Chapter 15

2887 Words
"Ate, saan mo ba ako ipapasyal ngayon?" tanong sa akin ng aking kapatid. "Ayaw ko na sa pinagdalhan mo sa amin noon, Ate. Gusto ko ay sa iba naman." Napairap ako dahil sa kaartehan ng aking bunsong kapatid. Kung hindi ko lang siya mahal at mas bata sa akin ay baka nasapak ko na talaga siya. Kailangan kong pigilan ang sarili ko dahil ako ang mas nakakatanda sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi pa tapos mag-usap sina Papa at Gavin kaya ako ngayon ang napiling kulitin ng kapatid patungkol sa gala namin bukas. Ang totoo niyan ay hindi ako makapagdesisyon noong isang araw. Si Gavin ang nag-isip kung saan ko sila dadalhin ng hindi masyadong magastos. "Hindi naman tayo mamamasyal. Magpapahinga muna tayo ngayon tapos bukas tayo ng tanghali tutulak papuntang Pagudpod," sagot ko sa kanya. "Pagudpod?" Tinagilid niya ang kanyang ulo habang kuryusong nakatingin sa akin. "Malayo ba iyan dito sa Laoag o baka katabi lang?" "You can say that. Dalawang oras rin ang byahe kung hindi traffic," nakangiti kong sabi sa kanya dahil nararamdaman ko ang kanyang excitement. "Anong gagawin natin doon, Ate?" tanong niya. "May iba bang pasyalan doon? Hindi katulad ng huli ng nag-sight seeing lang tayo sa mga museum?" Nagyong naisip ko kung ano ba ang mga tanawin sa doon, baka madismaya lamang ang aking kapatid. Alam kong maraming tourist spots doon base sa aking mga naririnig pero hindi ko pa naman napuntahan. Hindi naman kasi pamamasyal at gala ang sadya ko kung bakit nandito ako sa lugar na ito. Tsaka lumuwas sila rito dahil sawang-sawa na siya sa mga galaan at tanawin doon sa Cagayan Valley pero dadalhin ko siya sa Pagudpod kung saan ganion din? But at least, it's a different place, right? He'll have a different sea other than one in Cagayan Valley. "May rest house doon ang Kuya Gavin mo at doon tayo mag-oovernight," sabi ko sa kanya. "Mayroong beach sa likod ng kanilang rest house at maraming pwedeng gawin. Nasabi niya rin sa akin na mayroong half-court doon. You two can play basketball, swim in the sea or do other water activities." Nagningning ang mga mata ng aking kapatid sa aking sagot. Marinig niya pa lang ang salitang basketball ay agad nang nag-iba ang kanyang disposisyon. "Ibig sabihin ay sasama si Kuya Gavin?" paninigurado niya. I smiled and nodded. He celebrated as couldn't hide his excitement. Hindi ko alam kung dapat ba akong mag-alala dahil mukhang agad nang na-aatach ang aking kapatid kay Gavin pero masaya ako dahil gusto siya ng bunso kong kapatid. My brother wasn't good in socializing with my friends. Kahit si Jethro ay hindi naman malapit sa kanya kahit madalas ito sa bahay namin noon. I guessed Gavin was an exception because he's good in playing basketball. While he's in the middle of celebrating, my phone rang because of an unexpected call from Jethro. Napasinghap ako at saka lumingon sa labas kung saang nag-uusap pa rin sina Papa at Gavin. I excused myself from my brother and went inside my room before I answered the call of my friend. "Hello, Jethro?" pagsagot ko ng ganyang tawag gamit ang isang mahinang boses. I felt like criminal trying to hide something. Now that my whole family knows Gavin, I know it would be hard to keep it from Jethro. Paniguradong magku-kwento si Mama sa kanyang kumare. However, I can't still convince myself to tell Jethro about it. Maybe once he's back, that's the time I'll collect my thoughts and encourage myself to finally tell my beloved friend about Gavin. Hopefully, he would find it in his heart to accept the only man who managed to make my heart beats this fast as a part of us no matter when he's out of our league. Alam kong kung si Danzel ang tatanungin ay wala siyang magiging problema. Si Erin naman ay alam na ang tungkol kay Gavin dahil sa kanya ako naglalabas ang aking saloobin. At si Nathen... alam kong hindi kami nakakapag-usap na pero alam ko namang suportado niya ako sa kung ano mang magiging desisyon ko. Ang tanging mahihirapan lang akong sabihin ay si Jethro. "Lumuwas pala riyan sa Norte sina Tito?" pambungad niyang tanong sa akin. "Kakasabi lang ni Mama sa akin." "Ah, oo nga! Tatlong