Chapter 11

2528 Words
Our professor for my second subject today did not attend once again. Pakiramdam ko ay tinatapos niya muna ang adjustment period bago tuluyang pumasok sa aming klase gaya ng kadalasang ginagawa ng mga professor dito sa aming unibersidad. Nevertheless, I remained sitting inside the room while most of my classmates for this subject already went out for a free-break. Apat lang kaming nandito sa loob ng room. Ang dalawa'y natutulog at ang isa nama'y nagbabasa ng libro habang nakatitig lamang ako sa aking cellphone at hinihintay ang text o tawag sa akin ni Gavin. I didn't know how I managed to just stare blankly at my phone without getting bored or sleepy. The truth was my system couldn't calm down itself, especially my heart which was beating rapidly. Nagulat naman ako nang biglang tumunog at umilaw ang aking cellphone para sa pumasok na mensahe. Hindi ko napigilan ang mangigil nang makita ko kung ano laman ang mensahe ang natanggap ko. It was a promotional message from my carrier informing that they have new load promos which I don't really care about. Agad ding naglaho ang inis sa aking pakiramdam nang may sunod na mensaheng pumasok galing sa taong pinakahihintay ko. I couldn't help but to smile widely just by reading his name registered on my phone. I immediately unlocked my phone and read his message. From: Gavin Hey! This is Gavin in case you didn't save my number earlier. Tapos na ba ang klase ninyo? I'll wait for you sa lobby ng building natin. Mabilis kong isinukbit ang aking bag at walang pag-aalinlangang lumabas ng classroom. Hindi na ako nag-elevator dahil sa sixth floor pa ito. Naghagdanan na lang ako pababa dahil atat na atat na ako. Nang nakarating na ako sa pinaka-unang palapag ay binagalan ko ang aking pagkilos at ginawang normal lang ang bilis. Nakakahiya naman kung makita niyang nagmamadali ako. Gavin already caught my attention the moment I reached the lobby. That's how outstanding he is. Agad na agad mo siyang mapapansin kahit wala siyang ginagawa at nakatayo lamang. I smiled when I saw him staring at his phone. I didn't want to assume but he must be waiting for my reply, right? Hindi na ako nakapagreply sa kanya dahil nagmadali na ako kaagad pababa rito nang mabasa ko ang kanyang mensahe. Habang papalapit ako, nakita kong kinagat niya ang kanyang labi at saka inangat ang tingin mula sa cellphone kasabay nang paghinga niya ng malalim. Tinapik niya ito ng paulit-ulit sa kanyang kamay at tila para bang naiinip sa paghihintay. "Gavin." maliit ang aking boses nang tawagin ko siya. I could see that he was slightly shocked when I called him. Agad siyang lumingon sa akin at unti-unting sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi bago lumapit sa aking upang mabura ang distansya sa pagitan naming dalawa. "Done with class?" he asked. Tipid akong ngumiti. "Hindi pumasok ang prof namin." His lips slightly parted. "You should've text me," he said. "Hindi rin pumasok ang prof namin. I was waiting for you. Akala ko may klase kayo kaya hinintay kong lumipas muna ang isang oras bago ako magtext." "Kung ganoon, dapat tinext mo rin ako," sabi ko rin sa kanya at huli ko nang naisip na parang hindi magandang pakinggan iyon. I sounded kinda authoritative. He bit his lower lip and I could see the amusement in his eyes. "I thought you're in class. I didn't want to disturb you or anything." I pursed my lips and nodded lightly. He smile got wider before he stepped aside. "Let's go," pag-aya niya. I nodded more enthusiastically and started walking. Agad niya akong sinabayan sa paglakad. Kitang-kita ko ang paglingon ng iilang estudyante sa amin. Maybe they're wondering who's the girl with the prince. Bahagya akong yumuko at humakbang ng kaunti papalayo sa tabi ni Gavin upang hindi ako masyadong mapagtuunan ng pansin. Mukhang napansin agad iyon ni Gavin. Nakita ko sa gilid ng aking mga mata na nilingon niya ako at mukhang tinitimbag ang aking pagkilos. "Is there something wrong?" malambing niyang tanong sa akin. Gulat akong napalingon sa kanya. Gusto kong sabihin na wala lang pero alam kong hindi naman siya maniniwala. I also didn't want to lie to him. I didn't want to see me as a liar. "Naiilang ako sa mga nakatingin," mahina kong sabi. Para bang hindi niya napapansin ang mga kanina pang nakatingin sa amin nang mag-angat siya ng tingin at sinuyod ang paligid. I don't know if he's just really oblivious with the people around him, watching his every move or he just doesn't really care about them. "Siguro ay kilalang-kilala ka nila kaya pinagtitinginan tayo," dagdag ko pa. Binalik niya ang kanyang tingin sa akin at kita ko ang pag-aalala sa kanyang hitsura. "I'm sorry about that..." paghingi niya ng tawad. "Kung gusto mo ay sa labas na lang tayo kumain para hindi ka mailang sa mga maaaring tumingin." Maagap naman akong umiling. "Nako! Hindi na! Nakakahiya. Ayos lang naman sa akin na rito na lang sa campus kumain. Baka mapamahal pa tayo sa labas." "It's fine with me," he argue. "I'm gonna treat you anyway." Muli akong umiling. "Huwag na talaga, Gavin. Nakakahiya. Saka may pera naman ako," sabi ko. "Nagtrabaho ako noong bakasyon kaya may naipon ako." I saw a faint expression of shock on his face. "You worked during vacation?" Bahagya akong natigilan sa kanyang paninigurado sa akin. Right... He's extremely rich so it must not cross his mind that some students work part-time during vacation or even in the middle of studying juay so they can have an allowance or money to pay their fees. "Oo..." nag aalangan kong sagot kanya ag medyo nahiya dahil muli kong naramdaman ang agwat naming dalawa. "That's amazing!" he exclaimed while wearing a proud smile that made my heart feel so warm. "I also worked during vacation." Ngayon ay ako naman ang namangha. "Talaga?" Tumango siya at saka nagpatuloy sa paglalakad na agad kong sinundan. "Gusto kong malaman kung paano tumatakbo ang mga trabaho sa aming kompanya. Simula noong nagcollege, tuwing bakasyon ay nagta-trabaho ako sa kompanya namin," paliwanag niya. "Though, I'm not working there as their future CEO or whatever. My father asked them to treat me as someone who's having an OJT in different departments because that's what I also want to happen. I enjoyed it a lot. Marami akong natututunan. Iba pa rin kapag ginawa mo na kaysa pinag-aralan mo lang sa eskuwelahan. Just simply studying is not enough. You need to apply what you've learned. You jeed to experience it. That way, you will understand more the things you learned." I smiled while staring at his eyes burning with passion as he talked about one of his principles in life. Pakiramdam ko ay mas lalo akong nahulog sa kanya. Hindi ko inakala na ang taong katulad niya na kayang makuha ang lahat ng inaasam sa buhay ay may ganitong klase ng prinsipyo. Condemn me for stereotyping, but that's how I see it. Ganoon kasi ang karamihan. "When I read your case study about our company..." he suddenly said. "I'm so thrilled and happy to know that someone outside our company shares the same vision of what my great grandparents had established when they built Qantara. It's..." he trailed off and bit his lower lip before smiling. "It's overwhelming to know how passionate you are that you're very interested about our company. I felt it while reading your case study. The significance of your study hit me hard. I like it so much." Hindi ko alam na mas may malalim pa pala itong nararamdaman ko sa kanya. I never expected that someone would be able to see the importance of my study the way I wanted people to understand it. Dito pa lang ay makikita mo nang mahalaga sa kanya ang pag-aaral at trabaho. Huminto siya sa paglalakad sa tapat ng isang magarang itim na sasakyan. Pinatunog niya ito at saka binuksan ang passenger seat para sa akin. "I can sense that you want to be an independent woman, but please, let me treat you for lunch, okay?" malambing niyang sabi sa akin. Para akong napasailalim sa kanyang mahika. Hindi ko maigawang ipaglaban ang gusto kong mangyari at walang pag-aalinlangan akong ngumiti at tumango sa kanya bilang pagpayag. "Do you have any specific restaurant where you want to eat?" Gavin asked me while driving out of the campus. "Any cravings?" I pursed my lips while thinking where to eat. Madalas kapag tinatanong ako ng mga kaibigan ko kung saan ko gustong kumain, sinasabi ko lang ay kahit saan. Ngayon, mukhang kailangan ko talagang mag-isip lalo na't ililibre niya ako. "Kahit sa mga fast food restaurant lang. Hindi rin ako pwedeng magtagal dahil may klase pa ako," sagot ko sa kanya. Mukha naman siyang natauhan nang sinabi kong mayroon pang natitirang klase pagkatapos ng break. "Oh, yeah, right... I almost forgot about that," he said and let out a manly chuckle. Tahimik akong natawa sa kayang reaksyon. How could he also be so cute? "I like the sound of your laugh," he said out of the blue. Nilingon ko siyang ulit. May suot siyang ngiti sa kanyang labi habang diretso ang kanyang tingin sa daanan ngunit nakuha niyang sumulyap sa akin nang mapansin siguro ang aking pagtingin sa kanya. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin. He cleared his throat and sat properly on the driver's seat. Dalawang kamay na rin ang pinanghawak niya sa manibela. "Nevermind that," bulong niya. Mariin kong kinagat ang aking labi upang pigilan ang sarili ba matawa sa kanya. Pinagmasdan ko na lang ang kapaligiran na aming nadadaanan sa bintana sa aking gawi. Gavin parked the car in a Korean fast food restaurant just a few blocks away from the campus. Puwede namang lakarin pero nakakapagod nga lang dahil nasa kabilang gawi pa ang aming building. Nakakain na ako rito noon at nasarapan ako sa chicken nila. Iyon nga lang ay ang balat lang ang may lasa. Pero masarap pa rin naman! "Sure kang okay na sa'yo 'yan? You can order more," sabi sa akin ni Gavin nang naiserve na ang aming pagkain ilang minuto lang ang nakalipas pagkatapos niyang mag-order. "How about desserts? Gusto mong subukan ang bingsu nila?" Maagap akong umiling at nguniti. "Ayos na sa akin 'to." He just nodded and mirrored my smile. "Let's eat." Noong una ay confident pa akong kumain pero nang maisip kong kaharap ko na nga lang pala siya ay agad akong nakaramdam ng hiya. I was suddenly conscious of my actions. Hindi ko alam kung paano ba ako natural na kumain. Ultimo paghawak ng kutsara't tinidor ay pinag-iisipan ko nang mabuti kung paano gagawin. I knew that I should just be myself, but I couldn't help it. Ramdam ko rin ang pagsulyap-sulyap niya sa akin kaya mas lalong hindi ko maalis sa isipan ko na kaharap ko lamang siya. Sana pala ay nagtabi na lang kami para hindi masyadong nakakailang. "May problema ba?" Halos natataranta akong nag-angat ng tingin kay Gavin. He was casually chewing his food while looking at me. Bakit kahit ngumunguya at kumakain siya ay ang gwapo pa rin? His parents must have good genes to make him look this good. I already saw his father in pictures from different magazines and even on the top tax payers of the country, and I could tell that he inherited a lot of his features from his father. Ang mga hindi ko mapunto sa kanyang mukha na nasa kanyang ama ay paniguradong sa kanyang ina niya nakuha. "Wala lang," sabi ko na lang at saka nagsimulang kumain. While eating quietly, I always find myself stealing glances at him. Sometimes, our eyes would meet and I would look away immediately. Bigla tuloy akong napaisip kung bakit muli niya akong nilapitan ngayon samantalang parang nilalayuan niya ako noong magtatapos na ang semester last school year. Nang muling pagkikita rin namin ay hindi niya naman ako kinausap. I couldn't help but to wonder why he kept his distance before and why he suddenly approached me again. Would that be too much to ask? "Uhm...Gavin..." pagtawag ko sa kanyang atensyon. Siguro naman ay hindi niya mamasamain ang aking pagtanong sa kanya kung bakit. I just really wanted to know. Pakiramdam ko'y hindi ako matatahimik hangga't hindi ko alam ang sagot. And besides, I wanted to clear my mind about this matter. Nagtaas siya ng kilay sa akin dahil hindi pa niya nalunok ang kanyang kinakain. "Sana ay huwag mong masamain ang itatanong ko..." panimula ko. He wiped his mouth with a tissue before he spoke. "Go ahead..."he said and smiled. "Pakiramdam ko kasi... parang lumayo ka bigla sa akin tapos ngayon..." Hindi ko na ituloy pa ang aking sasabihin dahil sa pagbabago pa lang ng kanyang ekspresyon ay alam kong alam na niya ang aking gustong itanong. Umayos siya sa pagkakaupo bago ako tiningnan ng maayos. It's ironic how his eyes were expressive but at the same time, I couldn't determine the emotion he was showing. "I'm sorry..." he apologized and I could feel his sincerity. "To be honest, I really want you to know you more so, I started to approach you last sem but..." Pansin kong mas lalong lumalim ang kanyang tingin sa akin. I felt like diving into his eyes and explore his emotions to familiarize myself with it, but I didn't need to dive anymore because his eyes were already pulling me in. "I thought you are in a relationship with your friend," he continued. Sa sinabi niyang iyon ay isang tao lamang ang pumasok sa aking isipan. That explained why he suddenly distanced himself away from me after he tried to drive me home that day. Dumating noon si Jethro para sabay kaming umuwi kaya hindi ko napaunlakan ang kanyang pag-alok na ihatid ako pauwi. "Jethro?" tanong ko. He simply nodded. "Hindi ko siya boyfriend!" agad kong pagtanggi at natawa pa. "Kababata ko siya sa Cagayan Valley. Doon ako lumaki at nag-aral. Napadpad lang ako sa Vigan nang naghanap ako ng summer job at doon nagtrabaho ng ilang linggo hanggang lumipat ako dito sa Norte para dito mag-aral. He's like my best friend." Marami nang nag-akala noon na mayroon kaming relasyon ni Jethro. Hindi ko inakalang isa si Gavin sa mga mabibiktima no'n. "Alam ko na iyon... A friend of mine told me," sabi niya naman. "So, that's the reason why I kept my distance. Nirerespeto ko ang relasyon ninyong dalawa noong inakala kong mayroon kayong relasyon. I know it's an inappropriate of wanting to get close to you when you have a boyfriend... It just doesn't seem right." The more things I was learning about him, the deeper I was falling for him. Nandoon pa rin 'yong takot na baka masaktan lang ako sa huli lalo na't ngayon lang ako nakaramdam ng ganito pero hindi ko alam kung bakit handang-handa akong mahulog ng buong-buo. Wala na rin naman akong magagawa dahil nauna nang mahulog sa bangin ang aking puso. "But now that I know your true relationship with him, I guess... no one can stop me now from getting close to you," he said with conviction that made me feel his determination.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD