Episode 4- Phonecall

1781 Words
Nilanghap ni Athena ang air polluted na hangin ng Pilipinas. It's been 5 years na din simula ng makulong s’ya. “Yna.” napalingon naman si Athena ng makita ang warden na tumatakbo palabas na may dalang paper bag na inabot sa kanya. Napangiti s’ya ng makita ang laman ng paper bag mga notebook yun. Mga notebook na may mga nakasulat na mga romance novel na s’ya ang gumagawa. At ang mga readers n’ya ay ang mga kapwa n’ya preso at mga pulis na kahit papaano ay naging kabiruan na n’ya sa tagal pa naman n'yang namahinga sa loob ng kulungan. “Diba sabi ko sa’yo ipa-publish mo yan dahil tiyak ko na may future ka sa pag susulat wag mong sayangin ang talent mo.” wika pa ng warden. “Hindi ko ito talent, hobbies lang wala akong magawa sa loob.” sagot naman ni Athena. “Hindi biro ang mag sulat ng isang buong kuwento. Talent yan na puwede mong pag kakitaan, isinulat ko na din d’yan sa likod ng karton ng notebook kung saan mo puwedeng ipasa ang mga akda mo. Uso na ngayon ang mga online novel subukan mo. “ tumango naman si Athena na kinuha ang paper bag rito. “Umiwas ka sa gulo Yna! Wag ka ng babalik rito sayang ang ganda mo hindi bagay rito.” ngumiti naman na tumango si Yna na nagulat pa ng hilahin s’ya ng warden saka niyakap na tinapik sa balikat bago ito umalis na kumaway pa. “Hay! Mga tao talaga mapakitaan mo lang ng magandang treatment akala nila isa na akong santa.” iling ni Athena habang nag lalakad habang palinga-linga nasan na kaya ang kampon n’ya. Ang linaw ang usapan 9am kailangan nasa labas na ang mga ito pero ang mga animal n’yang kampon wala pa. S’ya si Athena 24 years old, Nakulong s’ya dahil sa isang animal na lalaking sarap lasunin, ipinakulong s’ya dahil pinag bintangan s’yang magnanakaw or kasabwat sa nakawan sa isang banko. Hindi na s’ya nanlaban pa o lumaban inako na lang n’ya para wala ng maraming seremonyas. Kailangan din naman n’yang mag tago dahil meron nanaman utos ang magaling n’yang ama na ayaw n’yang sundin. Matagal ng naibigay sa kanya ang mission na iyon ilang taon na ang lumipas pero ng buksan n’ya nagulat s’ya kung sino ang gusto nitong ipapatay sa kanya. Ang buong angkan ng mommy n’ya dahil lang ayaw na itong balikan, wala na yata talaga sa tamang pag-iisip ang ama n’ya. Kaya mas pinili na lang n’yang makulong, na isip kasi n’ya baka patay na ang ama n’yang sakitin na pag lumaya na s’ya. Kaso nakagawa ng paraan ang ama para palayain s’ya. Kumuha ito ng taong aako ng krimen na lilinis ng pangalan n’ya. Malakas ang saltik ng tatay n’ya. Nadiiin s’ya sa kaso dahil din rito sa pag lalagay nito ng malaking amout sa account n’ya. Pero mas malakas ang saltik n’ya sa ama at dahil ayaw pa n’yang lumabas ng kulungan. Tinira n’ya ang tutang general ng ama. At na comatose ito kaya ang ending attempted murder na ang kaso n’ya at mas humaba ang sintensya sa kanya. Pero napasobra yata ang pagiging mabait n’ya, kaya nagawaran s’ya ng parole na galing sa presidente. Na natitiyak n’yang ama nanaman n’ya ang may pakana nun, na boboring na din s’ya sa loob wala ng happening masyado na n’yang nalinis at naalis ang mga siga-sigaan. Kaya pinili na n’yang lumabas dahil mukhang totoo talaga ang kasabihan na matagal talaga mamatay ang masamang damo baka mauna pa s'yang mamatay sa boredom sa loob ng kulungan. Kaya heto ngayon malaya na s’ya, sayang naman! Tiyak n’yang bubuwisitin nanaman s’ya ng ama para kapag nagalit s’ya mag alburuto nanaman s’ya. Ayaw n’yang magalit sa mommy n’ya pero iyon na ang eksakto n’yang nararamdaman after all those year na nagawa n’yang maka survive sa kamay ng ama. Para sa kanya wala na itong kuwentang ina at mas lalong wala ng kuwentang ama ang tatay n'ya. Kaya mag pasalamat pa ang mga ito dahil hindi na solid na na mana n’ya ang mga kasamaan ng ugali ng mga ito dahil kahit papaano, sa kabila ng lahat ng hirap na dinanas n’ya na niniwala pa rin s’yang may Diyos. Bakit? dahil buhay pa rin s’ya hanggang ngayon. Napatingala s’ya sa langit masakit na sa balat ang init malilintikan talaga sa kanya ang mga tauhan n’ya. Galit na napahinto na s’ya sa pag lalakad ng sa wakas marinig na n’ya ang tunog ng sasakyan na parating at pag lingon n’ya nakita na n’ya ang isang pick-up truck na may mga sakay na mga tauhan n’ya na nag sisigaw pa na tinawag s’yang boss na parang mga tuwang-tuwa pa. Kaya s’ya napag kamalan na akyat bahay gang dahil sa mga kampon n’yang mga ito na mukhang mga sangano at mga ex-convict pero ang totoo mga malilinis ang record ng mga ito sadyang masasamang lalaki lang. Karaniwan sa mga ito napag bibintangan lang. Ang ilan matanda lang ng konti, ang iba naman mga nilipasan na ng panahon at ang iba ay bata pa dating mga rugby boys at mga anak na binubugbog ng magulang na lumalayas. Kinupkop n’ya ang mga ito sa bahay n’ya tutal malaki naman ang bahay na binili n’ya sa Pilipinas. Hindi s’ya na tatakot sa 10 lalaking pinatira n’ya sa pamamahay n’ya kahit mukhang hindi pag kakatiwalaan ang mga ito. Meron na siyang 2 lalaking kinupkop noon na tinangka s’yang gawan ng masama pero harap-harapan n’yang pinatay ang mga ito sa harapan ng 10 lalaki. Ipinakita n’ya sa mga ito kung paano s’ya magalit at kung paano s’ya pumatay ng tao na hindi marunong tumanaw ng utang na loob. Kaya mula noon parang maamong tupa ang mga ito, nag isip sila ng business na puwede nilang gawin negosyo at naisip ng mga ito na catering services daw pero mga gamit lang daw, pinayagan naman n’ya ang mga ito s’ya ang namuhunan pero hindi na n’ya pinakialaman kung paano ng mga nito imamanage pero nagulat s’ya ng mapatakbo ng mga ito ng ayos. Ngayon ang balita n’ya hindi na lang gamit ang pinahihiram ng mga ito kundi naging catering na talaga ang mga ito kasama na ang food at decorations daw kaya naman natutuwa s’ya sa dedication ng mga ito. Talagang totoo ang kasabihan na don’t judge the book by its cover. “Boss! Pasensya na late kami nag ka problema kasi dun sa isang event na hawak namin.” umirap naman s’ya kunwari. “Asan na si white hawk.” tukoy n’ya sa ducati motor n’ya na mahigpit n’yang ibinilin sa mga ito na alagaan. “Andyan na boss kasunod namin si Pedro.” sabay-sabay naman silang napatingin lahat ng sa wakas dumating na si Pedro gamit ang big bike n’yang si white hawk. “Boss.” inabot naman ni Fonso ang puting helmet n’ya pag kababa ni Pedro agad s’yang sumakay sa motor n’ya at niyakap iyon. “Kumusta baby, inalagaan ka ba nila?” tanong pa n’ya sa motor n’ya tagal din n'yang hindi nagamit iyon. “Oo naman bossing, takot na lang namin sa inyo. Bagong kondisyon yan at bagong linis gaya ng bilin mo." sagot naman ni Oscar. "Bakit parang ang lulusog n'yong lahat 5 taon lang tayong hindi nag kita-kita parang ang lulusog n'yo." "Na hiyang lang sa trabaho bossing." sagot naman ni Carding. "Pero ikaw boss parang lalo kayong gumanda, hiyang po yata kayo sa loob ng kulungan." "You think so? hiniwakan pa ni Athena ang mukha sabay ngumiti. "Gusto mo ba akong bumalik sa loob, madali lang naman iutumba lang kita." biro ni Athena na tinawanan naman ng lahat napakamot naman ng ulo si Pedro na sumakay na sa likod ng pick-up. Isinuot naman n'ya ang helmet n'ya na dala din ng mga ito. "Tara na! gusto kong makita kung anong nabago sa mundong iniwan ko." ani Athena sa pinaandar na ang motor at dahil na miss talaga n'ya ang pag mo-motor. Agad na n'ya iyon pinalipad sa kalsada na ikinamura na lang ng mga tauhan n'ya ng mawala na lang s'ya bigla na akala mo ay hangin na lang s'yang dumaan sa bilis ng takbo n'ya.- - - - - - - - "Parole? Para sa isang attempted murder?" salubong ang kilay na tanong ni Dean sa secretary n'yang si Connor ng sabihin nito sa kanya na lumaya na daw si Athena Dimaunahan. Kanina lang n'ya na laman na lumaya na nga daw ang dalaga na ipinakulong n'ya noon. Sapol ng mahuli na ang tunay na salarin at malinis ang pangalan ni Athena Dimaunahan hindi na s'ya naki-alam sa kaso na meron ito. May atraso s'ya rito dahil ipinakulong n'ya ito kahit may mga alibi naman na nag papatunay na hindi ito ang mastermind at hindi rin ito kasabwat pero dahil protocol ang sinunod nila ilang taon din itong nakulong sa kasalanan na hindi naman nito ginawa. Inutusan n'ya ang secretary n'ya na alamin kung kelan pa naka laway si Athena. "Yes, sir at galing po mismo sa presidente ang parole." lalo ng napaisip ng malalim si Dean sa narinig. Sino ba talaga si Athena Dimaunahan dahil talaga wala silang makuhang record sa kahit anong kalkal nila wala silang makuha na para bang hindi ito nag e-exist sa mundo nila. "Ito sir in case na gusto n'yo po s'yang maka-usap." wika ni Connor na ibinababa sa mesa n'ya ang isang papel na may naka sulat na address Quezon City lang at ilang landline at cellophone number. Tumango lang si Dean saka kinuha ang papel at inutusan na itong umalis. Agad naman na inangat ni Dean ang telephone at tinawagan ang number na naroon. Ilang ring lang may sumagot naman. "Can I speak with Ms. Athena Dimaunahan." bungad n'ya na agad naman narining niyang tinawag ng babaeng kausap ang babaeng hinahanap. "Hello this is Yna speaking." sagot ng babae, hindi naka imik si Dean wala s'yang maisip na sabihin. "Hello Bonifacio, miss me!" kumunot naman ang noo ni Dean ng maalala n'ya ang huling usap nila noon ng baba n'ya ito ng phone noon. Paano nito na laman na s'ya ang natawag, landline ng kumpanya ang gamit n'ya at hindi pa naman nito na ririnig ang boses n'ya. "Gusto mo bang puntahan kita, bibigyan kita ng isang mahigpit na yakap sa leeg." "Paano mo nalamang na ako to?" tanong ni Dean, narinig n'ya ang mala mangkukulam na tunog ng tawa nito. "Dahil kumakalabog ang puso ko, ikaw lang ang nakakagawa nito sa akin kaya Bonifacio. Sarang-iyot." napangiwi naman si Dean sa huling sinabi nito kaya napapatingin na lang s'ya sa phone sabay baba niyon na parang na iimagine n'ya ang malokong ngiti ng babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD