"Guys ano na? San ba ninyo balak magswimming? 1 week na naten pinaguusapan drawing pa din" pm samen ni Reyna
"Nakabalik na kame from honeymoon kaya game na kame dyan." Reply ni Mimi
"E d ngayong weekend na. Dali na decide na para makapagsabi na kame ni misis kay mama na sa kanila muna yung anak namen." Sagot naman ni Mike.
"Kame na magbbook ni Victor." Tska na naten pagusapam ang ambagan. Basta clear your sched this weekend. Agree? Oliver? Mikee? Go kayo ha!" Tanong nya.
"Ok" sagot ni oliver sa group chat.
Sasama ba ko? Hays hindi na ko nakakapag party sa pang aaya lagi ng mga to. Last week nag-aya sila na magfood trip sa marikina. Hindi ako mahilig kumain pero napilitan akong sumama kasi magtatampo daw si Reyna pag di ako sumipot. Ayoko naman na magparty ng sunday night dahil may pasok pa ko.
"Mikee..ano na? Naseen mo na kaya magreply ka na.hahahha" pangaasar ni Victor.
"Ok I'm in. Sabihin nyo na lang ano need dalin."reply ko. Bahala na..nalilibang din naman akong kasama sila.
5:30am ang usapan dto sa Mcdo Quezon Ave.malapit sa MRT station. Dinala ko ang kotse ko kasi hindi kame kasya sa Van nila victor at si Oliver naman ay coding ang sasakyan. Ang pangit naman ng nakuha nyang coding. Sabado pa talaga. Pagdating ko ay si Oliver pa lang ang nakita ko. Filipino Time at its finest. Hehe.. binusunahan ko si Oliver na mukhang inaantok pa.
"Kanina ka pa?" Tanong ko sa kanya.
"Halos kakadating ko lang din. Di pa sila nagrereply." Sagot nya.
"Nagbreakfast ka na ba? Kain muna tayo. Kailangan ko ng coffee." Pag-aya ko
Sa Mcdo na lang kame kumain lara makita namen sila kaagad. "What can I get you? My treat since ako nag-aya." Tanong ko sa kanya.
"Just sausage mcmuffin and brewed coffee. But I will pay for our food." Matigas na sabi nya.
"Ok then. I'll get the same. Thanks by the way." I plainly answered. Di na ko tumanggi pa. I find it cheesy kung makikipagtalo pa ko kung sino manlilibre. Sus ayokong magpacute at magpabebe.
Napangiti sya ng konti saken. Anong nakakatawa dun?
Ako lang ang halos nagkkwento habang kumakain kame.pero sinasagot ko lang naman ang mga tanong nya tulad ng pano ako napunta sa Sales. Ano mga naging trabaho ko sa loob ng 8 years na hindi kame nagkita. Pero nakikita kong masaya syang nakikinig.
"Ano na? 6am na wala pa kayo. Tatanghaliin na tayo." Chat ni Oliver.
"Guys sorry kasama ko na silang lahat pero naabala kame dito sa Bulacan
Natraffic kame..mauna na kayo Oliver and Mikee. Para hindi na kayo mainip dyan.sundan nyo na lang si waze. Magkita na lang tayo sa stop over. Sorry guyshh.." chat ni Reyna. Halos lahat kasi sila sa bulacan nakatira. Ako lang ang sa QC at si Oliver naman ay sa Quezon Ave. Lang din
"Pano? Let's go?" Tanong ko sa kanya na medyo disappointed. Sana itinulog ko muna ung 30mins na hinintay namen.
" Do you want me to drive?" Tanong ni Oliver.
"Ahm..maybe i'll drive then let"s take turns when we arrive at the next stop over." I answered. Kotse ko to noh. Ako magddrive. Though tempting yun kasi pwede akong matulog. But I dont want to show him that I'm weak. I'm an independent woman. Ansabeh?
"Sure." He answered coldly
Nasa kahabaan na kame ng EDSA ng napansin ko syang pasulyap sulyap saken.
"Why?" Tanong ko
"Hmm?"tanong din nya
"Kanina mo pa kasi ako sinusulyapan tapos nangingiti ka. May panis ba kong laway? O muta?" Natatawang tanong ko.
Natawa din sya. "Wala. Naninibago lang ako sayo. Sabi nya
"Bakit?" Nagtatakang tanong ko.
"When we we're in college kasi..you were like this innocent young lady.Tahimik..mahinhin..parang crystal na ang hirap basahin..at basagin. That's why I was so curious about you back then. Pero ngayon, napaka well spoken mo na. Makwento..pero I think it suits you well. Tahimik or madaldal..it both suits you." Nangingiting kwento nya.
Napakamot tuloy ako ng ulo. "Well, i guess that's what a sales person should know. You have to make conversation. Entertain people. Kailangan sa trabaho ko eh. Hehe.." nahihiyang sabi ko.
Sa Nuvali dito sa Sta. Rosa Laguna kame nag stop over. Mabilis lang namin narating to. 1 1/2 hours lang halos. As expected wala pa sila Reyna at ang iba dito. Napansin ni Oliver na inaantok ako. Kundangan ba naman sumaglit pa ko sa party ng kaibigan ko kagabi kaya halos 4hrs. lang ang tulog ko.
"Idlip ka muna. Wala pa naman sila" sabi nya
"Cge.sorry ha inaantok na ko talaga." Sabi ko. Ibinaba ko nang bahagya ung sandalan ng driver's seat para makaayos ako ng higa. Naramdaman ko na lang na bumabagsak na yung mata ko. Shet! Hindi na ko magpaparty ulet pag alam kong may longdrive ako kinabukasan. Sana matupad ko...hehehhe
OLIVER'S POV
Nakaidlip na si Mikee. Mukhang antok na antok talaga sya. Sabi ko na kasi ako na ang magddrive. Pero hindi ko alam bakit tumanggi sya. Actually tulad nung college kame hindi ko pa din sya mabasa. Kung dati hirap akong basahin ang iniiisp nya dahil tahimik sya. Ngayon naman hindi ko sya mabasa kasi paiba iba sya ng kilos. Minsan ramdam ko na umiiwas sya. Minsan naman makwento sya. Minsan cold sya na parang hindi nya napapansin yung mga ginagawa ko. Tulad kanina na nagbreakfast kame. Sabi ko ako na magbabayad. Kung yung ibang babae nyan magpapabebe na mahihiya..para kunwari ipipilit ko na ako na magbayad. Ganon din kasi si Jenna nung nililigawan ko pa lang sya. Pero si Mikee hindi. Pumayag lang sya. Yung parang alam kong ayaw nyang magpabebe. Pero nung kumakain naman na kame..panay naman ang kwento nya. Tapos nung sinabi kong ako na magddrive, ayaw.. tumanggi na naman sya. Haist! Nababaliw ako sa kinikilos nya.
Hmmm...Ang sarap nya titigan kahit natutulog sya. Parang anghel yung mukha nya. Mainit na ung sikat ng araw at tinatamaan ang mukha nya. Teka picturan ko nga. Tulog naman sya e...ang ganda ng register nya sa camera lalo na natural lighting ang gamit.
Napansin kong parang nasisilaw sya sa tama ng sinag ng araw sa salamin ng kotse. Balak ko sanang ibaba ung car window cover sa side nya. Pero unti unti nyang minulat yung mga mata nya. Tska ko lang narealize na halos 3 inches na lang ung pagitan ng mga mukha namen. Kumakabog ung dibdib ko. Nakatitig lang sya saken. Mas lalo tuloy akong naaakit.
Biglang nagring ung phone ko.
Kaya umayos ako ng upo. Alam ko naman na nagets nyang inaayos ko lang yung window cover para d sya masilaw sa araw. Hindi naman nya siguro iniisip na hahalikan ko sya.
"Hello oliver. Nakapark na kame. San na kau? " Tanong ni Mike.
"Andito kame sa gawing kanan na parking." Sagot ko
" Kita tayo dito sa starbucks. Magkape at kumain daw muna tayo kahit sandwich lang." Sabi pa nya.
"Kumain na kame e.pero punta na kame dyan. Bibili lang kame ng yelo sa 7/11. Nakabili na ng drinks si Mikee kagabi pa. May dala din syang cooler dto sa compartment. " Sabi ko. Nabanggit kasi ni Mikee kanina nung nagbreakfast kame na sya ang toka sa drinks at dito na lang kame sa stop over bumili ng ice at may dala naman siyang cooler. Pagkalagay namen ng binili nameng yelo sa kotse ay pinuntahan namen ang tropa sa starbucks.
"Ubusin ko lang tong sandwich at coffee tapos byahe na din tayo. Sobrang nagutom ako sa stress ko sa mga to." Bungad samen ni Mike. Sabay kindat saken. Alam ko naman na sinadya niyang kame lang ni Mikee ang magkasama sa kotse. Pagkatawag ni Reyna samen na mauna na kame ay sabay text sya saken. "O pagkakataon mo ng dumiskarte ha.baka naman dagain ka pa." Loko to. Sinadya pa niya ang nangyari.
Masayang kwentuhan ng barkada ng may biglang lumapit samen na mag-asawa. Mukhang may edad na din.
"Mikee? Is that you?" Tanong ng matandang babae.
"Ah. Yes Mrs. Song. I didn't expect to see you here." Sagot ni Mikee na parang magbbow sa kausap.
"yeobo, geunyeoneun Mikee nae chingu Absolute bank. naega malhan geos" sabi ng matandang babae sa asawa.
Anak ng..mga koreano pala to.
"annyeonghaseyo seonsaengnim..
mannaseo bangawo" pagbati ni Mikee.
Hindi ko alam na marunong pala syang magkorean. Mukhang mahilig din to sa Oppa ah.
"Oh,annyeonghaseyo Mikee" sagot nan ng lalaki sa kanya.
"wae yeogiiss-eo?"
Tuloy tuloy lang ang usapan nila. Nakanganga lang kame sa kanila na may halong pagkamangha kay Mikee na fluent pala sa korean. At isa pa wala kameng naintindihan maliban sa
'annyeong' at 'dolboda'. Sabi ni Mimi goodbye and take care daw ibig sabihin nun. Yun lang daw natatandaan nya sa mga pinanuod nyang Kdrama. Tapos nun ay umalis na ang dalawang matanda. Si mikee naman ay napaYES!
"Wow! D ko alam Mikee may dila ka pala ng mga Oppa. Kala ko sinapian ka ni Song Hye kyo kanina." Biro ni Mike
"Hahaha! Nako client ko yung matandang babae. Mukhang may balak kumuha ng bagong investment ung asawa. Dadalawin ko sila sa tuesday. Akalain mo nga naman makakakuha pa ko ng sales call dito.hehe" tuwag tuwang sabi ni Mikee.
"Bakit ang galing mo magkorean?" Tanong ni Roan
"Naadik kasi ako sa mga kdrama dati kaya nagself study ako para matuto ng basic. Tapos nung nagkaron ako ng madaming time nagenroll ako para matuto na ko. Naisip ko kasi mas marami ako mamemeet na clients kung may alam akong ibang language. Kaya nag-aaral din ako ng chinese ngayon." Dumudugo na nga ilong ko e." Tawa pa nya.
"Ganyan ang magaling na sales person. Todo effort!" Pagpuri ni reyna kay Mikee.
Natahimik lang ako. Pero deep inside hangang hanga ako sa kanga. Natigilan lang ako sa pagngiti magisa ng mapansin ko si Mike na nakangisi saken. Palihim ko syang inambaan ng suntok.
" So sinong sasakay samen?" Tanong ko sa kanila
Pero walang sumasagot. "mike samen ka na sumakay." Saad ko na may authority.
"Okay.pero sa likod ako. Matutulog ako at puyat ako." Sabi ni mike.
"Ako na ang magddrive para makapahinga ka naman." Sabi ko kay Mikee sabay abot ng kamay para hingiin ang susi ng kotse binigay na din nya agad.
Natulog nga si Mike sa kotse. Nananadya yatang tong mokong na to. Alam ko naman na hindi sya inaantok. Sa tagal nameng magkaibigan at sa dame ng mga out of town na pinagsamahan namen,never syang natulog. Mas gusto nyang nagssight seeing at nakikipag kwentuhan. Malamang nagtutulug-tulugan lang sya para bigyan kame ng time ni Mikee na makapagusap. Siraulo!
Tahimik lang kame ni Mikee parehas. Naiilang ako dahil nung sumakay na kame sa kotse ay naalala ko yung eksena sa window cover. Ewan ko kung yun din ang dahilan ng katahimikan nya. Hindi sya masyadong lumilingon saken at kung ano lang ang tanong ko ay yun lang ang sinasagot nya. Inaantok ka pa ba? Gusto mo bang matulog? Naiinip ka ba? Baka nagugutom ka na? Kanina pang 5:30am tayo huling kumain. 9am na. Ang dami kong naisip na itanong sa kanya just to break the uce pero parang umuurong ang dila ko. Natotorpe ba ko?
"Buksan ko yung radyo ha. Ang tahimik e. Hihinaan ko lang din naman kasi tulog si Mike." Pagkasabi ni Mikee at automatic na pumunta ang kamay ko sa button ng radyo. Pero nandun na din ang kamay ni Mikee kaya nagdikit ang mga daliri namen. Para kong nakuryente. Pero si Mikee..parang wala lang sa kanya. Ngumiti lang sya ng konti at inalis ang kamay nya.
"Then you smiled and I reached out to you
I could tell you were lonely too
One look, then it all began for you and me
The moment that we touched, I knew that there would be
Two less lonely people in the world
And it's gonna be fine
Out of all the people in the world
I just can't believe you're mine
In my life where everything was wrong
Something finally went right
Now there's two less lonely people in the world tonight..."
Ayos sa kanta ah. Pasok sa banga!
Nagkatinginan kame ng konti nang marinig namen ang tugtog sa radyo.
Sabay iwas agad si Mikee agad ng tingin.
Ewan ko kung nagets din nya ang meaning ng kanta.
"Ang ganda ng kanta noh? Favorite ko yan.." biglang singit ni Mike na ngising ngisi.Sabi ko na humahanap lang to ng tiyempo eh. Sa inis ko binato ko sya ng box ng tissue sa harapan ko. Natawa na lamang kameng tatlo.
CREDITS:
Song: Two Less Lonely People by KZ Tandingan
DISCLAIMER:
This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are products of the author’s imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.