bc

Stay the Night (Tagalog/Completed)

book_age18+
1.1K
FOLLOW
13.7K
READ
one-night stand
second chance
city
like
intro-logo
Blurb

"Aalis ka na agad?" Nagtatakang tanong saken ng lalaking nakilala ko sa bar kanina. Ano nga bang pangalan nya? Ken? Kenneth?

"Oo may lakad pa ko." Malamig na sagot ko habang inaayos ang butones ng aking blouse.

"Kwentuhan muna tayo!" Nakangiting aya nya saken habang tinapik ang bahagi ng kama sa tabi nya. " I don't do sweet talks baby. Sorry..bye!" Nakangising tawa ko sa kanya sabay alis sa kanyang condo.

Mikee.,female, 28. Banker sa umaga, liberated chic sa gabi.

"Sorry boys pero laro lang ang gusto ko. Hindi ko kailangan ng seryosong relasyon. Bakit pa kung sa huli ay maiiwan ka lang din naman."

Yan ang piliosopiya nya sa buhay. But not so long ago, Mikee was a picture of a loving wife and a caring mother. Not after an incident that made her who she is today. But what if she meet someone from her past and show her that love is worth trying again. Will he be able to change her mind?

chap-preview
Free preview
Old Friend
Chapter 1: Old Friend Oliver's POV "Grabe napagod na ko. Pawis na pawis na ung leki-leki ko.magpahinga muna tayo," Pagpapatawa ni Mike. "Nakakadalawang ikot pa lang tayo pagod ka na agad. E halos puro lakad nga lang ginawa mo imbes na jogging," Pang aasar ni Victor. "Nakakapagod kaya no. UP sunken garden ba naman ang ni-nais..." sabat naman ni Reina. "Remind me again, bakit tayo nagjjogging?" tanong ni Victor. "Because I am getting married and I need to lose weight before the wedding. Baka ‘di magkasya ang gown ko sa’kein. At isa pa, ayokong maging mukhang suman sa taba ko," sagot naman ni Mimi "Kanina ka pa tahimik, Oliver.." pansin ni Mimi sa’kin. "Hay nako pre ha! Tama na ang pag-emote. Hanggang ngayon ba si Jenna pa din ang naaalala mo? 2 years na din pare simula ng mawala s’ya. Mas magiging masaya s’ya kung nasaan man s’ya ngayon kung makikita n’yang magiging masaya ka habang pinagpapatuloy mo ang buhay mo. Kaya ka nga bumalik na dito sa Pinas at iniwan ang New Zealand para makapag move on na ‘diba? Mag-iisang taon ka ng makabalik pero ganyan ka pa din pare." seryosong sabi ni Mike. Two years na ng masangkot sa aksidente ang asawa kong si Jenna. She was on her way sa isang satellite office nila. Pero sa hindi alam na kadahilanan ay nawalan sa tamang lane ang dina-drive niyang kotse at muntik ng mabangga sa isang papasalubong na truck. She managed to turn the car on the opposite direction. Pero sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi niya nakitang may bangin na pala sa side na ‘yun kaya nalaglag ang sasakyan at sumabog. The police found her body na sunog na sunog na.  "Nag-aalala lang kami sa’yo, Oliver. Alam mo naman na pamilya na din ang turing namin sa inyo ni Jenna." sabi naman saken ni Roan. "Okay lang ako. Minsan lang talaga nalulungkot ako pero kakayanin ko ‘to." pagsisiguro ko sa kanila. Simula college ay magkakaibigan na kami. Kahit hanggang magsipag-asawa at nagpuntahan sa ibang bansa ay hindi naputol ang barkadahan namin. Ang yumao kong asawa na si Jenna naman ay kaklase din namin nung college. Sinagot n’ya ko pagka graduate namin at nagpunta kami sa Middle East para magtrabaho. Bumalik lang kami sa Pilipinas para magpakasal. Pagkatapos ay nagtungo naman kami sa New Zealand dahil sa mas magandang opportunity ang nakuha namin. Si Jenna ay naging Production Manager sa isang Beverage company at ako naman ay isang Manager sa isang autoshop doon. Business Management ang course na tinapos namin pero mahilig talaga akong magkutingting ng kotse kaya siguro dito ako nalinya. "Mag-girlfriend ka na kaya! Para meron kang diversion." panunudyo ni Mike sa’kin. "Sus! Pa’no maggi-gilfriend ‘yan? E hindi nga nakikipagdate. May crush sa kanya ‘yung officemate ko pero hindi nya pinapansin. Lahat na ng pagpapa-cute ginawa ‘’nun pero waley!" kwento ni Mimi. "E baka naman kasi hindi chix!", pang aasar ni Victor. "Bakit ano bang chix para sa inyo?" Naiiritang sagot naman ni Roan. Alam kong concerned siya saken. Kaya nga ilang beses na nya ako sine-set up ng blind date sa mga katrabaho n’ya pero ako lang itong tumatanggi. Hindi ko alam kung ready na ba akong pumasok ulit sa isang relasyon. Two years na din na wala si Jenna at sinabihan din naman ako ng pamilya n’ya na kung sakaling naisin kong mag asawa ulit ay hindi nila ikakasama ng loob iyon. Bagkus ay magiging masaya pa sila dahil kailangan ko din daw ng taong ma-gaalaga sa akin. Sayang nga lang at hindi na si Jenna ‘yun. "E di yung chix. Maganda,sexy, makinis." pagpapaliwanag ni Mike habang minumwestra ang pagbilang sa kamay ng mga katangian ng chix para sa kanya. "Parang ganun--" dugtong nya sabay turo sa babaeng nasa kabilang dako ng parking lot. ‘Di naman kalayuan sa amin. Napalingon kaming lahat sa babaeng itinuro ni Mike.  She's standing in front of her car that is parked across our van. "Yes Mr. Mendoza. Yes that' s the latest model. I’m sure your son would love that for his birthday. I will look for a car agent with the best offer. And tomorrow, I will send you the quotation including the required down p*****t and the monthly amortization for 3 years. Is that okay with you Sir? Great! I will call you again tomorrow. Thanks sir and have a great weekend! Bye!" Sabi ng babae sa kausap nya sa telepono. Tama nga si Mike. Sexy, makinis at mukhang sophisticated ang babae. Malambing din ang boses nito at mukhang may hitsura din. Hindi ko pa gaanong makita ang mukha nito dahil nakasandal sya sa kotse n’ya habang nagkukutingting ng cellphone. Nakakaakit din pati ang pag-inom n’ya ng tubig. At ang pagtulo ng pawis sa kanyang leeg- d*mn! Ang sexy din...sino ba ‘tong babaeng ‘to? At bakit ang dami kong napapansin? "Wait, I think I know her." sabi ni Victor. "Mikee? Is that you?" pagtawag niya sa pansin ng babae. "Victor? Reina?" mukhang makakilala nga sila. Teka, kilala ko din s’ya ah. "Kamusta na kayo? Kelan pa kayo nakabalik galing Canada? And oh! The rest of you guys are here too. Mike...Roan..Mimi..and--- Oliver. Nakakatuwa magkakasama pa din kayo hanggang ngayon." Saglit pa siyang napaisip sa pangalan ko. Mikee. Mikayla Eliza Gonzales. Sya yung mahinhin naming classmate from nun college. Tahimik at mahiyain. Crush ko din ‘to dati e. Hindi pa malinaw nun kung may pag-asa ba ako kay Jenna. Magkaiba kasi kami ng course. S’ya sa Business Administration. Ako naman sa Financial Management. Kaso may boyfriend itong si Mikee dati. Kaya hindi ko din niligawan. Pero madalas ko s’yang batiin. Minsan din tinatabihan ko sya sa upuan at kinukulit. Pero nginingitian n’ya lang ako kahit anong pangungulit ko sa knya. Ewan ko ba pero ang cute cute n’ya talaga sa paningin ko nun. Kahit hindi sya madaldal. Hala! Papalapit sya sa’min...natutulala lang ako. "Dito ka pala nag-j-jogging?" tanong ni Victor. "Ah. Oo every Saturday dito ko tumatakbo. Medyo malapit kasi ‘to sa apartment ko. Pero kapag kaya pa, kahit Sunday nandito ako." sagot ni mikee. "Kayo?, dito din ba kayo palagi?" tanong pa nya. "Ah hindi. Nagkayayaan lang. Kakauwi lang kasi nitong si Reyna at Victor para sa bakasyon kaya naisipan namin na gumawa ng kung anu-anong bonding activities" "Ah ganun ba?" sambit ni Mikee sabay ngiti. Shet! Ang cute pa din nya magsmile. Teka ano bang iniisip ko? "Kamusta ka na? San ka na nagwo-work?" tanong ni Roan sa kanya. "Good. I'm still with Prosperity Bank. Ah! By the way, here's my card. If you need anything, loans, investments, savings, call me anytime." sambit ni Mikee sabay abot ng calling card sa amin. Kinuha ko lang ang card n’ya pero ni isang salita ay wala man lang akong nasabi. Natulala ako ng makita ko siyang muli. Kumakabog din ang dibdib ko. Nahalata yata ni Mike ang kilos ko dahil tiningnan n’ya ako at ngumiti. "San ka after nito Mikee? We're having breakfast diyan sa Ayala Technohub. Baka wala ka namang gagawin, sama ka sa’min. So we can catch up." pag-aya ni Mike. Mukhang ginawa nya ‘yun para asarin ako. Alam nga pala ni Mike na crush ko dati si Mikee. S’ya kasi ang pinaka bestfriend ko sa lahat kaya s’ya lang ang nakakaalam na crush ko ‘to. Kabarkada din kasi namin si Jenna. Kapag sinabi ko sa iba na may crush ako, baka makarating kay Jenna at mabasted pa ko. Nakita ko na medyo naiilang si Mikee. "Oo nga sama ka na! Tagal na din nating hindi nagkita. " pagpilit ni Victor at Reina.  Ang alam ko medyo close si Victor at Mikee.   "Ok cge. :) Convoy na lang ako sa sasakyan nyo." Hindi na nakatanggi pa si Mikee. Habang nasa van kami papunta sa kakainan namin ay nagkukwentuhan sila tungkol kay Mikee. "Ang laki ng pinagbago ni Mikee no? Di’ba nung college tayo parang Maria Clara ‘yun. Tahimik, mahinhin, mahiyain. Ngayon chix na chix e." Pagpuri ni Roan "Oo nga e! Natulala tuloy sa ganda niya ‘yung isa d’yan." Pang-aasar ni Mike habang taas baba ang kilay saken.  Pabulong lang ‘yun na parang malaking sikreto. Ano kayang iniisip nun?   "Nabigla lang ako. Hindi ko inexpect na may makikita tayong classmate habang nag-j-jogging." Palusot ko. Pero ang totoo, natulala talaga ako. Sa Alfonso's namin napagdesisyunan na kumain. Masarap daw kasi ang binagoongan dito sabi ni Mimi. Halong Filipino at Spanish food ang menu nila dito. Maganda din ang ambience. Para kang nasa spanish era. Try ko nga baka, nandito si Rizal at Luna. Hehe "Akala ko ba diet ka at kaya nga tayo nagjogging para magkasya sayo ung wedding gown mo? O bakit ngayon two rice na agad ang nasa plato mo? " pang-aasar ni Mike kay Mimi kaya nakatikim tuloy sila ng kurot. "Mikee, kamusta pala ang asawa't anak mo?" Biglang tanong ni Victor. "So when is the big day,Mimi?" Biglang baling ni Mikee kay Mimi na parang hindi narinig ang tanong sa kanya ni Victor. "Two weeks from now." Nakangiting sagot ni Mimi. "Malapit na pala." ani Mikee. "Punta lang ako sa CR" tumayo si Reina sa pagkakapo ngunit agad ding gumaya si Mikee. "Sabay na ‘ko" aniya. Maya maya pa'y nakabalik na sila galing sa washroom. "Mikee,  punta ka sa wedding ko ha! Send ko ‘yung invite sa messenger mo. Ano nga pala ang sss mo?" Pag-anyaya ni Mimi. "Nako..nakakahiya naman Mimi. Hindi naman ako part ng barkada nyo. Tsaka ngayon lang tayo nagkita ulit, hindi mo naman ako kailangan imbitahan." Nahihiyang sabi nito. How I wish ay magpilit si Mimi. "Ano ka ba?! Close naman tayo nung college di’ba? Iniyakan pa nga kita nung nahuli ko ‘yung ex-boyfriend ko ‘nun na may kahalikan sa likod ng library. Hahahah!”” natatawang kwento ni Mimi. " Tska hindi pa puno ‘yung table nitong mga ‘to kaya marami pang available na seats. Basta asahan kita ha? Anong sss mo? Dali! " Pagpilit ni Mimi kaya hindi na nagawang tumanggi pa ng kausap. "Ah..ok cge. Pupunta ko." Sagot ni Mikee sabay abot ng phone nya nakalagay ang f*******: account n’ya. Pasimple akong sumilip para makita ko din kung anong account n’ya. "Mikee! Andito ka pala? Long time no see." tawag ng isang lalaki. Mukhang s’ya ang manager ng restaurant na ito dahil galling siya sa tila opisina ng restaurant. May hitsura at mukhang batak sa gym ito. Sino naman kaya ‘to? "Ikaw pala Brix! Guys, this is Brix. He owns this place. Brix, they're my friends from college." Pakilala ni Mikee. "Hi guys! I hope you’re liking the food." pansin nito sa’min ngunit mabilis din naming bumaling kay Mikee. "Kelan tayo ulit magko-coffee?" "Ahm..busy pa ko eh! Text na lang kita.” Cold lang ang sagot ni Mikee sa lalaking ‘yon. "Pansin mo yung titig sa kanya nung Brix? Jowa kaya n’ya ‘yon?" Bulong ni Mike sa amin. "Tangeks! Kung jowa n’ya ‘yun e di sana pinakilala na n’ya diba?! Saka di ba may asawa't anak na si Mikee. Kaya pa’no ny’a magiging jowa yun? Ikaw talaga! Utak mo naiiwan mo lagi sa lost and found! " sabad  naman ni Roan at ngaling babatukan si Mike. "Mukhang bet s’ya nung lalaki. Pero parang la epek kay Mikee." Natatawang gatong ni Reyna "Sige, basta itext mo ‘ko ha." Makahulugang sagot ng Brix na ‘yun sabay paalam sa’min dahil mayroon pa daw s’yang meeting na pupuntahan. Pagkatapos kumain at magkwentuhan ay nagpaalam na din sa’min si Mikee. Umuwi na din kami dahil may mga kailangan din kaming asikasuhin. Sadyang makulit lang talaga itong si Mimi kaya pati sa pagpapapayat ay hinahatak kami. May-ari ako ng isang autoshop sa Kamuning. Medyo kilala na din ito. Partners kame ni Mike at ng dalawa pang kaibigan ko na sina Jethro at Chad. Pero ako at si jethro ang nagma-manage. Si Chad at Mike naman ay pumupunta lamang para masabing tumutulong sila. May corporate job kasi silang dalawa at napilit ko lang din silang mag-invest sa business ko. Kung minsan ay nag-i-stay sila kapag may aasikasuhin kami parehas ni Jethro pero napakadalang naman ‘nun dahil hands on talaga ako sa negosyo namin. Bukod sa ayokong masayang ang tiwalang ibinigay sa’kin ng mga kaibigan ko nang mag-invest sila sa Negosyo, ay wala din naman akong ibang pinagkakaabalahan. Eto na yata ang buhay ko simula ng mawala si Jenna at nagpasya akong iwanan ang New Zealand at bumalik diyo sa Pilipinas para makalimot.  Karamihan sa clients namin ay mga artista at mga negosyante. Maganda ang reviews sa mga trabaho namin kaya isang taon pa lang ay nakabawi na kami sa kapital. Tinititigan ko ang calling card ni Mikee. Pati ung sss acct nya. I-add ko kaya ‘sya? Itext ko kaya s’ya? Tawagan ko kaya? Aish! Ano ba ‘tong nangyayari saken? Reina is now friends with Mikee.. Mimi is now friends with Mikee.. Victor is now friends with Mikee... Roan is now friends with Mikee.. Mike is now friends with Mikee.. Sunud-sunod ang notification sa cellphone ko. Mukhang na-add na nilang lahat si Mikee sa sss. George is now friends with Mikee. Anak ng! Pati si George na ngayon lang nakilala si Mikee ay na-add na din s’ya? Hays..i-a-add ko ba sya? I-accept kaya nya? Siguro naman kasi hindi ko naman siya i-a-add ng walang dahilan e. ‘Yung iba nga na-add na s’ya. Magchat muna kaya ako kung pwede ko syang i-add? Pero di’ba mas awkward ‘yun? Haist! Bahala na! Mikee Gonzales - view profile - follow - add as a friend. Iaccept kaya nya?  2 minutes na hindi pa nya ina-accept... 5 minutes na...hays wala pa din!  Sige mga 15 minutes pa. Maaga pa naman e. 7:30pm pa lang. Baka kumakain pa. 7:50PM  Sige hintay pa tayo baka nasa CR. 8:50PM  Baka nanunuod ng TV. Tama! Baka nagmamarathon ng Kdrama. Kapag ‘yun kasi ang pinapanuod ng mga babae, hindi maistorbo e. 12midnight- baka batt empty s’ya kaya nagkacharge pa ang phone. Maya-maya siguro. 2am - baka nakatulog na sya.. Nagising ako sa alarm ng cellphone ko. 6am na. Nakatulugan ko na lang ang paghihintay na ma-accept ni Mikee ang Friend Request ko. Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko para tingnan kung inaccept nya na. Pero nadisappoint lang ako dahil wala pa din. Ayaw n’ya bang i-accept ang invitation ko? Pero bakit naman? Buong tropa friend na sya.. 6:30am nakapag-almusal na ko't lahat wala pa din. Tulog pa kaya sya? 7am- tapos na akong maligo, magtoothbrush at nakapagpalit na din ako ng damit para pumasok sa shop pero wala pa din. Kada minuto ako kun magcheck ng sss pero wala pa din. Hays! Makapasok na nga lang! Nasa elevator na ‘ko ng biglang tumunog ang cellphone ko. Hays! Baka si Jethro lang yun. Baka male-late naman s’ya kaya nagchat. 7:30am pa lang naman ah. Sa kotse ko na lang i-tse-check. Wala ako sa mood tapos iinisin na  naman n’ya ko. Nakababa na ‘ko sa parking lot ng condo at nasa sasakyan na nang nilabas ko ang cellphone ko para basahin ang message. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. "YES!" Mikee Gonzales accepted your friend request. You are now friends with Mikee. Ngiting tagumpay! Ganado akong pumasok ngayon sa trabaho.   Reina added you to group : College Tropa "Guys, I created a group para sa’tin. Mikee, sinama kita ha? Consider yourself as part of the group. Dito natin pag-uusapan kung may mga gimik tayo and everything.  Two months ang vacation namin ni Victor kaya sana sulitin nating magkakasama. Pagbalik kasi namin sa Canada ay sisimulan na namin ang "Project: Baby Sta. Cruz". Kaya dapat mag-enjoy na kami habang pwede pa." Chat ni Reina sa amin kinabukasan ng umaga.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unexpected Romance

read
40.4K
bc

Mhorric Soliven: The Billionaire's Maid

read
446.0K
bc

My Husband's Mistress

read
300.3K
bc

Billionaire's Secret Affection (Tagalog)

read
260.6K
bc

The Innocent Playgirl (R18 Tagalog)

read
479.8K
bc

A Night With My Professor

read
513.7K
bc

Loving The Billionaire |SPG

read
253.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook