"Wag mong sagarin ang pasensya ko Athena, pag sinabi kong lumabas ka d'yan, lumabas ka d'yan." gigil na sigaw ng ama siguro kung kaharap n'ya ito naihataw nanaman sa ulo n'ya ang tungkod nito.
"Bakit sino ang gagamitin mo panakot sa akin ngayon?" nakangising tanong ni Athena.
"Papatayin ko ang lahat ng tauhan mo."
"Go ahead paki-alam ko ba sa kanila lahat, they are bunch of people na mga patapun na ang buhay tingin n'yo may paki-alam ako kung mamatay silang lahat. Hinahamon kita Dad gawin mo, wag yung puro pananakot ang gagawin n'yo pero ito ang tandaan n'yo Dad oras na may kantiin kayo kahit isang tao na konektado sa akin may paki-alam man ako o wala. Papatayin ko ang lahat ng pulis dito sa loob ng kulungan, i mamasacre ko silang lahat dito hanggang sa hatulan ako ng bansang Pilipinas ng kamatayan. Hindi n'yo naman siguro gusto na mamatay ang unica hija n'yo." kinindata pa ni Athena ang police general na naka upo sa likod ng mesa. Kausap n'ya ang ama n'ya habang taas paa pa s'ya sa mesa nito habang naka upo. Naka ipit lang sa balikat n'ya at ulo ang cellphone ng general na ipinagamit sa kanya. Hawak n'ya ngayon ang parole notice na galing sa presidente ng Pilipinas, pinunit punit n'ya iyon ng maliliit habang binibilog na ipinapatong isa-isa sa mesa.
"Athena."
"Wag n'yo akong subukan Dad, gusto n'yo bang unahin ko na itong general na tuta n'yo na nag pahiram ng cellphone sa akin."
"Hindi kita inalagaan ng ganyan kung mag papakulong ka lang bob* ka!" sigaw pa ng ama na tinawanan ni Athena.
"Relax Dad, masyado naman kayong magagalitin." ngisi ni Athena pero natutuwa s'ya marinig ang boses ng ama na puro mura.
"Wala ka ng pinag ka iba sa mommy mo, parehas na kayong dalawa."
"Mas mabuti ng kay Mommy nag mana kesa naman sa inyo."
"Mag-ingat-ingat ka sa pananalita mo Athena baka na lilimutan mo kung sino ako?" sigaw pa rin ng ama.
"Mabuti pa ibaba ko na baka ma stroke pa kayo mapilitan akong lumabas ng kulungan."
"Engrata, may binigay akong files kay Renan. Basahin mo at gusto ko landiin mo s'ya pag labas mo ng kulungan byudo s'ya at anak ng isang kilalang angkan d'yan sa Pilipinas. Kailangan ko ang kapangyarihan ng angkan nila para palakasin ang hukbo ko." natawa naman si Athena.
"Bahala na nga kayo sa buhay n'yo. Intayin n'yo kung kelan ko gustong lumabas." pinatay na n'ya ang phone saka tamad ng tumayo.
"Ito yung folder na pinabibigay ni Emperor." nahintatakutan na inabot nito sa kanya ang folder. Kinuha naman n'ya iyong saka binasa.
"Dale Andrew Montenegro Lagdameo, ayos si Bayaw pala ito. Ano daw gusto ni Daddy na gawin ko sa lalaking to landiin?" tanong pa n'ya sa general.
"Oo, dahil makapang________.'"
"Aware ba kayo na kapatid ni bayaw yung mapapangasawa ko?" kumunot naman ang noo ng general na salubong pa ang kilay.
"Hay ang bob* naman!" inihagis ni Athena ang folder pabalik sa mesa nito.
"Si Dale at Dean mag kapatid. Kilala mo si Dean?" umiling naman ang general na nag-aalangan.
"Ano bayan, si Dean ang lalaking nag pakulong sa akin kaya gusto ko s'yang pakasalan kaya sabihin mo kay Dad, may mamanugangin na s'ya okay. At ayoko sa byudo matakaw yan sa s*x sigurado at I hate s*x dadami lang ang lahi ng diablo. babuu!" balewalang wika ni Athena.
"Seryoso ba s'ya pati love life ko pakiki-alaman n'ya," bulong pa ni Athena habang nag lalakad ng makarinig na parang may sigawan sa loob ng tahian kung saan ang mga presong babae ay nag tatahi ng mga basahan na ititinda para maging extra budget ng kulungan para sa mga babae. May iba-ibang puwedeng gawin trabaho sa loob ng kulungan para sa ibang babae may kakayanan mag trabaho.
Hindi na sana n'ya papansinin ang gulo na madalas naman mangyari dahil marami talagang maton sa loob, sa kanya lang hindi makapalag ang lahat at kita na malakas ang kapit n'ya sa higher ups. Pero natigilan s'ya sa pag hakbang ng matanaw kung sino ang pinag tutulungan nanaman ng mga ito. Huminga s'ya ng malalim ng makita si katelyn na naka lugmok na sa sahig na tinatakpan lang ang mukha habang pinag sisipa ng mga kapwa preso.
Pikon na pikon na rin s'ya kay Katelyn gusto na rin n'yang makisipa rito matagal na kaso nag titimpi lang talaga s'ya. Sa kagustuhan nitong maka kuha ng parole at makalaya kahit binubugbug na ito at pinag lalaruan ng mga kapwa preso. Tinitiis nito dahil ayaw nitong magkaroon ng demerit at maging dahilan pa ng pagtagal nito sa loob ng kulungan. Nakuha na ang baby nito nung nakaraan buwan pa ng pamilya nito. Kaya gustong-gusto na nitong lumabas ng kulungan para sundan ang anak na aawa s'ya rito at na iinis. Inis na humakbang s'ya papasok. Isang pulis naman ang pumigil sa kanya na ikinakunot ng noo n'ya na napatingin rito.
"Wag ka ng makigulo sa gulo hayaan mo na lang dahil binayaran ang mga yan para pahirapan si MT107."
"At bakit?"
"Usapang pamilya ang kapatid mismo n'ya ang nag-utos na tirahin s'ya rito sa loob." pagak naman na tumawa si Athena. Ano pa bang aasahan n'ya sa salitang pamilya.
"Athena." pigil pa nito pero tinabig lang n'ya ang kamay nito.
"Sinabi na tumigil ka." inilabas ng warden ang baril at itinutok sa kanya pero umangat lang ang kamay n'ya at saglit na nahawakan ang baril na nanlaglag ang mga parte.
"Kung hindi n'yo kayang baguhin ang bulok n'yong systema dito sa loob puwes ako ang mag babago." mariin na wika ni Athena saka lumapit kay Katelyn at ginamit ang katawan para protektahan ito. Nag alis ng braso sa mukha si Katelyn na duguan na din ang mukha habang umiiyak.
"Bob* ka! Wala kang utak! Mamatay ka sa ginagawa mo. Hindi ka makakalabas dito maniwala ka, dahil hindi iyon hahayaan ng pamilya mo." wika ni Athena na nag angat ng ulo ng maramdam na humto bigla ang panipa sa kanila.
"Ano tapos na ba kayo?" nag katinginan naman ang mga presong nanakit kay katelyn.
"Lahat na ayaw madamay lumabas." sigaw ni Athena. Agad naman nag tayuan ang mga preso na nasa kanya-kanyang makina. Nagkatinginan naman ang mga bantay na pulis at hindi alam kung sino ang lalapit.
"Mayabang kang masyado Athena porket general ang ahhhhgggggg." hindi na tapos nito ang sasabihin ng dakutin n'ya mismo ang esopagus nito sa leeg at mahigpit iyon hinawakan. Sasaklolohan sana ito ng mga kasamaha ng madampot n'ya ang gunting at mabilis na sinaksak ng sunod-sunod ang 4 na babaeng nasa paligid n'ya. Na isa-isang nag bagsakan sa tabi ni Katelyn na takot na takot na nakatingin sa mga nakabulatang babae.
"Subukan n'yo pang mag gulo sa loob ng distritong ito, titiyakin ko sa inyo kamatayan n'yo na ang kasunod na engkuwentro natin." ani Athena saka binitawan ang pinaka leader ng gang na madalas na mag bugbog kay Katelyn. Bumagsak itong walang malay sa sahig. Agad naman nag lapitan ang mga pulis roon, takot naman na matingin sa kanya si Kate, yumuko s'ya para mag pantay ang mga mata nila.
"I told mamatay tao ako kaya ako nasa loob ng kulungan." wika lang n'ya sabay tayo at lumabas ng bulwagan na iyon na nasipol pa.
******************
"Wala ka pa rin nakukuhang impormasyon tungkol sa kanya?" galit ng tanong ni Dean sa abogado.
"Wala pa sir pero may problema tayo?" kumunot naman ang noo ni Dean.
'"Ano nanaman?'
"Nahuli na yung mastermind na nag nakaw sa bank n'yo sir."
"Anong problema dun edi mabuti."
"Walang kasalanan si Ms. Dimaunahan sa kasong isinampa n'yo." hindi naman nakasagot si Dean. It's been a year mahigit na kung tutuusin. Ngayon lang nahuli ang tunay na salarin.
"Makakalaya na s'ya kung ganun." umiling naman ang abogado.
"Bakit?"
"Hindi ako sigurado pero ang rinig ko may general na comatose ngayon sa hospital after tamaan ng dart sa noo."
"What? Dart as in dart." hindi pa makapaniwalang tanong ni Dean.
"Yes sir, hindi pa malaman kung aksidente ba o sinadya."
"Sinong general?"
"Gen. Ramil Borja." napatingin pa si Dean sa intercom ng umilaw.
"Yes, Rowena." sagot n'ya sa scretary n'ya.
"Sir Line 2, Mr. Borja is on the line." sagot ng secretary. Napatingin naman si Dean sa abogado, akala ba n'ya comatose ito at bakit s'ya tatawagan ng isang general. Tungkol ba ito kay Athena.
"Yes hello." kumunot naman ang noo ni Dean ng dial tone na lang ang narinig pero naramdaman naman n'ya ang pag vibrate ng personal phone n'ya nag ring. Kumunot ang noo n'ya ng makitang Vcall iyon ng isang restricted number nag tataka man pero sinagot na lang din n'ya. Ngunit ng magulat s'ya ng makita si Athena Dimaunahan.
"Hello loverboy."
"Hindi ko alam kung paano mo nakuha ang line number ko? Pero wala akong panahon na makipag-usap sa'yo."
'Teka lang naman masyado ka naman nag mamadali may sasabihin lang ako at gusto kong makinig kang mabuti." anito hindi n'ya pinatay ang Vcall pero hindi rin s'ya tumingin dahil na aasiwa s'yang tingnan ang hitsura nito. Naka army cut kasi ito ngayon na halos kalbo na tapos kulay pula pa ang kulay ng buhok nito. Kung hindi lang ito maganda. Mukha itong palito ng posporao.
'Tigilan mo na ang pagkalkal sa pagkatao ko, dahil hindi ka matutuwa kapag nalaman mo kung sino at kung anong klaseng tao ako."
"Anong klaseng tao ka ba talaga?" tanong naman ni Dean, pinindot naman nito ang back camera kumunot pa ang noo n'ya ng makita ang picture n'ya na mukhang pinunit pa sa isang magazine na nakadikit sa likod ng pintuan. Isa-isang may lumipad na dart at sa pagitan ng mata n'ya tumatama ang dart. Kitang si Athena ang bumabato ng dart dahil sa pag kakaayos nito ng camera. Napasinghap pa si Dean na napa-angat ang puwet ng biglang bumukas ang pinto muntik ng tamaan sa noo ang pulis na pumasok kung 'di lang ito naka-ilag.
"So, paano loverboy titigil ka na ba? O gusto mong habang buhay ng comatose."
"Tinatakot mo ba ako?" galit na tanong ni Dean.
"Bakit naman kita tatakutin e balak nga kitang mahalin pag labas ko dito?"
"Hindi kita hahayaan na makalabas d'yan." tumawa naman si Athena.
"Talaga ba? bakit natatakot ka ba na makalabas ako?"
"At bakit naman ako matatakot sa'yo?"
"Dahil ako si Andres at ikaw si Bonifacio. Ikaw ang napili kong tutulong sa akin para itatag ang isang revolution na ___ay! Isang kalahati talaga gung-gong pinatayan ako ng phone." inis na wika ni Athena ng mawala sa linya si Dean ng idial n'ya naka block na s'ya. Napangiti naman si Athena saka nangalumbaba.
"Parang gusto kong mag sulat ng novel. Akin na nga lang to?'" ani Athena na dinampot ang ballpen at isang notebook na naroon sa mesa." saka tumayo at nilampasan na lang ang pulis na nag yuko pa ng ulo. Preso s'ya pero mas takot pa sa kanya ang pulis ibang klase talaga karakas ng ama n'ya.
"haizt!"