao sa paligid namin na masyado kong pinagpipilitan ang aking sarili sa kanya kahit na kitang-kita namang hindi kami para sa isa't-isa. Natuto lang akong magbulag-bulagan dahil mahal ko siya. Someone like me can never have his world. I might be able to touch it, but I can never hold it. Moreover, keep it I let my eyed wander around the biggest function hall in a hotel owned by his father. Reputable guests were clapping their hands as the man that I love stood in front of them with his father. I turned to looked at his mother just beside me, clapping her hands as well, while staring proudly at her son with a heartwarming smile on her face. Nang napansin niya ang aking pagtitig sa kanya ay ngumiti siya sa akin. Mas lumapit siya at hinawakan ako sa aking braso bago muling lumingon sa harapan kung nasaan ang kanyang mag-ama. My heart breaking as I think of what I was about to do. His family was so good to me. Just like my second family. If only everyone was like them. It wouldn't be so hard for me. "My son will finally graduate less than a month and join Qantara Corporation as the CEO in training to take my place in the company that was started by my great grandfather," Bryson Alcantara, his dad said. "He will be the one to continue the legacy of Alcantara. Now here's my son for a short speech. Ladies and gentleman, Gavin Bryce Alcantara." Tito Bryson gave the microphone to Gavin who wasn't even faltered by a hundred of guests looking at him. His confidence was unimaginable. It was one of the things that made me fall in love with him. "Good evening, everyone." His low voice enveloped the whole function hall. He turned to where I was and a smile appeared on his face. I felt his mother's grip on me get tight for a few seconds when her son smiled at me. "Ever since I was a child, dad already envision myself as a leader when I grow up," he started his speech. "At first, I thought that I wasn't fit enough to be the heir of Qantara. The only thing that I'm good at was playing ball. But when I entered college, I started to view myself as someone who will become my father someday. A great leader, a loyal husband, and a good father. In the eyes of my Mom, he was completely perfect. I also wanted to be viewed by the woman I love as someone like him..." He, then, turned to look at me again. "That's why I'll do my best to become a great leader of Qantara. And also, a loyal husband and a good father to my future wife and children." Napakagat ako sa aking labi at nag-iwas ng tingin sa kanya habang binibigkas niya ang mga salitang 'yon. His eyes remained staring at mine like his words were really meant for me. You are perfect, Gavin. Loving me was your only flaw. I bowed my head down as I felt tears were starting to form inside my eyes. Napaangat na lamang ako muli ng tingin ng marinig ko ang pagbati nila kay Gavin na mukhang papalapit na sa kinaroroonan namin ng kanyang ina at kapatid. "I'm so proud of you, son." Binitawan ako ni Tita Gaile upang daluhan ang anak at yakapin. "Hindi ko akalain na ang makulit kong anak noon ay magiging ganito karesponsable ngayon," Naiiyak na sabi ni Tita. "Mom..." Gavin smiled at his Mother and kissed her head. He also kissed his older sister who congratulated him before he turned to me. Lumawak ang kanyang ngiti habang papalapit sa akin at sinalubong ako ng mahigpit na yakap. "Thank you for being here with me." He whispered, thanking me for my presence. "I love you, Keanna. So much. I'm gonna marry you after graduation. As I will be your husband while you will continue to pursue your dream to become a future Lawyer someday. I swear to God. Ikaw ang babaeng ihaharap ko sa Kanya." Pinikit ko ang aking mga mata habang inaalala ang gabi kung kailang pinakanaramdaman ko ang pagmamahal niya para sa akin. Walang pahintulot na rumagasa ang luha sa aking pisngi. Tuloy-tuloy at parang walang balak na magpapigil. Mahal ko siya pero ang manatili sa tabi niya ay nakamamatay. It may not kill me physically, but it was killing me emotionally. What we had in our relationship was a poisonous love. Kaya naman, kumalas ako sa kaniya para patuloy akong mabuhay.

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook