"Tell me
Just what you want me to be
One kiss
And boom you're the only one for me
So please tell me
Why don't you come around no more?
Cause right now
I'm crying outside the door of your candy store
It just takes a little bit of this, a little bit of that
It started with a kiss
Now we're up to bat
A little bit of laughs, a little bit of pain
I'm telling you my babe
It's all in the game of Love"
Nakarating din kame sa wakas sa private resort na nirentahan ng mag-asawang Reyna at Victor.
Dito sa Tagaytay ang napili nila dahil ilang oras lang mula sa Manila at gusto nila ang sariwang hangin dto. Dalawang kwarto lang meron dto. Ang isa ay para sa boys at isa para sa girls. Hiwalay muna ng tulugan ang mga mag-aasawa. Hindi nga pala nakasama ang asawa ni Mike dahil walang mag-aalaga sa anak nila. Si Roan naman ay single. Tinulungan ako ni Mike at Oliver na ibaba ang mga dala naming drinks at ice. Ang iba naman ay nakatoka sa food at snacks. Ako ag nagpresenta na matoka sa drinks dahil nahihiya ako na lagi nila ang sinasabit samga lakad nila. Eto na lang ang pakonswelo ko sa kanila. Bukod pa dun e gusto ko na pabor saken ang mga alak na iinumin. Baka kasi puro rhum ang bilin nitong mga lalaking to.mas gusto ko amg beer,tequila, margarita at soju. Pero ang rhum ayoko talaga!
Pagkapasok namen sa kwarto ay agad kameng nagpalit ng mga swimwear namen. Wala pa kong balak maligo kaya ipinatong ko muna ang knitted kong cover up sa white two piece bikini ko. Nakalimutan kong sabihin na hubadera nga pala ang lola nyo. Nahilig ako na magrelax sa beach kahit magisa lang ako kaya marami akong bikini at swimwear. Nakaswimsuit din naman ang ibang girls pero wholesome ang dating. Kung yung mga kaibigan kong kasama sa gimikan e malamang mas matindi pa mga suot saken ng mga yon. Bumaba na kame para simulang ayusin ang pagkain dahil malapit na ding magtanghalian.
Oliver's POV
Ligong ligo na kameng mga boys kaya imbes na tulungan ang girls e agad kameng nagbihis ng shorts na pangswimming at sabay sabay naglundagan sa pool. Hindi ganon kainit ang klima sa sa tagaytay at di din naman ganun kalamig. tanghali pa lang kase kaya masarap magswimming. Busy ang mga girls sa paghahanda ng lunch namen na boodle fight. Panaka naka lang akong sumulyap kay Mikee. Naka knitted syang cover up. Ano kayang suot nyang swimsuit? Sexy si Mikee..nung makita ko sya sa UP na nagjjogging noon ay napansin ko na na may kurba yung katawan nya. f**k! Ano ba tong nasa isip ko?! Erase! Erase!
"Boys kain na tayo!" Tawag ni Mimi
Sabay sabay kameng nag ahunan na kala mo mga batang tinawag ng nanay dahil kakain na.
Masarap ang hinanda nilang pagkain. Masarap kasing magluto si Roan kaya sya ang itinoka sa pagluluto.
Pagkatapos kumain nagligpit na ang mga girls ng pinagkainan namen. Si George at Victor naman ay sinamahan ang mga asawa nila sa pool. Kame ni Mike ay nagpasyang simulan na ang pagharap sa alak.
"Mikee tapos ka naman na yata dyan halika na swimming na tayo!" Tawag ni Roan sa kanya.
"Ok cge punta na ko dyan." Sagot ni Mikee.
Muntik ng malaglag ang panga ko nang makita kong tinanggal na ni Mikee ang cover up nya at ang suot nya ay white two piece bikini. Hindi naman masyadong daring ang suot nya pero kahit sinong lalaki yata manlalaki ang mata dahil sa hubog ng katawan nya. Mukhang alaga sa gym yun. Makinis at walang bakas na nagbuntis at nanganak na sya dati. Naubo ako ng biglang tapikin ako ni Mike.
"Pare sara mo bibig mo may papasok na langaw dyan. Hahahahaha!" Pang aasar ni mike
"T*ng*na mo!" Sabay suntok sa braso nya.
Pasulyap sulyap lang ako kay Mikee kasi ayaw kong isipin nya na nababastos ko sya. Baka isipin pa nya manyak ako. Pero s**t talaga ang tukso nga naman. Buti na lang kasama ng mga boys ang asawa nila kaya alam kong di sila titingin kay Mikee. Etong si Mike naman ay alam na sasapakin ko sya pag nagkamali sya.
Hapon na ng magkasawaang magswimming at nag aya ng kumain ang girls. After dinner ay sinimulan na ang inuman.
"San na nga pala sila Phoebe at Jennifer? Pati si Ron? Hindi nyo na ba sila nakakasama?" Paghahanap ni Mikee sa iba pa nameng kaibigan.
"Nako mahirap ng ayain ang mga yun. Si Jennifer nakabase na sa US kasama ng american husband nya. Si Phoebe naman may sakit ang asawa nun kaya hindi nakakasama. Si Ron mahigpit ang misis kaya hindi na din nakakasali sa mga ganito un." Kwento ni Victor.
"Ah kaya pala." Sagot ni Mikee. Naaalala pa pala nya yung iba naming barkada..bakit nung nagkita kame sa UP parang di sya sure na ako yun. Oliver? Patanong pa yung pagsambit nya sa pangalan ko.
"Laro tayo spin the bottle.truth or dare." Pag-aaya ni Mike. Kinakabahan ako sa game na to. Pero ang ibang girls alam mo na mababaw ang happiness e excited na pumayag. Si Mikee naman ay ngumiti lang.
Inikot na ni Mike ang bote. Kay Mikee unang tumuro. Dare ang pinili nya.
"Hmm...magswimming ka ng tatlong balik sa pool. Tapos wag kang magsuot ng cover up or towel after." Utos ni Mike
"Gago ka ba tol! ang lamig lamig. Nasa tagaytay tayo." Pagalit kong pagtutol. Pero tahimik lang ang iba. Nag aalala ako kay Mikee dahil baka sipunin sya. Nang-aasar talaga to si Mike e. Pero si Mikee ay walang tutol na tumayo, hinubad ang cover up at nagswimming ng tatlong balik sa pool. Alam kong nilalamig sya pero tinupad nya ang dare ayon sa sinabi ni Mike.
Inikot ni Mikee ang bola at kay Mike naman natapat. "Truth" ang pili ni Mike.
"Hala anong itatanong ko e ang tagal na nateng hindi nagkita." Sabi ni mikee
"Ako na lang magtatanong..niligawan mo ba si Jessica nung college tayo pero itinigil mo kasi nakakita ka ng chix sa ibang college?" Natatawang tanong ko. Alam kong sensitive si Mike sa topic na to dahil malapit sa mga girls ang classmate namen nung college na si Jessica. Niligawan nya yun pero nung nahuhulog na sa kanya ay biglang nyang tinigilan ang panliligaw dahil may natipuhan sya na babae sa ibang course. Magagalit dapat ang girls sa kanya nun pero dahil hindi nalinaw ang issue na yon ay hindi natuloy ang galit nila. Ngayon na nabalik ang issue ay malamang kokotongan siya ng mga girls lalo na ni Roan na sobrang close kay Jessica. Sorry Mike. You're messing with Mikee. That's my revenge for her.
Masama ang titig saken ni Mike pero wala syang nagawa kundi sumagot ng Oo sa tanong ko. Mag asawang malakas na kotong ang inabot nya kay Roan,Mimi at Reyna na may kasama pang malutong na mura.
Napakamot ng ulo si Mike at saka inikot ang bote. Pero kamalasmalasan e saken pa tumutok ang bote.
"Ok time for revenge" nakangiting saad ni Mike sabay tingin sa paligid. Lumapit sya sa isang cabinet sa likod nya na mukhang lagayan ng mga mop. Pag tinignan mo pwede magsiksikan dun ang dalawang tao na nakatayo. Pero yung tipong magkadikit na tuhod nyo. Mukhang alam ko na ang nasa isip nito.
"Magkulong ka dito ng 30 minutes." Eto ang dare nya. Tumayo ako at pumasok sa loob. May mga butas naman ang pinto kaya for sure e makakahinga ako dito. 39 minutes lang pala e. At least di na ko.kasali sa game.
"Pero para mas exciting isasama naten si Mikee sa loob" pagdugtong ni Mike sabay hila kay Mikee at itinulak sa loob ng cabinet. Nabigla kame parehas ni Mikee at ang sunod na lang namen namalayan e nilalock na ni Mike ang pinto.
"Gago tol buksan mo to!" Sigaw ko.
"Ano? Dyan muna kayo magsswimming muna kame. Balikan namen kayo after 30minutes." Natatawang sabi ni Mike at rinig ko.din ang hagikgikan ng iba.
"Mga siraulong to! Nagswimming.pagkatapos tayong ikulong dito." Naiinis kong sabi.
"O-oliver..." Mahinang sabi ni Mikee
Napatingin ako sa kanya dahil hindi ko mawari ang nangyayari sa kanya.
"Ang l-lamiiggg.." nangangatal nyang sabi.
"s**t oo nga pala pinagswimming ka ni Mike at wala kang towel man lang." Pag aalalang saad ko. Sinubukan kong tawagin sila Mike pero hindi yata nila ako naririnig. f**k anong gagawin ko? baka manigas to sa lamig. Tinignan ko lang si Mikee at nag sorry. "Sorry Mikee pero eto lang ang nakikitang kong paraan." Sabi ko sa kanya sabay yakap.. "Sana maibsan kahit papano yung lamig."
Unti unti kong naramdaman na medyo nabawasan ang panginginig ng katawan nya. "Thank you!" Sabi ni Mikee. Napangiti ako ng bigla kong marealize. Napakalapit ng namen sa isat isa. Nakadikit na yung katawan nya saken at naramdaman ko na yung dibdib nya sa katawan ko. At maisip ko lang na kakarampot na tela lang ang naghihiwalay sa mga balat namen e bigla akong pinagpawisan.
"Oliver...okay ka lang ba?" Tanong nya saken. "Huh? Okay naman..b-bakit mo natanong" okay na okay ako. Kaso lumilipad kung saan saan ang isip ko. Bulong ko sa sarili ko.
"E kasi..kasi..yung ano mo..nararamdaman ko." Nahihiyang sabi ni Mikee.
Shit! Hindi nakisama tong alaga ko. "Ah eh sorry..syempre nilalamig din ako.alam mo na. Wag mo na lang pansinin. Isipin mo na lang niyayakap kita para hindi ka lamigin." Palusot ko.
"Okay..salamat ulet." Mahinang sabi ni Mikee. Hindi kame kumalas sa pagkakayakap. Siguro kasi wala din namang choice dahil mapakaliit ng espasyo sa pagitan namen at isa pa alam kong nilalamig na talaga sya. Nakaswimsuit ka ba naman tapos pinagswimming ka at wala man lang towel. Take note nasa Tagaytay kame.
"Okay tapos na ang 30 minutes" sabi ni Mike habang binubuksan ang pinto. Nagkalas kame.sa pagkakayakap ni Mikee dahil baka makita pa nila kame.
"Gago ka Mike lamig na lamig na ko sa loob." Naiinis na sabi ni Mikee sabay suntok sa braso nito. Ako naman ay sinamaan sya ng tingin. Mamaya ka lang saken mokong ka.
Pagkasuot ng cover up ay nagligpit na lang si Mikee ng mga kinainan at ininuman namen. Ang iba naman ay umakyat na sa kwarto para maligo at magbihis. Tinulungan ko si Mikee na magligpit dahil alam kong maraming kalat at kawawa naman sya kung mag-isa nyang lilinisin yon. Naghuhugas sya ng plato ng lapitan ko sya.
"Okay ka na ba? Di ka na ba nilalamig?" Tanong ko.
"Oo okay na ko.salamat kanina ha" sagot nya ng nakangiti. Pupunta sana sya muli sa lamesa para kunin ang iba pang hugasin ng dumulas ang paa nya sa basang sahig. Dali dali ko syang hinila sa baywang upang hindi sya tuluyang matumba. Nagkatitigan kame ng marealize namen na magkayakap na kame. Napatingin ako sa mga labi nya. Para akong nahypnotize dahil unti unti kong inilalapit ang labi ko para halikan sya. Pero bigla syang nagsalita." Pag-isipan mo munang mabuti bago mo gawin yan. Baka pagsisihan mo lang." Hindi ko maintindihan ang sinabi nyang yon. "That's impossible." Yun ang ang isinagot ko at tuluyan ko na syang hinalikan.
Her lips and breath are both sweet. Nakakaadik. Marahan ko yung hinahalikan hanggang sa naakit akong gawing mapusok ang mga halik ko. Sinasagot naman nya yun. Lumalalim na ang mga halik namen ng biglang may kumaluskos sa gilid namen kaya bigla kameng napatigil. Bwisit na pusa ka! San ka nanggaling wala ka naman dito kanina. Naiiritang sabi ko sa utak ko.
"Ah..papasok na ko sa kwarto. Goodnight." Paalam ni Mikee. Hanggang tingin na lang ang nagawa ko dahil natameme na ko sa nangyari. Totoo ba to? s**t! Nahalikan ko na talaga sya?
CREDITS:
Song: The Game of Love by Santana ft. Michelle Branch
DISCLAIMER:
This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are products of the author’s imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.