araw lang sila rito dahil si Kairo lang ang naisama nila," sabi ko na lang. "Napatawag ka pala?" "Wala lang..." tahimik niyang sabi at naririnig ko ang alon mula sa dagat pati na rin ang pag- ihip ng hangin. Paniguradong nasa dalampasigan siya ngayon. I suddenly miss the beautiful Cagayan Valley. I miss the ses water on my skin and the fine white sands where I used to lay down. I miss the moments when I always watch the sun rises or sets, or even stargazing during the night. Maybe by going to Pagudpod I would be able to feel the beauty of my hometown again. The excitement inside me is getting stronger while thinking of the things that I wanted to do once we arrived there tomorrow. "Nanghihinayang lang din ako na wala ako riyan ngayon. Hindi ko tuloy kayo masasamahan mamasyal," dagdag niya. "Baka bukas o makalawa pa ang uwi ko. Ayaw pa kasi akong pabalikin diyan agad ni Mama." "Ano ka ba?! Okay lang 'yon, Jethro," natatawa kong sabi sa kanya. "You should just cherish every moment you have with your family, especially with your father." "I know..." sabi niya. "Kaya nga nanatili ako rito kahit na ang totoong plano ay uuwi na ako pagkatapos ng Pasko." "You sound so gloomy, Jethro. Cheer up! Hindi magandang malungkot na sasalubungin ang bagong taon. Baka buong taon ka malungkot niyan," pabirong pananakot ko sa kanya. "Okay... Just promise me that once that I get back, we will eat dinner outside. It will be my Christmas gift to you," he said. "Walang problema, Jethro. Iyon lang naman pala," pagpayag ko. I could use that moment to tell him what's going on between me and Gavin. I should also prepare a gift as a peace offering for not telling him about it sooner. "Ibababa ko na ang tawag. Tutulungan ko pa si Mama sa pagluluto ng mga handa mamayang bagong taon," paalam niya sa akin nang makuha na ang sagot na hinahanap niya sa akin. "Sure! Tutulungan ko rin si Mama," sabi ko. "See you soonest, Jethro. Bye!" Nauna na ako sa pagbaba ng aming tawag. Pagkalabas ko ng kuwarto ay sakto kong nakita na papasok sina Papa at Gavin sa loob ng apartment. Nanlaki ang aking mga mata nang makitang nakaakbay pa si Papa sa kanya at tumatawa. I was suddenly curious of what they talked about. Bakit agad niyang nakuha ang loob ni Papa sa loob ng ilang minuto? "Oh, Keanna! Humahalakhak si Papa nang mahagip ako ng kanyang tingin. "Mauuna na raw itong si Gavin dahil nakauwi na raw ang kanyang mga magulang sa kanila." Hindi pa ako nakakapagsalita ay lumapit na ang sipsip kong kapatid kay Gavin. Mukhang malungkot ito dahil aalis na si Gavin. "Uuwi ka na, Kuya Gavin?" malungkot ang tinig nito. Gavin chuckled and ruffled my brother's hait that I couldn't even do. "I need to go home and be with my family," he told my brother. "I'm going to come back tomorrow anyway. I'll bring my ball with me." Agad na nagdiwang ang aking kapatid sa kanyang sinabi. Si Papa naman ay tinapik ang kanyang balikat habang nakangisi. "Anong oras nga ba tayo luluwas patungong Pagudpod bukas?" tanong ni Papa sa kanya at naliit ang aking mga mata sa palakaibigang tono ni Papa. "Mga tanghali po siguro ay nandito na ako," sagot naman ni Gavin. Tumango si Papa. "Oh, sige't mag-iingat ka pauwi," sabi niya kay Gavin bago ako nilingon. "Keanna, ihatid mo itong si Gavin sa labas." Sinamahan ko muna si Gavin sa kusina kung saan naghuhugas ng pinggan si Mama upang magpaalam na uuwi na siya. My mother even hugged him before she let him go. Habang papalabas kami ni Gavin ay tinitimbang ko ang kasiyahan na kitang-kita sa kanyang mukha. His smile was from ear to ear. I could say that he was even glowing with happiness. "Anong pinag-usapan ninyo ni Papa?" Hindi ko na napigilan ang sarili sa pagtatanong sa kanya. "Mukhang nagkakamabutihan na rin kayong dalawa, ah?" Pinatunog ni Gavin ang kanyang sasakyan bago ako nilingon. The smile in his face wouldn't just go away. Talagang halatang-halata sa kanya na ang saya-saya niya. "Just trivial things..." he answered and poked the tip of my nose lightly. "Not that important for you to know." Napakunot ang aking noo sa kanyang pagiging malihim. "Ang daya mo, ah. Ganyan din sagot mo sa akin nang si Tatay ang nakipag-usap sa'yo. Hindi mo talaga sasabihin sa akin ngayong pangalawang beses kitang tinatanong?" He let out a manly chuckle before he bit his lower lip and shook his head. "Nope. It's restrictly for your fathers and I only." I just rolled my eyes at him that made him laugh more. I was frozen when he suddenly held the back of my head in order to plant a soft kiss on my forehead. "Thank you for giving me this oppurtunity to meet your real family," he said with a soft voice. "Meeting the two family of yours who loves you so much was a pleasure and overwhelmed me. You don't know how much it means to me." Bahagya siyang lumayo sa akin at saka ako tinitigan gamit ang kanyang mga matang punong-puno ng kasiyahan. He gently tucked hair in the back of my ear and smiled once again. "See you tomorrow," he said. Napangiti na ako at tumango. "Mag-iingat ka pag-uwi." "I will, para sa'yo." he assured me and went inside his extravagant car. Umatras ako ng kaunti upang hindi ako maging sagabal sa pag-alis ng kanyang sasakyan. The engine slowly roared to life and I just stared at him through the car's window even if it was tinted and I couldn't see him clearly. Bumusina siya ng isang beses bago pinatakbo ang sasakyan paalis. After Gavin's left, we became busy, preparing for New Year's Eve. We went outside to buy groceries even different kinds of firecrackers. Tinulungan ko si Mama sa pagluluto ng mga putahe habang sina Papa naman ay nilinis muli ang apartment at inayos ang mga prutas na binili. Whenever they're here, a part of me still feel complete. It feels like I'm back home in Cagayan Valley. Kung ano anf nakagawin naming gawin doon ay ginagawa rin namin dito tuwing lumuluwas sila upang makasama ako. Gavin texted me that they were also busy preparing. Nasabi niya sa akin na buong pamilya silang nagdi-diwang ng bagong taon. Lagi nilang kasama ang kanyang mga pinsan at tito't tita. Ngayong taon ay sila ang magho-host ng New Year's Eve party ng kanilang pamilya. I just realized how family oriented they were. Minsan din ay nagkakaroon sila ng mga family dinner para lamang magkasama-sama sila. Naalala ko tuloy ang mga napapanood ko sa mga teleserye noon na kapag sobrang yayaman ng pamilya ay wala ng oras para sa isa't-isa. Ang pamilya nila Gavin ay ang bumali sa pananaw kong 'yon. Sa totoo nga lang ay mas mahirap pang hagilapin ang mga kamag-anak ko lalo na't magkakalayo kami kaya mas lalo akong humahanga sa kanilang pamilya. I guess that's the secret of their family's success. Their bond with each other was so strong. "Ate, sindihan mo na bilis!" pangungulit ng aking kapatid habang hawak-hawak niya ang lusis at hinahatak ako palabas ng apartment. Ilang minuto na lang at magbabagong taon na. Mas dumadami na ang nagpapaputok kumpara kanina. Marami ng ring tao sa labas na nagpapaputok din at ang iba naman ay nononood lang. "Sandali lang," sabi ko sa kanya na ngayon ay pinapanood ako habang inilalabas ang lighter. "Ilayo mo ng bahagya sa'yo dahil baka mapaso ka." Sinunod niya ang aking sinabi. Napangiti ako dahil kapag kailangan niya talaga ay napakabilis niyang mapasunod. Para siyang tuta na susunod sa lahat ng gusto kong mangyari. Sinindihan ko naman na ang kanyang palalusis at agad siyang naglaro gamit ito. Kunwari ay nagsusulat siya ng kung anu-ano sa ere. The smile on my brother's face was priceless. I couldn't help but to also notice how good looking he was. Mukhang marami-rami itong mapapaiyak na babae paglaki. Sa gitna ng putukan ay narinig kong tumunog ang aking cellphone. A wide smile spread my lips when I saw two messages came from Nanay and Tatay greeted me with the same text content, 'Happy New Year, sweetie'. I replied and greeted them back as I also told them to give my hugs and kisses to my Real siblings. After sending those messages, I gasped when it rang in a call tone and saw that it was Gavin inviting me for a video call. Mabilis akong pumasok ng bahay at nagulat pa si Papa sa aking pagmamadali papasok habang siya'y palabas at dala-dala ang mga binili niyang papupot at pailaw kanina. I quickly checked my face on the mirror and combed my hait using my fingers before accepting his invite for a video call. Nang bumungad sa akin ang kanyang nakangiting mukha ay pakiramdam ko, bagong taon na kahit iilang minuto pa ang natitira. Dumako ang aking mga mata sa kanyang damit. Napangiti nang makitang magkaparehas kaming naka-pulang damit. Grabe! Hindi ako makapaniwala na pati kulay ng aming mga damit ay napupuna ko na. "Hey," bati niya sa akin habang nakikita kong naglalakad siya sa loob ng kanilang bahay. "Napatawag ka?" tanong ko sa kanya at hindi ko man lang mapigilan ang aking pagngiti. "I just want to celebrate New Year with you," he answered. Kita ko sa camera na wala na siya sa loob ng bahay at nakarinig ako ng boses ng mga taong nag-uusap at nagtatawanan. Bago pa ako makapagsalita ulit ay nagulat ako nang biglang may sumilip na napakagandang babae sa camera. Natawa si Gavin at nadinig kong iniinis siya no'ng babae. "Sorry..." he apologized while he's still laughing. "That's my cousin, Ate Janine." Napatango-tango na lamang ako. Hindi mawala sa isipan ko ang hitsura ng kanyang pinsang babae. I suddenly wondered if they're all good looking. Mukhang pati sa pagkakaroon ng magandang lahi ay nabiyayaan ang kanilang pamilya. "Lucas, come on! Check it!" dinig ko ulit ang pamilya na boses ng babae na kaninang sumilip. "You're so loud, Janine. It's annoying." I heard a guy said fluently in English with a pleasant accent. Muling natawa si Gavin at hindi kalaunan ay mayroong sumilip na iritadong lalaki sa camera. Nang makita ko ang hitsura ng lalaki ay nasisigurado ko na talagang nabiyayaan sila ng magandang lahi. Even when the guy looked so cold and irritated, he's still handsome. "Ano 'yan?" sumingit din ang isa pang babae. Bahagyang inilayo ni Gavin ang camers sa kanya upang mas makita ko ang babaeng kakasilip lamang. I saw the cold guy turned warm and soft as he looked at the girl who just looked and smiled at me. "Hello!" Maligaya niyang sabi sa akin. Nahihiya naman akong kumaway sa kanya at ngumiti. "I'm Hera! Girlfriend ka ba ni Gavin?" diretsahan niyang tanong sa akin. Nagulat ako sa kanyang tanong. Ang kaninang iritadong lalaki ay natawa saka inakbayan ang babaeng nagpakilala sa akin. Hinalikan niya pa ang gilid ng ulo nito. "Let's give them privacy," I heard him say before they went away. Napapikit si Gavin at hinilot ang kanyang sintido ngunit hindi naman mawala-wala ang ngiti sa kanyang labi habang ako ay parang na-culture shock pa rin sa nangyari. "Pasensya ka na," paghingi niya ulit ng paumanhin. "That's also my cousin, Kuya Lucas and his wife, Ate Hera. Talagang ganoon lang sila." "Mukhang masayang kasama ang nga pinsan mo, ah," sabi ko naman sa kanya. He smiled and nodded. "You'll meet them soon, but I need to get you fully prepared. They're very wild and talkative. Well, except for Kuya Lucas. Only Ate Hera can make him join ghe fun," he said before he glanced as his wrist watch. "Only one minute left." Pagkatapos niyang magsalita ay pumasok ng bahay si Kairo habang tumatalon-talon. Si naman ay lumabas na mula sa kusina dala ang plastik ng nga baryang ikakalat habang nakikipag-video call din sa mga iba ko pang kapatid na naiwan sa Cagayan Valley at si Papa ay nanatili sa labas para sa kanyang paputok. I can hear Gavin's family counting down after a few seconds, but he reamined staring and smiling at me. Hindi ko na rin magawang ailis ang aking tingin sa kanya. "Three... two... one..." he counted, too. In that moment, it felt the world had just exploded due to the loud noises from fireworks, horn of vehicles, cheers of people and hornpipes, but Gavin and I remained at peace while staring at each other. Sa gitna ng maingay na mundo ay binalot kami ng katahimikan. "Happy New Year, Keanna," he greeted me with a sweet voice. "Thank you for being a part of my previous year and starting this year with me. I hope I can spend the whole year with you." I smiled while hearing my heart beat went louder than the blasting fireworks. I have high hopes for this new year. And just like him, I also hope that I can spend the whole year with him. "Happy New Year..." I greeted back.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD