Episode 1-Unang pasilip
Nakataas ang paa ni Athena sa manibela ng dala n'yang elf truck habang iniintay ang mga kampon na nag liligpit ng mga gamit na hiniram sa catering business nila. Habang sa tapat na isang establishment may nagaganap na bank robbery na pinapanood lang n'ya. Kita pa n'ya kanina ang pag dating ng dalawang itim na bulok na sasakyan. Malayo pa lang kita na n'ya may masamang balak ang mga ito, siguro dahil masama din s'yang tao kaya kilala na n'ya ang karakas ng mga kampon ng diablo na nag lipana sa paligid.
Nag babaan ang mga ito na may suot ng mga maskara at may mga hawak na mahahabang baril na dalawa ang butas. Pumasok ang mga ito sa isang banko na binasa pa ni Athena ang pangalan ng banko. Mukhang pag-aari pa ng angkan ng mga Lagdameo ang bankong hino-holdap ngayon. Habang ang sarap ng higa n'ya sa driver seat taas paa pa s'ya at naka unan ang ulo n'ya sa dalawang kamay n'ya ng isang dilaw na ferrari ang dumating. Habang may hawak itong cellphone sa kamay at may kausap sa phone, mukhang natawag ito police.
"Oh! Isang Lagdameo, Hello! Handsome." usal pa ni Athena ng maalala na ito yung lalaki sa labas ng Enchanted Ville noon na maangas na akala mo kung sinong greek god. Napatingin pa ito sa kanya na nginitian at kinindatan pa n'ya na sinamaan lang s'ya ng tingin na mabilis na pumasok sa kotse nito.
"Ay! diablo, duwag ang puch*." usal ni Athena ng makitang nag labasan na ang mga holdaper akala ni Athena aalis na ang ferrari pero nagulat si Athena na napaunat bigla ng upo ng mabilis lang itong umatras sabay bangga sa mga sakayan ng mga holdaper na nagulat ng sunod-sunurin nito ang baga sa mga bulok na sasakyan ng holdaper. Natatawa naman si Athena na panay lang ang nguya ng bubble gum na nanonood ng eksena.
"Bob* ang puch-a!" bulalas ni Athena ng makitang nasira na ang unahan ng ferrari. Ginamit nitong pang bangga ang ferrari sa bulok na mga kotse. Naka sibat ang isang itim na sasakyan na nasa unahan pero ang pangalawa mukahang nasira. Pinag babaril ng mga ito ang kotseng ferrari ng mga babaan ang 4 na kalalakihan. Na nag takbuhan sa gawi ng truck n'ya na naramdaman n'yang nag akayatan sa likod ang 3 lalaki habang sumampa naman sa passenger ang isang lalaki na tinutukan s'ya ng baril sa ulo.
"Naku boss! Kung ako sa inyo alisin n'yo yang baril n'yo dahil baka kalabitin kayo ng kapwa n'yo."
"Andar bilis?' sigaw pa nito na idinuldol ang baril sa sintido n'ya." umikot ang matigas n'yang dila sa loob ng bibig n'ya sabay luwa ng nginunguyang bubble gum para timpiin ang sarili. Ayoko n'ya sa lahat yun ganitong aangasan s'ya mukhang amature naman sa mga masamang gawain.
"Saan pupunta?" tanong n'ya.
"Umandar ka na bilisan mo na." sigaw nito na ikisa na nito ang baril kaya binuhay na n'ya ang makina ng truck.
"Anak ka ng tatay mo nag tatrabaho ako ng maayos talaga naman idinamay n'yo pa ako." wika ni Athena ng pina andar na ang truck.
"Wag ka ng madaldal dyan bilisan mo na." muling idinuldol nito ang baril sa sintido n'ya habang nabiyahe na sila at dinig n'yang hinahabol na sila ng mga pulis dahil sa malakas na wang-wang.
"Bilisan mo sabi mahuhuli na tayo ng pulis." nag papalitan na ng putok sa likuran nila habang nag mamaneho lang s'ya ng normal at hindi nag mamadali. Anong gagawin n'ya e maraming sasakayan sa kalsada paano n'ya bibilisan.
"Bilisa____' iduduldol pa sana nito ang baril sa kanya ng hawakan na ni Athena ang dulo ng baril na agad nitong kinalabit ang gantilyo pero naitaas n'ya ang ulo ng baril kaya sa taas ng bubong yun tumama.
Paglingon ni Athena sa katabing holdaper na nabitawan na nito ang baril habang sakal-sakal ang sarili dahil hindi nito napag handaan na ang ulo ng kambyo n'ya at isang lihim na patalin na segundo lang laslas na agad ang leeg ng lalaking katabi na hindi nito inaasahan. Sumirit ang dugo nito sa salamin na ikinamura naman ni Athena dahil pati s'ya na lagyan ng dugo nito.
"Haizt! Sabi na kasi bagong-bago pa naman ang pantalon kong buwisit ka." ani Athena na kumuha ng tissue na naka patong sa dashboard. Nagulat pa si Athena ng bigla s'yang paputukan ng police car buti na lang sala ang tama ng bala pero nabasag ang salamin. Inis na tinapakan n'ya ang gas sabay malakas na ipinereno kaya nag talsikan ang mga lalaking sakay n'ya sa likod at bumangga sa likuran n'ya ang dalawang pulis car na humahabol.
Natawa pa si Athena ng 3 pulis car pa ang nasa unahan na ngayon ng truck n'ya at nakatutok na lahat ng baril ng mga ito kaya para wala ng gulo at wag ng dumanak ang dugo, dahil ayaw n'ya ng gulo at ma expose pa ang katauhan n'ya. Hanggat mamaari gusto lang n'yang mamuhay na parang ghost. Inilabas n'ya ang dalawang kamay sa ulunan n'ya ng isang pulis ang nag bukas ng pintuan n'ya habang naka tutok sa kanya ang baril. Tahimik naman s'yang bumaba na kinapkapan pa s'ya ng mga pulis.
"Sir patay na ang isang ito, may laslas ang leeg." sigaw ng pulis na tumingin sa isang holdaper na katabi n'ya sa passengerr seat.
"Anong ginamit mong pang laslas sa leeg n'ya?" galit na tanong ng Pulis.
"Kamay malamang." pabalang na sagot n'ya pero binatukan s'ya ng babaeng pulis na kasama ng mga ito na ikinagalit naman ng lalaking pulis na katabi n'ya na nag tatanong.
"Ayaw sumagot ng maayos Sir."
"Naku ma'am pulis brutality ang ginagawa n'yo sa akin."
"Mas masasaktan ka kung di ka sasagot ng maayos."
"Bakit ba galit na galit kayo sa akin asawa n'yo ba yung holdapper."
"Abat____." muli s'yang binatukan ng pulis na malakas na napasigaw at napatalon ng biglang mabunot ni Athena ang baril ng katabing pulis at ubusin ang bala ng magazine sa sahig sa paanan ng babaeng pulis. Napangiti pa si Athena ng makitang napa-ihi na ang babaeng pulis sa takot. Galit na galit naman na pinosasan s'ya ng pulis na may ari ng baril na itinulak na s'ya para pasakayin sa sasakyan ng mga ito.
***************
"Magkano?" gulat na bulalas ni Dean ng marinig kung magkano ang laman ng bank account ng babaeng driver ng truck na nahuli ng mga pulis na pinag hihinalaan na kasabwat sa bank robbery ng banko nila.
"Approximately 50 billion pesos sir."
"Driver ng truck may ganun kalaking halagang pera? paano nangyari yun imposible yun. May na hukay ka pa bang ibang detalye sa babaeng yun."
"Wala sir wala s'yang record na kahit ano mukhang illegal immigrant din s'ya rito sa Pilipinas pero inaalam na ng mga Pulis ang identity n'ya. What was her name again?"
"Athena Dimaunahan. Sir?"
'Age, address, occupation some personal data may alam ka ba?"
"Sorry sir, tulad ng sinabi ko wala s'yang identity maliban sa sinabi n'yang Athena Dimaunahan ang pangalan n'ya." nahulog naman sa malalim na pag iisip si Dean. Isang magandang babae na walang identity napaka imposible nun.
"Alamin mo lahat siguraduhin mo na malalaman mo. And make sure na hindi s'ya makakalabas ng kulungan, 20 Billion pesos ang natangay nila sa banko hindi ako papayag na hindi nila maibalik yun.'
"Yes sir."
-
-
-
-
-
-
-
-
Napangiti si Athena ng makita ang familiar na guwapong lalaki na ngayon ay naka upo sa visitor chair kasama ang isang abogado na madalas na kumausap sa kanya. 1 week na s'yang naka kulong dahil idiniin s'ya ng animal na guwapong lalaking ito na kasabay sa nakawan. Hindi s'ya nag sasalita dahil inaasa n'ya sa imbestigasyon ng mga pulis. Malinaw pa sa sikat ng araw na malinis ang alibi n'ya ng araw na iyon pero dahil sa letseng bank account na hindi n'ya alam kung saan nanggaling bigla s'yang nag ka pera na sobrang laki pa 50 billlion pesos. May idea naman na s'ya kung sino ang may pakana nun pero dahil hndi s'ya puwedeng mag salita nanahimik na lang s'ya.
"Hi crush!" bati pa n'ya sa guwapong lalaki na hindi man lang ngumiti pero nakatingin sa kanya ng deretso na parang pinag-aaralan ang personalidad n'ya.
"Pasado na ba ako parang maging misis mo?" wika pa ni Athena.
"There is no room for joke Ms. Dimaunahan," wika ng matandang lalaki na katabi ng lalaking guwapo na nalaman na n'yang Dean Andrew Montenegro Lagdameo. Kapatid ni Doc Abby na medyo ikinagulat n'ya ng una. Inilagay ng matandang lalaki sa harapan n'ya ang isang folder. Balewala naman n'yang tiningnan ang laman ng folder na ikinangiti n'ya. Mukhang sinusubukan talaga s'ya ng ama n'ya. Naroon ang lahat ng hidden identity na ginagamit n'ya para makapag lipat-lipat ng iba't-ibang bansa ng walang kahirap-hirap.
"Gustong malaman ng kiliyente ko kung alin d'yan ang tunay mong identity. Mas salita ka na lang Ms. Dimaunahan para bamaba ang sintensya mo sa kulungan." tumawa naman si Athena na tiningnan ang mga iba-ibang picture n'ya, kung saan-saan na lumilipat ang taling sa mukha n'ya iba-ibang hair style at hair color, iba-iba din make-up kaya na babago n'ya ang hitsura n'ya.
"Pipi ba s'ya? Bakit ikaw ang salita ng salita?"
"Hindi lang s'ya nakikipag-usap sa mga walang kuwentang tao." sagot ng abogado.
"Wow ha! Edukado ka pa ng lagay na yan."
"Mag salita ka na lang para hindi na humaba ang usap na ito." itinulak naman ni Athena nag folder.
"Bakit kapag ba sinabi ko ang totoo, palalayain n'yo ako dito." tanong ni Athena na nakatingin kay Dean na nakatitig naman sa kanya pero wala naman ka rea-reaction. Para itong robot or tuod na puno na nakikinig lang sa usapan nila ng abogado nito.
"Wag kang mangarap ng imposible Ms. Dimaunahan. Hanggang di mo itinuturo kung saan mo dinala ang lahat ng pera o kung sino ang mga kasabwat mo mabubulok ka na sa kulungan.
"Magkano ba ang nanakaw na halaga?"
"20 Billion pesos."
'Ang liit naman pala gusto n'yo kunin n'yo na yung laman ng bank account ko na nakuha n'yo. Keep the change pa?" ani Athena.
"Kailan ka namin puwedeng makausap ng matino? Babalik na lang kami kapag matino ka ng kausap." wika ng lalaking guwapo na ikinangiti ni Athena.
"Wow! Ang ganda naman ng boses mo bagay na bagay sa tindig mo pero tingin ko mas bagay ka sa akin." wika pa ni Athena.
"Let's go Atty. Jornales, we're just wasting our time here." wika ni Dean na tumayo na ng tuluyan.
"Kapag na jebs lang ako saka lang ako na giging seryoso paano tayo makaka-usap pag ganun."
'Anong Jebs?" salubong ang kilay na tanong ni Dean agad naman lumapit ang abogado at may ibinulong. Galit naman na tiningnan s'ya ng lalaki.
"Your a trash."
"Am I? Oh my God!" napahawak pa si Athena sa tapat ng dibdib n'ya.
"Puwede bang maging basurero ka na lang?" ngisi pa ni Athena napailing naman si Dean na tuluyan na tumalikod.
"Dean Andrew Lagdameo." tawag naman ni Athena rito na ikinalingon naman nito bigla na halatang nag tataka marahil kung bakit alam n'ya ang buong pangalan nito.
"Tinatanong mo diba ang totoong pangalan ko?" aniya na tumayo na sa pamulsa sa suot n'ya orange na pajama.
"Athena ... Athena Dimaunahan Lagdameo, your future wife." pilas na pilas naman ang mukha ni Dean na napapailing na lang na tumalikod na parang inis na inis sa sagutan n'ya. Napangiti naman si Athena pero unti-unti na bura ang ngiti n'ya ng mawala ito sa paningin n'ya.
"Magtago ka na loverboy! pag labas ko dito palalangawan kita sa bangketa." ani Athena sabay talikod para lumabas na sa visitor area. Ngunit sinalubong naman s'ya ng mga pulis na may mga star sa kuwelyo.
"Mamayang gabi lalabas ka at malalaman ng lahat na namatay ka sa loob ng kulangan. Bumalik ka na kay Emperor ng tapos na ang __________." hindi nito na tapos ang sasabihin ng biglang umigkas ang kamay n'ya saka sinapak ito ng malakas sa mukha na ikinabagsak nito ng walang malay.