Natigilan si Yna sa pag sakay sa motor n’ya ng makita ang isang matandang babae na nakatayo sa harapan ng bukas na gate ng bahay n’ya. Agad naman itong nilapitan ng tauhan n’ya pero hindi ito umimik nakatingin lang ito sa kanya. Huminga s’ya ng malalim na isinakbit ang helmet sa braso saka sinenyasan ang tauhan na iwan sila.
“Athena.” wika ng ginang na paiyak na sana na yayakapin s’ya pero agad s’yang umatras kaya umurong bigla ang luha nito ng umatras at bumakas sa magandang mukha nito ang lungkot. Hindi n’ya akalain na pupuntahan s’ya nito at matutunton. Sa hinaba-haba ng taon na lumipas sa tinagal-tagal n’yang pinanood ang mga kilos nito kasama ang bago nitong pamilya at anak ng palihim. Hindi n’ya akalain na matutunton s’ya ng kanyang ina na para sa kanya matagal ng patay sapol ng piliin nitong iwan s’yang mag-isa sa malupit n’yang ama.
Ito rin ang eksaktong dahilan kaya s’ya palabas ng bahay ngayon sisilipin sana n’ya ito dahil 5 years din n’yang hindi nakita ang kanyang ina. Galit s’ya rito pero kahit papaano naman na aalala n’ya ang mga mabubuting pangaral nito sa kanya noon at kahit paano na iinitindihan n’ya kung bakit ginusto nitong lumayo sa ama n’ya.
“Paanong_____.” naputol ang sasabihin sana ni Yna ng bumukas ang pinto ng likod ng kotse na nasa likod ng ina 2 dipa mula sa puwesto nila sa labas ng bahay. Nagtagis ang bagang n’ya ng makita ang ama na nasa likod ng sasakyan na. Nakita nanaman n’ya ang ngiti nitong mala demonyo. 78 na ito to be excact pero sapol ng mapuruhan ito ni Capt. Nathaniel Walton, ang bilis ng pagtanda nito. Hindi na ito nakatayo ng ayos na lumpo na ito ng tuluyan, mukha na talagang ito ngayon demonyong buhay pa na susunog na sa impiyerno ang hitsura. Napatingin s’ya sa ina mabilis nitong pinalis ang luha sa pisngi saka ngumiti ng alangain, ngumiti naman s’ya ng pagak sabay mura. Ang ama n'ya ang nag bit-bit sa mommy n'ya sa bahay n'ya, at hindi na s'ya nagulat na alam ng ama n'ya ang address n'ya.
Mukhang napag handaan ng ama n’ya ang pag labas n’ya ng kulungan, mukhang mali pa yata na nag pakulong s’ya, dahil naka gawa ng paraan ang ama na malapitan ang mama n’ya. At tingin n’ya gagamitin naman ngayon ng ama ang ina n’ya laban sa kanya dahil hindi na s’ya nito napasunod. Galit na inabot n’ya sa ina ang hawak na helmet saka nilampasan ito at galit na sinipa ang pinto ng kotseng binuksan ng ama at agad iyon sumarado ng sipain n'ya, itinukod ang braso sa bukas na binatana ng backseat.
“Lumabas ka muna Artemis.” utos nito sa kanang kamay nito pero sinipa lang din n’ya ang pinto ng driver seat na pabukas na sana gamit ang paa.
“Ayaw mo bang marinig nag aso mo ang sasabihin ko." Nakangising tanong ni Yna sa ama.
"Makinig ka! Bumalik ka na sa lungga mo hintayin mo na dalahin ko sa’yo ang ulo ng isang taong gitil na gitil kang makuha. Lumabayan mo ang matandang babaeng isinama mo pa rito. Dahil kapag ako ang nabuwisit sa morgue mo na ako makikita.” tumawa naman ang ama na hinaplos ang mukha n’ya pero tinabig n’ya ang kamay ng ama.
“Don’t be so mellow dramatic anak, ang tagal rin natin hindi nagkita tapos ganyan pa ang sasabihin mo sa akin. Napakasakit para sa akin ng mga salitang yan.” wika ng ama, tumikwas naman ang nguso ni Yna.
“Buong akala ko talaga pag lumabas ako ng kulungan, burol n’yo na ang aabutan ko pero mukhang lamay ko pa yata ang mauuna.”
“Hay! Alam mo ba ng magkita kami ng Mommy mo, sobra s’yang umiyak sa harapan ko! Knowing your mom. Never s’yang umiyak dahil matapang at matigas s’yang tulad mo pero ng makita n’ya ako grabe ang iyak n’ya." ngisi pa ng ama.
“Natural! Makakita ba naman s’ya ng demonyo sa personal natural na umiyak s’ya.” tumawa naman ang ama.
“Umiyak s’ya dahil nakiki-usap na tama na ayaw n’ya ng gulo. She doesn’t want you back tahimik na daw ang buhay n’ya. Nakiki-usap s’ya na ayaw ka na n’yang makita dahil hindi alam ng bago n’yang pamilya na may anak s’yang inabanduna. Hindi rin alam ng buong pamilya n’ya na may anak s’yang iniwan. At higit sa lahat sagabal ang tingin n'ya sa'yo. Isang taong makakasira ng pamilya n'ya.” Huminga s’ya ng malalim saka tumayo at lumayo sa likuran ng sasakyan. Bago binalikan ang ina na ikunaha rito ang helmet.
“Umalis na kayo at wag kayong mag-alala, hindi ako mang gugulo sa inyo. Rest assure na hindi ako makikilala ng pamilya n’yo. Kalimutan n’yo na may anak kayong iniwan.” mariin na utos n'ya rito.
“Athena,”
“Kung na tatakot kayo kay Papa, wala na akong magagawa dun. Baliw na ang matandang yan at walang sino man ang makakapigil sa lahat ng gusto n’yang gawin.” tumigas ang anyo ng ina.
“Kill him kaya mo naman yun diba.” mariin na utos naman ng ina na saglit n’yang ikinatameme, hindi s'ya makapaniwala sa narinig n'yang utos na galing mula sa ina n'yang puro magandang pangaral ang iniwan sa kanya noon. Malakas s'yang tumawa pero agad din sumeryoso na dinukot ang baril na nakatago palagi sa likuran n’ya ikinasa n’ya iyon at inilagay sa sintido n’ya. Wala pang 3 segundo nasa tabi na n'ya ang kampon n’ya na nakalapit sa kanya na pilit na inaagaw ang baril sa kamay n’ya.
Ang ina naman n’ya at nakahawak din sa braso n’ya at nakiki-usap na ilayo n’ya ang baril. Nandidilat ang mata n’ya na kagat labi, nag pupuyos ang kalooban n’ya. Mula pag kabata pa lang n’ya puro pag patay na ang utos sa kanya galing sa ama. After n’yang makapatay ng tao umiiyak s’ya at nahingi ng patawad sa Diyos. Pero ng lumaki na s’ya nasanay na s’ya sa larangan ng pag patay hindi na s’ya na hingi ng tawad sa Diyos pero walang araw na hindi n’ya hinilingin sa langit na sana kunin na lang s’ya para hindi na s’ya makagawa ng kasamaan. Pero ngayon ang ina na nag turo sa kanya ng tamang asal at natututo s’yang mag pasalamat at magdasal sa Diyos, inuutusan s’yang patayin ang sarili n’yang ama. Ano bang tingin ng mga magulang n'ya sa kanya tau-tauhan lang ng mga ito.
Kelan ba s’yang huling beses na umiyak? Hindi na n’ya maalala bata pa s’ya akala n’ya wala na s’yang mailuha kaya hindi na s’ya naiyak pero ngayon parang gripong nabuksan ang mga mata n’ya at dere-deretso ang pag daloy ng luha sa pisngi n'ya.
“Umalis na kayo dito, alis na.” taboy ng tauhan n’ya sa ina n’ya na sapilitan ng itinutulak ng mga ito. Panay naman ang iyak ng ina n’ya na humihingi ng sorry, na agaw naman ng mga tauhan n’ya ang baril n’ya.
“Boss.” walang imik na sinuot n’ya ang helmet at nag mamadaling sumakay ng motor n’ya at pinasibad iyon ng napakabilis na akala mo ay nasa hi-way s’ya. Tuloy pa rin ang iyak n’ya habang nag mamaneho. Kung aaksidente man s’ya sana patay agad para wala na s’yang mapurwisyong tao, may kalahating oras na yata s’yang tumatakbo namalayan na lang n’ya nasa NLEX na pala s’ya at walang eksaktong destinasyon.
Sumagitsit ang gulong n’ya sa kalsada ng bigla s’yang mag preno na halos ikataas na ng gulong n’ya sa likuran at gumuhit na ang gulong n’ya sa kalsada ng bigla ang isang itm na mercedes benz ang lumabas sa exit na hindi man lang nag menor o tumingin muna kung may paparating na sasakyan. Sa bilis ng takbo n’ya suwerte s’ya kung hindi n’ya salpukin ang naturang kotse buti na lang malakas ng preno n’ya at sanay na s’ya sa pag momotor dahil kung hindi baka lasog-lasog ang katawan n’ya. HIndi panaman s’ya naka full gear wala naman kasi s’yang balak sana lumayo pero namalayan na lang n’yang malayo na pala s’ya.
Buti na lang malakas ang preno ng white hawk n'ya at nagawa n'ya wag salpukin ang naturang kotse na agad din nag preno. Magtataas sana s'ya ng visor ng helmet n'ya at aawayin ang driver ng kotse ng magulat at makita kung sino ang bumaba mula sa backseat ng kotse. Si Dean Andrew Lagdameo of all people na puwede n'yang makita after n'yang makalabas ng kulungan. Gusto n'ya itong makaharap pero hindi sa ganitong estado n'ya. Nag mamadaling iniatras n'ya ang motor, na binalak pa s'yang pigilan ng driver at ni Dean mismo pero mas magilas at mas alerto s'ya kaya agad s'yang nakatakbo papalayo at hindi na nilingon pa ang mga ito.