Episode 7- The kiss

1438 Words
"Kilala mo si Athena, Ate?" napaangat ng tingin si Abby na napatingin sa kapatid habang nag didilig ng mga halama n'ya. "It's been 5 years Dean, hindi ka pa rin ba natigil sa pagkalkal sa buhay ni Athena?" galit na tanong ni Abby na pinatay ang gripo, napasunod naman si Dean sa kapatid na halatang gustong umiwas sa topic na gusto n'yang buksan. "I'm done but I need to know something." "Wala s'yang kinalaman sa bank robbery 5 yrs ago at yes I know her, we know her." pag didiin ni Abby sa salitang we. "Pero hindi kami naki alam sa judgement mo dahil we don't want to mess up with her not because we're afraid of her but we're afraid that we might hurt her." kumunot ang noo ni Dean sa sinabi ng kapatid. "She said patay ka na kung di dahil sa pamilya natin. Iyon ba yung ginamitan ka nila ng ASBIO noon." tumingin si Abby sa kapatid. "Kung ano man ang gusto mong gawin involving with Athena. Stop it! Dean hindi kami papayag." "Ano ba sa tingin mo ang gagawin ko?" "Your engaged to be married with Deborah baka na lilimutan mo." "Na kapatid ni Yna." sagot naman ni Dean na ikinagulat ni Abby na ikinalingon sa kapatid na kunot ang noo. "Anong ibig mong sabihin?" "Her name is Yna Federico, anak s'ya ng ina ni Deborah sa unang asawa but I also heard na iniwan n'ya ang anak n'ya when Yna is only 6 years old and got married again after 1 year." pagak naman na tumawa si Abby. "Obssess ka ba kay Yna?" this time si Dean naman ang kumunot ang noo at nag salubong ang kilay. "Stop it! Kapatid. Hindi si Yna ang tipo ng babaeng mapapayuko mo, hindi s'ya ang tipo ng babae na mapapasunod mo sa rules mo. Kaya bago ka pa matuluyan rendahan mo na yan dahil ako na ang nag sasabi sa'yo." ani Abby na dinuldol ang dibdib ng kapatid. "Dahil baka sa huli mahirapan ka ng pigilan kung ano man yan." "Ano bang pinag sasabi mo." tumawa si Abby. "Hindi ka ba aware sa mga pinag gagawa mo, una pinakulong mo s'ya kinalaban mo sila Jasper at Jigger maipakulong mo lang si a Athena, kinalkal mo lang ng personal data n'ya pero wala kang makuha. Napatunayan na wala s'yang kasalanan pero wala kang ginawa. Still tuloy ka pa rin sa pag hahanap ng tunay n'yang katauhan, bakit? obssession na ang tawag d'yan Dean Andrew." hindi naman umimik si Dean. "Her background is a mess. Unless gusto mong linisin yun ang tanong bakit?" huminga naman ng malalim si Dean saka tumalikod. "Oh! saan ka pupunta? Wag kang umiwas sa tanong ko Kapatid." ngisi ni Abby na sinundan ang kapatid palabas ng villa, weekend ngayon kaya nasa Enchanted Ville sila para bisitahin ang mga negosyo nila na naka tayo dun. "Aalis na ako." "Hindi! Pag-usapan natin si Athena, tutal mukhang adik ka na sa kanya. Anak s'ya ni Emperor at kung anak s'ya ng ina ni Deborah , ibig sabihin kilala ng mother-in-law mo na hilaw ang notorious serial killer na si Emperor. Na gumagamit ng bata para sa mga pang sariling kademonyohan." ani Abby. "I'm done digging." ani Dean na tumalikod na at kinawayan na lang ang kapatid habang palabas ng villa nito. - - - - - - - - Sinuntok-suntok ni Athena ng mahina ang sikmura n'ya saka napapangiwi. Naparami yata ang inom n'ya ng alak binuwisit kasi s'ya ng lalaki sa bar, nanahimik s'ya hinamon s'ya ng inuman for 30k which is alam n'ya kung anong binabalak nito. Na basta may alak may balak kaso ang malas lang nito dahil s'ya ang na tripan. Tuloy nagka 30k s'ya ng walang kahirap-hirap yun nga lang sumakit ang sikmura n'ya sa kabusugan kaya parang gusto n'yang sumuka. Meron s'yang ethanol resistant disorder tubig ang panglasa n'ya sa kahit anong klase ng alak na nakakalasing pero kapag kumain s'ya ng kanin dun s'ya nakakaramdam ng pagkalasing. Ewan n'ya basta ganun ang problema n'ya kaya never s'yang kumain ng carbohydrate kahit anong klaseng carbo. Kaya more on meat, fish and some veggies lang s'ya. Napapikit na sinapo na n'ya ang sikmura na isinubsob ang ulo sa upuan ng motor n'ya, susuka talaga s'ya kailangan n'yang mailabas ang laman ng tiyan n'ya. Dahil pahihirapan talaga s'ya nito kapag hindi n'ya na isuka ang laman ng tiyan n'ya. Nagulat pa na napaangat ang ulo ni Athena ng bigla may humila sa hawak n'yang helmet at inalis ang susi sa susian ng motor. "Tangi*a Bonifacio!" inis na bulalas ni Athena ng makita nanaman si Dean na napapadalas yata ang biglang pag sulpot sa harapan n'ya. Ang sabi n'ya s'ya ang mang bubuwisit rito pag labas n'ya ng kulungan pero hindi pa s'ya prepare dahil sa magulang n'yang bigla din nanggugulo sa buhay n'ya. Hindi naman n'ya akalain na ito ang mangbubuwisit sa kanya, wala pa s'ya sa mood makipag bardagulan dito. Naka beast mode pa s'ya baka ito ang samain sa kanya kapag hindi ito umilag. "Your drunk hindi mo kayang mag motor." "Eeeeeee anong paki-alam mo." gigil na sigaw n'ya rito na pilit na kinukuha ang helmet n'ya na kinuha nito. "Wala akong paki-alam pero soon magiging sister-in-law kita kaya kahit ayoko kailangan kong maki-alam." ani Dean na tinawanan ni Athena. "Hahaha! Wala akong kapatid gag*. Akina yan!' "Hindi ako bingi narinig ko lahat ng pinag-usapan n'yo." "Hindi ka bingi pero tang* ka!" ani Athena, itinaas ni Dean ang helmet at dahil may katangkaran si Dean at s'ya ay 5'5 lang ang height nag mukha s'yang bansot sa kapre na ito. "Isa, dalawa! Akina yan.." "Ihahatid na kita, hindi mo___________ahhh fu*k!" sigaw ni Dean na nagulat ng walang ka abog-abog na dakutin ni Athena ang dragon ball ni Dean. "Sakit ba!" tanong ni Athena na hinablot rito ang helmet n'ya. "Susi." inilatag n'ya ang kamay sa harapan nito habang nasigaw na si Dean sa sakit dahil mas diniinan n'ya ang pag pisa sa itlog nito. 'F*ck! Athena..." "Susi!" sigaw ni Athena na agad naman dinukot ni Dean sa bulsa at inabot sa dalaga saka pa lang binitawan ni Athena ang dragon ball ng binata na mabilis ng sumakay sa motor. Pero bago pa maka alis si Athena mabilis na naka lapit si Dean at galit na hinablot nito ang batok n'ya sabay hila sa kanya at siniil s'ya ng halik sa labi. Sinubukan n'yang suntukin ito sa tagiliran pero malakas ang kamay ni Dean na napigilan ang kamay n'ya. Hindi s'ya makakilos ng ayos dahil naka sakay na s'ya sa motor n'ya. Tataob si white hawk kapag nanlaban s'ya magagasgasan ang baby n'ya. Mariin s'yang napapikit ng maramdaman ang dila ni Dean sa loob ng bibig n'ya. - - - - - -- - Parehas na nag kakandatutuwad si Dean at Athena sa pag tawag ng uwak habang nag susuka sa gilid ng parking lot. Tuluyan ng bumaligtad ang sikmura ni Athena dahil sa pang hahalik ni Dean malas lang nito dahil ang mismong bibig nito ang naging toilet bowl n'ya. Dala siguro ng labis na pang didiri pati ito nag kandasusuka na din kasabay n'ya, panay ang sipa n'ya sa binti nito dahil pina lalayo n'ya ito. Parehas na naka tukod ang mga kamay nila sa kanya-kanyang tuhod habang naka tuwad. "Nakakadiri ka!" sigaw ni Dean ng sapo ang sikmura ng mahimasmasan. Imbis naman na magalit malakas naman na tumawa si Athena. "First kiss mo?" tanong pa ni Athena na natatawa. "Gusto mong mag honeymoon?" "Maghanap ka ng kausap mo." nakasimangot na wika nito habang hinihimas ang tiyan. "Stay away from me." "Paano kung ayoko." banat naman ni Dean na napatingin sa kanya. "Diba sinabi mo kanina narinig mo ang usapan namin ng matandang babae nakita mo." hindi naman naka imik si Dean. "Yes! She's my biological mom at malinaw mo naman siguro na narinig she's doesn't want me here. Kaya stay away from me dahil kung ayaw ng ina ko na mag ka problema sa akin mas ayokong mag ka problema sa pamilya n'ya." "Bakit?" "Sino ka para sabihin ko sa'yo ang problema ko sa pamilya ko?" "Magiging isang pamilya din tayo soon." pagak naman na tumawa si Athena. "Wala akong pamilya tigilan mo ako." "Ina mo pa rin si Magdalene Benitez at parte ka parin ng Brichmore family whetheryou like it or not." mariin na wika ni Dean na ikinakuyom ng dalawang kamay ni Athena. "Hindi ako parte ng kasing kaninong angkan. Itatak mo yan sa kokote mo." galit na wika ni Athena sabay sakay ng motor n'ya at hindi na ito hinayaan na pigilan pa s'yang umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD