"Miss Peredo."
Halos mapatalon ako sa aking upuan nang tawagin ng aming professor ang aking pangalan. Sa gilid ng aking mga mata ay kita kong kuryosong napatingin sa akin si Jethro sa aking katabi sa subject na ito habang ako'y lutang na nag-angat ng tingin sa harapan.
Nagulat ako nang bahagya akong itulak ni Jethro patayo sa aking upuan kaya napatingin ako sa kanya. "Kuhanin mo na 'yong papel mo sa harapan." Sabi niya sa akin.
My eyes slightly widened in realization. Nagmamadali akong nagtungo sa harapan at humingi ng paumanhin sa amin professor. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong wala sa sarili dahil lumilipad ang isipan ko sa interaksyon naming dalawa ni Gavin noong isang araw na hanggang ngayon ay iniisip-isip ko pa rin. Mabuti na lang at mabait si Ma'am Agustina. Hindi siya mahigpit sa kanyang mga estudyante.
"You got the highest score in the recent quiz," she informed me with a smile when I came in front to get my paper. "Congratulations! Keep up the good work."
Napaawang ang aking labi sa gulat dahil hindi ko inaasahan na ako ang makakakuha ng pinakamataas na marka sa aming klase. There were a lot of people in this class who were smarter than me. Kahit si Jethro ay mas matalino pa kaysa sa akin. Hindi nga lang halata dahil maloko siya.
Wearing a huge smile on my face, I went back to my seat. I saw Jethro mirroring my smile while waiting for me to sit beside him again. He looked so proud of me that I became more confident with the result of our recent quiz.
"Aba! Mukhang may manlilibre mamaya ah." Malokong inis sa akin ni Jethro nang makabalik ako sa aking upuan.
Kahit na gusto ko siyang irapan ay hindi ko magawa dahil sa sayang nararamdaman. Nilingon ko na lang siya nang nakangiti. "Kung sana ay nililibre mo ako tuwing mataas ang score mo, eh 'di sana ililibre na kita ngayon."
"Lagi naman kitang nililibre sa pamahase tuwing hinahatid kita pauwi, ah. At saka tuwing inaaya kitang kumain sa labas." Pagdadahilan niya.
Natawa na lang ako sa kanyang pagdidiwara nang biglang magsalita si Danica na kaklase ko rin sa naunang subject kanina.
"Nako, Keanna! Mukhang alam ko na kung bakit mataas ang nakuha mong score sa quiz." Sabi niya sa akin at napatingin ako sa kanyang kaibigan na hindi mapigilan ang mapangiti nang malawak.
Napakunot naman ang aking noo. "Ano'ng ibig mong sabihin?" Tanong ko dahil ang tanging naiisip na dahilan ko lang naman ay nag-aral ako ng mabuti pero mukhang may iba silang tinutukoy.
"Hindi ba't bago tayo magquiz dito noong isang araw, pinuntahan ka ni Alcantara?" makahulugan niyang sabi na sinang-ayunan kaagad ng kanyang kaibigan. "Iba siguro talaga ang nagagawa ng pag-ibig, no? Sana all."
"H-hindi ah!" Nauutal kong pagtanggi at saka nag-iwas ng tingin sa kanilang dalawa. Pakiramdam ko'y pulang-pula na ngayon ang aking pisngi dahil nadadama ko ang init na mula rito.
I couldn't seem to understand myself. I wanted them to stop teasing me, but I also wanted them to continue because of the unexpected feeling that's arousing inside me. Hindi ko tuloy maiwasan ang matakot at kabahan dahil sa kakaibang pakiramdam na ito.
Sa paglalakbay ng isip ko ay hindi ko na nasundan ang simabi ng Ma'am Agustina. Ang tanging nadinig ko lang ay ang pagdi-dismiss niya sa amin ng maaga.
"Sinong Alcantara 'yon?"
Kamuntikan ko nang mahulog ang aking gamit nang biglang magsalita si Jethro sa aking tabi. Agad ko siyang nilingon upang mabigyan ng pansin. Sumalubong lamang sa akin ang kanyang magka-krus na kilay at seryosong tingin. Sa paraan pa lang ng kanyang pagtitig sa akin, pakiramdam ko'y mayroon na akong nagawang mali.
"Uh..." Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at kunwari ay may hinahanap sa aking bagpack bago nagpatuloy. "Iyong napanood natin noong isang linggo sa court."
"Gavin Alcantara?" He guessed correctly.
I just smiled at Jethro and nodded, but his eyes only grew darker. My smile immediately faded because of it. He stare made me feel like I have no reason to he happy or something.
"Bakit ka niya pinuntahan sa klase ninyo? Nanliligaw siya sa'yo? Gusto mo siya?" sunod-sunod na tanong sa akin ni Jethro na para bang naghahanap ng away.
Maagap naman akong umiling bilang sagot sa kanyang nga katanungan. "Hindi! Hindi!" halos natataranta kong sagot. "Pinaabot lang sa kanya ni Ma'am Tactay 'yong case study ko. Iyon lang ang sadya niya no'n."
"Kung ganoon, ano 'yong sinasabi nila Danica kanina?" pagdududa niya at naniningkit ang mga mata habang nakatingin sa akin.
I awkwardly laughed and even playfully punched his arm. Sinundan niya ng tingin ang aking kamay na sumapak sa kanya bago muling ibinalik ang tingin sa akin. His stare was so heavy that I couldn't stay long in holding it that's why I looked away once again.
"Ano ka ba? Alam mo naman dito..Mahilig magpakalat ng mga tsismis kahit hindi naman totoo," sabi ko sa kanya.
For the record, I wasn't even lying. He was just making me feel nervous that's why I was acting uneasy. Totoo namang walang namamagitan sa aming dalawa ni Gavin at hindi niya rin ako nililigawan. Gaya nga ng sabi niya, masyadong malaki ang agwat naming dalawa ni Gavin kaya imposibleng mangyari ang inaakusa niya sa akin. Ang hindi ko lang talaga maamin ay kung ano ang nakakalitong nararamdaman ko para kay Gavin.
I wanted to keep these feelings to myself because I might get laughed at for having these mixed emotions to someone who's, figuratively, a thousand miles away from me as he came from a very wealthy family. It might just seem like absurb feelings, or they might view it in negative way. And besides, I was unsure about it anyway. Everything was still uncertain for me. I wanted to see how far I could get while holding onto this mess before I could finally figure it out.
"Gusto mo bang kumain muna tayo ng hapunan sa labas bago kita tuluyang ihatid sa inyo?" biglang tanong sa akin ni Jethro pagkatapos ng ilang minutong tahimik na paglalakad namin sa campus.
Napangiti naman ako at tumamgo nang nilingon ko siya. Mabuti na lang at binitawan na niya ang topic patungkol kay Gavin. Ayaw ko talagang magkuwento sa kanya patungkol doon. Pakiramdam ko ay hindi magiging maganda ang kanyang reaksyon. Ngayon pa nga lang na naghihinala siya ay katakot-takot na ang kanyang tingin. Paano pa kaya kung nalaman niya ang gumugulo sa aking nararamdaman?
Jethro's phone suddenly chimed that caused him to stop from walking, and I automatically did the same thing. I turned to him and watched him answered the call with his eyebrows furrowed.
"Ano 'yon, Franz?" tanong niya sa kausap sa kabilang linya at mas lalong nabadtrip ang kanyang hitsura. "Nasaan ka? I need those papers. Okay. Huwag kang aalis diyan. Kukuhanin ko sa'yo. Give me three minutes."
Agad na binaba ni Jethro ang tawag at saka lumingon sa akin. Mukhang alam ko na ang sasabihin niya kaya inunahan ko na siyang magsalita.
"Sige na. Puntahan mo na si Franz. Mauuna na ako ngayon. Bukas na lang tayo kumain at magsabay pauwi," sabi ko naman sa kanya bilang pag-iintindi.
Umiling lamang siya sa akin. "Puntahan ko lang sandali si Franz para kuhanin iyong draft ko. Babalik ako agad," sabi niya. "Dito ka lang. Huwag kang aalis."
"Ha? Pero kaya ko namang—"
"Please," pakiusap niya. "Babalikan kita. Mabilis lang 'to."
Hindi pa ako nakakasagot ulit ay tumalikod na siya sa akin at kumaripas ng takbo pabalik sa aming building. Lumabi ako bago nagdesisyong lumapit sa may mga benches para makaupo ako habang naghihintay. Alam kong puwede kp na siyang takasan ngayon gaya ng madalas kong ginagawa pero nararamdaman kong hindi maayos ang disposisyon niya.
I was playfully tappingmy feet on the ground and quietly humming while waiting for Jethro to come back when I saw a pair of well-known expensive canvas shoes of the man standing in front of me. I slowly lifted up my gaze and was surprised to see Gavin Alcantara smiling while looking at me.
"G-gavin." I stuttered, saying his name.
His smile got wider before he casually seat beside me without a word. I held my breath when I felt his heat from the right side of my body as his thighs and arms were touching me. I couldn't even move. It's like it I was completely frozen because of a simple connection I've had with him.
Wala naman akong nagawa kundi ang tulalang tumingin sa kanya habang nakangiting pinagmamasdan niya ang kalawakan ng soccer field pinapanood ang mga nag-eensayo roon. Bahagya akong ngumuso at saka nilingon na rin ang kung anumang tinitingnan niya roon.
"Pauwi ka na ba?" bigla niyang tanong sa akin kaya muli akong napatingin sa kanya.
"U-uh...Oo," nag-aalangan kong sabi.
"I'm about to go home as well," he said and turned to look at me. I could see that he was slightly hesitating before he opened his mouth to speak again. "I'f you'll allow it, can I drive you home?"
My lips parted because of his sudden question that I never thought he would ask. He wants to drive me home! What should I tell him? Gusto kong sumama at hayaan siyang ihatid ako pauwi pero paano si Jethro? Siguro naman ay pwedeng itext ko na lang si Jethro na nauna na ako at sa susunod na lang kami kumain sa labas.
"Uh—"
"Keanna."
Hindi pa ako nakakapayag sa alok ni Gavin ay halos mapatalon na ako nang madinig ko ang mahabang boses ni Jethro nang sambitin ang aking pangalan. Nag-angat ako ng tingin sa kanya na mukhang kakalapit lang sa aming dalawa ni Gavin. Napalunok ako at kinagat ang aking labi dahil paniguradong hindi ako hahayaan ni Jethro na sumama kay Gavin.
Jethro's serious stare drifted to Gavin after he looked at me. His jaw clenched twice before staring back at me once again.
"Halika na,"pag aya niya sa akin.
Dahan-dahan at punong-puno ako ng pag-aalangan habang ako ay tumatayo. Nahihiya kong nilingon si Gavin na diretso ang tingin kay Jethro. When he noticed that I was already looking at him, he turned to me with an indifferent expression. Ibang-iba ito sa kanyang pinapakita sa aking magaang ekspresyon.
"I'm sorry, Gavin. Mauuna na kami pauwi," sabi ko at hindi ko maiwasan ang maging malungkot dahil sa sasayangin kong pagkakataon.
He nodded once. "No problem."
My chest suddenly felt so heavy when I was walking away from him and moving closer to Jethro. I bowed my head down and Jethro held my back to guide me on our way and walked farther away from Gavin when all I wanted to do was to stay beside him and accept his offer to drive me to my apartment.
My heart was aching for the lost chance on getting to know him more and spending time with him. I was even anxious because there might not be another chanvce to accept his offer. But if there will be, I wouldn't waste that chance anymore.
"Akala ko ba ay hindi ka niya nililigawan?" malamig na tanong sa akin ni Jethro nang makalayo na kami at papalabas na ng campus.
Mas lalo lang bumigat ang aking nararamdaman dahil sa kanyang tanong kaya bumuntong hininga muna ako bago sumagot sa kanya. "Hindi nga," sabi ko na lang.
"Kung ganoon ay bakit ka niya nilapitan? Why is he sitting with you? Why are you sorry?" he fired me questions which I didn't want to answer, but I have to or else, he wouldn't stop bothering me about me.
"Lumapit siya sa akin dahil magkakilala kami. Tinanong niya lang kung pauwi na ako. Nagsorry ako kasi kailangan na nating umalis kahit na nag-uusap pa kami. Ayon lang!" mabilis kong sagot dahil iyon naman ang totoo. Hindi ko na lang sinama ang parte na inaalok niya ako na siya na ang maghahatid sa akin pauwi.
"Okay...But let me just remind you again that he is above our league," Jethro reminded me. "Sobrang yaman niyan at—"
"I know! I know we're not meant for each other because he's rich and I'm not. Alam kong sobrang layo ng agwat ng estado namin sa buhay kaya hindi kami nababagay. You don't have to tell me that, Jethro. I'm not blind. And besides, I don't even like him." I told him just to save face.
Alam ko naman 'yon, pero crush lang naman, ah? Masama ba 'yon? Iyong iba nga ay sa mga artista pa nagkakagusto na mas lalong imposible. Hinahangaan ko lang naman siya dahil nakikita kong mabait siya dahil sa ginawa niyang pagtulong sa akin noon at ang kanyang hitsura na talaga namang ikakalaglag ng panga mo.
"Hindi naman 'yan ang nais kong sabihin, Keanna," mukhang namo-mroblema si Jethro sa aking sinabi. "Ang gusto kong sanihin ay mayaman siya kaya malaki ang posibilidad na magaling siyang manlaro ng mga babae. With his looks, influence and wealth, that's already enough characteristics to qualify him as a playboy. He might just break your heart, and I don't want you to get hurt."
Alam kong concerned lang siya sa akin pero hindi ko nagustuhan ang mga binitawan niyang salita patungkol kay Gavin dahil hindi ito katulad ng kanyang sinasabi. Kung sana ay kinikilala niya muna ito bago niya pinagsasalitaan ng masama.
That's the proble to most of us, Filipinos. It's inevitable for us to stop judging someone based on out impression and the swallow informations we know about them. It's sad, but it seems like it is already a part of our culture which we are unconsciously embracing.
Well, I am not innocent when it comes to this social issue. I tend to judge someone too, especially on social media even if I don't really know them well. However, I don't voice it out and I just keep it all to myself because I know it wouldn't do any better to spread negativities and toxicities.
"Gavin is kind and sweet gentleman, Jethro. Do not stereotype," I told him out of irritation that I didn't have enough time to think of the words coming from my mouth. It's a good thing that Jethro didn't dwell to much on my words.
He took a step even closer to me and raised his eyebrows. "Heartbreakers are sweet talkers and actors in a chevalier role, Keanna. Don't be naive and be deceived."