Finally Found Someone

2314 Words
  Oliver's POV Saglit na lang at magsisimula na ang kasal ng kaibigan kong si Mimi at ng magiging asawa nitong si George. Nasa loob na din si Roan. S’ya kasi ang isa sa bridesmaid ni Mimi. Alam ko kung gaano nila pinaghandaan ang kasal na ito. Paano ba naman e halos lingo-linggo kaming kung saan-saan dinadala dalawang ‘yun mula sa paghahanap ng venue,ng simbahan, ng reception at ng iba pang kakailanganin sa kasal. Pati na ang damit ng mga abay at giveaways ay kasama kami. Palibhasa'y bihira kaming makumpleto dahil sinadya lang na umuwi ng mag-asawang Reina at Victor para lang sa kasal na ‘to. Sa Canada na kasi sila nakabase at swerteng nabigyan sila ng two months’ vacation. Kaya ang usapan e lagi kaming magba-bonding at ang pagtulong sa pag-aasikaso sa kasal ang isa sa mga bonding activities daw namin. Ang pinaka na-enjoy ko lang ay ang food tasting ng iba’t ibang caterer. "O, ayun na pala si Mikee e. Di’ba kotse nya ‘yun?" Napatingin agad kami sa direksyong tinuro ni Mike. That's when I saw her. Parang nag slow motion lahat. She was walking towards our direction with a huge smile on her face. That moment I thought I saw an angel. No, it's an understatement. She's like a greek goddess on her lavender dress in spaghetti straps and her curled hair. Very minimal make up was put on her face but it only shows her natural beauty that I almost gulped my throat. That dress has a slit on the side that you can see her smooth skin every time she walks. Totoo pala ‘yung sa mga eksena sa  pelikula na natutulala at nag-i--slowmo ang lahat kapag nakita na nung bidang lalaki yung bidang babae. Only, imposibleng kaming dalawa ang bidang ‘yun dahil may leading man na si Mikee sa totoong buhay. At mali ‘tong mga iniisip ko. "Gosh! Kala ko male-late ako! Grabe ang traffic sa EDSA."  Aniyang bungad sa amin,   "Ok lang. Kakarating lang din naman namin." Sagot ni Reina sa kanya habang nagbebeso sila.  “Tara, pasok na tayo sa loob. Malapit ng magsimula ang cermony." Pag-aya ni Victor kaya nagsipasok na kami sa loob ng simbahan. Nakaupo kami sa pangatlong helera ng upuan. Hindi namin kasama si Roan dahil kasali siya sa mga abay. Napakaganda ng suot ni Mimi na gown. Napakaganda n’ya din sa ayos nya at sa make up. Pero pinakamaganda yata  ang babaeng nasa tabi ko ngayon. Hindi ko maiwasang sumulyap ng patago sa kanya. Naalala ko tuloy nung college pa kami. Palihim din akong sumusulyap sa kanya. Tahimik lang siya lagi na kung hindi nagbabasa e nakatutok lang sa cellphone nya. Makulit at kolokoy ako noon. Lahat kinakaibigan ko. Kaya dati ay nakakalapit akokay Mikee kapag may pagkakataon. Kung wala s’yang katabi ay uupo ako sa bakanteng silya sa tabi nya. Kukulitin ko s’ya tulad ng kukunin ko yung notebook na sinusulatan niya. O kaya naman ay hahablutin ko yung libro na binabasa nya. Minsan naman ay pakikialamam ko ang cellphone nya. Tatawa lang s’ya at pagsasabihan ako na ang kulit ko. Pero kapag napansin kong nakatingin na sa’kin ang tropa ay nagpapanggap akong kukulitin ko naman yung ibang katabi ni Mikee para hindi mahalatang siya talaga ang pakay at sinasadya kong magpapansin sa kanya. Pero hanggang dun lang ang kaya kong noon. Nililigawan ko na noon si Jenna at alam ko na siya ang mahal ko. Crush ko lang si Mikee pero seryoso ako kay Jenna. Isa pa alam kong may boyfriend si Mikee ng mga panahon na ‘yun. Masyado yatang naglakbay ang diwa ko at hindi ko napansin na nahuli na pala ako ni Mikee na pinagmamasdan sya. "Bakit? May dumi ba sa mukha ko?" Pabiro niyang tanong. "W-wala." Nauutal na sagot ko. Nagsimula na ang wedding ceremony ang kitang kita kay Mimi ang sobrang saya. Natapos na ang kasal at ang picture taking. Papunta na kami sa reception. Dahil sabado ‘yun at kamalas malasan na sabado ang coding ko e sumabay na lang kame nina Reina at Victor sa kotse ni Mikee papunta sa reception na hindi naman kalayuan sa simbahan. Nagpresinta ako  na magdrive dahil naawa naman ako sa paa ni Mikee na naka heels pa. Sa dulong table kami nakaupo. Swerteng nagkatabi kami sa upuan o talagang sinadya ni Mike na makipag-unahan sa’kin sa dapat na uupuan ko para maging magkatabi kami ni Mikee. Simula kasi nung nakita namin si Mikee sa UP ay patago na akong kinukulit ni Mike. Palibhasa'y alam niyang crush ko ito dati. At tanging siya lang ang pinagsabihan ko nun. Pilit ko naman siyang tinatanggihan dahil alam naman namin pareho na hindi na available si Mikee. "Punta lang kami sa powder room ni Mikee." Paalam ni Roan sa’min.   Mikee' POV Galing ako sa powder room ng may biglang humila sa braso ko. "Mikee! Long time no see." Nakangiting bati ni Samuel sa’kin. Classmate at kaclose ko nung high school. Sila pala ang banda na kinuha nila Mimi para kumanta sa reception nila. Magaling maggitara si Samuel. Marunong din s’yang kumanta. Pero ‘yung husay nya sa pagtugtog ng gitara ang pinakakinakikiligan sa kanya nung highschool kami. "What a small world nga naman Samuel dito pa tayo nagkita." Sabi ko sa kanya pero nagulat ako nang bigla nya akong niyakap.   OLIVER'S POV Natutuwa ako na nakakapagkwentuhan na kami ni Mikee kahit nahihirapan akong gumawa ng pag-uusapan namin. Medyo nakakaintimidate kasi sya. Nakakatunaw ‘yung ngiti nya. Kapag tumingin pa sya nakakatunaw ‘yung mata nya. Hays! Ngayon ko lang naramdaman ulit ito. Teka, bakit parang ang tagal naman nya. Nagpowder room lang sila saglit ni Roan ah. Pucha! Sino yung lalaking kausap nya? Napakuyom ang kamao ko nang makitang hinagkan siya ng lalaking kausap. "Uy! Sino ‘yung kausap ni Mikee? Parang kakilala nya ah. OMG! Niyakap pa s’ya!" Pang-iinis ni Mike sa akin. "Apektado ka ba Oliver? Mukhang friendly hug lang naman." Bulong pa niya. "Ano ka ba? Bakit naman ko maapektuhan? Kung may maapektuhan man e yung asawa niya ‘yun. Tss!" Pagtanggi ko. Pero deep inside, nagpupuyos ako sa inis. "Roan, sino ‘yung kausap ni Mikee?" Tanong ni Reina nang papalapit na siya table namin na hindi kasama si Mikee. "Ah, kaibigan yata ni Mikee. Mukhang kaclose n’ya kasi tuwang tuwa ‘yung lalaki nung makita s’ya e. Iniwan ko na muna sila para makapag-usap." Parang gusto kong pagalitan si Roan na hinayaan niyang maiwan si Mikee kasama ang lalaking iyon. Papalapit na sa amin si Mikee. Nagkunwari akong hindi apektado. "Mikee, sino ‘yun ha? May pa hug-hug pa sayo ah." mapanuksong tanong ni Reina. "Ah, Close friend ko ‘yun nung high school. Si Samuel. Coincidence nga eh! Sila pala ‘yung kinuhang banda ni Mimi ngayon." "Naging jowa mo ‘yun?" Nakangising pagchismis pa ni Roan. Mas lalo akong nainis. "Hindi ah. Ex sya ng friend ko. Hindi ako pumapatol sa ex ng kaibigan ko." Natatawang sagot agad niya. Good. I thought to myself. Nakahinga ako ng maluwag. Pero pagtingin ko sa pwesto ng Samuel na ‘yun, nakatitig s’ya kay Mikee at abot tenga ang ngiti. Pwedeng walang gusto si Mikee sa kanya noon. Pero itong lalaking ito, mukhang type sya. Maraming programs at games na prinepare ang host ng wedding nila Mimi at George. Nanalo pa nga ako sa isa sa mga games. Hindi pa din mawala sa isip ko na katabi ko si Mikee at minsan ay nagbabangga ang mga siko namin. I feel the electricity every time our skin touches each other. Pota! Kinikilig ba ‘ko? Siya kaya, anong nararamdaman nya? Malamang wala kasi nga may asawa na s’ya. Gaguuu ka talaga Oliver! "Good evening everyone! Congratulations to our love birds tonight, Mr. And Mrs. Reyes. We are the Crossroads Band and we are very pleased to have been chosen by our newly wed to sing here tonight." Intro ni Samuel. Mukhang kakanta na ang mokong. "I am very pleased as well that one of the guests here is coincidentally my very good friend from High school. Mikee, can you join us here on stage and give the newly wed a song. Kung ‘di ninyo natatanong ay isa si Mikee sa mga may pinakamagagandang boses sa school namin." Pagkukwento pa ng mokong na ‘to. Mukhang gusto lang tsumansing kay Mikee sa stage pa gusto. "Mikee! Mikee!!" Pambubuyo pa ng tropa sa kanya para umakyat siya sa stage. Kung ako lang ay ayaw ko sana dahil mapapalapit pa siya sa Samuel na iyon. Pilit na nahihiyang tumatanggi si Mikee pero sa huli ay wala din siyang nagawa. Nahihiya pa sa stage si Mikee habang namimili na sila ng kanta. "Mimi and George, this is for you guys. Congratulations on your wedding and best wishes." Intro ni Mikee na halatang nahihiya at kinakabahan. Nakita ko pang napakamot sya ng ulo sabay mahinang suntok sa braso ni Samuel. Mukhang tuwang tuwa naman ang lalaki. Sarap sapakin.           Samuel: I finally found someone, who knocks me off my feet; I finally found the one who makes me feel complete...   Sus! Akala ko naman napakaganda ng boses ng Samuel na ‘to. Marunong naman akong sumayaw.   Mikee: It started over coffee, we started out as friends; It's funny how from simple things; the best things begin...   Boses ba talaga nya ‘yun? Never ko siyang narinig kumanta nung college kami kasi nga mahiyain s’ya at tahimik lang. Sino’ng mag-akala na hindi lang pala mukha n’ya ang mala anghel. Pati pala boses n’ya. Kung narinig ko siguro s’yang kumanta dati baka niligawan ko na talaga s’ya.   This time is different; la la la la It's all because of you!.. It's better than it's ever been; Cuz we can talk it through; My favorite line was "Can I call you sometime?"; It's all you had to say... To take my breath away...   This is it! Oh, I finally found someone; Someone to share my life; I finally found the one - to be with every night; Cause whatever I do It's just got to be you! My life has just begun, I finally found someone... Napatulala na lang ako habang pinapanuod siya sa stage. Napakaswerte naman ng asawa nito na maganda na, ay talented pa ang babaeng pinakasalan n’ya. Hanggang matapos ang reception ay panay pa din ang sulyap ng Samuel na ‘yun kay Mikee. Mayroon pang bago n’ya tugtugin ang isang kanta e nag-intro pa sya na. "This is one of Mikee's favorite classroom gig song." Sabay tugtog ng A Little Bit by MYMP. Panay papansin. Kung ako asawa niya ay baka nasapak ko na ‘to kanina pa. Palabas na kami ng reception hall at nagpaalam muna kaming mag CR na mga boys. Kasalukuyan akong nasa cubicle nang marinig kong may pumasok na dalawang lalaki at naguusap. Guy 1: Pre, parang trip na trip mo yung Chix na pina-jam mo kanina ah. Mi..kee..? Mikee ba yun?   Shit! Mukhang ‘yung Samuel ‘tong nasa labas ah. Samuel: Ah, oo. Classmate ko s’ya nung highschool. Kaso ang naging girlfriend ko ‘yung kaibigan nya. Mas gusto ko kasi ‘yun that time e.   Guy 2:  Eh, anong nangyari? Samuel: Ayun, nagbreak din kami nung girl nung mag college na. Paminsan minsan nagkikita kaming magkakaklase. Inuman lang tsaka bonding. Kaya nagkikita naman kami ni Mikee kahit papaano. Liligawan ko na nga sana siya e kaso nag-asawa naman siya. Buti nga sa’yo. Isip isip ko Guy 1: nako 'to,l may asawa na pala e. Wala ka ng pag-asa. Oo wag ka ng umasa. Parang ako. Samuel: pwede pa naman siguro. Her husband and child died in a car accident 3 years ako. Kaya technically, available na siya ngayon. Malay mo this time, chance ko na sa kanya di’ba? Tara na nga hahanapin ko pa siya at baka maaya ko pang lumabas. Nang narinig kong wala na ang grupo ng mga mokong na ‘yun e tsaka ako lumabas sa cubicle. Lumabas din sila Mike at Victor na nakalimutan kong kasama ko pala sa CR. "s**t! Totoo ba ‘yung narinig natin? So patay na pala ang buong family nya?" ani Victor. Pare-parehas kaming nabigla sa narinig. Napaisip ako na marahil ay ‘yun ang dahilan sa mga nasabi ni Mikee nung nasa Antipolo kami. ‘Yung lungkot sa mata nya, ‘yung sakit na naramdaman ko sa mga sinasabi nya. Kaya pala.   "Nakakabigla naman. Wala ba talagang nakakaalam sa inyo nun? Sila Reina kaya alam?" Tanong ni Mike   "Kung alam nya ‘yun e di malamang nasabi na n’ya sa akin di’ba? Huwag na lang muna natin ipaalam kay Mikee na alam na natin. Siguradong hindi n’ya gustong pag-usapan kasi otherwise ay nabanggit na sana n’ya ‘yun nung una palang na nagkita tayo. Napaguusapan din namin dati ‘yung boyfriend nya at nakakapagkwento sya sa akin kaya sa tingin ko ay sinadya n’yang hindi sabihin sa atin ang tungkol sa bagay na ‘yun. Kaya nga siguro iniwasan n’ya ‘yung tanong ko nung kinamusta ko yung family nya nung naglunch tayo after jogging. Ngayon naintindihan ko na.” Parehas kami ng naisip ni Victor. Nanatiling akong tahimik lang. Sobrang nashock ako sa nalaman ko. At the same time, I feel for her. Alam ko ang pakiramdan na mawalan ng asawa. Pero siya, asawa at anak. Tiyak akong nakapasakit nun.   Nagsend pala sa group chat ng mga pics namin sa kasal. Masaya akong tiningnan ang mga ito. Ang daming wacky shots na kuha ni Mike. Kahit kalian talaga ay laughtrip ang g*gong ‘to! Nagsend din ako ng mga larawan na kuha ko gamit ang cp ko. Mga group shots namin. Kami nina Mike, Victor kasama ang bride and groom. Pero may isa akong picture na hindi sinend. Ang stolen shot ko kay Mikee. Napakaganda nya kahit sa malayong kuha. Pasimple ko kasi siyang kinuhaan ng picture habang naglalakad sya papalapit  galing sa kotse nung dumating sya sa simbahan. Hindi ko ipinahalata lalo na kay Mike ng kunin ko ang phone ko at picturan sya. Kunwari may tinext lang ako. Baka kasi gawin na naman akong tampulan ng tukso nina Mike at Victor. Nakakahiya lalo kapag sa harap pa ni Mikee ako asarin ng mga ‘to.  CREDITS:  I Finally Found Someone by Barbra Streisand ft. Bryan Adams DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are products of the author’s imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD