Episode 6-Bingo

1559 Words
“Nakita mo ba kung kanino naka rehistro ang plaka?” galit na tanong ni Dean ng pumasok si Connor sa office n’ya. Grabe talaga yung kaba n’ya kanina buong akala talaga n’ya maaaksidente na sila. Ang galit n’ya kay Doughlas kanina dahil sa bilis nito mag patakbo malayo pa man sila sa exit kanina sinabihan na n’ya ang driver na mag dahan-dahan sa pag mamaneho. Pero kanina talaga malayo pa lang tanaw na n’ya ang parating na humahagibis na big bike na parang nasa isang racing ang takbo, kaya timano na isigaw na n’ya na mag preno ang driver dahil kita n’ya ma cu-cut nila ang motor pero instead na mag preno mas binilisan pa nito ang takbo kaya naman nanliit na lang s’ya. Buti na lang mukhang alerto din ang driver ng pula at puting big bike, ang lakas ng preno nito na kumapit talaga sa kalsada na halos ikinataas na ng gulong ng motor sa hulihan. Kung mahina hina siguro ang grip ng driver nun tiyak na sumemplang na at bali-bali ng buto kung nag kataon. “Yes sir! At hindi kayo makakapaniwala sa nalaman ko.” ani Connor. “Sabihin mo na. Wag ka ng pa suspense.” ani Dean habang nakaharap sa monitor ng computer n'ya. “Si Athena Dimaunahan ang may-ari ng plaka sir." napahinto sa pag pindot sa keyboard si Dean sa narinig at napatingin sa secretary. "Sigurado ka?" "Yes sir." ''Pahingi ng details ng motor ngayon na." mabilis na utos ni Dean sa secretary na nag mamadali naman bumalik sa table nito sa labas. Segundo lang na i-send na sa kanya ni Connor ang hinihingi n'ya na agad naman n'yang hinanap sa listing n'ya dahil s'ya ang pinaka malaking dealer ng mga hybrid na big bike na nanggagaling pa ng ibang bansa na ipinaapasok sa Pilipinas. Agad n'yang hinanap ang pangalan ni Athena sa listahan pero wala s'yang makitang pangalan ni Athena. Kaya ang chasis number at engine number na lang nito ang hinanap n'ya. "Bingo." ani Dean ng sa wakas nakita na n'ya ang personal details ni Athena na ginamit nito sa pag bili ng motor at cash pa nitong binili ang naturang motor sa isa sa mga branch n'ya sa Makati at 16 years old pa lang ito ng bilihin ang motor. "Yna Federico, is that your real name bakit pakiramdam ko hindi pa rin." ani Dean habang nakatingin sa maliit na picture ni Athena na nasa data base n'ya na batang-bata pa sa picture. Sa tinagal-tagal nilang kinalkal ang personal data nito wala silang nakita, yung pala nasa data base lang n'ya ito at nakapag purchase pa ng pinaka mahal n'yang brand ng motor. Inangat n'ya ang phone at may tinawagan na tao. "Do it silently, ayoko na may ibang makakaalam maliban sa ating dalawa, na iinintidihan mo ba." ani Dean sabay baba ulit ng phone na napatingin sa scren ng monitor n'ya. - - - - - - - - Tahimik na nakain si Athena ng lunch kasama ang ina na naki-usap na makipag kita at napilitan na s'yang paunlakan ito para hindi na ito mangulit. Hindi rin naman s'ya nito titigilan na sisigurado n'ya lalo pa't nalaman nitong matagal na pala s'yang nasa Pilipinas. "Sabihin n'yo na ang gusto n'yong sabihin para maka-alis na ako. Busy akong tao?" magaspang na sagot n'ya rito. "I'm sorry pero puwedeng umalis ka na dito sa Pilipinas bumalik na kayo ng Papa mo sa Cuba." natigil sa pag subo ng pagkain si Athena. Sanay s'ya sa physical na sakit pero hindi s'ya sanay sa mga ganitong usapan. Usapang pang pamilya na sukang-suka talaga s'ya sa totoo lang pero bawat salitang binitawan ng ina mas matindi pa sa sakit na idinulot sa kanya ng ama. "Ako ang mag dedesisyon para sa sarili ko, hindi si Papa at mas lalong hindi ikaw." matigas na sagot n'ya habang naka yuko ng ulo. "Ayoko ng gulo Athena paki-usap." kinagat naman ni Athena ang dila para pigilan ang sarili na murahin ang sariling ina. "Masaya na kami ng pamilya ko, hindi nila alam ang tungkol sa'yo. Hindi nila alam na may anak ako sa naging unang asawa ko." binitawan ni Athena ang hawak na kutsara at tinidor. "At wala din naman nakaka alam na ina ko kayo kaya anong pinag-aalala n'yo." "Ang papa mo, mang gugulo s'ya at ayoko_______." "Wala akong paki-alam sa away n'yo ni Papa, wag n'yo akong idamay sa issue n'yo. I was 6 years old ng iwan n'yo tingin n'yo may karapatan pa kayo na utusan ako." "Hindi kita inuutusan Athena, I'm asking you a favor na umalis ka na bago______." "Hindi ako aalis dahil sa inutos n'yo. Walang makakapag paalis sa akin dito kahit pa kayo pa." "Your father is going to ruin my family using you kaya nakiki-usap ako Athena." wika pa ng ina na kinuha ang kamay n'ya na nasa ibabaw ng mesa. "Please anak. Ikaw na ang kusang umalis hmmmm." napakagat ng labi si Athena saka galit na tumayo at binawi ang kamay sa ina. Ayaw n'yang umiyak dahil talagang hindi n'ya gawain yun. Tatay nga n'ya hindi s'ya mapaiyak pero ang matandang babaeng ito konting salita lang nito pakiramdam n'ya sinasaksak nito ng paulit-ulit ang puso n'ya. Kaya bago pa s'ya tuluyan na mapaiyak tatalikuran na lang sana n'ya ito pero isang bulato ng katawan ang nakipag patintero sa kanya kaya biglang umurong ang luha ni Athena na napikon sa lalaking humarang sa daraanan n'ya. Kaya inis na nahablot n'ya ang suot nitong necktie saka hinila pero bigla natigilan si Athena ng maka tapat ng mukha n'ya ang mukha ni Dean ng hilahin n'ya ito sa necktie. "Pangit mo pala kapag umiiyak." wika pa nito na halos tumama na ang hininga nito sa mukha n'ya. Galit na patulak n'ya ito binitawan. "Dean Hijo," gulat na usal ng ina ni Athena na napatayo. "Mag kakilala kayo?" kita ang kaba sa mukha ng ina ni Athena na sasagot na sana para sabihin na hindi pero nagulat s'ya ng magsalita si Dean. "We're enemies, diba Andres." usal pa ni Dean na ikinatingin ni Athena rito. Hindi s'ya na tuwa sa pakikialam nito kaya imbis na sumagot rito tinabig n'ya ito na mukhang personal pang kakilala ang ina n'ya sabay walk out. "Matapang ka diba? Bakit hindi ka lumaban dun." tanong ng isang boses na nakasunod sa kanya. Napatingala sa langit ni Athena, wala s'ya sa mood na makipag bardagulan dito at anong drama nito. Suplado ito sa pag kakaalam n'ya pero anong sanib na meron ito ngayon at nakikipag-usap pa. "Puwede ba wag kang makialam sa buhay ko! Wala kang pakialam." ani Athena na sumakay na ng motor n'ya. "Yna Federico." usal ni Dean na ikinatigil ni Yna sa pag susuot ng helmet na napatingin kay Dean na ngumisi. "So, real name mo na talaga ang Yna Federico base sa reac________." nagulat si Dean na napahawak sa dalawang kamay ni Athena na humablot sa kuwelyo ng longsleeve na suot. "Anong gusto mong mangyari?" mariin na tanong ni Athena. "Ayoko lang yung na cucurious ako, ayoko lang na nag-iisip dahil walang taong walang identity." "Makinig ka! Minsan ko lang tong sasabihin sa'yo. I really killed people and I'm expert, why don't you asked your sister ng malaman mo kung gaano ako kasamang tao. Kaya kung ako sa'yo tumigil ka na dahil walang magandang idudulot sa'yo ang pagkalkal sa pagkatao ko." galit na itinulak n'ya itong muli. "Kilala ka ng Ate ko?" "Isa s'ya sa taong patay na sana ngayon kung 'di lang matibay ang angkan n'yo." Galit na hahawakan sana s'ya ni Dean pero mabilis na nabunot ni Athena ang baril na laging dala at itinutok sa noo ni Dean na nagulat. "Athena." malakas naman na sigaw ng ina na palabas ng restaurant na pinang galingan nila. "Wag kang maki-alam sa buhay ko kung ayaw mong araw-araw bangungutin. Lagdameo!" ani Athena sabay tago ng baril at nag mamadaling isinuot ang helmet at nag mamadali ng umalis bago pa makalapit ang ina. Napasunod na lang naman ng tingin si Dean sa dalaga na umalis. "Are you okay Hijo, I'm really sorry." wika pa ng ginang na makalapit. "I'm okay Mrs. Benitez." "Bakit ka nga pala nandito may date ba kayo ni Deborah?" tukoy nito sa anak nito na fiancee naman n'ya. "Wala po may meeting lang po ako with Noahlyn." tukoy naman n'ya sa bestfriend ng anak nitong si Deborah. Napatango naman ang ginang. "Ahmm! Dean hijo, kanina ba may narinig ka sa pinag usapan namin ng babaeng inabutan mo." hindi agad naka sagot si Dean pero umiling s'ya pero kanina pa s'ya sa kabilang mesa at nakita n'ya ito ng dumating s'ya. Babatiin sana n'ya ito pero nakita n'ya kung sino ang kasama nito kaya naupo na lang s'ya sa likod na mesa ng mga ito at dahil sa yari ng mga table and chair hindi nila makikita ang isa't-isa at na dinig n'ya ang usapan ng mga ito. At kaya s'ya lumabas ay para sana hilahin na si Athena dahil s'ya mismong hindi involve sa usapan na sasaktan s'ya sa naririnig ito pa kaya. Sakto naman na mag wawalk out na din pala ito. "Ku...Kung meron ka man na narinig na ano man, maari bang wag mo ng banggitin kay Deborah or kay Noahlyn." paki-usap naman nito na pinag taka n'ya pero tumango na lang s'ya. "Maraming salamat hijo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD