"Ito na ang huling sahod mo, Keanna." sabi ng aking Boss.
Ngiting-ngiti ako nang tanggapin ko ang sahod. Alam ko na kung magkano iyon dahil katulad lamang ito ng sahod ko noong nakaraang buwan.
"Thank you, Ma'am Kharen!" masaya kong pasasalamat sa kanya.
"Walang anuman," nakangiti niyang sabi sa akin. "Basta huwag mong kakalimutan, ah? Dapat sa susunod na bakasyon mo at sa darating na Christmas break ay tumulong ka ulit dito. Kailangan namin ng dagdag na tao."
Mas lalong lumawak ang aking ngiti at paulit-ulit na tumango. "Syempre naman po, Ma'am!" sabi ko. "Sana po sa susunod, may dagdag na ang sahod."
Napailing si Ma'am Kharen sa aking biro habang nagpipigil ng ngiti. "Sige na nga't umuwi ka na. Baka bawiin ko pa 'yang sahod mo."
"Salamat po ulit!" muli kong pasasalamat bago tuluyang lumabas ng shop at makauwi na pagkatapos ng nakakapagod na huling araw sa aking part-time job.
This is the reason why I couldn't go home in Cagayan Valley during our sembreak and term break. I was spending my time working on my part-time job in this milktea shop near my apartment. Sinubukan ko lamang ito noong unang bakasyon ko at masuwerte akong mabait ang may-ari nito. Natutuwa rin ako dahil nagagamit kong panggastos ang naiipon kong sahod dito sa eskwela.
I wanted to be independent and this one of the steps to achieve the independence that I wanted to have. Of course, I couldn't fully provide myself yet. Tatay and Nanay were still the one paying for my rental fees in the apartment as well as the water and electricity bill, but for the groceries and my allowance, I was the one providing. Though they told me that they will provide everything for me and just focus on my studies, I still refused and told them that doing part-time job will not compromise my studies. Education is my top priorities.
Hindi naman ako magastos at natuto akong mas lalong magtipid ng todo ngayong nabubuhay akong mag-isa rito sa Norte. Minsan kapag kinakapos ay saka lamang ako humihingi kina Nanay at Tatay, kinakapalan ko pa ang mukha ko 'pag nangyayari 'yon, hangga't maaari kasi ay iniiwasan ko iyon. Sobra-sobra na kasi kasi ang naibibigay nila sa akin na tulong. Simula kasi nang pumasok ako ng kolehiyo ay si Nanay na ang nagpapa-aral sa akin. And I'm very greatful and thankful to her because of that. She didn't just provide me financially, but she also gave me hope to reach my dreams in life. Mahirap lang naman kasi ang buhay namin. Lima kaming magkakapatid at ako ang pangatlo. Kapos si Mama at Papa na itagayod ang aking pag-aaral dahil ang mga nakakatandang kapatid ko ay sabay na nasa kolehiyo rin. Kaya ako ang napilitin na huwag munang magpatuloy sa pag-aaral ng kolehiyo. Dahil doon nagsimula akong nag-apply at magtrabaho ng summer job kung saan-saan para kahit papaano ay makaipon ako ng pera para makapag-college ako. I was just lucky that I've met Nanay Keira in that fast food chain before. At first, I was hesitant to accept her offer. I don't even know her back then. Hanggang sa nagpunta siya mismo sa amin at kinausap niya ang mga magulang ko sa nais niyang gawin para sa akin. Alam kong hiyang-hiya si Mama at Papa sa mga plano ni Nanay pero dahil sa kagustuhan kong makapag-aral, pumayag sila. Hindi ko alam kung anong paraan ang ginawa ni Nanay noon, dahil kahit isang linggo nang kasalukuyang nag-umpisa ang semester no'n ay tinaggap pa rin ako na late enrollee. Sa kagustuhan niya talagang pag-aralin ako dito hindi naging ganoon kahirap para sa kanya ang maglabas ng pera para sa aking mga gastusin. Nabawasan nga lang dahil sa kagustuhan kong magpart-time kaya sila ang lumuluwas dito tuwing bakasyon. Minsan sabay-sabay pa sila ng pamilya ko mula Cagayan Valley na nagagawi dito.
Bahagya akong napatigil sa paglalakad nang makita ko si Jethro na muling nag-aabang sa aking pag-uwi. Nakapamulsa siya at pinapanood ang mga sasakyang dumadaan sa kanyang harapan. Naglakbay ang aking mga mata sa plastik na kanyang hawak-hawak na mula sa isang kilalang fast food restaurant. Mukhang balak na namang sa aking apartment kumain ng dala niyang pagkain.
"Jollibee for dinner!" he announced.
I couldn't help but to smile. Jethro's a very caring friend that even if he could be annoying as hell, you still wouldn't want him out of your life.
I remembered that when he found out that I was planning to stay here in Norte every break to work part-time, he also stayed. Naghanap din siya ng kanyang mapapasukang part-time job para lamang masamahan din ako dito sa Norte. Kahit na pinipilit kp siya noong umuwi sa kanila ay hindi siya nagpatinag. Kagaya ng aking dalawang pamilya, ang pamilya na rin ang bumibisita sa kanya rito kahit ilang araw lamang.
He said that he didn't like the idea that I will stay here in Norte, while he's at Cagayan Valley. Ang sabi niya ay wala naman daw siyang mabu-buwisit at maaasar doon dahil wala ako, pero alam ko namang nag-aalala lang din siya sa akin.
"Jollibee ulit?" natatawa kong tanong sa kanya nang makalapit ako kahit na gustongmg-gusto ko naman nang kanyang biniling pagkain.
"Huwag ka nang mag-inarte," pabiro siyang umirap sa akin. "Alam ko namang naglalaway ka na ngayon dahil naamoy mo na ang Chicken Joy."
Hindi ko na napigilan ang paghagalpak ako sa pagtawa. Talagang kilalang-kilala na niya ako. Ang tanging naitago ko lang ata sa kanya ay ang pagkagusto ko sa lalaking mukhang ayaw niya para sa akin.
"Papaunta na rin daw si Danzel sa apartment mo. Magdadala raw siya ng pizza at chicken wings," dagdag niya.
My eyes slightly widened and I suddenly got excited. "Talaga? Papunta raw si Danzel?!"
Nagyong summwr vacation kasi ay hindi na nagpapakita sa amin si Danzel. Ang sabi naman daw kay Jethro ay umalis daw sila ng bansa kasama ang kanyang pamilya para magbakasyon.
Tumango si Jethro. "Kakagaling lang nila mula sa European tour nila," sabi nito. "May dala rin siyang pasalubong para sa atin."
I clapped my hands because of excitement while Jethro frowned.
"Tuwang-tuwa ka namam masyado. Baka nakakalimutan mong may iba nang nagmamay-ari sa puso ni Danzel," nakakunot-noong sabi sa akin ni Jethro.
Natawa naman ako sa kanyang sinabi. "Ano ka ba?! Syempre, hindi ko makakalimutan 'yon, no," sabi ko at bahagyang nalungkot nang maalala ang matalik na kaibigang naiwan namin sa Cagayan Valley.
Mukhang napansin iyon ni Jethro at alam kong alam niya ang aking iniisip ngayon. He mirrored my expression before he heavily sighed. "Namimiss mo na si Nathen, no?"
"Oo naman." I said and smiled slyly.
In my deepest thoughts, I always missed Nathen even though I was very busy with my college life here in Norte. I considered her as my greatest best friend. Hindi ko lang alam kung ganoon din ba ang tingin niya sa akin lalo na ngayong hindi na kami nakakapag-usap.
Noong unang taon ko rito sa Norte ay nagkakausap pa kaming dalawa pero noong naging busy ako dahil maraming mga requirements ang itinatapon sa amin ay nagsimula na kaming maging malayo sa isa't-isa. I was completely drowning in our requirements and projects. I would spend most of my time working on it. Iba pa ang oras na nilalaan ko sa pag-aaral at paggawa ng mga assignments.
One time, when I visited her Faceböök profile to check on her, I saw that she already made new friends. May bago na siyang barkada at mukhang masaya siya sa kanila. You could say that I was someone jealous about it. Hanggang ngayon kasi sila-sila pa lang din ang matalik kong kaibigan. I have made new friends, but I wasn't that close to them. Kaya ngayon ay nahihiya na akong i-approach siya. Pakiramdam ko rin ay may galit siya sa amin dahil iniwan namin siyang mag-isa roon.
"I'm sure she also misses you," Jethro tried to make me feel better by saying that.
"Sana nga..." sabi ko na lang at saka bumuntong hininga bago ngumiti. "Should we also invite Erin tonight? Para naman kahit papano ay kumpleto tayo?"
Jethro cöcked his head on one side like he was thinking about my suggestion so deeply. "I don't think we should invite her," he said. "Alam ko namang naaalala mo pa rin noong huling beses silang nagkasama ni Danzel. It was a total disaster. Noong nalasing si Erin ay halos sapakin niya si Danzel. Ayoko na ulit mangyari 'yon."
I pursed my lips. "I just really want us to spend more time to each other. Sayang ang friendship na binuo natin sa Cagayan Valley noon.'
"Hintayin muna nating makamove-on si Erin bago tayo magsama-sama ulit," sabi ni Jethro. "Hindi magiging maayos ang pagkikita natin kung mayroon pa ring hinanakit si Erin kay Danzel."
Mas lalo akong napanguso. "Sa tingin ko ay matagal pa bago mangyari 'yan," sabi ko. "Erin still loves him despite the pain he caused her. Sinubukan ko na siyang kausapin patungkol diyan pero iniiba niya lang ang usapan naming dalawa."
"Jus let her be," sabi na lang ni Jethro.
Wala na akong nagawa kung hindi ang sumang-ayon na lang sa sinabi ni Jethro. Kung paano si Erin kay Danzel, ganoon din naman si Danzel kay Nathen. Erin loves Danzel, but Danzel loves Nathen.
Nang makarating kami ni Jethro sa apartment ay nandoon na si Danzel. Nakasandal siya sa kanyang sasakyan habang naghihintay sa labas. We brought the food he bought for us inside my apartment and started having a mini party before we spend another busy year which will hinder us from meeting each other from time to time, especially that we're already on our third year.
Kinabukasan, maaga akong sinundo ni Jethro sa apartment upang magsabay kami papasok sa eskuwela. I didn't know why my knees kept on trembling the moment we arrived in our campus. Hindi ko alam kung magandang sensyales ba ang panlalambot ng aking tuhod pero lihim akong nananalangin na sana ay umayon sa akin ang araw na ito. Hopefully, it's not about the strict professors that I might meet today.
"After your first class, suaunduin kita sa classroom mo para magsabay na tayo sa susunod na klase," sabi sa akin ni Jethro nang nalalapit na kami sa silid kung saan ang unah klase ko ngayong umaga.
Tinanguan ko na lang siya bilang pagsang-ayon sa kanyang sinabi at saka siya itinaboy dahil baka muhil pa siya sa kaynang klase. Mayroon na lamang natitirang limang minuto bago magsimula ang klase at nasa ikatlong palapag pa ang kanyang unang klase. Mabuti ay agad akong pinakawalan ni Jethro upang hindi mahuli sa kanyang klase.
I resumed going to our room and was struck when I saw a very familiar fave inside. He was having a conversation with his clique which was keeping him entertained. The way his lips moved every time he talks and laughs didn't escape my eyes. Suddenly, my whole attention and focus were all on him. It was like I had no plans on taking my eyes off him.
Our last encounter was the time he asked if he could drive me home. That happened last term before we went on a term-break. Simula no'n, nakikita ko pa rin naman siya sa campus pero hindi na siya lumalapit sa akin. Everytime our eyes would lock, he would just casually nod at me. Pakiramdam ko ay masama ang loob niya sa akin dahil sa naging pagtanggi ko pero ayaw ko rin namang umasa na iyon na nga ang dahilan. Ang inisip ko na lang ay baka siguro hindi niya naman talaga ako gustong kausap o kasama. He was just being friendly. That's all.
When I saw him about to turn his face on my direction, I immediately looked away and acted like I was finding a place where to sit. Nang makita kong bakante ang upuan malapit sa bintana at malayo sa kanyang puwesto ay agad ko iyong tinungo at doon naupo. I tried to steal a glance from him just to have a glimpse. Bahagyang nanlaki ang aking mga mata at muli akong nag-iwas ng tingin sa kanya nang makita kong diretso lamang siyang nakatingin.
It felt like my heart was about to burst because of its unusual fast-paced beat. I couldn't also catch my breath. Napag-iiwanan na ako nito. Hindi ko tuloy alam kung ano ang uunahin ko—kung pakalmagin ba ang pagwawala ng aking puso o ang paghabol sa aking pahinga. Hindi matigil ang paghuhurumentado nito lalo na nang muli akong sumulyap sa kanya at nakita kong sakto rin ang kanyang pagtingin sa akin.
Wala sa sarili kinuha ang pamaypay sa bag at pinaypayan ang sarili na kahit nakabukas na ang aircon sa loob ng silisld at halos tapat ko lang ito. Damang-dama ko ang init na dumadaloy sa aking buong katawan at ang unti-unting pamumuo ng pawis sa aking noo.
Iniisip ko kung dapat ko ba siyang harapin para ngitian o batiin kahit papaano dahil magkakilala kaming dalawa o magkunwari na lang na wala akong pakialam sa kanyang presensya. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa akin ang pagiging mailap niya sa akin noong malapit nang matapos ang second semester last school year.
That's right. I shouldn't approach him. What if he won't notice me? Kakausapin ko lang siya kung siya mismo ang unang kakausap sa akin. I didn't want to look like I was craving for his attention, even though I really was.
Our professor miraculously went inside our room just when we were all about to go outside already since the fifteen minutes grace period was almost over. Because it is the first day of classes, I listened to the rules and requirements of my professor, as well as the course outline. Himala rin na nagawa kong ibaling ang buong atensyon ko sa harapan, ngunit inaamin kong paminsan-minsan ay nalilihis ang aking tingin sa gawi ni Gavin na tahimik at seryoso lamang habang nakikinig.
We were dismissed thirty minutes early when she was done discussing everything that she needed to discuss during our first day of meeting. Nang mapatingin naman ako sa labas ng room ay nakita kong naghihintay sa akin si Jethro na mukhang kanina pa naroon. Maybe his professor didn't show up.
"Uy, kaklase pala natin si Keanna!" dinig kong sabi ng isa kong kaklase na lalaki at bago ko pa lingunin kung saan nanggaling iyon ay tinawag na ako nito. "Hi, Keanna!" bati niya sa akin.
I was proud at myself as I was able to control my emotions when I saw that the guy who called me was one of Gavin's friends. I didn't know if we've been introduced to each other already or if we became classmates in my past subjects... I couldn't remember him. He wasn't that familiar to me, but since he's his friend.
"Hi..." nahihiya akong ngumiti at kumaway sa kanya. "Mauuna na ako," agad kong paalam para makalaba na dahil hinihintay pa ako ni Jethro.
Before I finally left, I stole one last glance from Gavin. He was just staring at me with his jaw tightly clenched.
Agad ko rin namang pinutol ang aking tingin sa kanya. Tinalikuran ko sila at mabilis ang aking naging paglakad palabas sa silid kung saang naghihintay na sa akin si Jethro para sabay kaming tumungo sa susunod na klase.
Parang pinipiga ang aking puso habang mas lalo akong lumalayo sa kanya. Hindi ko na talaga alam kung bakit ayaw niya akong kausapin at ayaw ko na ring isipin dahil kakaibang sakit ang dala nito sa akin.
Pero siguro ngang talaga...Sa nararamdaman ko pa lang na kirot sa aking puso, alam ko na ang sagot sa mga katanungan ko patungkol sa aking nararamdaman na noon ay hindi ko pa masyadong maintindihan...